
Chapter 3
Dinner
Mabilis akong nagiwas ng tingin sa kanya. Asaan na ba sina Sandra?
“No comment? Or Speechless?” nakangising tanong niya sa akin. Kahit ayoko na sanang tumingin sa kanya ay wala na akong magawa. Hindi naman ako bastos kausap.
Nagtaas ako ng kilay sa kanya. “No comment for? Speechless for?” balik na tanong ko sa kanya. Anong gusto niya? Sagutin ko ang pambobola niya, ngayon pa nga lang kami nagkakilala ay pinapaandaran niya na kaagad ako.
Galing ako sa breakup at ang radar niya ay kagaya lang din ni Ram. Pareho pareho lang sila, siguradong manloloko din ang isang ito.
Nagtaas siya ng kilay at napangisi. Pero bago pa man siya makapagsalita ulit ay nakita ko na ang pagdating nina Ram at Eunice, napairap ako sa kawalan ng makita kong nakahawak ito sa braso ng dating kong nobyo. Mga manloloko, gaano na kaya katagal nila akong pinagmumukhang tanga?
“Whoa, inirapan mo ba ako?” tanong ni Frank sa akin kaya naman sinimangutan ko siya. Feelingero din pala ang isang ito.
Bago ko pa man siya masagot ay nakalapit na sa aming lamesa sina Ram at Eunice. Nanatili ang tingin ko kay Frank. Mas gusto kong tingnan si Frank kesa ang mga bagong dating. Baka masuka lang ako pag tiningnan ko sila.
“Dela Cruz and Saavedra” pagpapakilala ni Eunice.
Nagtaas ng kilay si Frank at bahagyang tumginin sa akin. Kumunot ang noo ko, wag mo sabihing alam din niya? Kabago bago pa lang niya ah.
“Oh, upo kayo” sabi niya at akmang uupo si Ram sa aking tabi ng kaagad na tumayo si Frank.
“Ako diyan, Pare” nakangising sabi niya dito.
Napahinto si Ram dahilan kung bakit mabilis na nakalipat si Frank sa aking tabi. Nabigla pa ako ng ang kanyang kanang kamay ay kaagad na dumantay sa likod ng aking inuupuan. Ang presko.
Nang tingnan ko siya ng masama ay kinindatan niya lang ako. Naramdaman ko kung paano uminit ang aking magkabilang pisngi.
“Kumpleto na pala tayo” puna ng kararating lang na sina Sandra at Sergio.
Dahil mabaha naman ang lamesa ay nagkatabi din ang dalawa. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng sabihin ni Sergio ang plano niya para sa aming grupo. Buong akala ko ay puro kalokohan lang ang alam nito. Pero pagdating pala sa school works ay seryoso siya. Duon lang kami magkakasundo na dalawa.
“Anong bussiness niyo?” tanong ni Sergio kay Ram. Isa isa niya kaming tinanong tungkol dito para may background siya sa amin. Sa pananalita pa lang ay alam ko ng magaling siyang leader.
“May poultry factory and feeds kami. We’re planning to merge with the Serrano manufacturing soon” sagot ni Ram at tumingin pa sa akin. Tamad ko lang siyang tinignan.
Anong merge ang pinagsasabi niya? Wala na kami at hindi na magbabalikan pa. Sila na lang ni Eunice ang mag merge tutal at pareho naman silang mukha manok!
Habang nilalabanan ang titig ni Ram ay ramadam ko ang pagtingin ni Frank na nasa aking tabi.
“Merge by? Marriage?” tanong niya kay Ram pero ang mga mata ay nasa akin.
Nilingon ko siya at tamad din tiningnan. “Yes” diretsahang sagot ni Ram dito kaya naman mabilis na nalipat ang tingin ko sa kanya. At ang kapal ng mukha nito!
“Not anymore” matapang na sabi ko sa kanya. Magpapabugbog na lang ako kay Dad, kesa magpakasal sa kanya.
Tumigas ang mukha nito. Pero kaagad akong nanlambot ng maramdaman ko ang pagbaba ng kamay ni Frank sa aking braso, pababa sa aking bewang.
“Good” sambit niya.
Napaiktad ako ng hampasin ni Ram ang lamesa. “Pare, fiance ko iyan!” galit na utas ni Ram dito.
Imbes na bitawan ako ay mas lalo lang akong inilapit ni Frank sa kanya. “Hindi na daw, kakasabi lang ni Stella”
“Nakakalalaki ka na!” utas ni Ram at akmang susugurin niya ito ng mabilis na humarang si Sergio sa kanya.
“Hindi mo gugustuhing kalabanin yan, payo lang” mayabang at nakangising sabi niya kay Ram. Isang mura ang pinakawalan nito bago niya muling hinampas ang lamesa at bigong bumalik sa pagkakaupo.
Nakita ko pa kung paano hinaplos ni Eunice ang braso nito para pakalmahin siya ngunit bayolente niya lamang hinawi ang kamay nito. Imbes na matuwa sa nasaksihan ay napabuntong hininga na lamang ako. Cheater is always a cheater.
“So let’s go back to the main agenda” pagsisimula muli ni Sergio.
Matapos ang meeting na iyon ay palagi ko ng nakikita ang dalawa sa campus. Dahil huli ay may ilang subject na hindi namin sila kaklase, kung makikita naman sa labas ay ngingitian lang kami ni Sergio at kakawayan ang kasama naman niyang si Frank ay magtataas lang ng kilay.
“Mauna ka na, isasaoli ko lang ito sa library” sabi ko kay Sandra isang hapon. Malakas ang buhos ng ulan kaya naman nagmamadali ito. Ayaw kasi niyang mabasa ang suot na bagong designer shoes.
“Bakit ka pa kasi humihiram, bumili ka na lang” sita niya sa akin pero inirapan ko lang siya.
Sa huli ay nagmamadali siyang bumeso sa akin at sumakay sa naghihintay nilang SUV. Kumaway ako sandali bago ako pumihit pabalik sa loob ng campus patungo sa aming main library.
Puno ang library ng mga estudyante. Matapos kong magsaoli ng hiniram kong libro ay nagtungo na kaagad ako sa parking lot para makauwi na sa aking condo. Pagod akong naglakad palapit sa aking sasakyan, napahilot pa ako sa aking balikat dahil buong araw ko ding dala ang makapal na libro kanina.
“Fuck” problemadong sambit ko at kaagad na napatakbo sa aking sasakyan ng makita kong flat ang unahang gulong nito.
Napasapo ako sa aking noo. Pagod akong naupo at napasandal sa gilid ng aking sasakyan, inilabas ko ang aking cellphone para sana makahingi ng tulong ng kaagad akong napatayo dahil sa pagdating ni Frank.
Matigas at madilim nanaman ang kanyang aura. Para bang siya yung klase ng tao na walang pakialam sa ibang tao. Unless you are member of his family. Unless you are his girlfriend?
Nakataas ang isang kilay niya habang nakatingin sa akin, hanggang sa lumipat ang tingin niya sa aking gulo.
“Flat?” tanong niya na ikinairap ko. Hindi ba obvious?
Imbes na magsungit ay marahan na lamang akong tumango. Muntik ko ng makalimutang huminga dahil ng muli ko siyang mapagmasdan. Kahit sa suot na simpleng damit, without efforst ay talaga namang iba ang kanyang datin. Cold and dark, a bit brutal and suplado.
“Ako na ang maghahatid sayo” sabi niya na ikinaawang pa ng aking bibig. Alam ko namang may posibilidad na mangyari ito, lalo at feeling gentleman ang isang ito. Pero kagaya nga ng sabi ko kanina, mukha naman siyang walang pakialam sa ibang tao.
“Malayo ata ang condo mo sa condo ko” palusot ko na lang kahit sobrang nonsense nuon.
Napairap siya. “I have a car with no flat tire” mapanuyang sabi niya sa akin kaya naman halos masamid ako sa aking sariling laway dahil sa pagkahiya.
Sa huli ay wala akong nagawa kundi ang sumama kay Frank palabas ng campus. Isang magarang sports car ang kanyang minamaneho. Pagkapasok ko pa lang ay naamoy ko na kaagad ang kanyang bango duon. Malakas pa din ang buhos ng ulan, medyo nagtraffic na din.
“Dito ka?” turo ko sa condo tower niya nadaanan namin.
Imbes na sumagot ay tumango lamang siya, ang kanyang mga mata ay diretso pa din ang tingin sa kalsada. Para bang kaaway niya ang kalsada. Mula sa aking pwesto ay mas lalo kong nakita ang pagkakadepina ng kanyang panga. Very violent, parang palaging galit. Matangos din ang kanyang ilong, mahaba ang pilikmata at nakanguso ang mga labi kahit wala naman siyang ginagawa.
“What the fuck” matigas na sambit niya.
Napakurap ako at nakaramdam ng takot na baka nagalit siya dahil sa pagtitig ko sa kanya. “Hindi ako makakadiretso” sabi niya sa akin kaya naman napatingin din ako sa harapan at duon ko nakita ang traffic dahil may isang daang napuno ng tubig dahilan kung bakit ang malalaki at matataas lang na sasakyan ang makakadaan.
“Ah…ano, bababa na lang ako dito kung ganuon” nahihiyang sabi ko. Hindi pwedeng lumusong ang kanyang sports car at baka magbayad pa ako sa oras. Nakakahiya naman na dahil sa akin ay malalagay pa iyon sa alanganin.
Tumikhim si Frank kaya naman muli akong napabaling sa kanya. Mula sa loob ay ramdam naman ang bayolenteng pagbuhos ng ulan mula sa labas, halos wala na din kaming makita sa bintana dahil sa tubig ulan.
“I’ll make a U turn, sa condo ka na muna” seryosong sabi niya sa akin. Napaawang ang labi ko, gusto ko pa sanang magsalita para makatanggi ngunit, mukhang hindi niya ako pagbibigyan.
“Pero…”
Hindi na niya ako pinansin pa. Nag U turn siya pabalik sa kanyang condo tower. Ilang bayolenteng paglunok ang aking nagawa dahil sa nararamdamang takot at kaba. Hindi ko alam kung para saan iyon.
“Ihahatid kita pag humupa na ang baha” matigas na sabi niya sa akin.
Unti utni ay nakikita ko na ang matigas na parte ng kanyang pagkatao. Ito yung sinasabi kong mukhang bayolente at mukhang marahas.
“Pwede naman sigurong, magbook na lang ako ng taxi” sabi ko pa sa kanya pero matalim lang ang tingin nito sa akin.
“Ako na ang maghahatid sayo mamaya” pinal na sabi pa niya kaya naman wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanya.
Sa hallway, maging sa elevator ay alam ko na kaagad na mas mahal ang condo units dito kesa sa tower kung nasaan ang sa akin. Tahimik si Frank ng nasa loob na kami ng elevator, nanatili ang kanyang atensyon sa hawak na phone. Ilang beses ding nagigitng ang kanyang panga habang may binabasa dito. Kung minsan ay bayolente din siyang nagtitipa.
“May gusto ka ba for dinner?” malamig na tanong niya sa akin. Ganito na ata talaga siya, minsan lang sapian ng pagiging maloko. O abnormal lang talaga?
Marahan akong umiling. “Sa condo na ako magdidinner” pagtanggi ko.
Bahagyang kumunot ang kanyang noo, bumaba ang tingin niya sa suot na wrist watch. “I ate my dinner at six, kasama kita so you’ll eat your dinner with me” maawtoridad na sabi pa niya sa akin.
Wala sa sarili akong tumango. Hindi ko alam kung bakit napapasunod ako nito, sa isang sabi niya lang ay napapatango na ako.
“Ang aga mong magdinner” nakangising puna ko. Nagawa ko pa iyon para sana kahit papaano ay maibsan ang awkwardness at kaba na aking nararamdaman.
“Anong oras ka ba kumakain?” tanong niya sa akin na hindi man lang nagabala na tingnan ako dahil ang kanyang mga mata ay nanatili sa hawak na cellphone.
Napanguso ako. “Minsan 10, o di kaya naman ay 12…minsan hindi na” kwento ko pa kaya naman nagangat na siya ng tingin sa akin.
Naramdaman ko ang paginit ng aking magkabilang pisngi ng pinasadahan niya ng tingin ang aking kabuuan.
“Kaya naman pala ang payat mo” puna niya.
“Busy kasi eh, sa school works” sabi ko pa.
Napabuntong hininga siya bago pinatay ang cellphone at itinago iyo sa kanyang bulsa. “Time management, dapat marunong ka nuon” malamig na sabi niya sa akin.
Tumango ako at tipid na ngumiti. Duon ko lang din napansin na bigla akong nanliit dahil sa presencya niya. Bukod sa malaki na ang katawan ay matangkad pa.
“Medyo pressured lang…” nakangiti man ay hindi ko pa din maiwasang hindi malungkot ng sabihin iyon.
Hindi kasi kagaya ng iba ay parang wala akong karapatang magkamali. Ni hindi pwedeng bumaba ang grade ko kahit isang puntas dahil paniguradong malilintikan ako kay Daddy.
Muli akong nilingon ni Frank. “Who’s pressuring you?” tanong niya sa akin.
Bago pa man ako makasagot ay tumunog na ang elevator tanda na nasa tamang palapag na kami. Kaagad siyang nagiwas ng tingin at naglahad ng kamay.
“Ladies first”
Tumango ako at naunang lumabas, pagkalabas ay nanlaki ang aking mga mata ng maramdaman ko ang kamay niya sa aking likuran. Kaagad ko siyang nilingon pero nagtaas lamang siya ng kilay sa akin.
“Ano?” masungit na tanong niya sa akin na para bang ako pa ang may kasalanan dahil naiilang ako sa paghawak niya sa aking likuran.
“Yung kamay mo” medyo nautal pang sabi ko.
Napairap siya sa kawalan at kaagad na inalis ang kamay niyang nakasuporta sa aking likuran. Pagkatapos nuon ay nauna na siyang naglakad patungo sa kanyang condo unit. Tahimik akong sumunod sa kanya, maging ang malalaking niyang paghakbang habang naglalakad ay napupuna ko.
Sumasabay sa kanyang bawat hakbang ang may kahabaan niyang buhok. Para siyang yung mga lalaki sa pinapanuod ko nuong mexican tv series habang si Sera naman ay addict sa korean drama.
Ilang beses niya akong nilingon na para bang sinisigurado niyang nakasunod ako sa kanya. Nanatili ang pagkakakunot ng noo ko. Kung makapagbantay ito ay akala mo naman may utang ako sa kanya at tatakbo ako.
Huminto siya sa isang unit. May inilabas na card at binuksan ang pintuan. Muli siyang naglahad ng kamay para sabihing mauna ulit akong pumasok. Napakagat ako sa aking pangibabang labi, bigla akong kinabahan.
“Wala akong gagawin sayo, wag kang magalala” masungit pa ding sabi niya sa akin. Imbes tuloy na guminhawa ang pakiramdam ko ay para mas lalo pa akong kinabahan.
Nawala ang lahat ng pangamba ko ng makita ko ang kabuuan ng kanyang unit. May second floor iyon at glass wall. Kita ko ang buong syudad mula duon. Pinaghalong, gray, brown at black ang tema nito.
“Upo ka muna, I’ll order our food” sabi niya sa akin at kaagad na naglakad paakyat sa kanyang second floor.
Tahimik ko siyang sinundan ng tingin. Habang naglalakad ay nakatutok nanamn ito sa kanyang cellphone. Umupo ako sa kanyang malambot na sofa, hindi nagtagal ay naramdaman ko na kaagad ang lamig ng kanyang unit, mukhang naka centralized ito.
Habang naghihintay kay Frank ay tumunog ang aking cellphone. Sumama kaagad ang timpla ko ng makita ko kung kanina galing ang message na dumating.
Ram:
Nasa labas ako ng unit mo, nasaan ka?
Ram:
Stella, let’s talk.
Imbes na sagutin ay pinatay ko na lamang ang aking cellphone. Saktong pagkagawa ko nuon ay bumaba na din si Frank mula sa second floor. Mas lalong nadepina ang ganda ng kanyang katawan dahil sa suot na puting tshirt at itim na broad short.
Nakasimangot ito habang may kausap sa cellphone. “Gutom na ako ngayon, anong malakas ang ulan?” galit na tanong sa kabilang linya.
Napalingon ako sa glass wall niya. Kagaya kanina ay malakas pa din ang ulan mula sa labas. Mukhang hindi makakapagdeliver ng pagkain agad agad.
“Sige wag na. Just cancel my order” matigas na sabi pa niya dito habang nakahawak sa kanyang tiyan.
Napanguso ako at nagiwas ng tingin. Narinig ko pa ang iilang mahihinang mura nito. “Nagugutom na ako eh…” inis na bulong niya. Bayolente akong napalunok, gusto kong matawa pero pinigilan ko lang.
“Malakas ang ulan, wag mo ng pilitin. Kawawa naman ang mga driver” sabi ko sa kanya.
Ang kaninang pagkainis niya ay nalipat sa akin. Sa huli ay inirapan niya na lang ako at namartsa patungo sa kanyang kitchen. Mula sa aking kinauupuan ay narinig ko pa ang pagkalabog ng pintuan ng kanyang ref, mukhang inis na inis. Gutom na talaga siya?
Wala sa sarili akong tumayo at sumunod sa kanya duon kahit may pagaalinlangan. Bukas ang lahat ng kabinet na para bang naghahanap siya ng makakain.
“Madami ka naman palang pagkain dito eh” sabi ko. Puno ang kanyang ref at cabinet. Pwedeng pwede siyang magluto ng kung anong gugustuhin niya.
Tumikhim siya at naglabas ng karne sa ref. “Pag late na ayoko ng magluto” kwento niya sa akin. Tumango ako at umupo sa may kitchen counter para panuorin siya.
“Marunong kang magluto”
Nagtaas siya ng kilay. “Bakit ikaw hindi?”
Marahan akong umiling. “Ayaw ni Daddy, mas gusto niyang mag focus kami sa pagaaral” kwento ko sa kanya. Gusto ko namang matuto sana, ang kaso ay imbes daw na pagaralan ang pagluluto ay magreview na lang daw ako para mataas ang grade na makuha ko, mas matutuwa daw siya duon.
“Hindi ka pala pwedeng asawahin kung ganuon” tamad na sabi n Frank bago ako tinalikuran para maghugas ng kamay.
“Eh, pwede namang pagaralan. After ng masters ko” laban ko sa kanya.
Hindi siya umimik, nanatili siyang nakatalikod sa akin. Nakaharap sa sink.
“May kapatid ka ba?” tanong niya sa akin.
“Meron isa, nagaaral ng pharmacy” kwento ko.
Matapos kong sabihin iyon ay tsaka niya lang ako hinarap. “Anong pangalan?” tanong niya.
“Seraphine…”
Nagtuloy tuloy na ang tanong niya sa akin hanggang sa maging ang kabataan namin ni Sera ay napuntahan niya na.
“Interisado ka sa kapatid ko…” puna ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya at nagiwas ng tingin. “Gusto ko lang malaman kung anong klaseng Ate ka” pagdadahilan niya kaya naman napangisi ako.
“Ayos naman kami, hindi kami nagaaway. Tsaka minsa lang din naman kami magkita dahil naka dorm din siya sa Valenzuela”
“Saan sa Val?”
Natawa ako. “Bakit?”
Marahan siyang umiling. Natahimik na lamang ako pagkatapos nuon, ganuon din naman si Frank. Mas lalo akong namangha sa kanya ng makita ko kung paano siya magluto.
“You should eat your dinner at 6…” pangaral pa niya sa akin.
“Busy pa ako that time” sabi ko dahil pagkauwi ko galing sa school ay school works kaagad ang aatupagin ko imbes na magpahinga at kumain.
Hindi siya nagsalita, siya na mismo ang nagasikaso sa aking plato. Tipid na lamang akong napapangiti. Ilang taon na kami ni Ram pero hindi niya ginawa ito sa akin, ako pa nga ang nagaasikaso sa kanya. Minsan ay magagalit pa siya sa akin pag ang pagkain ako sa condo ay puro fastfood at processed.
“Dapat ay hindi mo iniwanan ang kapatid mo magisa” sabi niya sa kalagitnaan ng aming pagkain.
“Matanda na iyon, baka nga may boyfriend na iyon” sabi ko pa sa kanya. Nagangat siya ng tingin sa akin na para bang hindi niya nagustuhan ang aking sinabi.
“At hinayaan mo?”
Napaawang ang aking bibig. Kung makapagreact naman ito ay parang mas kapatid pa siya ni Sera kesa sa akin.
“Part naman iyon ng college. At si Daddy ang nagdesisyon nito para sa amin. Hindi pwedeng hindi kami sumunod” kwento ko pa kasabay ng pagbagsak ng aking tingin sa pagkain sa aking harapan.
“Bakit? Sinasaktan ba kayo, sinasaktan ba siya?” matigas na tanong niya.
Napabuntong hininga ako. “Sinasaktan kami” sagot ko.
“Sinasaktan si Sera!?” galit na tanong niya na ikinagulat ko.
“Ba…bakit ka galit?” nagtatakang tanong ko.
Umigting ang kanyang panga. At marahang umiling. “Sinasaktan din ako” paguulit ko, parang hindi kasi niya narinig iyon.
Sumama ang tingin niya sa pagkain. “Ano naman ang ginagawa sayo?” tamad na tanong niya na para bang napilitin na lang siyang itanong iyon.
Imbes na sumagot at napayuko na lang ako. Hindi na lang ako magsasalita, wala naman may pakialam. Hayaan ko na lang silang akalain na ayos lang ako. Kahit hindi.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro