13th Chapter: Reason
Reason
(Please! Basahin niyo muna 'yung simula haggang 12th chap. okay? Maraming spoilers 'to.)
Third person POV..
You can see a lot of people wearing white clothes while heading into one direction. Well, at least Leo is also wearing a white shirt too. Hindi nalalayo sa mga sout nila.
Agad namang nahagip ng paningin nito ang babae kanina. He can easily find her because she's keeping out of the way from them.
She's the only one person here wearing a black dress. Mag-isa lang ito at diretso lang ang paglalakad.
Parang walang pakialam sa paligid.
'Akala ko ba kapamilya niya ang mga 'to? Ba't sa tingin ko ilag s'ya sa kanila?'
Sa isip isip ni Leo habang nakatingin lang dito na nakakunot ang noo.
He then proceed to walk inside.
"Saint Vincent Memorial Park."
Mahinang basa nito sa nakapaskil na pangalan ng sementeryo. Isang magarbong libingan, na para sa mayayaman lamang.
Ngayong araw na 'to ililibing ni Mrs. Felice Wilson, kahit hindi siya kamag-anak ay kailangan niyang dumalo. Mr. Fernan requested it.
~~~
Nang dahan-dahang ibinaba na ang isang puting kabaong, ay napatingin ulit si Leo sa babaeng spoiled brat daw kuno.
As he can stares at her face, he can't even see any emotions. It is cold. Silent. Stony.
But if you can take closer and look at her eyes. There's so much pain, regret, wrath, and it's lifeless.
Amber bowed her head as she thrown the white roses to the grave. Not even minding the stare of Leo at her.
"Felice a-anak! Why did you l-leave us!?"
Sabi ng isang ginang habang humagulhol ito ng iyak.
"H-how could y-you! Paano mo n-naatim na--"
"Ma!"
"Rosenda!"
Everyone panicked when the old woman collapsed.
Napatingin muli si Leo sa pwesto ng babae kanina, but she's not there anymore. He didn't noticed she'd go away that fast.
'Tss! Ang bilis naman yata nitong mawala?! Maybe her name is Amber, Amor, or Elber? Aish!
Eh ano naman ngayon? Anong pakialam ko?!'
Pakikipagtalo nito sa sarili. Ipinagkibit nalang nito ang babae at tumulong nalang sa kanila.
~~~
Dahil sa nangyari, mabilis natapos ang trabaho ni Leo sa mga Wilson.
Habang bitbit ang isang supot, napatingin ito sa kanilang tinutuluyan. Masikip ito pero napagtatyagaan pa naman.
Pagkatapos kasi ng libing, ay umuwi na agad ito. Mas mabuti pang umalis nalang kaysa makihalubilo sa hindi niya kakilala, lalong-lalo na sa mga mayayaman.
"Mano po, pa."
Sabi nito pagkalapit agad sa kinahihigaan ng kanyang ama.
Ang dating matipunong sundalo ay patpatin na ngayon. Ang kauna-unahang tinitingala at iniidolo dati ni Leo.
Nakaratay lang ito sa isang lumang higaan boung maghapon.
He felt so much pain while looking at his father's condition.
"L-l-leo."
The old man said almost in whisper. Nahihirapan na din itong magsalita, dahil sa pagiging palarisado nito ng limang taon.
Kung hindi lang sa natatanggap na pension mula sa pagiging sundalo nito dati, ay malapit na sanang hindi makapag-aral si Leo.
But that money isn't enough when his mother died. Mabuti nalang ay tinulungan siya ng kanyang uncle Gregg. Pero kailangan pa rin nitong magtrabaho habang nag-aaral, kahit na mahirap.
"Nasaan pala si auntie Rosie? Ba't mag-isa lang po kayo dito?"
Tanong ni Leo.
He immediately prepared their food, but he stopped.
Thinking about their situation.
'I don't want to leave him alone but I have to. I have to work to support my father. To support his medications.'
He said to his self while glancing at his father.
Hindi pa masyadong malaki ang naipon nito pangpagamot, dahil baon din sila sa utang.
Kaya kasalukuyang tumutuloy nalang ang mag-ama sa bahay ng kanyang auntie Rosie.
Ang nakakatandang kapatid ng kanyang ama na tumanda ng dalaga. Nagtitiis lang sila dito kahit na--
Biglang kumalabog ang pinto.
Nagtaka naman si Leo ng biglang magbago ang ekspresyon ng kanyang papa.
"Lintek na--!"
Padabog na sinipa ng kanyang auntie Rosie ang pinto.
Pasuray-suray din itong maglakad na halatang lasing na naman.
"Leo! And'yan kana pala, may pera ka ba d'yan?!?"
Sabi nito habang binubuksan ang ulam. Maaamoy din ang mabahong alak sa bunganga nito habang ito'y nagtatalak.
"Gulay na naman?!!"
Padabog nitong isinarado ang lalagyan ng pagkain.
Medyo nainis naman si Leo sa ginawa nito.
"Kailangan ko pa kasing mag-ipon para kay papa. Ginagastos niyo lang naman 'yan sa mga bisyo--"
Natigilan si Leo ng walang habas nitong ibinato ang maliit na lamesa sa kanyang ama!
Kasama ang mga plato at iba pang mga nakapatong dito.
"AUNTIE!!!"
Wala man lang itong nagawa ng kumalat ang mga kanin at ulam sa hapag, maging sa kawawang matanda na madumi na ang hitsura.
Akmang sasampalin na sana ito ng binata--
"SIGE!! Sampalin mo ko!! Nakikitira na nga kayo dito! Mga pabigat pa kayo!"
Naibaba ni Leo ang kamay, ng agad tumalikod ang babae paalis.
"MAGSILAYAS KAYO DITO!!"
Sigaw ni Rosie bago padabog na isinarado ang pinto.
Napatingin ulit si Leo sa kanyang ama.
Lumuhod agad ito sa harapan nito upang alisin ang mga nagkalat na kanin at gamit dito.
Hindi rin nito mapigilan na manginig ang mga kamay habang ginagawa 'yun.
"P-pa... S-sabihin mo sa'kin, matagal ka na b-bang ginaganito ni a-auntie??"
Tanong nito, tila nagsususpetsa.
Napakuyom ito at mahigpit na hinawakan ang kutsara ng umiwas lamang ng tingin ang matanda.
'Pucha! So tama nga ako!'
Galit na galit ang anyo ng binata pero napalitan iyon ng pagkahabag.
Ang sakit makitang magsimulang tumulo ang mga luha sa mata ng kanyang ama.
His father's crying silently, but he can't do anything to stop it. He felt useless.
'Pa... Sorry... Wala man lang akong magawa...'
Sa isip-isip ni Leo.
Ang taong tinitingala nito dati ay umiiyak nalang sa harapan niya ngayon.
"P-pa."
Nauutal nitong sabi.
Napatingala si Leo para pigilan ang kanyang mga luha.
'Ang sakit lang... Ang sakit-sakit...'
Hanggang sa mapahagulhol ito ng iyak. Masakit sa loob nito na wala man lang itong nagawa para sa ama. Ang bigat-bigat din sa pakiramdam.
Napaiwas nalang ito ng tingin, at marahas na pinunasan ang luha na walang tigil yata sa pagtulo.
Hindi n'ya kayang tignan ang ama ng ganito. Siya nalang din ang nag-iisang karamay nito para mabuhay.
"K-kung hindi lang sana tayo naging mahirap."
He said while wiping his tears.
'Shit! Nakakabakla, pero ang sakit kasi eh!'
Sa isip nito.
"Pa! Tigil na po.."
Umiiyak kasi ito ng walang tigil habang nakatingin lang sa kanya.
"P-pangako pa..."
Pilit nitong tinatagan ng loob.
"Magsisikap po ako, pangako."
Sabi nito habang nakataas pa ang isang kamay.
"P-pa-ta-wad a-anak... K-kasa-la-nan k-ko.."
Nahihirapan na sabi ng luhaang matanda.
Leo immediately hug him.
"L-l-leo."
"Shhh! Tama na po."
Hindi naman talaga ganito ang buhay ng mga Gonzales dati. Malayo sa kinagisnan nitong buhay ng magkaisip at lumaki si Leo.
Nabaon sila sa utang nang magkasakit ang ama nito at malugi ang dating negosyo.
Namatay din ang kanyang mama. Na lalong nagpahirap sa dalawa.
His mother was killed by the anonymous person who have a big grudge against his father. Noong mga panahong nanunungkulan pa lamang ito.
Ang kanyang ama din ang naging rason nito upang maging isang pulis.
Sabi kasi nito, protektahan mo ang mga taong mahal mo hanggang kamatayan..
Iyon kasi ang hindi nito nagawa ng mamatay ang asawa noong nabubuhay pa lamang ito.
If you love and value someone, no matter what happen you must do anything just to protect her, Leo.
He remembered that line until now. At gagawin niya talaga iyon kahit kamatayan pa ang humadlang.
~~~
(ノ^o^)ノ
Believe it or not. Iyak ng iyak ako habang nagsusulat nitong chapter na'to. (Kahit na maikli)
Ang babaw ko noh?
It is my first time creating like this, very emotional.
Naiimagine ko kasi 'yung papa ko na ginaganun lang. The feels! Ang sakit besh!
Kung may napansin kayo. Straight 'yung ibang tagalog. Nahihirapan na po ako ditong mag-english. Dumudugo ang ilong ko sa 3rd POV.
Nag-research po ako ng konti. Haha! Dapat daw kasi 3rd Pov ang gamitin.
So far, I'm taking it seriously now. Umuunti na yata ang improvements ko. Hindi na 'yung jump into another scene 'yung peg. Kaya naisipan kong i-major edit ang iba diyan sa unahan. (Kahit masakit, kailangan kong mag-delete.) (╥_╥) Kaya matatagalan ako sa pag-update guys.
Ano po sa tingin niyo?
Third person point of view
Or
First person point of view?
Anung maganda?
Hit the vote!!! (」゚ロ゚)」
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro