Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Cardigan






Ang sarap!” mahalay na kwento ni Sandra sa akin ng magkita kami kinaumagahan sa school.

Kaagad ko siyang inirapan. Paulit ulit kasi ang kwento nito sa akin tungkol sa pagpapantasya niya kay Sergio. Nakita ko ng kung paano mabaliw sa kanya ang mga lalaki. Ngayon ko lang siyang nakita ganito. Mukhang tinamaan na ng lintik ang isang ito.

Natikman mo na ba at nasabi mong masarap siya?” tanong ko sa kanya at nagtaas pa ng kilay.

Kaagad siyang umirap sa akin. “Duh. Stella. Wag ka nga masyadong painosente diyan. Nakikita mo naman iyon, at alam kong nakikita mo naman iyon. Masyado ka lang painosente” akusa pa niya sa akin kaya naman napairap na lang din ako.

Makukuha ko din yang si Sergio” paninigurado niya sa akin.

Napanguso ako at tamad na hinalo ang iniinom gamit ang straw. Mukha namang pilyo iyon si Sergio pero mukha din namang responsable. O baka magaling lang talagang magpanggap. Maraming ganuon, may kilala pa nga akong isa. Ay hindi pala, dalawa sila.

Stella, magusap tayo” si Ram.

Oh, hindi mo kasama ang bagong girlfriend mo?” tanong ni Sandra sa kanya, halatang nanunuya.

Nakita ko kung paano sumama ang tingin ni Ram dito. “Hindi kita kinakausap”

Imbes na sagutin ay napairap na lamang si Sandra sa kanya. Alam kong crush niya dati ito, pero mukhang ngayon ay wala ng dating si Ram sa kanya dahil si Sergio na ang kanyang gusto.

Ayokong makipagusap sayo” pinal na sabi ko sa kanya at kaagad nagiwas ng tingin.

Kailangan nating magusap. Nagtatanong na ang Daddy mo sa akin. Aayusin natin ito” galit na sabi niya sa akin. Kung makapagsalita siya ay parang naguutos pa! Aba’t matapos niyang gumawa ng kasalanan ay parang ako pa dapat ang magpasalamat sa kanya dahil willing siyang pagusapan ito.

Wala na tayong paguusapan pa. Ayoko na”

Napaiktad ang aking katabi ng marahas na hinaklit ni Ram ang aking braso. Sa ilang taon naming relasyon ay ngayon lang niya ginawa sa akin ito. Alam ko kung paano siyang ilang beses na nagpigil na saktan ako, lalo na sa tuwing hindi ko sinusunod ang kanyang gusto.

Maguusap tayo dahil may kasalanan ka din naman dito” matigas na sabi niya sa akin na ikinalaki ng aking mga mata.

Kasalanan saan? Sa pagkakaalam ko ikaw ang nahuli kong may kasamang ibang babae sa kama. Asaan ako sa kasalanang iyon? Hindi ako nakahiga sa kama” mapanuyang pangangatwiran ko na ikinatawa ni Sandra.

Isang matalim na tingin ang ibinato sa kanya ni Ram bago muling bumalik ang matalim niyang tingin sa akin. “Ikaw din ang nagkulang sa relasyon natin kaya naghanap ako ng iba!” giit niya.

Halos lumuwa ang aking mga mata sa gulat. Natawa na lamang ako sa huli. “Kung iyon ang basehan mo para hindi mo ako lokohin, mas lalong hindi kita babalikan. Kesa Ram, hinding hindi ko gagawin iyon kasama ka…hindi hindi ko ibibigay sayo ang sarili ko” asik ko sa kanya dahilan para mas lalong humigpit ang hawak niya sa aking braso.

Makakarating ito sa Daddy mo. Ikaw ang may ayaw na maayos ito” banta niya sa akin. Imbes na matakot at mas nagalit pa ako, marahas kong binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.

Aray, nasasaktan na ako Ram” daing ko, ngunit hindi siya natinag. Para bang ang lahat ng galit niya ay duon niya pinapadaan sa mahigpit niyang hawak sa akin.

Anong nangyayari dito?” singit ng kararating lang na si Frank.

Sa kanyang likuran ay si Sergio na kaagad namang nilapitan ni Sandra.

Tumalim ang tingin ni Frank ng bumaba ang kanyang mga mata sa mahigpit nitong pagkakahawak sa aking braso. Sandali kong nakalimutan ang sakit duon dahil sa kanyang presencya.

Bitawan mo, nasasaktan” matigas na utos niya kay Ram. Imbes na matakot at napakagat labi na lamang ako, may kung ano akong naramdaman dahil sa kanyang sinabi, maging ang kanyang boses ay naghahatid ng kakaibang kuryente sa akin.

Problema naming ito, relasyon namin. Pwede bang wag kayong makialam dito” galit na bato ni Ram pabalik sa kanila.

Hindi na kayo ni Stella. You fucked her friend, what do you expect?” si Sandra na kaagad namang hinawakan ni Sergio sa balikat.

Mas lalong nagalit si Ram dahil dito. Napangiwi ako ng muling bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa aking braso. Kita ko ang panginginig ng kamay niya, halatang gigil siya.

Hand off” madiin sambit ni Frank.
Sa bilis ng pangyayari ay nabigla na lamang ako ng nasa likuran na niya ako, si Ram ay napaupo sa kanina kong inuupuan dahil sa pagkakatulak ni Frank sa kanya.

What the fu…” hindi na natuloy ni Ram ang pagmumura at ang tangkang pagsugod kay Frank ng may isang lalaking nakaitim ang humarang sa kanya.

Napangisi si Ram dahil duon. Mas malaki ang katawan ng lalaki sa kanya. Isa siguro ito sa mga body guard ni Frank.

Really? Lumaban ka ng patas, wag kang magtago sa likod ng mga ito” mapanuyang sabi ni Ram dito at kaagad na minata ang bodyguard sa kanyang harapan.

Nagkibit balaikat si Frank. “I can afford, so what?” mayabang na sabi niya dito kaya naman mas lalong tumikhim si Ram sa kanya.

Itinaas niya ang kanyang kamay at dinuro ako. “Pagsisisihan mo ito, Stella” banta niya sa akin.

Don’t you dare point your finger…again” madiing banta ni Frank ng marahas niyang hawiin ang nakataas na kamay ni Ram na nakaturo sa akin.

Sandaling pang nagtagal ang matalim niyang tingin sa akin na para bang nanghahamon. Isang irap ang pinakawalan ni Ram bago niya kami tuluyang tinalikuran.

Sinundan ko ng tingin ang kanyang paglalakad palayo sa amin, hanggang sa nakuha ni Frank ang aking atensyon.

Ok na” tamad na sabi niya sa bodyguard. Tipid itong tumango bago muling mawala sa aming paningin.

Buti na lang at dumating kayo” si Sandra.

Napanguso ako sa kanya hanggang sa nawala siya sa aking paningin ng humarang si Frank sa aking harapan. Ang kanyang mga mata ay nasa aking braso, nagsitayuan ang aking mga balahibo sa katawan ng maramdaman ko ang hawak niya sa aking braso.

Bakit hinahayaan mong ginaganito ka ng lalaking iyon?” mahinahon ngunit ramdam ko ang galit sa kanyang boses.

Bayolente akong napalunok. Halos hindi ko mahagilap ang dila ko dahil sa kakaibang nararamdaman dahil sa kanyang paghaplos sa aking braso.

Eh kasi, mapapagalitan si Stella pag nakipaghiwalay siya kay Ram” sabat nanaman ni Sandra.

Nagtaas ng kilay si Frank sa akin at napangisi. “Ang tanda mo na para duon, you should stand up for yourself” akusa niya sa akin kaya naman nagiwas ako ng tingin. Nahiya naman ako dahil duon, ang tingin niya ata sa akin ngayon ay hindi ko kayang magdesisyon para sa aking sarili.

Kaya ko naman, kung mapagbibigyan ako. Kung walang pananakit ang naghihintay sa akin sa oras na magdesisyon ako para sa aking sarili. Para kasing ang buong buhay ko ay pinaplano na ni Daddy.

Learn to be independent” sabi pa ni Frank sa akin at parang dismayadong umiling. Mas lalo akong napayuko dahil duon, Hindi ko alam kung bakit big deal sa akin na nadisappoint ko siya.

Weekend ng lingging iyon ng umiwi ako ng Bulacan dahil pinatawag ako ni Daddy. Ng niyaya ko si Sera na sumama sa akin pauwi ay tumanggi siya dahil mukhang mas gusto niyang manatili na lamang sa kanyang dorm kesa ang umuwi sa bahay.

Iyon din sana ang gusto ko. Ngunit hindi maaari dahil si Daddy na mismo ang nagsabing umuwi ako. Hindi ko gugustuhing suwayin ang utos niya. Paniguradong malilintikan ako.

Bakit ka umuwi, hindi ba’t sinabi ko sayong ako na ang bahala” nagaalalang salubong sa akin ni Mommy.

Kita ko ang pagkataranta niya at pagaalala. “Mommy, ayos lang po ako” paninigurado ko sa kanya, kahit ang totoo ay natatakot na din ako.

Mabuti na lang din palang wala si Sera dito. Hindi niya makikita ang daranasin ko. Buong akala ng aking kapatid ay siya lang ang sinasaktan ni Daddy. Naiinggit siya sa akin dahil paborito ako ni Daddy, pero hindi nila alam na ilang beses kong hiniling na sana hindi na lang. Na sana isa na lang din ako sa mga anak niyang wala siyang pakialam. Sa ganuon ay nagagawa ko sana kung ano ang mga gusto ko.

Ingrata!’ sigaw ni Daddy at kaagad akong sinampal.

Kusang tumulo ang aking luha at napahawak na lamang sa aking pisngi.

Sinasabi ko na sayo! Wag na wag kang gagawa ng ikakasira niyo ni Ramiro!” galit na pagpapatuloy niya. Nanatili akong nakatayo sa kanyang harapan, iniinda ang malakas na sampal na ibinigay niya sa akin.

Dad..ayoko na po” umiiyak na sabi ko.

Hindi ko na kayang makipagbalikan pa sa kanya pagkatapos ng ginawa niya sa akin. Ilang taon ko siyang sinunod, ang buong relasyon namin ay pinangunahan niya. Ni hindi ko naenjoy ang buhay ko dahil kagaya kay Daddy ay siya lang din ang sinusunod ko. Kung hindi ko gagawin ay mangyayari ito. At nangyayari na nga.

Habol habol ni Daddy ang kanyang hininga. Kitang kita ko din ang galit dahil sa kanyang pamumula. Dahan dahan siyang lumapit sa akin habang nanlilisik ang mga mata.

Anong sabi mo?” madiing tanong niya.

Nanginig ang aking labi sa takot ng subukan kong magsalit. “Dad!” iyak na sigaw ko ng muli nanaman niya akong sampalin.

Natuto ka ng sumuway ngayon! Wala kang utang na loob, ibinigay ko ang lahat sayo. Piangaral kita sa mamahaling university. Tapos ito lang…ito lang hindi mo magawa?” sumbat niya sa akin na mas lalo kong iniyakan.

Hanggang kailan ko pagbabayaran ang lahat ng ito kung ganuon?

Niloko po ako ni Ram, hindi ko na kayang makisama sa kanya” paliwanag ko.

Pero sa huli ako pa din ang may kasalanan. Ako pa din ang nagkulan. Ako ang dahilan kung bakit naghanap ng ibang babae si Ram.

Namamaga ang aking mga mata ng tumingala ako sa langit ng gabi din iyon. Ramdam ko ang pangangapal ng aking pisngi, ang pamamanhid ng aking likuran at ang sakit ng aking buong katawan.

Isang hikbi ang kumawala ng muli nanaman akong maiyak. They name me after a star. Kasi daw alam nilang I won’t disappoint them. Na magiging matagumpay ako sa lahat ng bagay na gagawin ko. Masyadong mataas ang expectation nila sa akin na kung minsan ay hindi na maganda. Paano naman ako? How can I improve if there is no room for failure? Kailangan ko ding matuto.

Mas gusto ko na lang duon sa itaas. Kagaya ng mga bituin sa langit, everyone can love me. Everyone can admire me, pero hanggang duon na lang sila. Hindi nila ako malalapitan…hindi nila ako masasaktan.

Wag ka ng umuwi sa inyo” si Sandra. Halos lumuwa ang mata niya ng magkita kami sa school kinauamgahan.

Naabutan ko siyang nakikipagtawanan sa ilan sa aming mga kaklase. Kaagad siyang napatayo ng makita ako.

What’s with the cardigan?” tanong niya pa sa suot kong cardigan para matakpan ang ilan sa mga latay ng sinturon sa aking braso.

Giniginaw ako” palusot ko kahit alam kong hindi naman niya paniniwalaan iyon.

Stella…” nagaalalang tawag niya sa akin.

Pareho kaming nagangat ng tingin dahil sa pagpasok nina Sergio at Frank. Nang mapatingin siya sa akin at kaagad na kumunot ang kanyang noo. Dahil sa nararamdaman hiya ay kaagad akong nagiwas ng tingin at nagkunwaring magbabasa na lang ng aking libro.

Sinong may gawa sayo niyan?” galit na tanong niya. Buong akala ko ay uupo na siya sa kanyang upuan, ngunit nagulat ako ng dumiretso siya sa aking harapan.

Wala lang ito” matapang na sagot ko.
Ang walanghiya mong ex?”

Marahan akong umiling. “Wala lang ito…” paguulit ko sa kanya, this time at tumingala na ako.

Umigting ang kanyang panga ng tuluyang makita ang putok kong labi. Isang bayolenteng buntong hininga ang kanyang pinakawalan.

Ang Daddy mo?”

Naramdaman ko ang paginit ng gilid ng aking mga mata. Bago pa matuloy iyon ay kaagad na akong nagiwas ng tingin sa kanya. Isang marahang tango ang isinagot ko kaya naman narinig ko ang mahihina niyang mura.

Bumalik si Frank sa kanyang upuan ng dumating na ang aming professor. Nainis pa ako ng dumating si Ram at panay din ang tingin sa akin. Wala akong nakitang kahit anong emosyon sa kanyang mga mata.

Sana ay masaya na siya dahil naparusahan na ako, ito naman ata ang gusto niya. Sandaling natigil ang discussion ng late na pumasok sa klase ang umiiyak na si Eunice. Nakayuko siyang nagtungo sa pinakalikod na upuan, ni hindi man lang siya tumabi kay Ram.

That’s what she get” bulong ni Sandra sa akin na hindi ko na pinagtaunan pa ng pansin.

Matapos ang klase ay nagpaalam din kaagad ako sa kanya. Mag cocommute lang ako dahil hindi ko pa napapaayos ang sasakyan ko. Wala din naman akong time na ipagawa iyon, wala akong kakilala na pwedeng madala sa pagawaan. Umuwi ako ng Bulacan na nagcommute, pabalik dito ay pinahatid ako ni Daddy sa isa sa aming mga driver.

Naglalakad ako palabas ng Campus ng huminto sa aking harapan ang sports car ni Frank.

Sakay na” uto niya sa akin.

Hindi kaagad ako nakakilos. Gulat pa din sa biglaan niyang pagsulpot at sa kanyang utos. Umigiting ang kanyang panga.

Sakay na” medyo iritadong utos niya sa akin. Gusto ata niya ay susundin ko siya sa unang utos pa lang.

Hindi na, sasakay na lang ako” pagtanggi ko.

Napairap ito at kaagad na nagtanggal ng seatbelt. Mas lalo akong hindi nakagalaw sa aking kinatatayuan ng lumabas na siya at lumapit sa akin.

Kayong mga babae, masyado kayong pakipot” pagmamaktol niya na ikinalaglag ng aking panga. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong magdahilan ng mabilis niya akong nahila pasakay sa kanyang sasakyan.

Idiretso mo ako sa condo, hindi naman baha” laban ko sa kanya pero huli na dahil nailiko na niya papasok sa kanilang tower.

Pakakainin muna kita at ang payat payat mo” tamad na sabi niya sa akin.

Sa condo na ako kakain!”

Marahan siyang umiling. “Dito na sa akin” pinal na sabi niya.

Ba…bakit?” naguguluhang tanong ko sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. “Dahil gusto ko?” mapangasar na sagot niya sa akin.

Napasapo na lamang ako sa aking noo. May saltik ata ang isang ito. Akala ko ay matino siya, mukhang hindi ata.

Kagaya nung una ay siya nanaman ang nagluto ng dinner. Tahimik lang ako nanunuod sa kanya.

Pwede mong hubarin ang cardigan mo” sabi niya sa akin na kaagad kong inilingan.

Hindi na, malamig naman” palusot ko pa sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. May kinuha siyang remote, ilang pindot ang ginawa at kaagad kong narinig ang pagkamatay ng aircon.

“I’ll adjust for you” sabi niya pa. Halos masamid ako sa sarili kong laway ng maghubad siya ng tshirt sa aking harapan.

Kaagad akong nagiwas ng tingin. Hindi ko kinaya ang mabato niyang katawan. Para bang inukit talaga ang mga biyak sa kanyang abs. Malapad ang kanyang balikat, ang braso ay mabato din. Para bang kayang kaya niya akong buhatin ng isang kamay lang.

Sorry” paumanhin ko. Mukha kasing sanay siya sa lamig.

Marahan siyang umiling. “It’s fine. So Let’s talk about your sister, ganyan din ba ang Daddy niyo sa kanya?” tanong niya sa akin.

Sinagot ko ang lahat ng tanong niya sa akin. Kahit pa nahalata kong puro iyon tungkol sa pagkabata namin ni Sera, at puro kay Sera.

Mukha namang mabait kang Ate” sabi niya.

Nagkibit balikat ako. “Hindi ko alam, hindi ko siya maipagtanggol kay Dad, hindi ako mabuting kapatid” pagamin ko.

Tumikhim si Frank. Kita ko nanaman ang tingin niyang bayolente. “Dahil sinasaktan ka din ng Daddy niyo. Bakit hindi na lang kayo umalis na magkapatid?” suwestyon niya.

Pagod akong ngumiti. “Saan naman kami pupunta? Paano si Mommy, hindi namin siya pwedeng iwanan”

Umigiting ang kanyang panga. “Kailangan niyo ng pera? Magkano?” diretsahang tanong niya na ikinagulat ko.

Frank, this is not about the money. Pamilya namin ang pinaguusapan dito”

Nanatili ang matalim niyang tingin sa akin. “You don’t deserve all of this, lalo na ang kapatid mo” pagdadahilan niya.

Napatango ako, siguro may nakababata din siyang kapatid kaya naman ganito siya kung magreact para kay Sera. Tama naman siya, ako ang mas nakakatanda kaya naman ako dapat ang nagtatanggol dito.

Kailangan kong makipagbalikan kay Ram, para hindi na ulit mangyari ito” sabi ko.

Nagulat ako ng hampasin niya ang kitchen counter. “Iyan ang hinding hindi mo gagawin, Stella” banta niya sa akin na ikinagulat ko.

Pero…”

“Sabihin mo sa walanghiyang iyon na may iba ka na. Sabihin mo at ng tigilan ka na” utos niya sa akin. Halos mapakurap ako.

Pero wala naman akong iba” pagdadahilan ko.

Mahina siyang napamura at nagiwas ng tingin sa akin.

Tell him, we’re together”









(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro