Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 36

Prove







Abala si Frank sa pagtawag kung kanino para sa aming magiging pagbalik sa Manila. Ako naman ay nagumpisa ng magayos ng aking mga gamit.

"Oo sige, isend mo kaagad sa akin" rinig kong sabi niya sa kausap sa phone.

Nakaupo ako sa itaas ng aking kama habang isa isang ipinapasok sa maleta ang aking mga damit. Mula sa aking peripheral vision ay nakita ko ang paglakad niya palapit sa akin.

"Ako na diyan" sabi niya.

"Uhm?" tanong ko. Nagtaas pa ako ng kilay sa kanya ng tingalain ko siya.

Ngumisi siya sa akin at umupo sa aking tabi. Kumuha ng isa sa mga damit ko at ginaya ang ginagawa kong pagtutupi. Hindi maalis ang ngiti sa aking labi ng makita kong unti unting nafrufrustrate si Frank dahil hindi siya marunong magtupi ng damit.

"Akin na, ganito..." nakangising sabi ko at kinuha ang damit sa kanya.

Habang tinuturuan ko siya ay ramdam ko ang panunuod niya sa akin. Buong akala ko ay sa ginagawa ko siya nakatingin. Pero, napanguso ako ng makita kong sa mukha ko siya nakatitig at hindi sa pagtutupi ko.

"Hindi ka naman nakikinig" suway ko sa kanya.

Napadila siya sa kanyang pangibabang labi. Bahagyang humilig sa akin at yumakap sa aking bewang. Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat.

"I love you" sambit niya.

Uminit ang magkabilang pisngi ko. Hinayaan ko na lamang siya at hindi na muna nilingon pa. Pinagpatuloy ko ang aking ginagawa hanggang sa humigpit ang yakap niya sa aking bewang.

"Hindi mo ako papansinin?" malungkot na tanong niya.

Gusto ko ng mangiti at matawa pero pinigilan ko na lamang ang aking sarili.

"Hindi" sabi ko kaya naman mas lalo siyang nagprotesta.

Isang halik sa aking pisngi at muli niyang ipinatong ang kanyang baba sa aking balikat.

"Ang sungit" sambit niya kaya naman napangisi na ako.

Nang lingonin ko siya ay halos maduling na ako sa lapit ng mukha naming dalawa. Kahit ganuon ay nagawa ko pa din siyang ngitian, itinaas ko ang aking kamay at marahang pinisil ang matangos niyang ilong.

"Pagkatapos ko dito, yung sayo naman ang aayusin natin. Sino ang nagaayos ng gamit mo pag nagtrayravel ka? Hindi ka marunong magtupi ng damit mo..." pangaral ko sa kanya.

Para siyang batang nakikinig sa aking sermon. "Nakahanger ang lahat ng damit ko sa condo. Pag nagtravel, nilalagay ko lang sa loob" sagot niya sa akin na para bang normal lang iyon sa kanya.

Pansin ko nga iyon nung tumira ako sa condo niyo. Matamis ko siyang nginitian, marahan kong hinaplos ang kanyang mukha.

"Andito naman na ako...ako na ang magtutupi ng damit mo" sabi ko sa kanya.

Imbes na sumagot at kaagad niya akong siniil ng malalim na halik.

"Stella, mahal kita hindi dahil kailangan kita. Hindi dahil napupunan mo ang lahat ng pagkukulang sa akin. Mahal kita dahil iyon ang nararamdaman ko, mahal kita kasi iyon ang sabi ng puso ko. Walang rason, basta mahal kita" paninigurado niya sa akin.

Dahil sa kanyang sinabi ay kaagad akong umayos ng upo para mayakap ng mabuti si Frank. Ako din naman, mahal ko siya at wala akong masabing dahilan. Mahal ko siya dahil iyon ang nararamdaman ko.

Siguro ay naalala niya ang sinabi ko nuon. Na minahal lang ako ng mga tao sa paligid ko dahil may kailangan sila sa akin, dahil may pakinabang sila sa akin. Nakakatakot ang ganuong klase ng pagmamahal, hindi mo alam kung hanggang kailan.

Humigpit ang yakap ko sa kanya. Gustong gusto ko talagang gawin ito. Ang yakapin siya ng mahigpit at damhin ang init ng kanyang katawan. Mahal na mahal ko si Frank.

"Mag pacheck up na muna kayo. Para sigurado tayo sa kalagayan ng magina mo" paalala sa amin ni Mommy habang nasa hapagkainan kami at kumakain ng lunch. Bukas ng hapon ang flight namin pabalik ng Manila.

"Opo, Ma. Pagkatapos po nito ay aalis kami" sagot ni Frank sa kanya kaya naman marahang napatango si Mommy at napangiti.

Dahil sa pagkakaayos nilang dalawa ay mas naging magaan ang paguusap naming lahat habang kumakain. Mas madaldal pa nga si Frank kesa sa akin. Mas marami siyang nasasabi kaya naman gustong gusto siya ni Tito Paul.

Matapos kumain ay umakyat na ako sa kwarto para maligo at magbihis. Si Frank naman ay pumunta sa kwarto na tinutuluyan din niya. Medyo nahirapan akong pumili ng damit dahil sa paglaki ng aking tiyan. Naka suot lamang ako ng roba habang namimili ng may kumatok sa aking kwarto.

"Sino iyan?" tanong ko. Baka si Manang at may ipinapasabi si Mommy.

"Asawa mo" sagot ni Frank na ikinatawa ko.

Kaagad akong lumapit sa may pintuan para pagbuksan siya. Pero bago iyon ay inasar ko muna.

"Wala akong asawa" sigaw ko pabalik.

Muli siyang kumatok. "Isa, Stella" banta niya sa akin na mas lalo kong ikinangiti.

"Dalawa, Frank" balik na biro ko.

Tawa ako ng tawa ng buksan ko ang pintuan matapos kong marinig ang pagmumura niya sa labas. Busangot na mukha niya ang sumalubong sa akin.

"Palagi mo na lang akong itinatanggi" galit na sabi niya na may kasama pang pagirap. Napanguso na lamang ako. Ang sungit naman nito, mas masungit pa sa buntis! Ikaw ba ang buntis Frank?

Naglakad siya papunta sa may kama at tamad na umupo duon. Nakabusangot pa din ang kanyang mukha. Nakangiti kong isinara ang pintuan. Nakaligo na din siya, simpleng tshirt at pantalon ang suot. Ang kanyang may kahabaang buhok ay medyo magulo.

"Hindi na kasya yung pantalon ko. Ang bilis lumaki ni Baby" kwento ko sa kanya habang nakaharap ako sa may cabinet ko at naghahanap ng maisusuot.

Maya maya ay nakaramdam ko ang paglapit niya sa akin. Tumabi siya at nakihanap din. "Mag dress ka na lang, bibili tayo pag balik ng Manila" sabi niya sa akin na kaagad kong tinanguan.

Hindi naman ako nahirapan sa dress dahil maging si Frank ay pumayag din sa aking napili. Kumuha na din ako ng mga under garments ko.

"I'll dress you up" sabi niya. Nagulat ako ng kuhanin niya ang panty at bra sa aking kamay.

"Pero Frank, ako na..." nahihiyang sabi ko.

Uminit pa din ang magkabilang pisngi ko, lalo na't iba ang dating sa akin pag siya ang may hawak sa mga iyon.

Masungit siyang umiling. Napanguso ako at halos hindi na ako makatingin sa kanya ng diretso. Pinahubad niya sa akin ang suot kong roba. Halos gusto ko ng magpakain sa lupa dahil sa pagiging hubad ko sa harapan ni Frank, pero siya ay parang walang pakialam.

"Pag lumaki pa lalo ang tiyan mo, mahihirapan ka ng yumuko" sabi niya sa akin ng lumuhod siya sa harapan ko para isuot sa akin ang panty ko.

Hiyang hiya akong napahawak sa kanyang balikat para kumuha ng suporta. Nang matapos ay tumayo din naman kaagad si Frank para ang bra ko naman ang isuot niya.

"Edi hindi na muna ako magsusuot ng panty" sabi ko sa kanya pero umigting ang kanyang panga.

"Talikod" matigas na sabi niya kaya naman napanguso ako at kaagad siyang sinunod.

Nang matapos niyang maisuot sa akin ang aking damit ay kaagad akong tuningkayad para halikan siya sa pisngi. "Thank you..." sabi ko.

Marahan na lamang siyang tumango. "Lumabas na tayo dito, mahirap magpigil" seryosong sabi niya sa akin kaya naman napaawang ang aking labi.

Hindi na ako nakapagsalita pa ng kaagad siyang tumalikod sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Pagkababa naming dalawa sa may hagdan ay naghihintay na si Mommy sa amin.

"Magingat kayo" sabi niya at pareho kaming hinalikan ni Frank.

Nang sabihin ng doctor na safe pa para sa akin na magtravel ay kaagad niyang isinunod ang pagisa pang balita. Pwede na daw naming malaman ang gender ng baby namin ngayon din mismo.

Kita ko ang excitement din sa mukha ni Frank, para bang gulat siya na hindi makapaniwala. Panay ang ngiti ko habang nakahiga ako sa may loob ng clinic.

Abala ang Doctor sa pagaayos ng mga kailangan. Pinagpalit pa nga ako nito ng hospital gown. Nanatiling tahimik si Frank na nanunuod din. Parang lutang pa din siya, hindi ko mapaliwanag ang kanyang itsura.

Naramdaman ko ang malamig na gel na inilagay ng Doctor sa itaas ng aking sinapupunan.

"Frank" tawag ko sa kanya at kaagad na inabot ang kamay ko para hawakan niya. Hindi naman ako nabigo dahil kaagad niyang tinanggap iyon at mas lalong lumapit sa akin.

Kaagad kong naramdaman ang paghigpit ng kapit niya sa aking kamay, duon pa lang ay alam ko ng kanina pa niya kailangan iyon. Habang nagsasalita ang Doctor at may tinuturo sa may monitor ay hindi ko maiwasang tingnan ang reaksyon ni Frank. Masyadong atenttive.

"Ayan at nagpakita na din..." natatawang sabi ni Doc. Mas lalong humigpit ang hawak ni Frank.

"Congrats, Mommy and Daddy...you'll be having a Baby Boy" anunsyo nito kaya naman kaagad na uminit ang gilid ng aking mga mata at hindi na napigilan pa ang pag luha.

Kaagad na humilig si Frank sa akin at humalik sa aking noo. Nakita ko ang pamumula ng kanyang mga mata.

"Baby boy..." nakangiting sambit niya habang parang naluluha. Nginitian ko soya at kaagad na tinanguan.

Paguwi namin sa bahay ay duon na lumabas ang kanina pang pinipigilan ni Frank. Napanguso ako ng naunahan nanaman niya ako sa pagyakap kay Mommy.

"Ma, lalaki po...lalaki" anunsyo niya dito.

Napatalon at napapalakpak si Mommy. Matapos yakapin si Frank ay ako naman ang niyakap niya.

"Congrats!" nakangiting sabi niya sa aming dalawa.

Dahil sa nalaman ay nagkaroon kami ng simpleng kainan ng pagdating ng dinner. Nagpaluto sina Mommy, bumati at humalik din sa akin sina Tito at Tita.

Halos hindi kami makatulog ni Frank ng gabing iyon dahil sa sayang nararamdaman. Ni hindi nga binitawan ni Frank ang ultrasound picture na ibinigay ng Doctor sa amin kanina.

May kaunting lungkot na hindi namin makakasama si Mommy sa paguwi. Pero kahit papaano ay magaan ang aking loob dahil susunod naman siya sa amin duon, tanggap na niya kami kaya naman hindi na ako dapat mangamba pa.

Pagkadating namin ng Manila ay dumaan lang kami sa condo niya para ibaba ang aming mga gamit. Dumiretso kaagad kami kila Sera dahil excited na si Frank na ibalita sa lahat na magkakaroon kami ng Baby boy.

Masaya akong makita na halos hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi. Kahit sa kanyang mga mata ay visible din ang sayang nararamdaman. Gusto kong makita si Frank na ganito palagi. Gusto kong makitang masaya si Frank.

Mahigpit na yakap ang isinalubong ni Sera sa aming dalawa. Hindi ko maiwasang punahin ang malaki niyang tiyan. Malaking tao din kasi si Kenzo kaya naman hindi na nakapagtataka, lalaki din ang baby nila kaya naman siguradong kamukha iyon ni Kenzo.

Sa may sala nila kami dumiretso. Matapos humalik sa kapatid ay kaagad na dumiretso si Frank sa aking tabi dahilan kung bakit nagtaas ng kilay si Sera.

"Next month na ang due mo diba?" tanong ko na kaagad niyang tinanguan.

Kaagad siyang umupo sa kaharap naming upuan. Ang sabi niya ay masyado ng mabigat ang tiyan niya kaya naman kung hindi laging nakaupo ay humihiga na lamang siya.

"At ang magaling mong asawa?" tanong ni Frank dito kaya naman napanguso si Sera at napairap sa kanyang Kuya.

"Maraming tinatapos na trabaho, para pag nanganak ako ay makapagfocus daw siya sa akin" sabi nito sa amin na para bang kinikilig pa kaya naman napatawa ako.

Bumusangot naman ang mukha ni Frank dahil sa sinabi ng kapatid. Hindi pa din ata talaga siya makapagmove on na may asawa na ang Baby sister niya at napagdidiskitahan pa din si Kenzo kung minsan.

"Saan kayo tumutuloy ngayon?" tanong niya sa amin. Napatingin ako kay Frank, umigting ang kanyang panga kaya naman bumalik ako sa pagkakayuko.

Hindi na nga pala siya makakauwi sa kanila dahil itinakwil na siya ng Daddy niya dahil pinili niya kami.

"Sa condo. Pero nagplaplano na akong magpagawa ng bahay" sabi niya sa kapatid.

"Pero paano ang bahay? Sayo iyon iiwan ni Daddy" sabi ni Sera.

Bahagyang bumigat ang aking dibdib para sa kanya. Alam kong importante sa kanya ang bahay na iyon dahil duon sila lumaki, at nanduon ang alaala ng Mommy niya.

Narinig ko ang pagtikhim ni Frank. "Hindi ko dadalhin duon si Stella kung hindi naman siya tatanggapin ni Dad" matigas na sabi ni Frank.

Humigpit ang hawak ko sa magkasiklop naming mga kamay. Ang sarap sa pakiramdam na marinig ko iyon mula sa kanya, na ipinaglalaban niya talaga ako. Pero masakit din, hindi ko naman kasi kailanman ninais na masira sila ng Daddy niya para lang sa akin.

Nakita ko ang lungkot sa mukha ni Sera. Pero ng makita niyang nagangat ako ng tingin ay nginitian pa din niya ako.

"Darating ang araw na matatanggap din kayo ni Dad. Lalo pag nakita na niya ang apo niya sa inyo" paninigurado niya sa amin kaya naman napangiti ako. Sana.

Bigla namang nagbago ang mood ni Frank. "Lalo pag kamukha ko" pagyayabang niya.

Gusto ko sanang magprotesta, pero napangiti na lang ako. Ibibigay ko na iyon sa kanya. Lalaki ang magiging anak namin kaya naman gusto ko ding maging kamukha ni Frank.

Natawa si Frank at tsaka ako hinalikan sa ulo. "Sige sa susunod, yung kamukha mo naman" pangaasar niya sa akin.

Nagstay kami duon hanggang dinner. Tuwang tuwa din si Kianna ng malamanh lalaki ang Baby namin. Ang sabi niya ay magiging dalawa na ang Baby brother niya.

"Can I also be his big sister, Tita Stella?" tanong niya sa akin. Kagaya ng ginawa niya sa tiyan ng Mommy niya ay marahan niya ding hinaplos ang sa akin.

"Oo naman" nakangiting sabi ko sa kanya kaya naman napapalakpak siya.

Kagaya ng dati ay maaga ulit akong gumising kinaumagahan para maghanda ng breakfast namin ni Frank. Nang matapos ko iyon ay naghanda ako ng lunch box para sa kanya. Gustuhin man daw niyang wag na munang pumasok sa trabaho ay ako na din ang nagsabi sa kanyang pumasok na. Masyado siyang naging abala para sa amin nitong mga nakaraan.

"Ayokong iwan kita dito magisa" sabi niya sa akin pagkababa niya.

Kaagad ko siyang nginitian. Sandali kong inayos ang kwelyo ng kanyang suot na longsleeve. Bumalik na ang Frank na una kong nakilala. Though, nag hot pa din niyang tingnan sa simpleng tshirt at maong pants.

"Ayos lang naman ako dito. Magaayos lang ako..." paninigurado ko sa kanya.

Nanatili ang tingin niya sa akin. "Text me every now and then..." sabi pa niya na kaagad kong tinanguan.

Nang umalis na si Frank para pumasok sa trabaho ay naging abala naman ako sa pagaayos ng aming mga gamit sa kanyang cabinet. Naging abala ako duon hanggang sa magulat ako sa biglaang pagbisita ni Sandra.

"Congrats! Napakagaling ng gagong Frank na iyon" natatawang sabi niya sa akin.

Panay ang yakap niya sa akin. "Miss na miss kita. Akala ko talaga matagal pa bago tayo magkita ulit. Mabuti na lang at magaling si Frank magpauwi, duon lang siya magaling" pagpuro niya kay Frank na kaagad din namna niyang masungit na binawi. Tinawanan ko na lamang si Sandra.

At dahil nandito na siya ay pinatulong ko na siya sa akin sa pagliligpit.

"Kailan ang kasal?" tanong niya.

"Wala pang date, pero gusto ni Frank ngayong month" sagot ko sa kanya kaya naman naningkit ang mga mata ni Sandra.

"Aba't sigurista ang loko"

Pabiro ko siyang inirapan. "Payag na si Mommy sa amin, kaya wala ng problema" sabi ko sa kanya kaya naman kaagad siyang napatango.

Sandali siyang napahinto ng may maalala. "Eh si Mr. Bitter Del prado?" tanong ni Sandra na hindi ko kaagad nakuha dahil sa sinabi niya.

Napanguso ako dahil sa narinig sa kanya. Ang babaeng ito talaga, nagawa pang tawaging bitter ang Daddy ni Frank.

"Mas maganda sana kung nanduon siya sa kasal. Pero hindi naman namin pwedeng madaliing matanggap niya kaagad" sabi ko sa kanya.

"Tanggapin niya na, Aba! Life is short" sabi pa ni Sandra.

Kahit masaya si Frank na tanggap na kami ni Mommy ay iba pa din yung saya kung maging ang Daddy niya ay ganuon din. Pero sabi nga nila, hindi maganda kung ipipilit. Siguro ay hanggang ngayon ay may galit pa din sa puso ni Mr. Del prado, sana nga lang ay mawala iyon. Sana ay matunaw ang galit gamit ang pagmamahal na mayroon siya para kay Frank.

Nang sumunod na araw ay nagulat kaming pareho dahil sa hindi inaasahang bisita. Maging ako ay halos hindi makagalaw sa aking kinatatayuan ng makita ko ito.

"Dad..." gulat na tawag ni Frank.

"Good afternooon po" bati ko kay Mr. Del prado.

Nanatili ang tingin niya sa kanyang anak. Ni Hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Blanko din ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"I need to talk to you..." seryosong sabi niya kay Frank kaya naman kaagad namin siyang pinatuloy.

Naunang naglakad si Mr. Del prado paupo sa may sala.

"Anong gustong inumin ng Daddy mo?" tanong ko kay Frank.

Bumaba nag hawak niya sa aking bewang. "I'll ask him" sabi niya sa akin bago ako hinalikan sa pisngi na para bang kumuha siya ng lakas ng loob duon.

"Dad, you want something? Coffee, juice..."

"Nevermind, Frank. Hindi din naman ako magtatagal" sagot ni Mr. Del Prado sa kanya.

Bayolente akong napalunok ng makita kong lumipat ang tingin niya sa akin. Walang ekspresyon ang kanyang tingin sa akin...masyadong blanko.

Napasinghap si Frank at marahang napatango. Malungkot siyang tumingin sa akin, tipid ko siyang nginitian para ipahatid na ayos lang iyon. Magiging ayos lang ang lahat.

"Maiwan ko na po muna kayo..." paalam ko dito.

Tumikhim si Mr. Del Prado. "You stay, kailangan mo ding marinig ito" seryosong sabi niya sa akin. Nagkatinginan kami ni Frank dahil duon.

Sandaling kumunot ang noo ni Frank. "Dad, please. Hindi pwedeng mastress ang asawa ko" giit ni Frank.

Tiningala siya ng kanyang ama. "Hindi pwedeng malaman niyang asawa mo ang estado ng companya mo?" matigas na sabi ni Mr. Del Prado sa kanya.

Nalaglag ang aking panga dahil sa narinig. "Frank, you'll going down. Dahil sa kapabayaan mo, lahat ng pinaghirapan mo. Natin...mawawala lahat" giit pa ni Mr. Del prado.

Napatingin ako kay Frank. Wala na ding kahit anong emosyon ang kanyang mukha.

"Makakabawi po ako Dad, kaya ko po iyon" paninigurado niya dito.

Dismayadong tumayo si Mr. Del Prado mula sa pagkakaupo. "You can't still prove anything to me, Frank. Wala ka pang napapatunayan..." seryosong sabi nito.

Bumagsak ang tingin ko sa sahig. Sobrang sakit nuon para kay Frank. Alam ko, nasasaktan ako para sa kanya.

"Anong gusto mong ipamukha sa akin? Na ipinaglaban mo ang pagmamahal mo para sa isang babae? Ayun na iyon? Basta mapakasalan mo lang? At paano ang bubuuin mong pamilya gayong pabagsak ka na?" galit pa ding tanong nito kaya naman hindi ko na magawang magangat ng tingin. Hindi ko kayang makita ang lungkot at sakit sa mukha ni Frank.

"Dad, kaya ko" madiing sabi ni Frank.

Hindi na ako nagdalawang isip na lapitan siya para aluin. Sandali kaming tinapunan ng tingin ni Mr. Del Prado bago siya dismayadong umiling.

"Wag mong sabihin. Gawin mo" pinal na sabi nito at tangkang tatalikuran na kami ng biglang lumambot si Frank.

"Dad, lalaki ang magiging anak namin" sabi niya dito. Alam kong gusto niyang ibalita iyon sa Daddy niya na masaya siya. Pero kabaliktaran ang nangyari.

Marahang napailing si Frank ng matapos sandaling huminto ni Mr. Del prado ay tuluyan na din siyang umalis na para bang wala siyang pakialam.

Natahimik si Frank pagkatapos nuon. Panay ang sabi niya sa akin na ayos lang siya. Hanggang sa nagising ako ng lumalim na ang gabi at naramdaman kong magisa na lang ako sa kama.

Bumaba ako sa may hagdan, nakita ko kaagad siyang nakatayo sa harapan ng glass wall. Umiinom ng alak, ilang can ng beer na din ang nagkalat sa may center table.

"Frank..." tawag ko sa kanya at kaagad siyang niyakap mula sa likuran.

"I'll prove him wrong" madiing sabi niya.

Kaagad akong tumango. "I'm here for you Frank. Kami ng baby natin, susuportahan ka namin, kahit anong mangyari" paninigurado ko sa kanya.















(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro