Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Arcade





Gusto kong magtanong kina Mommy at Daddy tungkol sa manufacturing. Pero hindi ko na lang din tinuloy dahil alam kong hindi nila gustong nakikialam kami tungkol sa bussiness, unless ay tapos na ang masterals ko at ako na ang ipapahandle nila duon.

Napahinto ako sa pagbalik sa aking kwarto ng makita kong bukas ang pintuan ng kwarto ni Sera. Kita ko ang kanyang pagmamadali.

Saan ka pupunta?” nagtatakang tanong ko ng makita ko ang maliit na travelling bag sa itaas ng kanyang kama.

Sleep over kila Abby, Ate” sagot niya sa aking habang abala pa din sa harapan ng kanyang vanity mirror. Bumaba ang tingin ko sa kanyang suot na damit, aba’t mukhang may date pa ata ang isang ito.

Si Abby ba talaga o may boyfriend ka na?”

Mabilis siyang napatayo habang nanlalaki ang mga mata. Sa galawa pa lang niya ay alam ko na ang sagot. Kaagad niyang itinalagay ang hintuturo sa tapat ng labi at takot na tumingin sa may pintuan.

May date, pero kila Abby ako matutulog” laban niya sa akin pero pinanliitan ko siya ng mata.

Hindi ako naniniwala”

Napanguso ito at kaagad na lumapit sa akin. “Ate” paglalambing niya.

Nagtaas ako ng kilay. Alam ko na. May boyfriend na ang batang ito at mas lalo ko siyang kailangang bantayan. Mas mapusok kasi ito sa akin. Masyadong mapusok.

Ipakilala mo sa akin iyan. Para alam ko kung sino ang sisisihin pag umiyak ka” pangaasar ko sa kanya kaya naman napangisi siya.

Anong iiyak? Baka siya ang paiyakin ko” pagyayabang niya sa akin kaya naman inirapan ko siya. Ang batang ito talaga!

Umalis si Sera ng araw na iyon kaya naman ako ang naiwan sa bahay ksama sina Mommy at Daddy. Hindi din naman sila palaging nandito dahil abala din sa negosyo.

Magkasama pala sina Frank at Sergio sa Frankfurt Germany” balita ni Sandra sa akin ng tumawag siya.

Nasa kanila din siya sa bicol para sa semestral break. Gustuhin man niyang magkita kami sa metro ay hindi niya magawa dahil kasama niya ang kanyang buong pamilya.

Kailan daw ang balik nila?” tanong ko sa kanya.

Narinig ko pa ang pagsigaw niya sa kabilang linya. Ang alam ko ay may hacienda sila duon. Bukod sa nasa politika ang Daddy niya ay may wine bussiness naman ang Mommy niya na siyang mamanahin niya.

Hindi mo alam? Hindi ba kayo naguusap ni Frank. Kayo na ah!” puna niya sa akin.

Tipid akong ngumiti at umayos ng higa. “Eh kasi, busy daw siya eh. Kaya minsan lang siya makacontact sa akin” sagot ko sa kanya.

Matapos ng aming paguusap ni Sandra ay sinend niya sa aking ang mga picture nila Frank at Sergio duon. Hindi ko alam kung saan niya ito nakuha. Magaling talaga ang isang ito sa pagstalk sa crush niya. Palibhasa ay ngayon lang ata talaga siya nabaliw sa isang lalaki.

Panay ang scroll ko sa mga picture. Mukhang masaya silang dalawa duon, kahit tourista ay nakakasabay sila sa mukha ng mga tao duon. para bang kahit saang grupo sila sumama ay bumibagay sila.

Bahagyang kumunot ang aking noo ng malipat ang mga picture sa isang madilim na lugar. Kuha iyon sa itaas, parang isang bar sa itaas ng isang building. Bihira si Frank sa mga litrato, halos puro si Sergio nga ang nakikita ko.

Kung meron naman si Frank ay stolen kung minsan ay parang nahagip lang ng camera. Patuloy ako sa pag scroll hanggang sa hindi ko na nagustuhan ang mga sumunod na mga litarto. Mas dumami na kasi ang babae sa kanilang paligid. Hindi lamang iyon, mas naging touchy pa sila.

May isang picture duon na may hawak si Frank na baso ng alak, ang kabilang braso naman niya ay nakahawak sa bewang ng isang babaeng taga duon. Malaki ang grupo nila, pero parang hindi ko kayang tanggapin kung sasabihin niya sa aking kaibigan lang ang mga babae sa litrato.

Imbes na ipagpatuloy ay huminto na lamang ako. Ayokong bumigat ang dibdib ko. Sinagot ko siya bago siya umalis, pero pakiramdam ko ay wala naman akong boyfriend. Mali ata ang naging desisyon ko?

Kinagabihan din nuon ng tawagan ako ni Frank. Kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam. Akala ko ay nakalimutan na niyang may girlfriend siya.

“Hi” paos na sabi niya mula sa kabilang linya.

Napaayos ako ng upo sa aking kama. Kahit wala siya sa aking harapan ay pakiramdam ko kailangan ko pa ding maging maganda. Kahit sa boses lang ay halos manlambot na ang mga tuhod ko. Ang lakas talaga ng epekto niya sa akin na sa tuwing nandiyan siya o kinakausap ako ay mabilis na nagtatambol ang aking dibdib.

Hi, kamusta?” marahang tanong ko sa kanya.

Ayos naman. Ikaw? Miss mo na ako?” nakangsing tanong niya sa akin.

Bumagsak ang aking mga mata sa sahig, ramdam ko ang paginit ng aking magkabilang pisngi.

Uhm, Oo” mahina at nahihiyang sagot ko sa kanya. Narinig ko ang bayolente niyang pagbuntong hininga mula sa kabilang linya.

Kailan ang balik niyo?” pahabol na tanong ko.

Weekend, nandyan na ako” tipid na sagot niya sa akin.

Napatango ako kahit hindi naman niya iyon nakikita. “Nakita ko ang mga pictures niyo. Ang dami mo palang kaibigan diyan…na babae” marahang sabi ko at medyo nagalangan pang banggitin ang mga babae.

Marami kaming kaibigan ni Sergio dito, at ang mga babaeng kasama namin ay kaibigan lang din” paliwanag niya sa akin.

Ah, ok…” pagsuko ko. Pakiramdam ko ay maiinis siya kung ipipilit ko ang topic na iyon.

Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. “Hey, wala kang dapat na ipagselos. Don’t worry sa susunod na out of the counrty ko, isasama na kita” pagaalo pa niya sa akin.

Halos malaglag ang aking panga. Mabuti na lang at wala siya sa harapan ko ngayon baka kung ano na ang naging itsura ko kung nagkataon. Bigla akong nakaramdam ng excitement.

Talaga?”

Yes” tipid na sagot niya sa akin.

Magsasalita pa sana ulit ako ng may sumunod na siyang tanong. “Kamusta ka? Ang kapatid mo? May binili ako para sa inyo”

Hindi kaagad ako nakapagsalita, wala kasi akong mahanap na salita, nabigla dahil sa kanyang tanong. Hindi talaga mawawala si Sera sa paguusap namin.

Wala siya ngayon dito, nasa boyfriend niya” kwento ko.

Ano? Pinayagan mo?” galit na tanong niya mula sa kabilang linya, narinig ko din ang pagtaas ng kanyang boses.

Eh boyfriend naman niya iyon. At mukha namang mabait” pagdadahilan ko. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay ito ang unang pagaawayan namin. Ang pagpayag ko na umalis ang aking kapatid kasama ang boyfriend niya.

Narinig ko ang ilang beses niyang pagtikhim. “I need to go, may kailangan pa akong tawagan” tamad na paalam niya sa akin.

Ha, pero…”

“Alam mo ba kung saan nakatira ang boyfriend niya?” tanong niya pa sa akin.

Hindi kaagad ako nakasagot. Hindi ko naman na iyon natanong pa kay Sera. Imbes na hintayin akong makasagot ay nagpaalam na lang siya.

Never mind. Ako na ang bahala…”

Uhm, sige. Bye Frank…I uhm, I love you” nahihiyang paalam ko sa kanya.

Mariin akong napapikit habang hinihintay ang sagot niya. Isang malalim na buntong hininga ang una kong narinig.

Love you” sagot niya.

Nang sumunod na araw ay kinausap ako ni Daddy, isang party ang dadaluhan namin sa bahay nila Governor kaya naman sinabihan niya akong pauwiin si Sera sa lalong madaling panahon.

Pero Dad, kasama pa niya ang mga kaibigan niya. Pwede naman pong tayong tatlo na lang nila Mommy ang pumunta” sabi ko sa kanya.

Tumikhim ito. Malakas ang pakiramdam ko na tungkol nanaman ito sa mga Alvarado. Gusto niyang ipakilala si Sera kay Augustine Alvarado at igaya sa akin.

At kailan ka pa nakialam sa desisyon ko? Pinagtatakpan mo ang kapatid mo kahit alam ko namang may nobyo na ang isang iyon? Sige nga, mas gusto mong ikaw ang ipagkasundo ko kay Augustine?” hamon niya sa akin.

Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi. Syempre hindi, syempre ayoko na ulit na ipagkasundo pa ako kung kanino. Si Frank ang gusto ko, at hindi kagaya kay Alfred ay ipaglalaban ko talaga ito ngayon.

Hindi po Dad” nakayukong sagot ko.

Naramdaman ko ang pagbigat ng aking dibdib para sa aking nakababatang kapatid. Gustuhin ko man sanang saluhin na lang ito ay hindi ko naman magawa. Gustong gusto ko si Frank. Pakiramdam ko ay ngayon lang ako magdedesisyon para sa aking sarili, hindi ko kayang palagpasin ito.

Kagaya ng gustong mangyari ni Daddy at umuwi si Sera ng araw ding iyon para sa dadaluhan naming party. Pakiramdam ko ay may malaki akong kasalanan sa kanya kaya naman hindi ko magawang tumingin sa kanya.

Ate, ayoko kay Augustine. Alam ko kung saan ito patungo. Mahal ko si Kenzo” naiiyak na sabi niya sa akin bago pa kami makaalis ng bahay.

May kung anong bumara sa aking lalamunan. Mahal ko din si Frank kaya naman kahit gustuhin kong magparaya ay hindi ko magawa.

Anong gagawin ko, Ate?” tanong niya sa akin na parang maiiyak na.

Hindi ako nakasagot sa kanya kaya naman mas lalo akong naguilty ng yakapin niya sa akin. Sa huli ay niyakap ko na lang din siya pabalik.

Pareho lang kami ni Sera na nahanap ang pagtanggap at pagmamahal sa mga nobyo namin. Pareho din namang mahal ang mga ito kaya naman mahirap talaga ang magdesisyon. Sana lang ay may iba pang solusyon.

Nang dumating ang weekend ay nagkita kami ni Frank sa malapit na mall. Siya na ang nagadjust dahil hindi din naman ako pwedeng lumayo. Pagkadating ko ay nakaupo at naghihintay na siya sa loob ng isang restaurant. Kagaya ng dati ay mukha nanamang tamad na tamad siya.

Kaagad kasi siyang tumawag na magkita kami, mukhang hindi pa nga ata ito nakakapagpahinga mula sa kanilang byahe.

Nangangat siya ng tingin pagkapasok ko sa restaurant. Matamis ko siyang nginitian. Nakita ko mula sa gilid ng lamesa ang ilan sa mga paper bag. Mukhang iyon ang sinasabi niyang pasalubong niya para sa aming dalawa ni Sera.

Hi” bati niya pagkatayo at humalik sa akin.

Kagagaling mo lang sa mahabang byahe, hindi ka ba pagod?” tanong ko sa kanya.

Pinaghila niya ako ng upuan bago siya bumalik sa kanyang pwesto. “Feeling ko, miss mo na ako. Pwede namang magpahinga mamaya” nakangising sagot niya sa akin.

Hindi mawala ang ngiti sa aking labi dahil kaharap ko na siya ngayon. Matapos umorder ay inabot niya sa aking ang mga mamahaling regalo na nakalagay sa paper bag. Pangalan pa lang ng mga brand ay nalulula na ako.

Ito ang para sayo, itong isa para sa kapatid mo. Sa tingin mo magugustuhan niya yan?” tanong niya sa akin.

Mabilis akong tumango. Ang tanong nanaman niya ay puro kay Sera. Nakalimutan nga ata niya akong tanungin kung nagustuhan ko yung ibinigay niya sa akin.

Anong gusto mong gawin pagkatapos? Gusto mong manuod ng sine?” tanong niya sa akin sa kalagitnaan ng aming pagkain.

Mabilis akong napatango. “Oo, tapos gusto ko din sanang mag arcade” excited na sabi ko sa kanya.

Napapanuod ko iyon sa mga romance movie. Hindi ko pa iyon nasusubukan kaya naman gusto kong subukan namin ni Frank.

Kita ko ang pagngiwi niya kaya naman medyo naghold back ako sa pagiging excited. “That’s too childish, pero for you, we’ll try” pagsuko niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kaagad na napatayo at yumakap sa kanya. Naramdaman ko din ang pagkabigla niya dahil sa aking ginawa.

Thank you Frank, sobrang saya ko” malambing na sabi ko sa kanya.

Maging ang side ko na ganito ay kusang lumalabas dahil sa kanya. Hindi katulad dati na tahimik at halos cold na nga din ata ako kay Ram. Dahil kay Frank, unti unti kong naipapakita kung sino talaga ako, naipaparamdam ko sa kanya ang nararamdaman ko.

Narinig ko ang pag ngisi niya. “Kumain ka ng marami at ramdam na ramdam ko ang mga buto buto mo” pangaasar niya sa akin kaya naman napanguso ako at dahan dahang kumalas ng yakap sa kanya.

Kumakain ako ng marami” laban ko sa kanya pero nagtaas lamang siya ng kilay sa akin.

Oo nga, pero halatang walang nagaalaga sayo”

Napatitig ako sa kanya. Anong ibig niyang sabihin? Halos magsitayuan ang balahibo sa aking braso ng makita ko kung paano tumaas ang isang sulok ng kanyang labi.

Don’t worry, nandito naman na ako. May magaalaga na sayo” pagbibida pa niya. Ramdam ko ang paginit ng magkabilang gilid ng aking mga mata.

Thank you Frank” emosyonal na sambit ko. Gusto kong ngumiti para naman hindi ako magmukhang masyadong madrama, pero hindi ko talaga maiwasang hindi maging emosyonal.

Nanatili ang titig niya sa akin kita ko din ang pagtataka sa kanyang tingin. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para magsalita ulit.

Gusto ko lang malaman mong masaya ako na nakilala kita. Pag kasama kita, pakiramdam ko malaya ako. Pwede kong gawin ang mga gusto ko, hinahayaan mo akong maging ako” pagpapatuloy ko.

Kita ko ang pagawang ng labi niya habang nakatitig pa din sa akin. Bago ko pa man madugtungan ang sasabihin ko sa kanya ay tumayo na siya at tumabi ng upo sa akin.

Ofcourse, you can be whatever you want to be. I’ll support you” marahang sabi niya sa akin.

Kusang tumulo ang luha sa aking mga mata. Imbes na sumagot ay hinalikan ko na lamang siya sa labi. Sandali lamang iyon dahil nahihiya akong isipin niyang mapusok ako.

Pero bago ko pa man tuluyang mailayo ang aking mukha sa kanya ay kaagad na niyang hinabol ng halik ang aking labi. Sa unang pagkakataon ay naramdaman ko kung paano halikan ng ganuon. He kissed me passionately. Na para bang sa bawat hagod ng kanyang labi ay nakikiliti ako.

Pareho kaming nakangiti habang magkahawak ang kamay pagkalabas namin ng restaurant. Iba kasi ang tingin sa amin ng mga waiter. Siguradong nakita nila ang paghahalikan namin kanina kaya ganuon.

Ikaw na ang mamili ng papanuorin natin” sabi ni Frank sa akin habang nakapila kami sa labas ng sinehan para bumili ng ticket.

Uhm, gusto mo ba yung horror?" turo ko sa poster ng isang filipino horror movie.

Napatingin din siya duon at pagkatapos ang bumaling sa akin. “Horror para pag natakot ka, yayakap ka sa akin? O pwedeng ako ang yumakap sayo?” nakangising tanong niya sa akin.

Pinanlakihan ko siya ng mata. Hindi man lang niyang naisip na may mga tao sa harap at likuran namin. Wala talaga siyang pakialam sa paligid.

Yung comedy na lang…” sabi ko pero marahan siya umiling.

Yung Horror na lang” nakangising pangaasar niya sa akin.

Sa huli ay iyon ang napagdesisyunan naming dalawa. Alam kong hinahayaan niya akong magdesisyon. Pero dahil relasyon naming dalawa ito ay importante pa din para sa akin ang kanyang opinyo. Hindi naman pwedeng siya palagi ang magaadjust para sa akin.

Pagkapasok sa sinehan ay hinubad ni Frank ang suot niyang itim na jacket para ibigay sa akin. Mas lalo ko tuloy nakita ang ganda ng hubog ng kanyang katawan ng maiwan na lang ang puting polo shirt niya.

Paano ka?” tanong ko.

Hindi pa kasi nagsisimula ay malamig na sa loob. Kahit mukha namang sanay ito sa malamig ay nagaalala pa din ako para sa kanya.

Yayakap na lang ako sayo mamaya pag giniginaw na ako” nakangising sabi niya sa akin bago siya dumakot ng pop corn at kumain.

Napanguso ako at sumimsim ng softdrinks. Kung hindi ko lang talaga siya mahal ay baka nabaliw na din ako sa pagiintindi ng mga mood swings niya. Minsan ay maloko, minsan ay cold, masungit at madalas parang walang pakialam.

Matapos ang movie ay dumiretso kami sa arcade na sinasabi ko. Suot ko pa din ang jacket niya. Habang nakapila kami sa pagbili ng token ay naabutan ko siyang nakatingin sa akin.

Nginitian ko siya at pinagtaasan ng kilay. “Bakit?”

Marahan siyang umiling. Napasinghap ako ng higitin niya ang aking bewang palapit sa kanya. “I like you more wearing my clothes” marahang sabi niya at humalik sa aking pisngi.

Lapat na lapat ang aking mga labi para itago ang kilig at ngiti. Nakita ko ang bahagya niyang pagnguso ng makita ang pinipigilan kong emosyon.

Ang bango nga, baka maiwan yung amoy mo sa damit ko” sabi ko na lamang.

Ngumisi siya. “Sa susunod, sa balat mo na maiiwan yung amoy ko”

Nanlaki ang aking mga mata at kaagad na nagiwas ng tingin sa kanya. Mahina siyang napatawa at muling humalik sa aking pisngi.

Ang sabi niya ay masyadong childish ang arcade. Pero ng makapagumpisa na siya ay halos hindi na siya tumigil. Para bang ito din ang unang beses na nakapaglaro siya dito.

Tingnan mo to” pagyayabang niya ng lumayo siya sa basketball machine para daw magtres.

Napangisi ako at napapalakpak ng mashoot niya iyon. Mayabang siyang lumapit sa akin at tinuro ang kanyang pisngi. Kaagad akong tumingkayad para halikan siya sa pisngi, yun daw ang reward niya. Pero imbes na sa pisngi ay sa labi tumama ang aking halik dahil sa paglingon niya.

MVP ako kaya dapat sa lips” pagyayabang pa niya.

Matapos sa basketball ay napagdiskitahan naman niya ang Stuffed toys catch machine. Duon na bumalik ang pagiging bugnutin niya ng hindi siya makakuha.

Isang mura ang pinakawalan niya. “Asaan ang manager at bibilhin ko na tong tanginang machine na ito” galit na sambit niya imbes na matakot sa kanya ay natawa na lamang ako.

Subukan mo pa ulit” sabi ko pero napairap siya.

Kung hindi ko lang siya pinigil kanina ay baka nasipa na niya iyon. Muli niyang sinwipe ang card at sumubok ulit pinanuod ko siyang ipwesto ang claw sa gusto niyang stuffed toys.

Yung pink yung gusto ko” paalala ko sa kanya.

Tumango siya. “Pero mas cute yung yellow, bagay ito kay Sera” sabi pa niya kaya naman tipid na lang akong ngumiti sa kanya.

Sa huli ay yung yellow na stuffed toys lang ang nakuha niya. “Ayos na ito, siguradong matutuwa na si Sera dito” sabi ko sa kanya.

Napatitig siya sa akin. “Tara, bibilhan na lang kita” yaya niya sa akin at dinala ako sa store na may malalaking stuffed toys.

Kahit gaano kalaki ang ipinapakita niya sa akin ay mas gusto ko pa din yung maliit, nanduon si effort niya. Pinaghirapan niya iyong makuha. Mas gusto ko iyon.

Gabi na ng lumabas kami ng mall. Imbes na umuwi ay nanatili muna kami sa sea side. Pareho kaming nakatingala sa langit, ang daming stars ngayon.

Star ang ibig sabihin ng pangalan ko” kwento ko.

Tumango siya. “I know

Ngumiti na lamang ako at muling ibinalik ang tingin sa langit. Wala sa sarili kong itinaas ang kamay ko para gumuhit ng kung ano duon.

Anong ginagawa mo?” si Frank

Nagcoconnect ng stars…”

Ngumisi siya. “Anong nabuo mo?” tanong niya sa akin.

Napanguso ako. “Letter F, para Frank” sagot ko sa kanya at iniwasan ko talagang tingnan siya.

Nagulat na lamang ako ng lumipat siya sa aking likuran at hinawakan ang nakataas kong kamay.

Ginalaw niya iyon na para bang nagdradrawing kami. “Anong bubuoin natin?” tanong ko sa kanya.

Inilapit niya ang labi niya sa aking tenga. “Bata…” bulong niya sabay halakhak.









(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro