DD0008
JON:
Chasey, are you there?
Busy?
YOU:
Nanonood lang ng YouTube.
Kala ko pupunta ka rito sa library?
JON:
Tinanong lang kita kung nasaan ka.
Wala akong sinabing pupunta ako d'yan.
Uso backread. It's 2021! HAHAHA
YOU:
Bunutin ko mata mo, eh.
O sya, ba't mo ako hanap?
JON:
Nandito ako sa tambayan area. Nakikibalita ako sa nangyari kay Kleo.
YOU:
Oh, ano raw?
Chismis mo sa 'kin.
JON:
Not sure eh, pero ang narinig ko, he's acting weird daw these days.
YOU:
Paanong weird?
JON:
Lagi raw siyang aligaga. Tapos malikot. Tapos hindi makausap nang maayos.
Actually, na-meet ko siya last week sa mezzanine. Bumibili ako ng soup tapos nakasabay ko siya. And, parang nawawala siya or what. Ang gulo-gulo na rin ng ayos ng buhok niya tapos nalaglag pa niya 'yong mga barya.
YOU:
Nag-visit ba kayo sa clinic? Baka may record do'n kung pumunta ba roon si Kleo. Humingi ng tulong sa nurse.
JON:
Hindi pa sila pumupunta. Chat ko na lang si Ms. Yu, medyo close naman kami.
YOU:
Sus
JON:
Advantage ng magaling sa acting-an. Minsan kasi nabo-boring-an ako sa class kaya tulog muna sa clinic.
YOU:
Naturingang scholar. Jusko!
JON:
Lagi naman akong mataas ano!
YOU:
Oo na, oo na.
Pakibalitaan mo na lang ako kung ano'ng sabi ni Ms. Yu sa 'yo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro