
Special Chapter
Wish granted
"Gusto mo ako naman?" malambing na tanong ni Stella sa akin.
Marahan akong umiling para hindi maistorbo ang tulog ng anak namin. Napanguso siya dahil sa aking ginawa. Hindi ko mapigilang mapangiti. My baby is too cute.
"Nagseselos na ako" pagamin niya. Kahit ramdam kong naiilang siya ng sabihin iyon ay nagawa pa din niya. Kitang kita ko kung paano pumula ang kanyang pisngi.
Simula nang umuwi kami sa condo ay halos hindi ko na ibinaba ang anak namin. Mawawala lang siya sa bisig ko pag may kailangan akong gawin, ibreBreastfeed siya ni Stella o kaya naman ay napapagalitan na ako.
Maingat ko siyang hinapit sa bewang. Ang sa liit ng anak namin ay kayang kaya ko siyang kargahin sa isang kamay. Ilang araw pa lang ng makalabas kaming tatlo sa hospital.
"Baby pa din kita" malambing na sabi ko sa kanya bago ko siya hibalikan sa ulo.
Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng maramdaman ko ang isang kamay niyang yumakap din sa akin, marahan niyang hinaplos ang ulo ng anak namin. I'm so inlove with them. Ni ayokong mawala silang dalawa sa paningin ko.
Ganuon siguro talaga pag minsan mo ng naranasang mamatay. Ang sabi sa akin ni Daddy, maliit na lamang ang posibilidad na mabuhay ako pagkatapos ng aksidente. Being here with my beautiful little family is indeed a miracle. I won't fail this time.
"Nagseselos ako kasi ikaw palagi ang may hawak sa baby natin. Kulang nalang ikaw ang magbreastfeed" nakangusong sabi niya sa akin kaya naman hindi ko na talaga napigilan pang matawa. Damn this girl. She never failed to make me fall harder each day.
Mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya. Matagal na nanatilig ang aking labi sa kanyang ulo habang patuloy pa din siya sa paghaplos sa ulo ng anak namin.
"Si Daddy na lang ang ibreastfeed ni Mommy" natatawang sabi ko. Sinamaan niya ako ng tingin, siguradong kung hindi ko hawak ang anak namin ay baka nahampas na ako sa braso.
Nawala ang lahat ng bigat sa aking dibdib ng malaman kong tanggap na kami ni Daddy. Hindi ko alam kung parte ang nangyaring insidente para lang tuluyan niya kaming matanggap. Ang mahalaga sa amin ngayon ay maayos na ang lahat. Magsisimula kami ni Stella ng sarili naming pamilya at wala ng makakapigil pa sa amin.
I promise to God na gagamitin ko ang pangalawang buhay ba ito ng maayos. Wala akong ibang gagawin kundi ang mahalin, alagaan, at protektahan ang pamilya ko. They are my world, my life now.
"Ang galing ko, kamukha ko" pagyayabang ko kay Stella. Nakadapa ako sa itaas ng aming kama habang pinapanuod siyang bihisan at palitan ng diaper ang anak namin.
Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya habang ginagawa niya iyon. It's her first time, pero kung alagaan niya ang anak namin, wala na akong masabi. Kahit pa abala kay Chand ay hindi niya din ako nakakalimutan. Para bang kayang kaya niyang hatiin ang katawan niya para sa aming dalawa.
"Akin naman yung lips ah" nakangusong sabi niya. Mas lalo siyang nalungkot ng sabihin ng lahat na ako ang kamukha ni Chand.
Baby, don't worry. Gagawa tayo ng limang kamukha ko at limang kamukha mo.
Nangiti na lang ako sa naisip. Pagsinabi ko iyon kay Stella ay mamumula nanaman ang pisngi niya. Magiiwas nanaman ng tingin at maiilang sa akin. Ganuon din naman ako, hindi nawawala ang epekto niya sa akin. Kahit ang mga kaunti at simpleng galaw niya, hulog na nanaman ako. Para akong marahas na ibinagsak sa lupa, una pa ang mukha. Wala na talaga, hindi na ako makakaahon. At wala din naman akong balak na umahon pa.
Kung kay Stella lang din naman pala ako malulunod. Aba, I'll swim like a pro.
Tumayo ako at kaagad na lumipat sa kanyang likuran para yakapin siya. Kamukha ko ang anak namin, pero sana ay ka-ugali ni Stella. Baka mamaya ay maagang mamuti ang buhok ko kung sa akin magmana.
Hindi siya umimik. Hinayaan niya akong yakapin ko siya habang inaasikaso pa din niya ang anak namin.
Chand Del Prado
"Thank you, for not giving up on us...on me" marahang sabi ko sa kanya.
Sinabi sa akin ni Daddy kung paanong naging malakas si Stella sa panahong wala akong malay. Hindi niya ako iniwan, napagod ang lahat. Napagod din siya, pero nang makapagpahinga ay lumaban ulit. Araw araw na umaasa sa aking pagbabalik. Ang gago ko para paghintayin siya, ang hirap ng kalagayan niya dahil buntis pa siya sa anak namin.
Babawi ako. Dahil nandito na ako, ako naman ang magaalaga sa kanya. I promise.
"Mahal kita Frank. At malaki ang tiwala ko sayo, alam kong babalikan mo kami kasi nangako ka" marahang sabi niya sa akin.
Napasinghap ako. Stella and her beautiful mind, pure heart and principles. Hindi ko alam kung paano niya nagawa iyon, hindi naging maganda ang mga pinagdaanan niya sa buhay habang lumalaki pero heto siya't nagagawa pa ding magmahal, magpatawad at umunawa. Napakaswerte ko sa kanya.
"Mahal na mahal din kita..." madiing sabi ko.
Narinig ko ang kanyang pagngisi. "Alam ko"
"Paano?" tanong ko.
Bahagya niya akong nilingon. Nakangisi pa din. "Alam ko lang" pagyayabang niya.
Tumaas ang isang sulok ng aking labi. "Yabang mo" asik ko na pareho din naman naming ikinatawa.
Natutunan niya iyon sa akin. Kailan kaya niya matututunan yung iba? Isa pang dapat kong ituro ay ang pag plano ng pagpapalaki ng aming pamilya.
Inalok ako ni Daddy na duon na sa bahay namin mag stay. Sa akin din naman daw mapupunta iyon. Pero, for now I refuse. Mas gusto kong masolo ang aking magina.
"Sigurado ka ng bibitawan natin ito?" tanong ni Sergio sa akin.
Sandali kong inilibot ang paningin ko sa companyant binuo naming dalawa. Nagiba na ang pananaw ko sa buhay simula ng dumating si Stella at ang anak namin sa buhay ko. Ayoko ng maulit pa ang nangyari nuon kaya naman iiwasan ko na.
Marahan akong tumango pagkatapos ng isang buntong hininga. "Mag fofocus na din ako sa mga bussiness na naiwan ni Mommy. Hindi kayang magisa ni Frances iyon" sabi ko sa kanya na kaagad din naman niyang tinanguan.
Napagpasyahan naming ibenta na ang Security company. Pumayag si Sergio duon, lalo na ng malaman kong may plano na din siya para sa kanila ni Sandra.
"Pakidalian niyo na ang kasal ni Stella at susunod na kami ni Sandra" pangaasar niya sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin ng mas lalo siyang ngumisi. Sa huli ay napangiti na lamang ako. Masaya ako na pareho kami ng tinatahak na landas. Hindi na kami bumabata pa at ang pagbuo ng pamilya at paglagay sa tahimik ay isang malaking responsibilidad.
Naging abala ako sa pagproseso ng pagbebenta ng ownership kasama si Sergio.
"Susunduin ko lang si Sandra, sunod kami sa inyo" paalam niya sa akin na hindi ko na pinansin pa dahil excited na akong umuwi sa aking mag ina.
Para akong palaging hinahabol ng kabayo. Nagmamadali palagi na umuwi. Iyon na lang ang bumubuo ng araw ko. Ang sarap sa pakiramdam na uuwi ako dahil may naghihintay sa akin.
Eksaktong isang buwan na ang anak namin ngayon kaya naman magkakaroon ng kainan sa condo. Sa susunod na linggo ay binyag naman ni Chand. Matapos iyon ay aalukin ko na ulit ng kasal si Stella, kahit hindi na siguro alukin. Papakasal siya sa akin at wala na siyang magagawa duon.
"Daddy..." nakangiting sambit niya pagkapasok ko.
Para akong lumulutang sa ere sa kada hakbang ko papalapit sa kanilang dalawa. Buhat ni Stella ang anak namin habang marahang isinasayaw.
Wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin silang dalawa. Parang isang paniginip, hindi ko kailanman nakita ang sarili ko sa ganitong sitwasyon. Akala ko kasi nuon ay hindi ako deserving sa mga ganitong klaseng bagay.
"Excited nanaman si Daddy na makita ang baby niya..." malambing na pagkausap niya sa anak namin.
Napangisi ako at kaagad siyang siniil ng halik. Matapos iyon ay kaagad kong pinagdikit ang aming mga noo.
"Kayong dalawa ang baby ko..." paalala ko sa kanya. Looks like her pretty little mind forgets about that all the time. Ank kayang pwedeng gawin para hindi na iyon mawala sa kanya?
Napabitaw kaming dalawa ng tumunog ang doorbell. Pareho kaming napatingin sa pintuan pero marahang inilipat ni Stella sa akin ang aming anak. Kaagad ko iyong tinanggap. Siya na ang lumapit duon para buksan.
Hindi nagtagal ay bumalik na din siya. Pinanlakihan pa ako ng mata kaya naman bahagyang kumunot ang aking noo. Tsaka ko lang nakuha ang gusto niyang iparating ng makita kong magkasunod na pumasok si Daddy at Mommy.
"Dad..." tawag ko sa kanya. Mas lalo akong napangisi ng makita ko kung paano siya napahawak sa batok habang nakatingin kay Mommy. Akala mo ay binata pa.
Napatawad ko na si Daddy. Inintindi ko siya, nagalit ako ng malaman kong all this year ay mahal pa din niya ang Mommy ni Stella. Kahit pa ganuon ay sinabi niya sa akin na minahal din naman niya si Mommy. Dahil kung hindi naman ay wala kami ni Frances ngayon dito.
Ganuon siguro talaga. Minsan sa buhay mo, may matatawag kang great love mo. Minsan na din naming napagusap ito ni Stella. Nainis pa nga ako ng maalala kong si Alfred ang unang naging totoong boyfriend niya na minahal niya. Naiinig ang ulo ko sa Alfred na iyon.
Ako, siya lang. Hay naku! Kinuha pang ninong si Alfred. Mabuti na lamang at nalaman kong may girlfriend na din siya. Kung hindi ay hindi siya makakatungtong dito sa condo namin.
"Ang apo ako...ang gwapo gwapo" paglalambing ni Mommy dito ng marahan niyang kinuha sa akin.
Kaagad niya itong kinarga. Matapos yumakap ni Daddy sa akin ay nakita ko pa ang alanganin niyang paglapit kay Mommy para humalik din sa apo.
"Hahalik lang ako sa apo ko..." sabi niya dito. Muntik pa atang mautal ng sumama ang tingin ni Mommy sa kanya.
Nakangiting lumapit si Stella sa akin at yumakap. Nung nasa hospital pa kami ay naging casual naman sila sa isa't isa. Ang kaso ang Daddy ko, mukhang may iba pa ding nararamdaman.
"Kuntento na ako kung anong meron tayo ngayon. Wala na akong hihilingin pa" sabi niya sa akin ng minsan ko siyang tanungin tungkol dito.
Naglakad palayo si Mommy sa kanya karga karga si Chand. Mas lalo kaming natawa ni Stella ng kakamot kamot na sumunod si Daddy sa kanya. Sabik din kasi ito sa apo.
"Kung hindi ako naging mabilis ay baka naging kapatid pa kita..." natatawang sabi ko, hindi ko na napigilang mapamura.
Natawa din si Stella ng makuha ang ibig kong sabihin. Kaagad siyang yumakap sa akin at tiningala ako. Sandali niya akong tinitigan bago siya tumingkayad para halikan ako sa pisngi.
"Para talaga tayo sa isa't isa" sabi niya. Napanguso ako. Aba't bumabanat pa ang isang ito. Papakiligin nanaman ako, magkulong na lang kaya kami sa kwarto?
Napasinghap na lamang ako at kaagad siyang niyakap ng mahigpit. "Para ka talaga sa akin. Nung nagconnect ako ng stars nuon ang sabi letter S" natatawang kwento ko sa kanya.
Masyadong maliit ang katawan niya kumpara sa akin. Ang sarap sa pakiramdam tuwing niyakakap ko siya. Buong buo ko siyang naikukulong sa aking bisig. Isang buwan pa lang ay bumalik na din kaagad ang katawan niya sa dati, parang hindi nanganak.
"Ang payat payat mo pa din. Patatabain kita..." bulong ko sa kanya.
Nakita ko kung paano siya napakagat sa kanyang pangibabang labi kasabay ng pagpula ng kanyang pisngi.
"Tataba talaga ako. Ang sarap mong magluto..." puri pa niya sa akin. Itong babaeng ito, alam na alam talaga kung paano ako babaliwin. Pagpwede na ulit, ikaw naman ang babaliwin ko habang tinatawag ang pangalan ko.
"Mas gusto kong malaman ka, mas gusto kong malaki ang tiyan mo" malambing na bulong ko sa kanya.
"Frank, ano ba..." nahihiyang suway niya sa akin ng marahan kong kagatin ang tenga niya.
Natawa na lamang ako ay muli siyang hinalikan sa pisngi patungo sa kanyang labi. Andito ang mga magulang namin pero wala na akong pakialam sa paligid. Hahalikan ko si Stella pag gusto ko.
"At bakit may tukaang nagaganap dito?" si Frances.
Mariin akong napapikit at napamura ng mabilis na humiwalay si Stella sa akin dahil sa biglaang pagdating ng mga bisita namin. Kaya ayoko ng mga bisita, mga istorbo! Nasa kasarapan na ako ng halik eh. Bad trip.
Tinanggap ni Frances ang pagbeso ng Ate Stella niya sa akin. Pero ang kanyang mga mata ay naniningkit pa din habang nakatingin sa akin.
"Aba, Kuya masyado kang advance. Sa pag kakaalam ko...feeds ang tinutuka ng mga roosters" makahulugang sabi niya sa akin.
Mas lalong kumunot ang aking noo. Yan nanaman siya sa pagtawag sa akin ng rooster o di kaya ay manok. Imbes tuloy na sa kanya mainis ay mas nainis ako sa asawa niyang si Kenzo. Ano kayang pinagtututuro ng lalaking ito sa napakainosente kong kapatid?.
Karga niya ang bunso nilang anak na lalaki. Ayoko man siyang lapitan ay wala na akong nagawa. Hinalikan ko sa ulo ang aking pamangkin matapos kong halikan din si Frances sa pisngi.
"Ano? Gagawa na ba ako ng fans club para kay Mommy at Daddy...mas mukhang binata pa si Daddy sayo ah" pangaasar pa din ni Frances sa akin dahil siguro sa nakabusangot kong mukha.
Eh kung hindi sana nila kami iniistorbo ni Stella ay baka natuwa pa ako. Sa sobrang tuwa ko ay baka napatayuan ko pa siya ng poultry tutal ay mahilig naman siya sa manok.
"Ano bang pinakain mo sa kapatid ko?" masungit na tanong ko kay Kenzo. Nagtaas lang siya ng kilay sa akin. Mas lalong natawa si Frances.
Dumating na din sina Sergio at Sandra kasama si Alfred at ang girlfriend nito na si Isabel, ate ni Sandra.
"Oh, tama na yan!" suway ko ng makita kong nagyakapan pa ang dalawa. Wala akong pakialam kung magkaibigan sila.
Inirapan lang ako ni Stella. Maging kay Isabel na girlfriend ni Alfred ay yumakap din siya.
"Ang malisyoso mo. Panget!" sabi ni Sandra sa akin.
Naikuyom ko ang aking kamao. Nang sinamaan ko ng tingin si Sergio ay napakamot lang siya sa kanyang batok. Aba't ang lalaking ito! Sunod sunuran sa girlfriend niya.
"Oo naman, ako din ang magaalaga dito" si Manang habang karga karga si Chand.
Ang mga anak ni Frances at Kenzo ay may kanya kanyang baby sitter. Pero mas pinili ni Stella na tutukan ang anak namin. Kukuha din kami in time. Lalo na pag lumaki nanaman ang tiyan niya. Seryoso ako ng sabihin kong malaking pamilya ang bubuuin naming dalawa. Pero syempre, mas mahalaga pa din sa akin ang opinyon niya tungkol dito.
"Inis kasi si Kuya eh, inunahan ng tulog. Ready na ang camera ko eh" sabi ni Frances na tinawanan ng lahat. Gustong gusto daw niyant makitang himatayin ako sa oras na manganak si Stella.
Panay irap lang ang nagawa ko. Nang bumaling ako sa aking asawa ay nawala ang lahat ng inis. Bahala na kung asarin nila akong lahat. Ang mahalaga sa akin ngayon ay nakikita kong tumatawa si Stella.
Makita ko lang na masaya siya. Sobrang saya ko na. Wala ng ibang importante sa akin ngayon kundi ang kung anong meron kami.
Tatlong beses kong pinakasalan si Stella. Una ay sa Sta. maria, pangalawa dito sa Manila, at pangatlo sa Davao kung saan ko nakuha ang tiwala ni Mommy para sa kanyang anak.
I'll marry her over and over again. Kahit saang simbahan, kahit kailan.
Nang magisang taon na si Chand ay mas lalo kong pinagigihan ang plano ko. Wala namang problema dahil may basbas ni Stella ito. Hindi naman ako gagawa ng kahit anong bagay na hindi hinihingi ang kanyang opinyon.
"Frank..." tawag niya sa akin matapos kong marahang pagisahin ang sa amin.
Tsaka ko lang siya nasolo ng makatulog na si Chand. Makulit ang anak namin, kinakabaha tuloy ako na baka hindi lang kagwapuhan ang nakuha sa akin, baka pati ang ugali.
Napaawang ang aking labi ng magumpisa na akong maglabas masok sa kanya. Hindi ko magawang pumikit. Gustong gusyo ko sa tuwing nakikita ko ang pagawang ng kanyang labi sa tuwing pinupuno ko siya. Sa tuwing tinatawag niya ang aking pangalan.
Mas lalong naginit ang aking pisngi pababa sa aking dibdib. Nang maramdaman ko ang pagtama ng kanyang dibdib sa akin ng mapaliyad siya. I always want to pleasure her. I want to make love with her all the time.
Yung pagmamahal ko kay Stella hindi ko na alam kung saan ko pa pwedeng ipakita. Nababaliw na talaga ata ako. At masaya ako dito.
Sinulit ako ang oras na kaming dalawa lang ang magkasama. Sa umaga kasi at sa tuwing gising ang anak namin ay para akong batang inagawan ng candy. Nasanay akong nasa akin lang ang atensyon ng asawa ko, pero natatawa na lang sa tuwing narerealize ko ang kagaguhan ko.
Naramdaman ko ang mas lalong paghigpit ng yakap niya sa akin. Dahil duon ay mas lalo kong binilisan at diniinan ang aking bawat galaw. Hindi ako tumigil kahit pa naramdaman ko na ang panginginig ng kanyang katawan. I still want to pleasure her kaya naman ramdam ko ang pagbaon ng kuko niya sa aking likuran.
"I love you..." hinihingal na sambit ko pagkatapos.
Pagod siyang ngumiti sa akin. Mahigpit na niyakap ang magkabilang braso sa aking leeg para abutin ang aking labi. Dahil duon ay nanatili ako sa kanyang ibabaw, hindi pinaghihiwalay ang sa amin.
"I love you too, Frank" malambing na sabi niya bago siya magsumiksik sa aking leeg.
Ilang minuto kaming natahimik. Pinapakiramdaman ang isa't isa. Tanging puting kumot lang ang nagtatakip sa aming mga hubad na katawan.
"Saan ka pupunta?" tanong ko ng magulat ako sa biglaan niyang pagbangon.
Nginitian niya lamang ako. Bumaba siya sa kama dala ang kumot para ipulupot sa kanyang katawan. Hindi na ako nakapagprotesta ng maiwan akong hubad sa kama namin.
"Frank!" suway niya sa akin ng makita niyang kahit ilang minuto na ay handang handa pa din ang akin.
"Ikaw ang naghubad sa akin. Halika rito..." tawag ko sa kanya. Halika rito at ipapakita ko sayo ang hinahanap mo.
Tinawanan niya ako at marahas na umiling. Ilang beses ko siyang tinawag pero nagpatuloy siya palabas ng may balkonahe sa aming kwarto. Pinulot ko ang boxer shorts ko at kaagad na sumunod sa kanya.
"Malamig..." sabi ko.
Kaagad ko siyang niyakap mula sa likuran. Puting kumot lang ang nagtatakip sa kanyang hubad na katawan kaya naman ramdam ko ang pagtayo ng kanyang mga balahino dahil sa lamig. Ang kulit kasi, ang tigas ng ulo.
"Do you want us to try it here? Hindi ko alam na wild din pala ang imagination mo, Mrs. Del prado..." nakangising sabi ko sa kanya. Napadaing ako ng maramdaman ko ang pagsiko niya sa akin.
"Ang bastos bastos mo Frank" nakangusong sabi pa niya kaya naman mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya.
"Ang bastos bastos ko talaga. Ang ganda kasi ng asawa ko..." bulong ko sa kanya at sandali pang hinalikan ang kanyang leeg.
Hinayaan niya akong gawin iyon. Hanggang sa may itinuro siya sa langit. Madilim na, puno ng bituin ang kalangitan.
"Anong binubuo mo?" tanong ko.
Nginisian niya lang ako. Nagpatuloy siya sa pagguhit. Hanggang sa mapanguso siya at kaagad akong hinarap.
"Wala na akong mabuo duon. Nandito ka na sa akin, nandito na din si Chand" sabi niya kaya naman kaagad akong napatitig sa kanya.
Literal na parang anghel na nahulog si Stella sa langit ngayong nasa harapan ko siya. Nakabalot pa ng puting kumot. Dahil sa naisip ay napatunayan kong tama siya. Ang bastos ko nga. Tangina ka, Frank.
Pinagdikit ko ang noo naming dalawa. "Stars do really fall...pinangarap lang kita dati. Ngayon nandito ka na sa harapan ko" pagpapatuloy niya.
Ang asawa ko! Ang lakas magpakilig. Yayayain ko sana ulit sa loob ang kaso ay ayoko namang sirain ang moment. Pagod to sa akin mamaya.
Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kanyang bewang. "There's a million of Stars, but still...you ask for me. I'm not the most perfect, nor the brightest. But still, you choose me...Thank you"
Pwedeng pwede niya akong palitan. Sa kabila ng lahat ng nagawa ko sa kanya. Maiintindihan ko kung hindi na siya bumalik sa akin nuon. Pero heto siya at pinili pa din ako.
Nginitian niya ako. Marahang hinaplos ang aking pisngi. Hindi ko napigilang mapapikit dahil sa lambing nuon.
"I'll choose you over and over again. This lifetime...even in the next" paninigurado niya sa akin. Mariin akong napapikit.
Kung meron man susunod na buhay. Si Stella lang din ang mamahalin ko. Kung hindi si Stella, wag na lang.
"Alam mo Federico, akin na. Kung ano ano pang ituturo mo..." galit na suway ni Mommy kay Daddy ng pagawayan nanaman nila ang anak namin.
Nagtataka nga kami ni Stella, palagi kasi silang magkasabay na nagpupunta sa amin. Para bang magkasama na talaga bago pa man kami puntahan.
"Magiging Doctor iyang si Chand" sabi ni Daddy kaya naman mas lalo siyang sinamaan ng tingin ni Mommy.
Hayan nanaman siya. Hinyaan ko na lang muna. Pag dating ng araw, kung ano man ang gusto ng aming anak. Hahayaan ko siya, susuportahan namin siya ng Mommy niya. Bagay na hindi namin naranasanan nung mga bata pa kami.
Nang sumunod na taon ay nagpakasal na din sina Sergio at Sandra. Kagaya ng dati ay wala pa ding magawa si Sergio kundi ang suportahan ito. Takot na takot kay Sandra. Manang mana sa akin, takot din kasi ako kay Stella.
Kawawang kawawa kami ni Sergio sa tuwing magkakasama kaming apat. Napapailing na lang kaming dalawa. Ayos lang naman, ganuon namin kamahal ang mga asawa namin.
Ang epal na si Alfred na nangaagaw nuon ng lunch box ko ay ikakasal na din sa Ate ni Sandra. Ayos iyon, sagot ko pa honeymoon nila.
"Frank..." tawag ni Daddy sa akin.
Lumabas din siya sa may veranda. Sandali pa kaming napatingin sa loob kung saan nagkakasiyahan ang pamilya.
"Bati na kayo ni Mommy?" pangaasar ko kay Daddy. Sa talambuhay ko ay ngayon ko lang siya nakausap ng ganito. Dati kasi ay palagi siyang seryoso, palaging siya ang nasusunod at hindi ka pwedeng magbigay ng opinyon mo. Stricto.
Napangisi siya at napasimsim sa hawak na baso ng alak. "Kuntento na kami sa kung anong meron ngayon. Kung naging kami nga nuon, edi wala kayo ni Stella...wala ang apo namin" nakangiting kwento pa niya.
Kagaya ng mga anak ni Frances. Kita kong mahal na mahal din ni Daddy ang anak namin ni Stella.
Hindi ako nakaimik. Hinayaan ko siyang magsalita. Naramdaman ko ang hawak niya sa aking balikat.
"I might say. Si Stella ang pinakamagandang desisyong nagawa mo sa buhay mo. I'm so proud of you, Frank. You always makes me proud" sabi ni Dad sa akin. Hindi ko napigilang maging emosyonal.
Si Stella ang isa sa naging dahilan kung bakit mabilis kong napatawad si Daddy. Kung bakit natuto akong umintindi. At kung bakit nagmamahal ako ngayon.
Being married to her for 4 years now is a roller coaster ride of emotions. Ganuon talaga, that's healthy. Hindi pwedeng puro sweet moments lang, pamilya ang binubuo namin kaya naman kailangan ng maturity. Ang mahalaga, in the end of the day. Nagkakaintindihan pa din kami.
Pagod ako ng umuwi sa aming bahay galing sa trabaho. Pero nawala ang lahat ng iyon ng buksan ko ang pintuan at nakita kong magkakasama ang aking magiina.
Sa harapan ng buntis na si Stella ay ang apat na taong gulang na si Chand, sa kanyang tabi ay ang 2 years old naming anak na babae. When I say, We'll make a big family. I mean it, and I do it. Hindi puro salita lang.
"So, Mama...Do stars fall?" tanong ni Chand sa kanya.
Ngumiti si Stella at marahang hinaplos ang buhok nito. Kagaya ko ng sa akin ay gusyo niya ding medyo mahaba ito.
"They do, but after they fall...they will rise and shine again" malambing na sagot ni Stella sa mga ito.
Hindi ko na napigilan. Hindi nila napansin ang pagdating ko. Bago pa ako tuluyang magtampo ay nagpapansin na ako.
"I'm home!" sigaw ko.
Sabay sabay nila akong nilingon. Mabilis na tumakbo si Chand hawak ag kamay ng kanyang kapatid na babae palapit sa akin.
"Daddy..." tawag nilang pareho at tsaka ako niyakap.
Natawa silang dalawa ng pareho ko silang binuhat sa aking magkabilang bisig. Nakangiting lumapit sa akin ang aking asawa habang nakahawak sa hindi pa gaanong halatang tiyan niya.
"Ang aga mo..." puna niya sa akin.
Bago sumagot ay siniil ko siya ng halik dahilan para matawa ang mga anak namin.
"Sinong hindi gaganahang umuwi kung kayo ang ang uuwian?"
We don't have the perfect love story. But, everything became perfect when my Star fall. She falls and grant my wish. Stella grant my wish.
The End.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro