Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34

Puslit




Halos hindi ko mabitawan ang yakap ko kay Frank. Ganuon din naman siya sa akin, ni hindi ko na nga inisip na wala siyang suot na pangitaas na damit. Tahimik kong dinama ang init ng katawan niya.

"Sabi ni Sandra, naaksidente ka" emosyonal na sabi ko. Nang tingalain ay duon ko lamang nakumpirma ang sugat niya sa may bandang kilay. Medyo maga pa iyon at ordinaryong band aid lang ang nakalagay.

"Nakaharang yung puno" sabi niya sa akin kaya naman mula sa pagiyak ay natawa ako.

"Frank naman eh, ginagawang biro...hindi nakakatuwa. Paano kung may nangyari sayo?" tanong ko sa kanya. Nakakagalit talaga. Hindi niya iniisip ang sarili niya. Hindi siya nagiinggat.

Marahan niyang ikinulong ang pisngi ko gamit ang magkabila niyang kamay. Ramdam ko kaagad ang pagiging magaspang duon, ilang oras pa lang siyang nagtratrabaho ay ganuon na kaagad.

"I'm sorry" malambing na sabi niya at sandali akong hinalikan.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa aking pisngi. Nanatili ang tingin ko sa kanya, kita ko ang pinaghalong lungkot at pagod mula sa kanyang mga mata.

"Sorry sa nasabi ko. Hindi ka kagaya ng Daddy mo" paumanhin ko.

Imbes na sunagot ay muli niya akong hinalikan. Ginantihan ko kaagad ang halik niyang iyon hanggang sa mapaiktad kaming dalawa ng sumigaw si Mommy.

"Stella! Anong nangyayari dito!?" galit na sigaw niya mula sa loob ng bahay.

Kaagad akong napalayo kay Frank. Pero hindi ko siya iniwan, bagkus ay halos itago ko pa siya sa likuran ko para protektahan kahit alam kong walang sense dahil sa laki ng kanyang katawan.

"Haharapin ko ang Mommy mo" bulong niya sa akin. Napanganga ako ng ako na ngayon ang itago niya sa kanyang likuran.

Matapang niyang hinarap si Mommy. Kita ang galit sa malalaking hakbang nito. Nang tuluyang makalapit sa amin ay napasinghap ako ng sampalin niya si Frank.

"Ang kapal ng mukha mong magpakita dito" asik ni Mommy sa kanya. Hindi natinag si Frank, nanatili ang hawal niya sa akin.

Nang tanggalin niya ang suot na sumbrero ay mas lalo ko lang nakita ang pamamaga ng kanyang kanang kilay dahil sa sugat.

"Gusto ko pong ipakita sa inyo na ipaglalaban ko si Stella. Hindi ako kagaya ni Daddy" marahang sabi ni Frank kay Mommy.

"Mahal na mahal ko po ang anak niyo, Mrs. Serrano" madiing sabi pa ni Frank kaya mas lalong humigpit ang hawak ko sa kanya.

"Bumalik ka na ng Manila, Frank" matigas na sabi ni Mommy sa kanya. Ni hindi nito pinansin ang mga sinabi ni Frank. Para bang wala siyang narinig, walang naintindihan. Hindi narinig? O hindi pinakinggan?

"Mommy, Please. Pagbigyan niyo na po si Frank. Para sa amin ng baby...para kahit na lang sa Apo niyo" paminilit ko sa kanya.

Nakita ko kung paano halos mangilid ang luha sa mga mata ni Mommy.

"Paano pag sinaktan ka ulit? Stella, nagaalala ako para sayo" giit ni Mommy. Halos mapaos na ang kanyang boses.

Marahan akong umiling. "Mahal ko po si Frank" sagot ko. Malayo sa tanong niya sa akin.

Parte ng pagmamahal ang sakitan, hindi naman mawawala iyon. Not physical, minsan sa mga salita. Kagaya na lamang nung nangyaring sagutan namin bago kami lumipad patungo dito sa Davao.

Kailangan lang, marunong kang umintindi, marunong kang magpatawad.

Nagiwas ng tingin si Mommy sa akin. Muli niyang itinuon ang matalim na tingin kay Frank.

"Wala na po akong babalikang pamilya sa Manila. Itinakwil na po ako ni Daddy, si Stella at ang anak na lang namin ang meron ako" sabi ni Frank sa kanya.

Napatakip ako sa aking bibig. Hindi ko magawang maproseso ang narinig mula sa kanya. Itinakwil siya ni Mr. Del prado, bilang isang anak ay masakit iyon.

Halos gusto kong yakapin si Frank. Kung wala lang si Mommy sa harapan namin ay baka kanina ko pa nagawa. Nang tingnan ko si Mommy at nakita ko din ang gulat sa kanyang mukha. Sana naman ay lumambot na ang puso niya para dito.

"Hindi ko alam Frank. Gusto kitang pagbigyan, pero masyado akong nasaktan para sa anak ko. Hindi mo alam ang pakiramdam, para mo na akong pinatay ng gawin mo iyon kay Stella" paguumpisa ni Mommy.

"Inalagaan, pinalaki ko, minahal ko...tapos malalaman kong ganuon ang ginawa mo?" sambit ni Mommy, mas lalo siyang naging emosyonal.

Naiintindihan ko naman. Magiging ina na din ako. Hindi pa nga lumalabas ang Baby namin ay pakiramdam ko, mas masasaktan ako pag may nanakit sa kanya. Nasasaktan nga ako ng malaman kong hindi siya tanggap ni Mr. Del prado.

"Naiintindihan ko po kayo. Pero, gusto ko din pong patunayan ang sarili ko sa inyo. Nagsisisi na ako, mahal ko po si Stella" sabi pa ni Frank kay Mommy.

"Luluhod po ako kung kinakailangan. Bigyan niyo lang po ako ng pagkakataon na mapatunayan ang sarili ko" desididong sabi ni Frank.

Halos mamanhid ang aking katawan. Parang hindi siya yung Frank na kilala ko. Hindi siya yung Frank na sanay sa isang pitik lang ay makukuha na kaagad niya ang gusto niya.

"Frank, hindi na kailangan" marahang sabi ko sa kanya.

Tumikhim si Mommy dahilan kung bakit naagaw niya ang atensyon namin.

"Hindi ko gagawing madali, para sayo" banta ni Mommy sa kanya.

"Maraming salamat po..." sabi ni Frank na para bang hindi niya ininda ang banta ni Mommy sa kanya.

"Stella, pumasok ka na" utos ni Mommy sa akin. Tangkang tatalikuran na niya kami ng kaagad akong nagprotesta.

"Maguusap lang po kami" sabi ko pero pinanlakihan niya ako ng mata.

"Hindi ba't nandito siya para gawin ang tree house. Hayaan mo siyang magtrabaho" sabi pa ni Mommy.

Humaba ang nguso ko. Naramdaman ko ang paghaplos ni Frank sa likod ko. "Sige na, magpakabait na muna tayo ngayon" pagaalo niya sa akin.

Napatitig ako sa kanya. Gusto ko pa siyang makausap, gusto ko pa siyang kasama. Gusto kong manuod habang nagtratrabaho siya.

"Pero, miss na kita" sabi ko sa kanya.

"Stella!" sigaw na tawag ni Mommy na mukhang narinig ang aking sinabi.

Napangisi si Frank, nakita ko pa kung paano siya halos mapamura. "Konting tiis. Baby, I miss you more...so so much" madiing sambit niya. Halos mapasinghap pa siya ng tinangka niya akong halikan pero pinigilan niya lang.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod kay Mommy papasok sa bahay. Ilang beses ko pang nilingon si Frank. Nakangisi lang siya sa akin at marahang napailing dahil sa paulit ulit kong paglingon sa kanya.

Baby, gusto mo pang makita si Daddy? Ako din!

Halos hindi ako mapakali sa loob ng bahay. Maya't maya ako kung tumingin sa bintana. Kanina pa din ako tinatawanan ni Manang dahil sa aking ginagawa. Si Mommy naman ay galit na.

"Stella, huminahon ka nga" suway niya sa akin ng maya't maya akong nagpaalam na maghahatid ng inumin. Pero sa huli ay si manang lang ang pinapayagang lumabas.

"Hatid ko lang ito sa karpintero" paalam ni Manang sa akin na halatang nangaasar pa.

Napanguso ako ng bumaba ang tingin ko sa isang pitchel ng juice, nagpadala na din ako ng mirienda kahit maya maya lang ay kakain na ng tanghalian.

"Pinatawad mo kaagad, Stella?" tanong ni Tita Alena sa akin.

Naabutan nila akong nakatanaw kay Frank sa may bintana namin sa may sala. Nang lumingon ako ay hindi lang siya ang nanduon. Anduon din si Mommy at Tito Paul.

"Hayaan na natin ang mga bata. Alam na nila ang ginagawa nila. Tingnan mo si..." sandaling napatigil si Tito Paul ng hindi alam kung anong tamang itatawag kay Frank.

"Frank po" sabi ko kaya naman napatango siya.

"Hindi naman pupunta dito yang si Frank at hihingi ng pagkakataong patunayan ang sarili niya kung hindi niya talaga mahal ang pamangkin ko" pagpapatuloy ni Tito. Tipid ko siyang nginitian, mabuti na lang at kahit papaano ay may nakakaintindi sa amin.

"Mabait ang batang iyan. Pero hindi mo maalis sa akin na magalit sa nagawa niya kay Stella" giit ni Mommy.

Nagtaas ng kilay si Tito. "Napatawad na nga ni Stella eh...kay Federico ka naman galit, hindi si Frank si Federico" giit pa ni Tito Paul.

Gusto ko tuloy siyant yakapin at pasalamatan. Sana ay makumbinsi din ng mga salita niya si Mommy.

Nagiwas ng tingin si Momny at tumikhim. "Patunayan niya kung ganuon" masungit na sabi niya. Nakita ko ang bahagya niyang pagnguso. Alam ko, lumalambot na din siya kay Frank.

Naiwan si Tita Alena sa may sala kasama ko. Kagaya ko ay nakatanaw din siya sa may bintana habang pinapanuod namin si Frank na magtrabaho.

"Hindi ba't mayaman ang isang yan. Hindi yan sanay sa ganyang trabaho" si Tita.

Hindi nawala ang tingin ko kay Frank. Marahan akong tumango, yun nga din ang iniisip ko. At tsaka kahit sugat lang sa kilay ang natamo niya sa aksidente ay hindi pa din ako kampante, dapat nga ay nagpapahinga siya ngayon.

Nang masiguro kong abala na si Mommy kasama sina Tito at Tita ay dahan dahan akong lumabas, sa may terrace lang para pag nahuli ay hindi gaanong mabigat ang parusa.

Umupo ako sa may kulay puting rocking chair. Nang mapansin ako ni Frank ay kaagad siyang nagpunas ng pawis. Ngumisi siya sa akin kaya naman nginitian ko siya.

Hindi ko na namalayang nakaidlip na ako duon. Naalimpungatan na lamang ako ng paulit ulit kong naramdamang may humalik sa aking ulo.

"Kakain na..." marahang sabi ni Frank sa akin.

Kaagad akong napaayos ng upo. Nakatayo na siya sa aking harapan ngayon at may suot ng tshirt.

"Saan ka kakain?" tanong ko.

"Sa loob, pinatawag ako ni Tito Paul" sagot niya at inalalayan pa akong tumayo.

"Tito Paul..." paguulit ko. Naka Tito na din siya. Ang bilis talaga ng isang ito.

Napangisi na lamang siya hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya sa aking sinapupunan. Bumaba din ang tingin ko duon, dahil sa suot kong manipis na dress ay halata na ang umbok ng aking tiyan.

Napasinghap si Frank, imbes magsalita ay niyakap na lamang niya ako.

"Sobrang saya ko..." sabi niya sa akin.

Niyakap ko siya pabalik. "Pero tinakwil ka ng Daddy mo" malungkot na sabi ko.

"Maiintindihan niya din ito. Magiging Daddy na din ako, tsaka asawa mo..." sabi niya sa akin.

Kaagad ko siyang tiningala. "Asawa ko?" tanong ko sa kanya kaya naman napangisi siya at nagtaas ng kilay.

"Wala ka ng magagawa" sabi pa niya kaya naman nginisian ko din siya.

"Ehem, hinihintay na po kayo sa dinning" si Manang.

Imbes na bumitaw ng yakap kay Frank ay mas lalo ko pa itong niyakap, isinandal ko pa ang ulo ko sa dibdib nito.

"Hay naku, wag niyo na akong inggitin na dalawa. Pumasok na kayo at kumain" suway niya sa amin kaya naman napatawa ako.

Isang halik sa ulo ang ibinigay ni Frank sa akin bago kami bumitaw sa yakap at pumasok na sa loob ng bahay.

Tahimik ang lahat sa dinning pagkapasok namin. Kitang kita ko kung paano bumaba ang tingin nilang tatlo sa magkahawak naming mga kamay. Imbes na bitawan iyon ay mas lalo kong hinigpitan ang hawak kay Frank at ako pa ang humila sa kanya para makaupo kami.

Binigyan nila kami ng pwesto sa gilid ni Tito Paul. Sa kaharap namin ay ang magkatabing sina Mommy at Tita Alena.

"Anong nangyari sa sugat mo?" tanong ni Tito, itinuro pa ang kanyang kilay.

"Naaksidente po" sagot ni Frank.

Hindi man lang nagangat ng tingin si Mommy nanatili ang tingin niya sa pagkain sa kanyang plato.

Nilagyan ni Frank ang pinggan ko ng pagkain. Ganuon din ang ginawa ko, halos makalimutan kong nasa harapan namin ang pamilya ko at kanina pa tumitikhim si Mommy.

"May spare room sa tabi ng kwarto ni Stella. Duon ka na tumuloy..." sabi ni Tito Paul.

"Kuya" suway ni Mommy sa kanya.

Nagkibit balikat si Tito. "Dapat nga ay iisang kwarto na lang sila, magkakaanak na iyan" si Tito Paul pa din.

Naramdaman ko ang paginit ng aking magkabilang pisngi. Hindi pa din ako kumportable na pagusapan iyon lalo na kung sila ang kasama. Kung si Sandra pa siguro ay baka matawa na lamang ako.

"Ok na po ako duon sa may kwarto sa labas, sa itinuro ni Manang kanina" sabi ni Frank. Gusto ko sanang mag protesta pero hinawakan niya lang ang kamay ko na para bang pinipigilan niya akong magsalita.

Hindi na umimik pa si Tito Paul. Matapos ang tanghalian ay sandali nagpahinga si Frank bago ulit sumabak sa pagtratrabaho.

"Kaunting damit lang ang nadala ko, nagmamadali kasi ako" sabi niya aa akin ng punahin ko ang suot niyang white tshirt.

Hindi na din ako sinuway ni Mommy ng sumama ako dito palabas ng bahay. Nakaupo kaming dalawa sa may hagdann ng playground na gagawin din niya pagnatapos na ang tree house.

"Sasama ako bukas sa bayan. Bibilhan kita ng damit" sabi ko sa kanya.

Dahil sa aking sinabi ay napangiti si Frank. Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap. "Pinapakilig mo nanaman ako" sabi niya kaya naman hindi ko naiwasang matawa.

Nang tingalain ko siya ay duon ko nakitang namumula ang kanyang tenga. Itinaas ko ang kamay ko para marahang haplusin ang kanyang pisngi, ramdam ko na ang patubong balbas duon.

"Pasencya ka na kay Mommy" sabi ko sa kanya.

Tinitigan niya ako. Hinalikan niya ang tungki ng aking ilong. "Naiintindihan ko ang Mommy mo" sabi niya sa akin.

"Ako ang dapat mag sorry dahil sa mga sinabi ni Daddy sa iyo. You don't deserve that" seryosong sabi niya.

"Tama naman siya, you deserve the best. Hindi yung kung sino sino lang" sabi ko.

Bahagyang humigpit ang yakap niya sa akin. "Hindi ka kung sino sino lang..." paalala niya sa akin.

"Sino ako kung ganuon?" pangaasar ko sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Asawa ko" nakangising sagot niya.

Mabilis na uminit ang aking magkabilang pisngi. "Pinipilit mo talaga iyan" suway ko sa kanya.

"Totoo naman kasi" laban pa din niya kaya naman hindi na ako nakaimik pa.

Kahit papaano ay maganda ang tulog ko ng gabing iyon. Ang malamang nasa malapit lang si Frank ay nagpapagaan sa aking loob. Kagaya ng plano ko ay sumama ako kay Manang kinaumagahan para bilhan si Frank ng damit.

Nag crave din ako sa natamis kaya naman napabili ako ng cake at donuts. Pagkauwi sa bahay ay naabutan ko si Mommy sa may sala, nagbabasa ng ilang documento.

"Mabuti na lang at nakauwi kayo kaagad, mukhang malakas ang ulan na iyan" sabi ni Mommy.

Kung kanina ay mataas ang sikat ng araw ay ngayon naman ay bigla na lang dumilim ang langit. Mula sa may sala namin ay rinig ko ang pagpukpok ni Frank ng kahoy.

"Mahal mo talaga?" tanong ni Mommy sa akin.

Walang pagaalinlangan akong tumango. "Sobra po" sagot ko sa kanya.

Hinila niya ako paupo sa kayang tabi. "Ang hirap magpatawad, pero kung para sayo at sa apo ko...susubukan ko" marahang sabi niya sa akin.

Dahil sa sinabi niyang iyon ay nabawasan ang bigat ng aking dibdib. Kaagad kong niyakap si Momny ng mahigpit.

"Thank you po..." sabi ko at mahigpit na yumakap sa kanya.

Nasa kalagitnaan kami ng paguusap ni Mommy ng dumating si Tita Alena, hindi lang siya dahil may kasama siyang mga bisita.

Nalaman kong matalik na kaibigan nina Mommy at Tita Alena si Tita Pat. Hindi lamang siya magisa dahil kasama din nito ang anak niyang halos kasing edad ko lang.

"Stella, hija. This is my son, Patrick" pagpapakilala niya sa akin.

Ngumiti ako at kaagad na tinanggap ang kamay niya. Pero nagulat ako ng imbes na simpleng shake hands ay hinalikan niya ang likod ng aking palad.

"Ang gandang bata..." si Tita Pat. Kaagad ko siyang nginitian. 

Imbes tuloy na makalabas na ako para puntahan si Frank ay naipit pa ako sa paguusap nila. Wala akong ginawa kundi ang makitawa at ngumiti sa mga pinaguusapan nila.

"Pinapaayos niyo po pala ang tree house, Tita" si Patrick.

Kaagad na tumango si Tita Alena. "Go on anak, tingnan mo. Magpasama ka kay Stella" si Tita Pat.

Napasimsim si Mommy sa kanyang juice at napatingin sa akin.

Nag ngiting aso ako. Wala akong nagawa ng mauna ng tumayo si Patrick. Hinintay pa niya talaga ako para samahan siya. Halos bumigat ang bawat hakbang ko palabas, baka kung anong isipin ni Frank pag nakita niyang may kasama akong lalaki.

Paglabas sa may garden ay naabutan ko siyang namamahinga at umiinom ng tubig. Malayo pa lang ay matalim na kaagad ang tingin niya sa aking kasama. Nang lumipat naman sa akin ay umirap siya.

"I used to play here, sayang at sa Bulacan ka pala lumaki" si Patrick.

Tipid akong ngumiti at tumango. Tumikhim si Frank kaya naman nalipat ang atensyon ko sa kanya, hindi lang ako. Maging si Patrick ay napatingin din sa kanya.

"Medyo hindi maganda ang pagkakagawa ng hagdan" puna niya. Halos malaglag ang aking panga.

Kita ko kung paano umigting ang panga ni Frank habang matalim ang tingin sa hawak na baso.

Hindi pa nakuntento si Patrick at lumapit pa talaga. "Hindi magtatagal ito, delikado sa mga aakyat" sabi niya.

Kahit nakikinig ay nakay Frank pa din ang aking buong atensyon.

"Marunong ka ba talagang gumawa?" tanong ni Patrick sa kanya.

"Uhm, Patrick. Pasok na tayo..." yaya ko sa kanya. Baka lalo niya lang mainis si Frank.

Tumango ito sa akin kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Bago pa man kami makalayo ay nagsalita na si Frank, akala ko ay makakalusot na. Hindi pala.

"Hindi ako marunong gumawa ng hagdan, pero marunong akong gumawa ng bata...sige na Stella, pumasok na kayo sa loob at delikado dito para sayo at sa anak natin" madiing sabi ni Frank.

Halos malaglag ang panga ni Patrick dahil sa sinabi nito. Nang lingonin ko si Frank ay inirapan niya lang ako at tinalikuran para ipagpatuloy ang kanyang trabaho.

Hindi makapaniwala si Patrick ng makita niya ang umbok sa aking tiyan. Maging si Tita Pat ay gulat din ng malaman niya iyon pagkapasok namin sa may sala.

"The Carpenter, is the father" sabi ni Patrick.

Hindi ako nakitawa sa kanila. Ganuon din sina Mommy at Tita Alena. Hindi naman kasi nakakatawa. Marangal na trabaho ang pagiging karpintero. At kung ganuon nga ang trabaho ni Frank, hindi magbabago ang tingin at pagmamahal ko sa kanya.

Kasabay namin silang nag lunch pagdating ni Tito Paul. Kagaya ng kahapon ay magkatabi pa din kami ni Frank. Panay ang pagyayabang ni Patrick ng kung ano ano pero wala naman kaming pake.

"Galit ka?" tanong ko kay Frank.

Kahit tahimik at halatant galit ay nagawa pa din niya akong lagyan ng pagkain sa aking plato. Tahimik kaming dalawa, sasagot lang ako sa tuwing tinatanong ako.

Nang mag hapon ay lumabas ako dala ang donut na binili ko. Nakaalis na din sina Tita Pat. Panay ang palo ni Frank sa may kahoy. Para bang duon niya ibinubunton ang lahat ng inis at galit niya.

"Kain tayo ng mirienda" yaya ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.

Dumiretso ako sa may hagdanan ng playground, umupo ako duon ay inilapag ang box ng donut.

"Frank" tawag ko sa kanya.

Nanatili ang pagsimangot niya. "Si Patrick ang yayain mo" masungit na sabi niya kaya naman natawa ako.

"Seloso" akusa ko sa kanya. Mas lalo akong nangiti ng sinamaan niya ako ng tingin.

Hindi ko iyon pinansin, nagsimula na akong kumain. Kumakagat pa lang ay hinahanap ko na kaagad kung ano ang masarap na isunod kainin. Mukhang masasarap ang lahat, hindi ko na tuloy alam kung ano ang uunahin.

Nagangat ako ng tingin mula sa mga masasarap na donut patungo kay Frank. Humilig siya, ang magkabilang braso ay humarang sa aking magkabilang gilid.

"Uhm...akin yung ito ha, tsaka ito" turo ko mga donut na gusto kong kainin.

Nanatili ang tingin niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa aking pisngi. Napaawang ang bibig ko ng kinagatan niya ang hawak kong donut. Iyon ang pinakagusto ko sa lahat.

Gusto kong maiyak. "Ang laki ng kagat mo Frank, ito yung pinakagusto namin ni Baby" suway ko sa kanya.

Hindi siya natinag. Nanatili ang titig niya sa akin.

"Kung anong galing mong magpakilig, ganuon ka din kagaling magpaselos" madiing sabi niya. Napanguso ako, hindi pa din nakamove on sa donut ko.

"Wala naman akong ginagawa" sabi ko.

"Eh, bakit nagseselos ako?" masungit na tanong niya.

Nainis ako lalo, hindi pa din makamove on sa donut kong kinagatan niya ng malaki. Madami namang iba eh.

"Ewan ko sayo..." sabi ko.

Nagigting ang kanyang panga, isang mahinang mura at kaagad niya akong siniil ng halik. Nang bumitaw ay kaagad na lumipat ang tingin ko sa labi niya.

Mabilis kong ikinawit ang magkabila kong braso sa kanyang leeg.

"Pumuslit ka mamaya sa kwarto ko, duon ka na matulog" sabi ko sa kanya at humalik sa pisngi niya. Mariin napapikit si Frank, bigla atang pinagpawisan.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng makita ko kung paano bayolenteng nagtaas baba ang kanyang adams apple.

"Ano namang gagawin ko duon?" tanong niya. Muli na siyang tumitig sa akin.

"Gagamutin ko ang sugat mo, at matutulog tayo" sagot ko.

Umigting ang panga ni Frank. "Alam mong hindi lang yan ang mangyayari" sabi niya sa akin kaya naman uminit ang aking magkabilang pisngi.









(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro