Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

DD0026

One Week Later

JON:
Kumusta?
One week mo na ring di nahahawak yang old phone mo

YOU:
Masaya sa pakiramdam
Pero bumalik na naman dito yung form

JON:
Ganun nga talaga
Ikaw ang hinahabol ng demon form na yan
Nasaan na yung new phone mo?

YOU:
Tinago ko
Di ko na muna yun gagamitin at hindi ko rin ipapamigay kasi baka may access yung inactive user na kumakausap sa akin

JON:
Anong sinasabi?
Inactive pero active?

YOU:
Natigil na yung pagnotify sa akin ng mismong document
Pero lagi naman akong iniistorbo nitong si inactve user
Di ko sya kilala pero parang may connection din sya sa document

JON:
Bakit ngayon mo lang sinabi?

YOU:
Natatakot ako

JON:
Send mo nga convo nyo

YOU:
You forwarded a message
You forwarded a message

JON:
SIno to?
Ang tapang mo sa mga messages mo sa kanya ha

YOU:
Di ko nga kilala
Bulag
Di nagbabasa
Tsaka para matakot sya kaya ganun ako, tapang tapangan

JON:
May profile sya?

YOU:
Wala e
Pero minsan literal na inactive talag, I mean hindi talaga sya ma-message message at parang nawawala sya sa search box ko

JON:
Anong link ng DM account nya?

YOU:
Ito
messenger.com/inactive-user-001

JON:
Walang lumalabas sakin

YOU:
Hala, bigla syang nawala
Ano ba to

JON:
Hacker ata yan, Chasey
Mag-ingat ka

YOU:
Nakikita nga raw nya messages ko

JON:
Ha?
Naglagay ka na ba ng security features sa phone mo?

YOU:
Parang too late na Jon eh
Minsan parang may sariling buhay itong phone ko
Di ko na sya nakokontrol

JON:
Yang old phone mo? O yung new phone?

YOU:
Both noong na-download dito yung document na yun

JON:
Try mo nga buksan yung bago mong phone
Pagsabayin mo sila

YOU:
Sige
Saglit

***

1:22 PM

YOU:
Gamit ko na new phone ko

JON:
Anong diff?

YOU:
Both sila may document
Ughhh di ko na alam pano to nangyayari!

JON:
Okay okay
So it means, nadedetect ka nga talaga ng hacker na yun

YOU:
Help me

JON:
Yes yes
We will figure this out
Pero ang daming nagyayari
Kailangan natin alamin si Inactive User

YOU:
Paano?

JON:
IP address

YOU:
Paano kung iniiba nya yung IP nya?

JON:
Yun lang
Di ko na alam paano pag ganun
Pero susubukan pa rin natin
Wag kang mag-alala
Katuwang mo ako rito

YOU:
Salamat salamat Jon

JON:
Pero di ko yun masisiguro kasi di pa naman ako ganun kagaling sa mga ganyan

YOU:
Okay lang
Ako rin naman
At least mas magaling ka kesa sakin

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro