Chapter 32
Flight
Kaagad kong pinagapang ang kamay ko sa kamay ni Frank. Nang tuluyan kong mahanap ang kanyang mga daliri ay pinagsiklop ko ang mga iyon.
Ramdam ko ang galit niya base sa pagtaas baba ng kanyang dibdib. Nanatiling tahimik si Sandra at Sergio na nasa aming harapan.
"Frank..." marahang tawag ko sa kanya. Gusto kong ipaalala sa kanya na nandito ako, hindi siya nagiisa.
Nanatili ang tingin ni Frank sa lamesa. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko na para bang duon din siya kumukuha ng lakas. Muli kaming natigilan ng magsalita si Mr. Del prado.
"Kaya hindi ko ako masisisi kung iisipin kong sinadya niyong kuhanin si Frances sa amin. Na planado ang lahat ng ito" giit niya na maging ako ay umalma din.
"Hindi ko yan gagawin. Wala kaming sinadya sa mga nangyari, dumating si Sera sa amin ng hindi inaasahan" giit ni Mommy.
"Frances" madiing pagtatama ni Mr. Del prado na hindi naman pinansin ni Mommy.
"Ibinalita iyon. Siguradong nakarating sa inyo ang balita ng paghahanap sa kanya. Bakit hindi niyo isinaoli?" giit pa ni Mr. Del prado na para bang masama talaga ang tingin niya sa aming pamilya.
Hindi ulit nakaimik si Mommy. Pero alam ko, ramdam ko na tahimik siyang umiiyak.
"Sinadya mo bang itago para makapaghiganti sa akin, dahil may galit ka sa akin?" madiing tanong ni Mr. Del prado. Rinig ko ang pagsinghap ni Mommy mula sa kabilang lamesa.
Mataas ang divider ng bawat lamesa dahilan kung bakit malaya namin silang naririnig habang hindi nila kami nakikita.
"Matagal na kitang napatawad, Federico. Mahal ko ang pamilya ko...ng buo" giit ni Mommy.
May kung anong dumagang mabigat sa aking dibdib. Dahil sa sinabing iyon ni Mommy ay para lang niyang ipinamukha dito na hindi kagaya ni Mr. Del prado. Nagawa ulit ni Mommy na magmahal ng buo, at iyon ay kay Daddy.
"Patawarin mo na din ako Federico" pumiyok na sabi ni Mommy sa kanya.
"Tapos na ang kwento natin, hindi na ito tungkol sa ating dalawa. Tungkol na ito kina Stella at Frank" emosyonal na sabi ni Mommy sa kanya.
Rinig na rinig namin ang bayolenteng pagsinghap ni Mr. Del prado. "Paano iyon?" emosyonal man ay may diin pa din sa kanyang boses.
"Paano mo iyon nagawa? Binalikan kita...hindi mo ako hinintay" giit ni Mr. Del prado.
Nilingon ko si Frank. May lalong rumiin ang kanyang pagkakapikit, mas lalo ding kumunot ang kanyang noo. Alam kong nasasaktan siya para sa Mommy niya. Mahal niya ito, kung ako din naman ang nasa kalagayan niya ay ganuon din ang mararamdaman ko.
"Hinintay kita. Pero nawalan ako ng pagasa. Una pa lang ay hindi mo na ako nagawang ipaglaban sa pamilya mo. Ano pa sa tingin mo ang panghahawakan ko sa atin?" giit ni Mommy.
Ramdam ko ang hinanakit sa boses nilang pareho. Siguro nga, kailangan nila ito. Kailangan nila ng closure. Kailangan nilang mapatawad ang isa't isa. Kailangan nilang matanggap ng tuluyan ang nangyari, ang kinahinatnan.
"Masyado na tayong matanda para magsumbatan pa. Mag kakaapo na tayo..." si Mommy pa din.
"Mahal ko si Frank. Ayokong masaktan ang anak ko" giit ni Mr. Del prado.
Humigpit ang hawak ko sa kanyang kamay. Kahit papaano ay natuwa ako para sa kanya. Ayan at narinig niya mismo sa Daddy niya na mahal siya nito.
"Bakit ba ayaw na ayaw mo sa anak ko? Mabait na bata si Stella. Mahal niya si Frank, Mahal nila ang isa't isa" si Mommy.
Matagal na naghari ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. "Hindi ko matatanggap ang relasyon nilang dalawa" pinal na sabi ni Mr. Del prado.
Mariin akong napapikit. Hindi ko alam kung bakit. Bakit ayaw na ayaw niya sa akin? Galit ba siya kay Daddy. Galit siya kay Daddy kaya naman galit din siya sa akin. Na hindi lang ang nagawa ko kay Sera ang pinanghuhugutan niya. May mas malalim pa.
"Wala kang pinagbago Federico. Duwag ka pa din hanggang ngayon" pinal ding sabi ni Mommy sa kanya bago namin naramdaman ang pagtayo niya ay pagalis duon.
Gusto kong tumayo at sundan si Mommy. Pero hindi pwede, pag ginawa ko iyon ay malalaman nilang nandito kami at narinig namin ang lahat ng iyon.
Hindi din nagtagal ay umalis na din si Mr. Del prado kaya nakahinga na kami ng maluwag. Tahimik pa din kami kahit dumating na ang pagkain.
Halos kami lang ni Sandra ang nagtitinginan. Tahimik si Frank, nanatili ang kanyang mga mata sa kanyang plato. Hindi na nga niya nagawa pang kumain ng maayos.
"Hindi ka uuwi ng Bulacan ngayon, diba Stella?" tanong ni Sandra. Lumipat ang tingin niya kay Frank na para bang hinihintay niya ang magiging reaksyon nito.
Marahan akong umiling. "Bukas na ako babalik ng Bulacan. Kay Frank muna ako" diretsahang sabi ko. Bahagya pang nanlaki ang mga mata ni Sandra, nagulat sa bigla kong pagdedesisyon.
Naramdaman ko ang kamay ni Frank na kaagad na gumapang sa aking bewang. Humilig siya sa akin at humalik sa aking bandang tenga.
"Thank you" marahang bulong niya.
Ramdam ko na kailangan niya ng makakasama ngayon, kailangan niya ng kadamay. Kausap.
"Tamang tama duon ako sa condo ni Sandra" sabi ni Sergio. Nawala ang ngisi niya ng sikuhin siya nito at pinanlakihan ng mata.
"Ouch, Babe" reklamo ni Sergio pero mas lalo lang bumusangot ang aking kaibigan.
Matapos irapan si Sergio ay muli niya kaming hinarap ni Frank. "Bar later, iinom natin yan" yaya niya sa amin.
Napainom ng juice si Sergio ay marahang umiling.
"Stella is pregnant" madiing sabi ni Frank sa kanya.
Napanguso si Sandra. "Hindi naman papainumin si Stella eh. Stress na iyan, she needs a break" giit nito.
Pinandilatan ko siya ng mata. Ito talagang babaeng ito, ang paginom ang ginagawang stress reliever.
"Aryt" sagot ni Frank ay muling humalik sa aking pisngi.
"Not a good idea" sabi ni Sergio pero nagtaas lang ng kilay si Sandra. Sa huki ay itinaas ni Sergio ang kanyang magkabilang kamay bilang pagsuko.
Nang medyo dumilim na ay tumuloy nga kami sa sinasabing bar ni Sandra kung saan siya laging nagpupunta. The Vega's. Mahigpit ang hawak ni Frank sa aking kamay, sa kabila naman ay nakaangkla ang ang braso ni Sandra sa aking kamay.
Naupo kami sa may round table, tanaw namin ang malayong bar counter, ang malaking dance floor at ang malaking monitor sa harapan. Kahit may kaingayan ay hindi naman gaanong magulo ang loob, except sa dance floor.
Nagusap si Frank at si Sergio. Mukhang sanay silang dalawa sa mga ganitong lugar. Maging si Sandra ay nakakita kaagad ng mga kakilala. Nagsimula silang umorder ng inumin at ilang finger food. Juice ang inorder ni Frank para sa akin.
Ipinatong niya ang kaliwang braso sa headboard ng inuupuan namin kaya naman parang nakaakbay na siya sa akin. Nanatili akong tahimik na nakaupo sa kanyang tabi. Kung kanina ay galit na galit siya, ngayon ay nakakatawa na siya habang kausap si Sergio.
Pinagmasdan ko siya, kita pa din ang lungkot sa kanyang mga mata. Magaling magtago si Frank ng emosyon. Kung matagal na niyang ginagawa ito ay paniguradong sobrang bigat nuon sa dibdib. Naranasan ko na kasi kaya naiintindihan ko.
"Frank!" tawag ng ilang grupo ng mga lalaki. Kagaya nila ni Sergio ay mukhang nasa corporate world din ang mga ito.
May ilan silang pinagusapan na hindi ko naman naintindihan. Tawang tawa si Sandra na bumalik sa aming table matapos kainin ng dagat ng tao sa dance floor kanina. Sa amoy pa lang niya ay mukhang naka inom siya kung saan man siya galing.
"Ikaw na babae ka, dito ka sa tabi ko" sita ni Sergio sa kanya at tinap pa ang pwesto sa kanya tabi.
Inirapan siya ni Sandra. "Ikaw ang lumipat dito kung gusto ko akong katabi" laban ni Sandra kaya naman napamura si Sergio.
Natawa kami ni Frank ng walang kaemoemosyon siyang tumayo para lumipat sa tabi ni Sandra na napapalakpak pa ngayon.
"Fucking...dog" asar ni Frank sa kanya. Kaagad na kumuha ng isang shot sa lamesa at inisang tungga iyon.
Nang makita niyang pinapanuod ko siyang ay pinisil niya ang ilong ko.
"Frank, wag ka masyadong uminom ha" sabi ko sa kanya.
Hindi siya nagsalita. Muli kong naramdaman ang hawak niya sa aking bewang. Mas lalo niya akong inilapit sa kanya, dahil sa ginawa ay napakapit ako sa kanyang hita para hindi tuluyang masubsob sa kanya.
Humilig siya at bumulong sa akin. "Sa akin ka matutulog mamaya?" tanong niya.
Hindi ko alam kung bakit, pero namanhid ang aking buong katawan. Hindi ko gusto ang nasa isip ni Frank. Pakiramdam ko ay hindi ito ang tamang panahon para gawin ulit namin iyon.
Marahan akong tumango. Sa kanya ako matutulog mamaya para samahan siya, hindi para gawin namin iyon.
Halos makiliti ako sa kanyang hininga ng muli niyang ilapit ang bibig niya sa aking tenga. "I miss you..." marahan niyang sabi at humalik pa ulit duon.
Naginit ang aking magkabilang pisngi. Hindi na lamang ako nagsalita pa. Hinayaan ko siyang uminom. Medyo nakakabother lang dahil sunod sunod ang ginawa niyang pagtungga ng kung anong baso na may lamang alak.
Minsan ay napapapikit na lang ako dahil sa tapang nang amoy. Paano pa kaya pagininom na niya.
"Maninigarilyo lang ako" paalam niya sa akin at tumayo.
Hindi ko na siya napigilan. Ayaw niya din namang manigarilyo sa aking tabi dahil hindi daw iyon makakabuti para sa akin. Sinundan ko siya ng tingin, marami na din kasi siyang nainom. Kaya pa kaya niya?
"Si Frank?" tanong ni Sergio. Hindi na nila napansin ang pagalis nito dahil sa grupo na kumausap sa kanila ni Sandra.
Tumuro ako sa direksyon na pinuntahan ni Frank. "Maninigarilyo daw muna siya" sagot ko kay Sergio.
Tumango siya sa akin matapos inisang tungga ang hawak na baso na may lamang alak. Sa kulay pa lang nuon ay halatang matapang na.
"Galit..." sabi niya sa akin na para bang senyales ang paninigarilyo nito pag nakakaramdam siya ng galit.
Napabuntong hininga na lamang ako. Kumuha ako ng ilang finger food na inorder nila at ininom ang juice na para sa akin.
"Aw, sayang hindi pwedeng sumayaw si Mommy Stella..." nakangusong sabi ni Sandra. Sobrang pula na ng mukha niya.
Inirapan ko siya. Kahit hindi naman ako buntis ay hindi pa din ako sasayaw duon. Pinangarap ko ding makapasok sa mga ganitong bar nuong college. Palagi ko kasing naririnig iyon sa mga kaklase ko. Hindi din naman ako sinama ni Ram nuon. Ang sabi kasi niya ay KJ ako at boring kasama dito kaya sa dorm na lang daw ako at magaral.
Nagangat ako ng tingin ng may grupo ng mga babae ang huminto sa harap ng aming lamesa. Bayolente akong napalunok ng makita kong isa si Maggie sa grupo na iyon. Nagtaas siya ng kilay sa akin at minata ako. Hindi kagaya ko na nakasuot lang ng simpleng dress ay mas expose ang sa kanya. Mas hapit sa katawan at kinulang sa tela.
Inirapan niya ako at muling hinarap si Sergio. "Si Frank?" tanong niya dito kaya naman halos malaglag ang aking panga. Aba't!
Nagtaas ng kilay si Sergio at bahagya pang tumingin sa akin. Tumuro sa itaas. "2nd floor" sagot niya dito.
Tawa siya ng tawa ng mawala ang grupo nina Maggie. Wala naman kasi si Frank duon. Sinadya niyang iligaw ang mga ito.
Nang ilang minuto ng hindi bumabalik si Frank ay nagpasya na akong sumunod sa kanya sa labas. Hindi pa nga sana ako papayagan ni Sandra.
"Sergio, samahan mo. Hanapin niyo ang gago mong kaibigan at baka bulagta na iyon" natatawang sabi ni Sandra.
Tumayo si Sergio para alalayan ako. Kailangan naming dumaan sa may gilid ng dance floor kaya naman mas naging alerto si Sergio.
"Luis!" tawag ni Sergio dito ng makita namin siyang pakalat kalat.
Tumulong siya kay Sergio na humarang sa pwedeng makabangga sa akin dahil mas lalong naging wild ang mga sumasayaw dahil sa music.
"Nasa labas po si Sir Frank, may kausap na...babae" sabi pa nito at nahihiyang tumingin sa akin.
Kaagad na kumunot ang aking noo. Mas lalo kong binilisan ang lakad. Nang matanaw ko na ang entrance ay kaagad akong lumabas, ni hindi ko na nahintay pa sina Luis at Sergio.
Hindi kalayuan sa entrance ay nakita ko si Frank. Naninigarilyo pa din ito, at tama nga si Luis. May kausap siyang babae.
"Frank!" tawag ni Sergio sa kanya para kuhanin ang kanyang atensyon.
Napaayos siya ng tayo. Mabilis na itinapon ang hawak na sigarilyo. Naikuyom ko ang aking kamao ng lingonin din ako ng babaeng kausap niya. Maganda ito, ito yung mga tipo niya. Alam ko!
"Oh bakit kayo lumabas?" tanong niya sa akin. Hahawakan sana niya ako pero tinabig ko ang kamay niya. Kita ko ang gulat sa kanyang mukha dahil dito.
"Kanina pa kita hinihintay na bumalik" seryosong sabi ko. Hindi ko pinansin ang babae sa gilid namin.
"Inuubos ko lang ang sigarilyo ko" sagot niya sa akin.
Magpapalusot pa siya eh huling huli na nga siya! "Isang kaha ba ang balak mong uubusin?" tanong ko.
Hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Hindi ko alam, basta ay inis na inis ako. Nanatiling nakaawang ang labi ni Frank, para bang biglang nawala ang lasing niya.
Nagpintig ang tenga ko ng marinig ko ang pagngisi ng babae. "I thought, ayaw mo ng clingy?" natatawang tanong niya kay Frank. Sino ba ito?
"Jen, you can leave" sabi niya dito. Wala talagang pakundangan, pero may kung anong mas lalo kong kinainis. Bakit parang malambing ang pagkakasabi niya?
Mas lalong ngumisi ang babae. "Ok though. Ganyan nga din pala ako dati kaya ka nakipagbreak" sabi pa niya ba halatang ipinaparinig sa akin.
Nagtaas siya ng kilay sa akin bago siya tuluyang umalis. Sumama ang tingin ko kay Frank.
"Ex mo?" tanong ko.
Napabuntong hininga siya bago siya marahang tumango. Biglang naginit ang gilid ng aking mga mata. Gusto kong maiyak, hindi ko macontrol ang aking emosyon.
"Hinihintay kita. Tapos may kausap kang babae dito" emosyonal na sabi ko.
Umigting ang kanyang panga. Sinubukan niya akong hawakan ulit pero umiwas ako. Kusang tumulo ang aking mga luha. Una si Maggie, tapos ngayon Ex naman niya.
"Nagkita lang kami dito sa labas. Stella, wala iyon..." sabi niya sa akin pero hindi ko magawang tanggapin. Masyado akong emosyonal. Hindi ko macontrol.
"Hinihintay kita sa loob Frank. Tapos malalaman ko may babae ka dito sa labas" pagpapatuloy ko.
Naikuyom ko ang aking kamao. Hindi na ako makapreno. "Tulad ka din ng Daddy mo" akusa ko sa kanya.
Nang marealize ko ang sinabi ko ay nagulat din ako. Hindi ko sinasadya iyon. I did not mean it.
Umigting ang kanyang panga. "Anong sinabi mo?" madiing tanong niya.
Kaagad na humarang si Sergio sa aming pagitan. Mas lalong bumuhos ang aking mga luha. Hindi ko sinasadya, hindi ko gustong sabihin iyon.
Nanginig ang luha sa mata ni Frank. Alam kong galit siya, ramdam ko iyon sa kanyang tingin sa akin.
"Ulitin mo nga" madiing utos niya sa akin. Maging si Luis ay humarang na sa kanya.
Parang nagugat ang mga paa ko sa lupa. Nanlabo ang aking mga mata dahil sa pagiyak.
"Tangina!" sigaw niya.
Napatakip ako sa aking bibig ng kaagad na kumawala siya sa hawak ni Sergio at pinagsusuntok ang pader. Duon niya ibinunton ang kanyang mga galit.
"Frank! Frank pare!" suway ni Sergio sa kanya.
Nanghina ang aking mga tuhod. Lalo na ng makita kong nagkalat ang dugo niya sa pader galing sa kanyang kamay.
"Hindi ako katulad ng lalaking iyon!" galit na sigaw niya sa kawalan.
Naagawa namin ang atensyon ng ilang tao na nasa labas ng bar.
"I'm sorry" bulong ko. Hindi ko sinasadyang sabihin iyon.
"Anong nangyayari dito?" si Sandra. Kaagad siyang yumakap sa akin ng makita niyang umiiyak ako.
Natahimik si Frank, nanatiling nakayuko habang kinakausap ni Sergio. Kita ko ang pagtulo ng dugo mula sa kanyang kamay.
"Bakit?" pagpapatahan ni Sandra sa akin. Hindi ko siya nasagot kaya naman kinausap niya si Luis.
Nang malaman ni Sandra ang nangyari ay nagwala din siya.
"Eh ikaw naman pala ang may kasalanan eh! Kinakausap mo ang ex mo! Gago!" sigaw ni Sandra sa kanya.
Umigting ang panga ni Frank.
"Tama na, tama...lasing na tayo" si Sergio.
"Alam mong buntis si Stella. Nadala lang siya ng emosyon niya. Kung ano mang nasabi niya sayo...hindi niya iyon sinasadya!" giit ni Sandra. Handa talaga siyang makipagaway, mukhang walang balak na umatras.
"Nakikipagusap lang ako sa Ex ko! Hindi ko niyakap" makahulugang sabi niya na ikinalaglag ng aking panga. Na gets ko iyon at kuhang kuha din iyon ni Sandra.
"Ang gago mo Frank! Ang gago gago mo!" sigaw ni Sandra sa kanya.
Nagpahila ako sa kanya papunta sa kanyang sasakyan. Panay ang mura niya ng tuluyan kaming makapasok, mabuti na lang at may dala siyang sasakyan at driver.
"Ang gago" sambit niya.
Napahikbi ako. "Kasalanan ko. Sinabi kong katulad siya ng Daddy niya. Ayaw niya nuon, kasalanan ko" pagamin ko.
Hinawakan niya ang kamay ko. "Kasalanan ko din. Dapat hindi na ako nagyaya duon. I'm super tanga" naiiyak na sabi niya. Dinadamayan ako.
"Kasalanan ko din. I'm sorry..." sabi niya sa akin at kaagad akong niyakap.
Pagdating sa kanyang condo ay kaagad niya akong inalalayan sa kanyang kwarto. Biglang nawala ang lasing ni Sandra dahil sa nangyari.
"Masyado kayong naapektuhan sa mga narinig niyo kanina" sabi niya.
Nakahiga na ako sa kama, siya naman ay nakaupo sa aking gilid at kumakain ng chips.
"Hindi naman katulad ng Daddy niya si Frank. Hindi ko din alam kung bakit ko nasabi iyon" paliwanag ko.
Napatango si Sandra. "Shh, kakampi mo ako" paalala niya sa akin.
Magsasalita pa lang sana ako ng kaagad na naming marinig ang sunod sunod na pagdoorbell.
"Ang mga gago na iyan" sabi niya at kaagad na tumalon pababa sa kama.
Tatayo na din sana ako pero kaagad niya akong pinigilan. "Bukas na kayo magusap, mainit pa kayong dalawa. Baka lalo lang lumala..." sabi ni Sandra.
Napatango ako. Tama naman siya.
"Gusto ko lang makita" rinig kong giit ni Frank mula sa labas.
Napaiktad ako ng tumunog ang pintuan. Maging ang door knob at gumalaw din.
"Tulog na si Stella, wag mo ng istorbohin" palusot ni Sandra.
Dahil duon ay kaagad akong umayos ng higa at nagtaklob ng kumot.
"O sige, pumasok ka na Frank" pagpaparinig nito na para bang sinesenyasan niya ako.
Mariin akong napapikit ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Kaagad kong naramdaman ang presencya ni Frank.
Halos mamanhid ang katawan ko ng maramdaman ko ang paghaplos niya sa aking buhok. Naramdaman ko din ang paghalik niya sa aking noo.
"Nagalit lang ako...nasaktan ako para sa Mommy ko" marahang kwento niya sa akin. Sinabi niya iyon kahit pinaniwala ko siyang tulog ako.
"Baby, I'm sorry..." malambing na sabi niya sa akin.
Maging ang kamay niyang marahang humahaplos sa aking buhok ay nanginginig din.
Sandaling nanatili si Frank sa akin. Ilang beses pa niya akong hinalikan bago siya lumabas. Nang marinig ko ang pagkakasara ng pintuan ay tsaka lang ako dumilat. Saktong pagupo ko ay umilaw ang aking cellphone. Nakatanggap ako ng message mula kay Mommy.
Mommy:
Stella anak. Our flight to Davao is moved tomorrow.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro