DD0035
Two days later
Unkown person is calling you
YOU:
Hello, sino po sila?
PERSON:
*sobs*
YOU:
Hello? Hello? Bakit may umiiyak?
PERSON:
Please help me, Chasey.
YOU:
Ha? How do you know me po? Bakit po kayo umiiyak? M-May nangyari po ba? Sino po 'to?
PERSON:
Si Mira 'to, Chasey. Gamit ko phone ni mama para 'di ako ma-track.
YOU:
Mira? Hoy, ano'ng nangyayari sa 'yo? Nasaan ka? Bakit ka umiiyak?
MIRA:
Natatakot ako.
YOU:
Saan? Saan ka natatakot? Sabihin mo.
MIRA:
Sa taong 'yon, Chasey.
YOU:
Sino? Sino!
MIRA:
*sobs*
YOU:
Wait, wait, Mira. Dahan-dahan lang. Ano'ng context nito? May nangyari ba? May something ba? Tell me. Please? Gusto kong malaman.
MIRA:
S-Sabi niya alam mo naman ito. S-Sabi niya ikaw raw may pakana kaya sinunod niya lang ang utos mo, Chasey. Pero alam kong wala ka namang galit sa akin kaya nagtataka ako. *sobs*
YOU:
A-About i-ito sa activity natin?
MIRA:
Oo, Chasey. Dahil hindi ko raw nasagutan 'yong activity natin, pinagbantaan ako ng lalaking 'yon.
YOU:
Sino?
MIRA:
Ayaw kong s-sabihin. *sobs* Natatakot ako.
YOU:
*sighs* O sige sige. May gusto rin akong sabihin pero 'wag kang lalong matakot ha. Promise mo.
MIRA:
*sobs*
YOU:
May hacker ako. Hindi ko siya kilala tapos may document file siyang binigay sa akin. Kada sagot ko sa document na 'yon, may mangyayaring consequence. Hindi ko alam kung ano ang nangyaring consequence sa 'yo kasi hindi ko rin alam kung ano ang pwedeng gawin ng hacker ko. Pero, sumpa man, hindi ko nilagay na magkaroon ka ng karamdaman doon sa document. Nilagay ko lang na magkaroon tayo ng activity para makapasa.
MIRA:
*sobs* Naiintindihan ko, Chasey. Kilala naman na kita kaya alam kong hindi ka uutos ng gano'n.
YOU:
A-ano ba ang sinabi niya sa 'yo?
MIRA:
I have to leave the school. Pero di ko kaya. At kung hindi ako lilipat, he will kill me.
YOU:
M-May sinabi pa siya?
MIRA:
Wala na. Wala na siyang sinabi. Gusto kong mag-stay sa university natin Chasey *sobs* hindi ko kayang umalis.
YOU:
P-Pero, I think that's the best choice. Mabuti na lang at hindi mabigat–
MIRA:
For me, mabigat ang pag-alis sa university natin, Chasey. Na-meet ko na kayo. Nakapag-settle na ako nang maayos. Ayaw kong maulit uli. At saka, nasa kalagitnaan tayo ng school year. Baka pahintuin na lang ako ni mama kung sakaling lilipat ako. *sobs* hindi ko alam ang gagawin ko.
YOU:
Pero, Mira, gusto mo bang maglaho? Nakakatakot 'yong hacker ko. Hindi ko siya kilala kaya hindi ko alam kung tao pa ba siya?
MIRA:
Kilala mo siya. Kilala natin siya. Nagulat ako dahil *sobs* kilalang-kilala natin siya. Hindi ko akalain na nandyan pa pala siya. *sobs*
YOU:
Sino ba, Mira? Kailangan mong sabihin para maresolba ko na rin ang problema mo at problema ko. Kailangan nating magtulungan.
MIRA:
Hindi ko kaya. Natatakot ako. Natatakot ako banggitin lang ang pangalan niya. *sobs* Paalam na rin, Chasey. Hindi na muna siguro ako papasok para makapag-decide ako kung ano na nga ba ang gagawin ko. Salamat. Salamat dahil sinagot mo ang tawag ko.
Call ended
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro