Kabanata 2
Pagkalabas ko, may mga tao pa rin na nagkukumpulan sa tapat ng bahay nila Aling Erlina. Sakto namang may dumaan sa lugar namin na tricycle kaya sumakay na kami ni Milen sa bandang gilid——sa tabi mismo ng driver. Nang makaupo na kami, nagsimula na itong pa andarin ang tricycle.
Habang nasa byahe, napapaisip ako na bilhan si Gelo ng relo. Bukas na rin kasi ang kaarawan nito kaya dapat may iregalo ako sa kanya bukod sa sarili ko.
"Milen pagka out natin sa trabaho daan muna tayo sa mall. Gusto kong bilhan si Gelo ng relo dahil bukas na kasi ang kaarawan niya." Ani ko.
"Sige." Tanging sagot niya.
Ibinaling ko ang tingin sa paligid. Hindi naman sobrang mabilis magmaneho yung driver kaya kahit pa paano nakikita ko pa rin ang mga kaniya-kaniyang ginagawa nang mga tao. May mga taong palakad lakad, at meron namang iba na may pinagkakaabalahan.
Nabaling ang atensyon ko sa mga taong nakaputi na naglalakad. Nasa unahan nito yung sasakyan na mabagal ang pagkakamaneho-sakay sakay ang isang kabaong na naglalaman ng bangkay ng isang tao.
Nakaramdam ako ng pagkalungkot. Naiisip ko na sobrang hirap mawalan ng mahal sa buhay. Hindi ko na siguro kakayanin pa kung may mawala pang mahahalagang tao sa akin . . .
Napukaw nang atensyon ko itong nakita kong lalaki na naka itim. Tumingin ito sa direksyon ko at nakita ko si Gelo. T-teka pa paanong nandoon siya?
"Milen si Gelo nandoon oh!" Tawag ko kay Milen sabay tingin ulit kung na saan si Gelo.
Hala? Nasaan na siya?
"Nasaan? Wala naman ah! Guni-guni mo lang yun, Tal!" Sabi nito.
"Nasaan na siya? Nakita ko siya eh!" Sambit ko rito
"Nako Tal! Guni-guni mo nga lang 'yon! Imposibleng nandoon si Angelo, ang bilis naman niya kung ganon!" Aniya
May point siya. Baka guni-guni ko lang yun. Imposible naman kasi na makapunta agad dun si Gelo, kahit pa na nagtricycle siya. At tsaka noong nasa bahay pa kami, naka puti si Gelo, hindi nakaitim. Pero parang siya talaga yung nakita ko!
Makalipas ang mahigit sampung minuto narating narin namin ang Palengke. Agad kaming bumaba at nagbayad na sa driver. Pagkatapos nun ay tumawid na kami at sumakay na sa jeep. Nasa bandang likuran kami umupo para mas mabilis kami makakababa.
"Manong bayad! Dalawang Minoya!" Sambit ko sa driver. Agad namang nagsukli sa amin si Manong at nag drive na.
Napapaisip parin ako sa nakita ko kanina. Si Gelo ba iyon? Hays! Matawagan nga!
Agad ko Idinial ang cellphone number ni Gelo at tinawagan ito. Agad naman nitong sinagot ang tawag at kinausap ako "Bakit babe?"
"Nasaan ka?" Tanong ko.
"Nasa bahay babe, nag aasikaso pa lang para sa pagpasok sa trabaho. Bakit?"
"Sure ka ah!" Paninigurado ko
"Oo naman babe! Hindi naman ako magsisinungaling sayo eh! By the way, baka mga alas kwatro pa ako ng madaling araw makakauwi mamaya. I-lock mo ang pintuan okay. Dala-dala ko naman iyong susi kaya hindi mo na kailangan pang maghintay."
"Sige."
"Mag iingat ka babe. Delikado na ngayon, marami nang masasamang taong nagkalat sa paligid." Paalala nito.
"Babe, baka sila dapat ang mag-ingat sa akin. May boyfriend akong matapang eh!" Pagmamalaki ko rito.
"O siya, asikaso na ako babe. I love you!"
"I love——" Bago ko pa masabi ang nais kong sabihin ay agad na naputol ang linya. Baka pinatay niya agad!
Patuloy pa rin ang driver sa pagmamaneho ng jeep. Medyo mabilis ito dahil wala namang bakas na may traffic. Si Milen ay medyo naidlip sa kanyang kinapu-puwestuhan. Siguro kulang na naman ito sa tulog dahil tinapos niya yung mga gawain sa bahay nila na dapat si Mark na ang gumagawa. Hays!
Tumingin ako sa labas para macheck kung nasaang lugar na kami. Medyo malapit na ito sa Minoya kaya naman tumingin na ulit ako sa paligid.
Nang lumiko ang jeep ay naagaw ng atensyon ko ang lalaking naka puti. Nakita ko si Gelo at kasalukuyan itong nakatingin sa akin. Kinilabutan ako nang bigla itong ngumiti nang mala demonyo.
"Milen, si Gelo oh!"
Nagising sa pagkakaidlip si Milen at agad tumingin sakin "Ha?"
"Si Gelo!" Sabi ko sabay tingin ulit sa labas. Wala na akong nakitang bakas na naroroon si Gelo. Nasaan na naman 'yon?
"Wala naman Tal! Nako namamalikmata ka lang talaga!" Pagpapaliwanag nito. "O nandito na pala tayo sa Minoya!" Sabi nito at kaagad na hinila ang string upang itigil nang driver ang pag-andar ng sasakyan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro