Chapter 38
Free Man
Namanhid ang aking buong katawan dahil sa narinig. Gusto kong maiyak ngunit walang ni isang patak ng luha ang gustong lumabas sa aking mga mata. Sa sobrang bigat ng aking nararamdaman ay pakiramdam ko, namamanhid na ako.
Napahawak ako sa aking sinapupunan. Ayokong sanang maging malungkot, ayokong maramdaman ng Baby ko ang sobrang lungkot dahil hindi naman niya deserve ito.
Naiintindihan ko naman si Frank. May problema pa sila ng Daddy niya. Kailangan kong intindihin na mahirap talaga ito para sa kanya. Hindi sa relasyon naming dalawa ang may kailangang ayusin. Sa relasyon nila iyon ng Daddy niya.
Kahit anong gawin kong tulong at suporta ay hindi ito maaayos kung ang tunay na ugat ng problema ay wala naman sa kamay naming dalawa.
Kahit gaano namin kagustong kumapit sa isa't isa ay hindi kami makakausad kung may naiiwan pa kaming issue tungkol sa aming mga pamilya. Maswerte ako dahil maayos na kami kay Mommy. Pero paano naman si Frank? Sobrang hirap ng sitwasyon niya.
Napaangat ako ng tingin ng bumukas ang pintuan. Sinalubong ako ng malungkot na tingin ni Sera. Kita ko ang pagaalala sa kanyang mukha. Tipid ko siyang nginitian, hindi ako nakaimik hanggang sa makalapit siya sa akin at kaagad akong niyakap ng mahigpit.
"Nagalala ako sayo at sa pamangkin ko" malungkot na sabi niya.
Hindi pa din ako nakaimik. Mas lalo ko lang hinigpitan ang yakap sa kanya. Gusto kong iparamdam sa yakap na iyon na malaking bagay na sa akin ang pagpunta niya, ang kanyang presencya. Na walang kahit anong salita ang makakapagsabi kung gaano ako nagpapasalamat dahil nandito siya ngayon.
"Iniway ka ba ni Daddy, may sinabi ba siya sayo, sinaktan ka ba niya?" tuloy tuloy na tanong niya sa akin na hindi ko kaagad nasagot dahil hindi ko rin alam kung anong dapat kong sabihin.
Wala sa mga itinanong niya ang kaya kong sagutin dahil parang wala naman ni isa duon ang ginawa ni Mr. Del prado. Nagusap lang kami.
"Nagaway si Kuya at Daddy sa labas. Sorry kung may nagawa o nasabi siya sayo..." patuloy na paghingi niya ng paumanhin.
Marahan akong umiling, lalo na ng makita kong emosyonal na siya. Ayoko ding ganito siya dahil buntis siya at ayoko ding mastress siya.
"Nagusap lang kami ng Daddy mo. Nag spotting ako dahil...medyo stress lang talaga at pagod" paliwanag ko. Ayoko ng lumala pa ang problema. Hindi din naman kasi ganuon ang nangyari, kahit ako nga ay hindi sinisisi kay Mr. Del prado ito.
Napapahid si Sera sa kanyang luha. "Napapabayaan ka ba ni Kuya Frank dahil sa away nila ni Daddy? Dahil sa gustong patunayan ni Kuya na mali siya?"
Hindi na ako nagulat na alam ni Sera ang tungkol dito. Pamilya sila, at siguradong nabanggit o nakapagusap na sila ng Daddy niya tungkol sa problema ng companya ni Frank.
"Hindi ako napapabayaan ni Frank. Medyo...abala lang talaga siya, naiintindihan ko naman. Nasa kanya naman ang suporta ko"
Mas lalong napanguso si Sera. "Thank you, Ate Stella...kasi mahal na mahal mo ang Kuya Frank ko, kasi nandiyan ka para sa kanya at naiintindihan mo siya" umiiyak na sabi niya sa akin, naramdaman ko ang paginit ng magkabilang gilid ng aking mga mata ngunit wala pa ding luha ang nangahas na tumulo.
"Mapapagod ako, mapapagod si Frank. Pero hindi namin susukuan ang isa't isa..." paninigurado ko sa kanya kaya naman muli niya akong niyakap ng mahigpit.
Humiwalay lang si Sera ng yakap ng marinig namin ang pagbukas ng pintuan. Nanatili ang tingin ko kay Frank ng magtagpo ang aming mga mata. Kita ko ang pagod at ang bahid ng galit dito. Namumula pa nga siya, halatang kagagaling lang sa init ng ulo.
"Kuya..." tawag ni Sera dito. Nilapitan niya ang kapatid at niyakap ito.
Napasinghap si Sera. Medyo hirap siyang mayakap ang Kuya niya dahil sa kanyang malaking tiyan pero ipinagpatuloy niya pa din.
"Ganap ka ng rooster Kuya Frank, proud ako sayo...nasa inyo ni Ate Stella ang suporta ko kahit anong mangyari" sabi pa ni Sera.
Hinalikan siya ni Frank sa ulo. Maging ito ay hindi din nakaimik. Bahagya na lamang akong napangiti dahil sa itinawag niya sa kanyang Kuya. May sinabi si Frank sa kanya kaya naman napatango si Sera.
"Sa clinic muna ako ni Kenzo, babalik ako mamaya" paalam niya sa akin at sandaling yumakap bago umalis.
Tahimik kong pinanuod ang paglabas ni Sera. Nang tuluyang makaalis ay bumalik ang tingin ko kay Frank, mukhang kanina pa ito nakatingin sa akin. Hindi ko kinaya ang bigat ng titig niya kaya naman bumalik ako sa pagkakayuko.
"Ayos na ako at si Baby, normal lang daw iyon sabi ng Doctor pag..."
Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng kaagad niya akong niyakap. Narinig ko pa ang pagsinghap ni Frank.
"Kasalanan ko ito" paninisi niya sa kanyang sarili na kaagad kong inilingan. Wala namang may gusto ng nangyari.
"Dapat ay kasama mo ako, dapat ay kasama niyo ako...hindi ito mangyayari kung nandito ako" pagpapatuloy niya. Gustuhin ko mang magsalita ay hindi na ako nakaimik pa.
Dahil sa aking pananahimik ay sandali siyang bumitaw ng yakap sa akin para harapin ako.
"Frank..." tawag ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano sisimulan.
"Gusto mo bang, umuwi muna ako sa amin?" marahang tanong ko sa kanya.
Dahil duon ay nakita ko ang pagkabato at gulat niya. Hindi ko ito itinatanong sa kanya dahil gusto ko siyang iwanan. Itinatanong ko ito dahil gusto ko siyang bigyan ng option. Dahil pakiramdam ko, mas lalo siyang nabibigatan dahil sa akin, dahil sa amin ng Baby.
"Iiwan niyo ako?" tanong niya. Ramdam na ramdam ko ang lungkot duon.
Marahan akong umiling. Nasaktan nanaman ako dahil sa kanyang itsura. Hindi ako sanay na ganuon si Frank. Mas sanay ako na malakas siya palagi dahil ganuon ang tingin ko sa kanya.
"Naisip ko lang na baka mas makakapagtrabaho ka ng maayos...at mas makakapagfocus kung wala muna kami" pagpapatuloy ko. Sobrang hirap nuong sabihin, inipon ko ang lahat ng lalas ng loob ko para lang sabinhin iyon.
Nanatili siyang tahimik. Nakatitingin lang sa akin, kita ko na ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata pero kailangan kong magpatuloy.
"Ayokong maging pabigat sayo, Frank. Susuportahan pa din kita kahit anong mangyari...hihintayin kita kung kailan, pwede na" emosyonal ng sabi ko.
Gusto ko siyang samahan sa laban na ito. Gusto kong ipakita sa kanya ang suporta ko. Ayaw ko siyang iwanan, pero kung ito ang magsisilbing daan para mas maabot niya ang goal niya na walang iniisip ay kaya ko namang mag adjust para sa kanya.
Uuwi kami ng Bulacan at duon na muna habang may kailangan pa siyang gawin. Sa paraang iyon ay mas makakapagfocus siya, hindi niya kami kailangang intindihin.
"Sayo lang ako kumukuha ng lakas...sa inyo lang" pumiyok na sabi niya sa akin kaya ako naman ang nabato ngayon sa aking kinauupuan.
Kita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Frank. "Pero kung napapagod ka na sa akin, naiintindihan ko naman..." pahabol pa niya.
Sumikip ang dibdib ko. Dahan dahang nanlabo ang aking mga mata dahil sa mga nagbabadyang luha, ngayon lang din sila naglakas ng loob ng lumabas.
"Nakakasama ako para sa inyo ng Anak natin"
Mabilis akong napailing at napaiyak. "Hindi ganuon, Frank. Hindi ganuon...I'm sorry" sabi ko at kaagad siyang hinila para yakapin.
Hinigpitan ko ang yakap sa kanya. Hindi ganuon ang gusto kong iparating, he got it wrong. Hindi ako napapagod sa kanya, hindi ako mapapagod sa kanya.
"I'm sorry kung naisip ko iyon. Akala ko lang kasi...akala ko nagiging pabigat na kami sayo" pagamin ko.
Wala namang rason para itago ko pa sa kanya ang mga naiisip ko. Mas magkakaintindihan kaming dalawa kung bukas kami sa isa't isa at walang itinatago.
"Bakit mo naisip iyan? Hindi kayo pabigat sa akin. Hindi..."
Umiyak lang ako ng umiyak sa bisig ni Frank. Dahil sa aking ginawa ay kahit papaano gumaan ang aking pakiramdam. Nang kumalma na ay tiningala ko siya. Nakita ko kasi ang pamumula at sugat sa kanyang kamao. Mukhang ito yung pagsuntok niya sa pintuan kanina.
"Nagkasagutan kami ni Dad. Hindi ko siya mapapatawad kung may nangyari sayo at sa anak natin" galit na sabi pa niya.
Isinandal ko ang ulo ko sa kanyang dibdib. "Ayokong pagharian ka ng galit Frank. Maghintay lang tayo...matatanggap niya din" pagaalo ko sa kanya.
Ayokong tuluyan siyang magalit sa Daddy niya. He still need a room for hope ang forgiveness. Kung dumating man kasi ang araw na iyon baka huli na ang lahat at maging sarado na ang kanyang puso.
"Sa sobrang gusto kong may mapatunayan, napabayaan kita..." may bahid pa din ng pagsisising sabi niya.
Mas lalo akong nagsumiksik sa kanyang dibdib. "Hindi ko kailanman naramdaman na pinabayaan mo ako..."
Naramdaman ko ang paghawal niya sa aking ulo para mas lalo akong idiin sa kanyang dibdib. "Hindi ko na uulitin, kayong dalawa ng anak natin ang priority ko. I don't care about my pride. I won't lose you both over that. Kayo ang pinakaimportante sa akin" sabi pa niya kaya naman mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya.
Pinayagan din naman kaming lumabas ng Doctor ng gabi ding iyon. Hindi na ako iniwan pa ni Frank. Kahit pag dating namin sa Condo ay halos samahan niya ako sa kung saan ako pupunta.
"Stella, wag ng tayo ng tayo. Humiga ka na duon, ako na diyan" suway niya sa akin.
Nang hindi ko pa din siya sinunod ay napahiyaw ako at kaagad na napakapit sa kanya ng buhatin niya ako na pang bagong kasal. Natawa ako ng kaagad niya akong inilapag sa may kama.
"Ang tigas talaga ng ulo" suway pa niya kaya naman matamis akong napangiti.
Kahit naihiga na niya ako ay hindi ko siya binitawan, nanatili ang pagkakayakap ko sa kanyang leeg para hindi siya paalisin.
"Kahit anong mangyari, palagi akong maghihintay para sayo..." paninigurado mo sa kanya.
Hinalikan niya ako sa aking pisngi. "Hindi kita paghihintayin dahil hindi naman ako aalis" paninigurado niya kaya naman mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya.
"Mahal kita, Frank..." sabi ko habang nakatingin sa kanyang mga mata.
Imbes na sagutin ako siniil na lamang niya ako ng malalim na halik. Wala na kaming nagawa na dalawa kundi ang magyakapan habang parehong nakatingin sa may bintana.
Nakayakap siya sa akin mula sa likuran. Panay ang paghalik niya sa aking ulo. Kung minsan ay humihigpit pa ang yakap niya at mas lalong nagsusumiksik sa aking leeg.
Bahagya akong natawa ng makiliti dahil sa ginagawa niya. Nang makaayos ng higa ay itinaas ako ang kamay ko para ituro yung nakita kong pinakamalaking star.
"Sabi nila pag malaki ang star, planeta daw yun" kwento ko sa kanya na ikinangisi niya.
"Ewan ko, basta pare pareho lang yang star" nakangising sagot niya sa akin kaya naman napanguso ako.
Umayos ulit ako ng higa para naman harapin na siya ngayon. "Alam mo bang, ang ibig sabihin ng Frank ay free man..."
Bahagyang tumaas ang kanyang kilay. Nanatili siyang nakatingin sa akin, nakikinig.
"Free man, parang yung night sky. Tapos ako yung Stars, kaya dapat, ang pangalan ng baby natin..."
"Chand Del Prado" sabi ni Frank na ikinalaki ng aking mga mata.
Kaagad akong napakapit sa kanyang leeg para yumakap. "Chand means bright moon..."
Marahan siyang tumango sa akin bago niya ako hinalikan sa pisngi. "Chand Del Prado, nagustuhan ko" nakangiting sabi ko sa kanya.
Magaan ang gabing iyon para sa amin ni Frank, kahit pa may nangyari nung umaga. Ang mahalaga ay nagkaayos kami, nagkaintindihan.
"Aalis na muna ako, kakausapin ko si Frances" paalam niya sa akin kinaumagahan.
Tumango ako sa kanya at humalik sa pisngi. Nagulat ako ng may hinanap pa siya.
"Lunch box ko?"
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Hindi mo naman na kailangan ng lunch box, kasi kumakain ka naman sa labas kasama si Maggie" diretsahang sabi ko na ikinagulat niya.
Nagiwas ako ng tingin, baka sabihin niya ay sinusundan ko siya o masyado akong clingy at paranoid kaya ko alam iyon. Hindi naman, nagkataon lang na nakita ko silang dalawa na magkasama.
"Dalawang beses lang iyon. At tsaka hindi naman siya ang talagang kausap ko, ang Daddy niya. Nagulat na lang ako na nung araw na iyon siya ang nagpunta" paliwanag niya sa akin.
Hinawakan pa niya ako sa braso. "Baby, wala lang yun. Hindi ko na itutuloy ang deal sa kanila"
Napabuntong hininga na lang ako. "Ayos lang. Konting selos lang naman yung naramdaman ko" medyo nahihiya kong pang sabi.
Nakita ko ang pagtaas ng isang sulok ng kanyang labi. "Paano yung konti?" pangaasar niya sa akin, kaagad niya akong hinila palapit sa kanya.
Nang hindi ako sumagot ay siya na ulit ang nagsalita. "Wala lang iyon. Sorry kung hindi ko nasabi, hindi naman kasi importante...hindi ko na uulitin. Wag ka ng sumimangot" pagaalo pa niya.
Matapos ang nangyaring iyon ay bumalik na sa normal ang lahat. Hindi na masyadong busy si Frank, nakakauwi na siya sa mas maagang oras, minsan na lang din siyang maguwi ng trabaho.
"Si Kuya parang sira...sa iyo din naman iyon. Sa atin iniwan ni Mommy iyon" sabi ni Sera ng dumalaw kami sa kanilang bahay.
Panay ang lakad niya sa harapan naming dalawa. Kabuwanan na kasi niya kaya naman naghahanda na din.
"Ibabalik ko iyon pagnakabawi..." si Frank.
Inirapan siya ni Sera. "Hindi ko naman sasabihin kay Dad, don't worry"
Tumikhim si Frank. "Kahit malaman pa niya, wala na akong pakialam kung anong iisipin niya sa akin. Ginagawa ko ito para sa magina ko"
Napanguso si Sera at nagtaas ng kilay sa akin, halatang nangaasar pa.
"Bakit parang may nakikita akong lumilipad na manok?" pangaasar niya dito.
"Anong manok nanaman? Nung nakaraan tawag mo sa akin rooster" inis na sabi ni Frank kaya naman hindi mawala ang ngiti sa aking labi. Ganyan talaga silang dalawa pag nagkikita.
Ang alam ko ay kay Frances humiram si Frank ng pera para makabangon ang companya. Dahil dito ay hindi niya na kakailaganin pa ng mga bagong investors, hindi na maprepressure si Frank katulad nung nakaraan.
At dahil mas nalibre na din ang oras nila ay palagi din nasa amin sina Sergio at Sandra ng sumunod na araw.
"Feeling ko talaga, may something na kay Alfred at sa Ate Isabel ko" kwento niya sa akin.
May sarili din kasing pinaguusapan sina Frank at Sergio.
"Gusto ko si Ate Isabel para kay Alfred. Eh paano ang parents niyo?"
"Walang magiging problema kina Mommy at Daddy. Gusto nga nila si Alfred eh..."
Matamis akong napangiti para sa kaibigan. Masaya ako para kay Alfred, sana ay si Ate Isabel na ang babaeng nakatadhana talaga para sa kanya. He deserve to be happy.
"Frank, bitawan mo na yan...delikado yan" rinig kong sabi ni Sergio kaya naman nawala ang atensyon ko kay Sandra at napunta sa dalawa.
Marahang napailing si Frank. "Nakapirma ako sa contract" sagot niya dito.
Bumaba ang tingin ko sa hawak nilang documento. Hindi ko man iyon makita ay hindi naman maalis ang tingin ko duon.
Magkasama naming sinundo si Mommy sa airport ng dumating siya galing ng Davao.
"Ang bilis lumaki ng tiyan mo anak. O nahihilo pa ako sa byahe?" natatawang puna ni Mommy sa akin.
Hindi ko na ibinalita sa kanya ang nangyari sa akin. Ayokong magalala si Mommy at inaamin kong natatakot akong baka magbago nanaman ang tingin niya kay Frank pag nalaman niya iyon. Ayoko ng bumalik sa una.
"Kamusta kayo dito sa Manila? Minsan ay dalawin niyo ako duon sa Sta. maria. Kami lang ni Manang ang duon..."
Dumiretso kami ng Sta. Maria para ihatid si Mommy. Inimbita siya ni Frank na magstay muna sa condo pero mas pinili niyang umuwi. Naiintindihan ko naman, kahit ako minsan ay parang nahohome sick din.
"Ito talaga ang bahay ko. This is home" nakangiting sabi ni Mommy ng bumaba kami sa tapat ng aming bahay.
Kahit may malaking bahay ang ipinamana sa kanya nila Lolo at Lola sa Davao ay mas pinili pa din niya ito.
Hindi naman kasi iyon mababase sa laki ng bahay. Minsan talaga may mga lugar na isipin mo pa lang dumadagsa na ang maraming alaala. Kagaya sa aming bahay dito sa Sta. Maria. Kahit hindi naging masaya ang childhood namin dito ni Sera ay hindi pa din namin mapigilang bumalik balik dito.
Saglit kaming tumulong kay Mommy na magayos ng kanyang mga gamit. Nasa kalagitnaan kami ng ginagawa ng tumunog ang phone ni Frank. Sandali siyang nagpaalam para sagutin ang tawag.
Napatigil kami sa pagtatawanan ni Mommy ng makita namin ang pagbalik ni Frank, humahangos.
"Manganganak na si Frances"
Dahil sa balitang iyon ay kaagad kaming bumyahe pabalik ng Manila. Gustuhin mang sumama ni Mommy ay minabuti na naming iwanan na muna siya kasama si Manang, baka sumama pa lalo ang pakiramdam niya kung sasama siya sa aming bumyahe ulit.
"Nasa hospital na ba?" tanong ko sa kanya.
Seryoso siyang nagmamaneho, alam kong kinakabahan siya para sa kapatid.
"Nasa byahe pa, hindi ko alam kung saan nanggaling pero kasama nila ang mga kapatid ni Kenzo..."
Pagkadating namin sa hospital ay nasa loob na ng delivery room si Sera. Naabutan namin sa labas ang mga kapatid ni Kenzo at ang mga asawa nito. Medyo napakurap kurap pa ako, ngayon lang kasi ako nakakita ng apat na taong magkakahawig. Nung una hindi pa magsink in sa akin na quadruplets sila Kenzo.
"Kamusta?" tanong kaagad ni Frank paglabas ni Kenzo mula sa delivery room.
"Ayos na, ililipat na lang sa private room" sagot niya kay Frank. Dahil duon ay tsaka lang ito kumalma.
"Ganyan ka din ba pag manganganak ako?" natatawang puna ko sa kanya.
Pagod siyang ngumiti. "Baka mas malala pa..."
"Samahan mo ako sa loob. Hahawakan ko ang kamay mo para hindi ka masyadong kabahan" suwestyon ko pa siya.
Kita ko ang kanyang pagkabigla. Mas lalo akong natawa.
"Matapang akong tao, pero kung makikita kong nahihirapan ka...baka himatayin ako" sabi pa niya na mas lalo kong ikinatawa.
Sinimangutan niya ako. "Wag mo akong tawanan..."
Natigil lang ang pangaasar ko sa kanya ng makita naming pareho ang pagdating ng kanyang Daddy. Nakawhite coat ito at humahangos na naglakad palapit sa kwarto ni Sera. Kahit pa ganuon ay nakita ko kung paano niya tingnan si Frank.
Nang lingonin ko naman ito ay nakita kong pilit niyang iniiwas ang tingin sa gawi ng kanyang Daddy, nakaigting pa ang panga. Ang sungit talaga.
Nakabalik lang ako sa normal na paghinga ng tuluyan na itong pumasok sa kwarto ni Sera. Naghintay lang kaming dalawa sa labas ng kwarto hanggang sa mauna na ding nagpaalam ang mga kapatid ni Kenzo.
"Pasok tayo sa loob, tingnan natin yung Baby" yaya ko kay Frank.
Hindi ko alam, pero feeling ko lumalambot na din naman si Mr. Del Prado para sa kanyang anak. May kakaiba sa tingin niya dito, hindi ko maexplain pero sigurado akong pagmamahal ng isang ama iyon sa kanyang anak na hindi niya maexpress.
"Success" sabi ni Sera sa amin. Kahit nakangiti ay kita pa din sa mukha niya ang pagod.
"Alam mong manganganak ka, kung saan saan ka pa nagpunta!" galit na pangaral ni Frank sa kapatid.
Inirapan siya ni Sera. "Kuya naman, namasyal lang eh"
Hindi na sumagot pa si Frank at inirapan na lang ito. Nasa loob din ng kwarto si Mr. Del Prado, pero hindi iyon pinansin ni Frank.
Lumapit si Kenzo sa baby nila para kuhanin ito at ibigay kay Sera. Napangiti ako, nakakatakot hawakan kung titingnan mo, para bang kaunting diin o pagkakamali lang ng hawak ay parang masasaktan na sila.
"Kuya, gusto mong buhatin? Para mapractice ka" yaya ni Sera sa Kuya Frank niya.
Pansin kong hindi magawang ngumiti ni Frank dahil malapit lang sa amin ang Daddy niya. Para bang ayaw niyang magpakita ng kahit anong kahinaan dito.
"Hindi pa ako nakakahawak ng bata...at ang anak namin ang gusto kong una kong mahawakan" sagot niya kay Sera.
Uminit ang magkabilang pisngi ko. Nakaramdam ako ng kilig duon, hindi lang para sa akin kundi para sa Anak namin.
"Mana ka talaga sa akin, Kuya" pangaasar pa ni Sera sa kapatid.
Nang magtagal ay kinailangan na din naming magpaalam dahil kailangan pa ni Sera na mas makapagpahinga at ganuon din ang Baby.
"Congrats, I'm so proud of you Frances" malambing na sabi ni Frank sa kapatid ng humalik ito ng magpaalam na kami.
Habang ginagawa niya iyon ay nakita ko ang tingin ni Mr. Del Prado sa kanyang anak. Kita kong may hesitation sa kanyang mukha. Gusto niya itong lapitan o kaya naman ay kausapin.
"Aalis na kami..." paalam ulit ni Frank kina Kenzo at Sera. Hindi man lang tinapunan ng tingin ang kanyang Ama.
Bago pa man namin maabot ang pintuan ay narinig ko na ang pagtawag ni Mr. Del Prado sa anak.
"Frank..."
Sandali kaming napatigil dahil dito. Tumingin ako kay Frank, gusto kong sabihin sa kanya na kausapin niya ang Daddy niya. Pero hindi ko din naman siya pwedeng pilitin. Alam ko lang na nahihirapan siya, hindi ko alam kung anong nararamdaman niya. I still need to respect that.
"Frank, Anak..." tawag ulit ni Mr. Del prado sa kanya.
Malungkot kong nilingon si Mr. Del prado ng hilahin ako ni Frank palabas ng kwarto. Hindi niya pa din pinansin ang tawag ng kanyang ama.
"Ayokong makipagusap pag galit pa ako. Baka may masabi akong pagsisisihan ko lang din sa huli..." paliwanag niya sa akin.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro