Chapter 6
Relationship
Hiyang hiya ako kay Frank dahil sa kanyang mga narinig. Baka mamaya ay akalain niyang gustong gusto ko talaga siya at kahit hindi pa kami ay ipinagdadamot ko na siya.
Nanatili ang tingin ko sa mga papel sa aming harapan habang nagme-meeting. Panay ang iwas ko ng tingin kay Frank pero sa tuwing napapatingin naman sa kanya ay panay ngisi o kung minsan ay may pagkindat pa.
“Due ito next week, kaya umpisahan niyo na. By partner naman kaya hindi na kayo mahihirapan” si Sergio na aagad naming tinanguan.
“Tayo na ang partner?” si Sandra kay Sergio.
Kaagad na nanlaki ang aking mga mata, handa na sana akong magprotesta ng hawakan ni Frank ang aking kamay. “Saan tayo? Condo mo o sa akin?” tanong niya na mas lalo kong ikinagulat.
“Bakit sa condo? Pwede naman dito sa campus” galit na sabat ni Ram.
Ngumisi si Frank sa kanya at nagtaas ng kilay. “Tinatanong ba kita?” mapanuyang sabi niya dito kaya naman tumigas ang mukha ni Ram.
“Stella and Frank na. Kayo na lang ni Eunice, Ram” sabi ni Sandra para putulin na din ang matalim nitong tingin kay Frank.
“Stella, tayo na lang” giit ni Ram. Mas marahan ang kanyang boses ngayon.
Narinig ko ang pagtikhim ni Frank. Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko kung paano siya sumimsim sa kanyang inumin. Hindi siya nagsalita, hinayaan niya akong magdesisyon.
Nasa aking ang atensyon nina Ram at Eunice. Mas lalo akong nainis ng makita ko ang nangungusap na mga mata ni Eunice. Umaasa ata siyang susundin ko ang gusto ni Ram, para ano? Para sila ni Frank ang maging partner?
Bumaling ako kay Frank. Nagtaas lang siya ng kilay sa akin. Wala atang ipaglaban ako bilang partner niya. Sa huli ay tipid siyang ngumiti sa akin.
“You decide for yourself, Stella” marahang sabi niya sa akin.
Napaawang ang aking bibig. Sa hindi malamang dahilan ay parang may kung anong nagbunyi sa aking puso. Ganito yung mga klase ng salita na gustong kong marinig nuon pa. Yung mayroon akong karapatang madesisyon sa aking sarili. Na may humihingi din ng aking opinyon.
Nanatili ang titig ni Frank sa akin. Sa huli ay matamis ko siyang nginitian. “Si Frank ang gusto kong kapartner” sabi ko sa kanilang lahat.
Mahinang napamura si Ram, bumagsak naman ang magkabilang balikat ni Eunice, pero wala na akong pakialam.
Nanatili ang titig ko kay Frank. Sinuklian na din niya ang ngiting binigay ko sa kanya. Hanggang sa uminit ang magkabila kong pisngi ng maramdaman ko ang kamay niya sa aking likuran, pababa sa aking bewang.
“Thank you?” nakangising bulong niya sa akin.
“Huh, para saan?” nagtatakang tanong ko,
Sandali niyang dinilaan ang pangibabang labi. Bumaba din tuloy ang tingin ko duon, pero mabilis kong ibinalik sa kanyang mga mata ang aking tingin sa takot na mahuli niya akong nakatingin sa kanyang labi.
“For choosing me” sambit niya kaya naman hindi ko naiwasang hindi mas lalong mapangiti.
No frank, thank you for choosing me. When everyone failed to choose me, you did.
Habang dumadaan ang mga araw ay mas lalo na akong nasasanay sa kanyang presencya. Kahit minsan, pakiramdam ko ang cold niya. Nasasanay na din ako minsan sa kasungitan niya, mas masungit pa nga siya sa babaeng may period.
Matapos niyang sabihin ang order niya sa waiter ay tumingin siya sa akin. “What’s your order?” tanong niya sa akin.
Napaawang ang bibig ko. Hindi ko na nagawang tumingin sa menu dahil busy ako sa panunuod sa kanya. Kung paano siya magsalita, kung paano siya pumili sa hawak na menu. May something kay Frank na gustong gusto ko.
“Uhm, kung ano na lang yung sayo” sabi ko at kaagad na isinara ang menu.
Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Napakagat labi ako ng makita kong parang nadisappoint siya sa aking sinabi.
Sa huli ay tumango na lamang siya sa waiter. Tahimik lang ako nung una, pinagmamasdan ang kabuuan ng hotel restaurant na pinagdalhan niya sa akin. Palagi kaming magkasam dahil na din sa thesis namin.
Kung minsan nga ay mas mahaba pa ang oras ko na kasama siya kesa kay Sandra. Hindi naman ata iyon napansin ni Sandra dahil nageenjoy siyang kasama si Sergio. Ang babaeng iyon!
“Palagi ka dito?” tanong ko sa kanya.
Nang tingnan ko siya ay bumalik nanaman siya sa pagiging suplado niya. Umigting lang ang panga niya at tipid na tumango.
“Ikaw ba?” tamad na tanong niya sa akin.
Hindi ko alam kung tamad siya o ganuon na talaga siya magtanong. Minsan iniisip ko parang napipilitan na lang siyang tanungin ako, pero kinukumbinsi ko na lang ang sarili ko na baka ganuon lang talaga siya.
Marahan akong umiling. “Minsan lang, hindi rin naman ako palaalis ng bahay. Puro aral lang” sagot ko sa kanya.
Tumango siya. “Eh ang kapatid mo?”
Tsaka lang siya sumisigla at panay ang salita pag tungkol na kay Sera ang pinaguusapan namin. Minsan nagseselos na ako, pero inisiip kong ayos na din, nabibigyan naman niya ako ng tip para mas magkalapit kami ni Sera at kung paano ako magiging mabuting kapatid dito.
Sa kalagitnaan ng aming pagkain ay may tumawag sa kanya. Nanahimik ako bilang respeto. Hindi na siya nakatayo pa, duon niya na mismo sinagot ang tawag.
“I’m working on it, wag kang magalala. Pagbabayarin ko sila sa oras na may malaman akong hindi maganda” matigas na sabi niya sa kausap.
Nagangat ako ng tingin sa kanya. Napanguso ako ng makita kong matalim ang tingin niya sa may labas, para bang malalim din ang inisiip.
“Mommy, para ito kay Frances…”
Bumaba na lang ang tingin ko sa aking pagkain, ayoko namang isipin niyang nakikinig ako. Kahit obvious naman na maririnig ko talaga iyon dahil magkaharap lang kami.
“Don’t worry Mom. It’s just for the info. Nothing more…I don’t have plan to pursue her anyway” sabi pa nito kaya naman bahagyang kumunot ang aking noo.
Pagkababa ng tawag ay tumingin siya sa akin. Tipid akong ngumiti sa kanya.
“Ang busy mo”
Tumango siya. “Para sa pinapatayo naming bagong bussiness” sagot niya sa akin bago sumimsim sa kanyang wine.
Nanlaki ang aking mga mata at mas lalong humanga sa kanya. “Anong bussiness?” panguusisa ko.
Tumikhim siya at nagiwas ng tingin. Bigla akong napaayos ng upo. Did I cross the line? Masyado bang personal ang tanong ko?
“Security company” tipid na sabi niya.
Alanganin akong ngumiti at tumango. “Kaya pala may body guard ka”
Kung hindi sa campus o kaya sa school library ay sa condo kami ni Frank gumagawa ng thesis. Pareho kaming nakaharap sa laptop ng pinarte namin ang mga dapat gawin.
“Nagugutom ako…” reklamo niya sa kalagitnaan ng aming ginagawa.
Nanatili ang tingin ko sa aking laptop, hanggang sa magulat ako ng iabot niya sa akin ang kanyang cellphone.
“Order ka ng mirienda”
“Ako? Bakit anong bang gusto mo?” tanong ko sa kanya.
“Kung anong gusto mo, ano bang gusto mong kainin?” tanong niya sa akin.
Wala sa sarili kong tinanggap ang kanyang phone. “Kung anong gusto ko?” paninigurado ko.
Tumango siya kaya naman mas lalo akong naexcite na umorder ng pagkain para sa amin. Bagay na hindi ko nagawa nung kami pa ni Ram. Siya kasi palagi ang nasusunod, palagi niyang kinokontra ang mga pinipili ko.
“Gusto mo ng milktea? Gusto ko ng milktea”
Tumingin siya sa akin. “I’ll try then”
Mas lalong lumaki ang ngiti ko. Ayaw ni Ram nuon, kaya naman sa tuwing sasabihin ko sa kanyang gusto ko ng milktea ay hindi niya ako pinapayagan.
Matapos kong macheck out ang order namin ay muli akong bumalik sa aking ginagawa. Matapos ang ilang minuto ay dumating na din iyon, kaming dalawa pa ni Frank ang kumuha sa may pintuan.
“Good, nagcrave din ako sa Pizza” puri niya sa mga inorder ko.
Nginitian ko siya. Malaking bagay na para sa akin na may nakaaapprciate ng pinili ko. Kahit sabihin mong sa pagkain lang iyon. Masarap sa pakiramdam na maappreciate ka, kahit sa anong aspeto. Iyon kasi ang bagay na matagal ko ng gusto.
Weekend ng umuwi kami ni Sera sa bulacan. Tahimik lamang ito sa byahe, panay din ang tingin sa kanyang cellphone. Gusto ko sanag itanong kung may boyfriend na siya pero natatakot akong baka macross ko ang privacy niya. Hihintayin ko na lang na siya mismo ang magkwento sa akin.
Tahimik kami ni Sera pagkadating sa bahay. Pagkapasok pa lang namin sa front door ay ang galit na si Daddy na kaagad ang nakita namin. Kahit papaano ay nakahinga kami ng maluwag ng makitang sa kausap niya sa phone ito galit at hindi sa aming dalawa.
“Umakyat na muna kayo” si Mommy.
Tumango kami ni Sera at lalagpasan na sana si Daddy ng kaagad kong nahigit ang aking hininga ng tawagin niya ako.
“Stella, magusap tayo”
Napatingin ako kina Mommy at Sera. Kita ko ang pagaalala sa kanilang mga mata. Tipid ko lang silang nginitian at tinanguan na dumiretso na sa itaas.
Tahimik akong umupo sa may sofa, matalim ang tingin ni Daddy sa may center table. Mukhang malalim ang iniisip.
“Nabalitaan ko ang nangyari kay Ramiro” paguumpisa niya.
Hindi ako nakaimik, natakot pa ako ng tumingin siya sa akin. Alam na ba niyang wala na kami at ayoko ng makipagbalikan sa kanya?
“Ang walanghiyang batang iyon. Walang respeto” galit na utas niya. Nalaglag ang aking panga. Buong akala ko ay ako ang pagagalitan niya.
“Dad…”
Nabigla ako ng hawakan niya ako sa balikat. “Wag kang magalala anak, hindi na natin itutuloy ang pakikipagsosyo sa kanila. Mga walang respeto, hindi na nila tayo binigyan ng kahihiyan” pagpapatuloy niya.
Gulong gulo na ako, wala akong alam sa nangyayari. Nung huling magkita kami ni Ram ay maayos naman siya.
“Nakabuntis ang batang iyon, at laking pagsisisi nila dahil wala naman silang mapapala sa pamilya ng babae” nakangising sabi ni Daddy na ikinagulat ko.
“Nakabuntis po si Ram? Sino?” gulat na tanong ko.
Kumunot ang kanyang noo. “Hindi mo alam?”
Tahimik akong nakatitig sa kisame ng aking kwarto ng gabing iyon. Wala akong maramdaman, ni hindi ako naiyak o nagalit. Nabuntis ni Ram ang aking kaibigan. Dahil duon ay nagalit si Daddy kaya naman ihihinto ang merge na pinaplano nila.
Imbes na magalit ay natakot pa ako. Sino nanaman kayang lalaki ang irereto sa akin? Para sa bussiness? Sana ay wala na, sana ay tumigil na si Dad.
Kaya naman hindi na ako nagulat pa ng hindi ko na nakita pa sina Ram at Eunice sa campus na pakalat kalat.
Umaattend sila sa mga klase namin pero naglalaho na lang ding parang bula pagkatapos.
“So wala na talaga siyang habol sayo. Lalo na’t ang Daddy mo na mismo ang nagpatigl sa merge. Malaya ka na, Stella!” si Sandra na napapalakpak pa.
Imbes na iyon ang pagtuunan ng pansin ay mas nauna ko pang hinanap si Frank. Gusto ko sanang mag tanong kay Sandra tungkol sa dalawa ngunit nahihiya naman ako.
“Kailan mo balak sagutin si Frank?” biglaang tanong niya sa akin. Halos mapatalon ako sa aking kinauupuan.
“Hindi ko pa alam” nauutal na sagot ko sa kanya.
Sinamaan niya ako ng tingin. “Sagutin mo na, ilang buwan na din naman” pagtutulak pa niya sa akin.
Nagkibit balikat na lamang ako. Hindi ko pa alam. Oo nga’t gusto ko si Frank pero may takot pa din ako. Na baka sa una lang siya, na pag tumagal ay kagaya ng iba, sasaktan niya lang din ako.
“May kailangang may doble time, end of semester na next week. Napaaga din ang deadline” pamomorblema ni Sergio.
Halos lahat kami ay namorblema dahil sa kanyang inanunsyo. Mas lalo pa dahil ang mga kagrupo naming sina Ram at Eunice ay halos hindi na umaattend sa aming meeting. Nakakapagpasa naman sila thru mail kay Sergio pero iba pa din kung nakakasama namin sila sa mga meeting.
“Tatapusin namin ni Sandra ngayon, mauna na kami” nagmamadaling paalam ng dalawa.
Nalaglag ang aking panga. Parang sobra naman ata ang pagmamadali na iyon, o baka may iba pang gagawin? Nakangising napailing na lamang si Frank.
“Safe naman ang kaibigan ko kay Sergio, diba?” tanong ko sa kanya na mas lalo niyang ikinatawa.
Nagtaas siya ng kilay. “Siguro?” pangaasar niya sa akin.
“Frank!”
Napahalakhak siya. “Wag kang magalala, mas mabait si Sergio kesa sa akin” pagpapatuloy pa niya.
Napanguso na lamang ako. “Bakit? Masama ka ba?” tanong ko.
Nagkibit balikat siya. “Basta hindi ako mabait” sagot niya sa akin.
Dumiretso kami sa kanyang condo pagkatapos kumain sa labas. May dala na din akong damit dahil kailangan naming magpuyat ngayon para matapos ang part namin sa thesis. Hindi na namin pwedeng ipagpabukas pa lalo na’t finals na next week. Imbes na magtapos ng thesis ay magrereview na lang kami.
“Sa tingin mo, pwede na to?” tanong ko sa kanya.
Lumapit ako sa kanya dala ang laptop ko. Nasa may sala niya kami, nakaupo ako sa may carpet at ang aking laptop ay nasa may center table. Siya naman ay preskong naka upo sa kanyang malaking couch.
Sandali siyang tumigil sa ginagawa para tingnan ang ipinapakita ko. Bahagyang kumunot ang kanyang noo habang binabasa ang ginawa ko.
“Oo, ok na yan” sabi niya sa akin kaya naman napatango ako.
Bumalik ako sa pagkakaupo sa may sahig, pagkalapag ko ng laptop sa may center table ay nagunat ako.
“You like pink?” nakangising tanong niya.
“Huh?”
Bumaba ang tingin niya sa suot kong pink silk terno pajama. “Uhm, medyo” nahihiyang sagot ko at nagiwas ng tingin.
I heard him chuckle kaya naman mas lalo kong naramdaman ang paginit ng aking magkabilang pisngi. Siguro ay sanay siya sa mga babaeng nakalingerie pagnatutulog. Sa itsura nitong si Frank ay mukhang matini din sa babae.
“I think, I’ll change my reference now” nakangising sabi pa niya kaya naman kunot noo akong tumingin sa kanya.
Napabuntong hininga siya at ibinaba ang laptop. “Shower lang ako” paalam niya sa akin.
Napatingin ako sa orasan at nakitang magaalauna na ng madaling araw. “Madaling araw na ah” sabi ko sa aking sarili.
Sandaling nawala si Frank dahil sa pagshohower. Habang naghihintay sa kanya ay mas lalong bumigat ang talukap ng aking mga mata. Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala akong nakadukdok sa aking laptop.
Nagising ako kinaumagahan na nakahiga na sa kanyang couch. May kumunot na din. Hanggang sa manlaki ang aking mga mata ng marealize kong nakaunan ako sa kanyang hita. Natulog siya ng nakaupo?
Dahan dahan ang nagawa kong paggalaw. Nang tingalain ko siya ay duon ko nakitang nakapikit pa siya. Mas maamo ang mukha niya ngayong tulog siya. Sa ganitong pagkakataon lang siya nagiging maamo. Pag gising ay napakasungit na.
Hindi ko maiwasang mapangiti. Kahit pakiramdam ko ay napakacold niyang tao ay maganitong side din pala siya. Ito yung side na hindi niya ipinapakita niya sa lahat. Pakiramdam ko tuloy, ang importante kong tao para sa kanya para maranasan ito.
Mas naging busy ang lahat ng dumating ang finals week. After nito at magkakaroon ng semestral break.
“Uuwi ka sa inyo?” tanong ni Frank sa akin.
Tumango ako. “Ikaw?”
Tumikhim siya. “I’ll be out of the country” sagot niya sa akin. Napanguso ako at nakaramdam ng lungkot.
“Akala ko, pwede tayong magkita kahit bakasyon” nahihiyang sabi ko.
Nagtaas siya ng kilay na para bang nagulat din siya. “Pagbalik ko, pwede naman”
Nagiwas ako ng tingin. Hindi ko talaga minsan kinakaya yung aura niya. Masyadong malakas, matigas at madilim.
Tumango na lang ako. “May gusto kang pasalubong?” tanong niya sa akin.
Marahan akong umiling. “Eh yung kapatid mo? Saan ba mahilig iyon?” tanong niya ulit sa akin.
Hindi na ako nagulat, parang nasanay na din ako na sa tuwing maguusap kami ay hindi pwedeng hindi niya mabanggit si Sera.
“Hindi naman kami gaanong materialistic, kahit ano naman ay magugustuhan nuon” sagot ko na lamang sa kanya.
Nito lang din naman ako nahilig sa mga designers bag, nung nasama ako kay Sandra. Kahit papaano ay nabigyan ko din ng reward ang sarili ko dahil duon.
Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hanggang sa nagsimula na ako.
“Uhm, Frank…” tawag ko sa kanya.
Nagtaas siya ng kilay sa akin. Kagaya ng palagi niyang ginagawa.
“Sinasagot na kita” diretsahang sabi ko. Halos mahigit ko ang aking hininga dahil duon.
Ngumiti siya at lumapit sa akin. “Tayo na?” tanong niya na kaagad kong tinanguan.
Sa huli ay niyakap niya ako, sandaling halik sa labi ang ginagawa niya kaya namahn halos mawala ako sa aking sarili.
Pakiramdam ko, naging mabilis ang lahat sa pagitan namin ni Frank. Kahit pa halos ilang buwan na din siyang nanligaw sa akin. Pakiramdam ko ang bilis pero wala naman akong naramdamang pagsisisi.
“You’ll date, Augustine Alvarado” sabi ni Daddy kay Sera isang araw sa kalagitnaan ng aming pagkain.
Nagulat din ako dahil duon. Buong akala ko ay ako nanaman ang irereto niya sa anak ng kakilala.
“Pero Dad…”
Hindi na nakaimik pa ang aking kapatid ng tumikhim si Dad. Mas gusto ko na lang ding wag na muna siyang magsalita dahil baka masaktan lang siya pag nagkataon.
Ilang araw pa lang simula ng bakasyon. Hindi rin gaanong kumucontact si Frank dahil abala sa bakasyon sa ibang bansa. Kung maguusap naman kami ay sandali lang.
“Mas mabuti na ang handa, sa oras na may hindi magandang mangyari ay aalis tayong lahat at pupunta sa Guam” rinig kong paguusap nina Mommy at Daddy. Kumunot ang aking noo.
Totoo kaya ang tungkol sa manufacturing? May nababalitaan ako pero hindi ako naniniwala dahil hindi naman iyon sinasabi ni Daddy sa amin. Hindi pa naman namin ramdam na may problema.
“Hindi na muna natin papapasukin si Stella sa susunod na Sem, una natin siyang ipapadala sa Guam, duon na muna siya hanggang sa makasunod tayo” sabi pa ni Daddy na mas lalo kong ikinabato.
Paano kami ni Frank? Naguumpisa pa lang kami.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro