Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

Fitting






Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Frank. Maging ang mga kasama namin sa lamesa ay natahimik din. Nanatili lamang ang tingin niya sa akin na para bang nanghahamon pa din. Na sa oras na kumontra ako ay ako lang din ang matatalo.

Mabuti na lang at nahalata ni Sandra na hindi ko iyon nagustuhan. Hindi naman na niya ako inasar pa tungkol duon. Panay naman ang pagtikhim ni Frank na para bang gusto niyang iparating sa amin na galit siya. Oo, alam naman namin. Pero walang may pake.

"Kung hindi ka pwede, ayos lang" si Alfred ng magpaalam na siya sa akin. Kailangan na din kasing bumalik ni Sandra sa Manila.

"Pupunta ako. Miss ko na din sina Tiya Choleng" nakangiting sabi ko sa kanya.

Napabuntong hininga siya at tipid na ngumiti sa akin. Ramdam ko ang lungkot, kita ko din iyon sa kanyang mukha. Marahan kong hinawakan ang kanyang kamay at pinisil iyon. Makakahanap din siya ng babae na para sa kanya. Magiging masaya din siya.

"Nandito lang ako palagi para sayo, Stella. Kung may kailangan ka, magsabi ka lang...kahit tungkol sa Baby mo" sabi niya sa akin kaya naman napangiti ako.

Hindi pa nga siya lumalabas ay madami na ang nagmamahal sa kanya. Sobrang saya ko para sa kanya.

"Salamat, Alfred" sabi ko at kaagad na tumingkayad para yakapin siya.

Niyakap din niya ako pabalik. Hindi ko inakala na pwede kaming maging magkaibigan ulit, matapos ng nangyari sa amin. Matapos naming magkagalit at hindi magusap ng ilang taon.

"Tama na iyan, Tama na" sita at pagpaparinig ni Frank sa kung saan.

Napanguso ako at kaagad na bumitaw kay Alfred. Baka mamaya ay mapagdiskitahan siya nito, kanina pa naman iyon bad trip.

"Selos ka Frank?" rinig kong pangaasar ni Sergio sa kanya. Hindi ko sila nagawang lingonin, nanatili ang tingin ko kay Alfred.

"Sus, walang karapatang magselos si Frank. Walang sila ni Stella" laban ni Sandra.

Duon ko lang sila nagawang lingonin. Alam ko na kasi kung saan ito pupunta. Bangayan nanaman. Galit na nakahalukipkip si Sandra at nakatingala dito. Kitang kita naman ang pagiging iritado ni Frank, nakapamewang pa at nakakunot ang noo.

"Patigilin mo yang girlfriend mo, Sergio" sabi ni Frank dito, nakita ko pa kung paano silang inirapan nito.

"Hoy, hindi niya ako girlfriend. Asa!" laban ni Sandra sa dalawa. Kahit hindi ko na siya tulungan ay kayang kaya niya sina Sergio at Frank. Ang lalaki nung katawan ng dalawa pero tiklop sila sa bunganga ni Sandra.

"Hindi pwede, support lang ako dito" nakangising sabi ni Sergio. Aminado talaga siyang takot siya kay Sandra. Ang mga lalaking ito!

"Wag kang papayag na ganuon, ikaw ang lalaki" giit ni Frank sa kaibigan. Kumunot ang aking noo, anong wag papayag? Saan wag papayag Frank?

May sasabihin pa sana siya pero kaagad na nabitin sa ere ng makita niya ang aking paglapit. Kaagad siyang umayos ng tayo, ang pagkakapamewang ay kaagad niyang kinalas, ang isang kamay ay nilagay sa loob ng kangang bulsa at masungit na tiningnan si Alfred mula ulo hanggang paa.

"Inggat kayo, Sandra. Magmemessage ako sayo pag luluwas ako ng Manila" sabi ko dito at kaagad na humalik sa kanyang pisngi at yumakap.

Niyakap din niya ako pabalik. Matapos naming magusap ay sandali ulit silang pumasok sa kwarto ni Mommy para magpaalam dito.

"Babalik po kami Tita, sana po sa bahay niyo na" sabi ni Sandra dito.

Humalik siya kay Mommy kaya naman napangiti ito. "Pagkalabas ko dito ay pumunta kayo sa bahay, paglulutuan ko kayo" sabi pa niya sa mga ito kaya naman kaagad na tumango si Sandra.

Napahawak si Mommy sa aking kamay kaya naman binalingan ko siya. Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin.

"Masaya ako na kahit walang tatayong ama ang Apo ko ay nandyan naman kayo para sa kanila ni Stella" biglaang sabi niya. Napaawang ang aking bibig, hindi ko alam kung tama pa bang hindi alam ni Mommy ang tungkol kay Frank. Hindi tuloy maiwasan ang ganitong klaseng paguusap.

Kita ko ang paggalaw niya. Para bang naghahanda na magprotesta. Alam kong hindi niya nagustuhan ang narinig. Pero sana ay naisip niyang ayos na munang walang alam si Mommy, kesa naman malaman niya kung ano ang tunay na nangyari sa pagitan naming dalawa. Baka maging si Mommy ay magalit sa kanya.

Nagtangis ang kanyang bagang. "Ma, hindi po yan totoo" madiing sabi niya.

Halos manigas ako. Kaagad ko siyang pinandilatan ng mata. Bukod sa feel na feel niya ang pagtawag ng Ma sa Mommy ko ay ako ang kakausap dito. Hindi siya ang magsisiwalat ng lahat kay Mommy.

Matamis na ngumiti si Mommy na walang alam sa lahat ng nangyayari.

"Salamat, Frank..." marahang sabi ni Mommy sa kanya.

Bumagsak ang tingin ko sa sahig. Kaya pa kayang magpasalamat ni Mommy kay Frank pag inamin ko na sa kanya ang totoo? Na nabuntis ako ni Frank dahil tumira ako sa condo niya. Na siya yung ex boyfriend kong niloko at ginamit lang ako. Na pinalayas ako matapos ang lahat.

Wala ng umimik pa hanggang sa ihatid ko na sila palabas ng sasakyan. Sasabay si Sergio sa kanila dahil ang kanyang sasakyan daw ay iniwan niya sa parking space sa condo ni Sandra.

"Iniwan ko talaga para tipid sa gasolina" pagpapalusot pa niya kahit alam naman namin ang totoong rason. Ayaw niya lang mahiwalay kay Sandra eh.

Sandali akong kumaway sa kanila hanggang sa mawala na sa aking paningin ang sinasakyan nila. Tumikhim ang katabi kong si Frank, hindi ko siya nilingon. Tatalikod na sana ako ng kaagad siyang nagsalita.

"Aminin na natin sa Mommy mo. Papanagutan ko kayo Stella" sabi niya sa akin.

"Hindi na kailangan" walang kaemoemosyong sabi ko sa kanya.

Hinihintay ko lang talaga na makaalis kami papunta sa Davao. Sa oras na nanduon na kami ay hindi na ulit siya magkakaroon ng paguusap kasama si Mommy ng katulad kanina.

Hahakbang na sana ako palayo sa kanya ng maramdaman ko ang paghawak niya sa aking siko. Marahan lang iyon na para bang takot siya masaktan ako o masyadong mapahigpit ang hawak niya.

"Ipapakilala kiya kay Daddy. Siguradong matutuwa siya pag nalaman niyang magkakaanak na tayo" sabi niya sa akin,ramdam ko ang saya sa boses niya.

Bigla akong nakaramdam ng awa. Hindi ko alam kung para kanino. Siguro, para sa aming dalawa. Masaya si Frank, gusto niyang ibalita ito sa Daddy niya dahil buong akala niya ay matutuwa ito. Hindi niya alam na madidisappoint niya lang ito dahil sa akin. Kung ibang babae siguro ang dadalin niya, baka.

Partly, naaawa din ako sa sarili ko. Matagal kong kinumbinsi ang sarili ko na hindi ko dapat iyon maramdaman. Pero aminado ako na mahal ko pa din siya, na gusto ko yung mga plano niya para sa amin. Pero nakakalungkot lang na ang mga magulang niya na mismo ang nagsabing hindi kami nababagay sa isa't isa. Hindi ako nababagay sa kanya.

"Ayokong makilala ang Daddy mo, ang pamilya mo. Frank, hindi ako magiging parts nuon" mahinahong giit ko sa kanya.

Nanatili ang titig niya sa akin. Para bang nanghina siya sa narinig. Muli niyang hinawakan ang siko ko.

"Gagawin kitang Del prado. Papakasalan kita, Stella...ayaw mo ba akong maging asawa?" tanong niya sa akin. Minsan talaga ay nagugulat ako sa bibig niya, masyadong straight to the point. Sasabihin kung anong gustong sabihin.

Bayolente akong napalunok. "Ayoko, Frank" sagot ko sabay iwas ng tingin. Sa tuwing ganito siya at nakikita kong nangungusap ang kanyang mga mata ay para akong nanghihina.

Hindi na siya nakapagpigil. Gamit ang pagkakahawak sa aking siko ay hinila na niya ako palapit sa kanya. Hindi na ako nakapalag pa. Masasayang lang ang lakas ko kung manlalaban pa ako.

"Ako, gusto ko Stella. Miss na miss na kita sa condo. Ang hirap na ulit magisa" malungkot na sabi niya sa akin.

Nanatili akong nakayuko kaya naman ang ulo ko ay halos sumandal na sa kanyang dibdib. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo.

"Bumalik ka na sa akin. Nagsisisi na ako" pakiusap niya.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi para pigilan ang sarili na maging emosyonal. Gusto kong bumalik sayo Frank, pero hindi na pwede.

"Hindi na pwede, Frank" mahinahong sabi ko. Kahit ang totoo ay gusto kong maiyak. Gusto ko din siyang yakapin ng mahigpit. Grabe ang pagtitiis ko sa kanya, pero kailangan kong ipagpatuloy.

Isang halik muli sa aking ulo ang ibinigay niya. "Baby...bakit hindi?" pumiyok pang tanong niya.

Namanhid ang buong katawan ko sa itiniwag niya sa akin. "Bakit hindi? Mahal kita, mahal kita Stella" paulit ulit na giit niya.

Bumigat ang aking dibdib. "Huli na, ayoko na. Masyado mo akong nasaktan, ikaw lang ang meron ako ng mga panahong iyon. Pero nagawa mo pa yun sa akin" umiiyak na sabi ko. Hindi ko na din mapigilan.

Humigpit ang hawak niya sa akin. "Nagmakaawa ako sayo, sabi ko magusap tayo. Pagusapan natin, ilang ulit kitang tinanong nuon kung anong problema? Bakit mo ako papalayasin..." garalgal na ang aking boses dahil sa pagiyak.

Isa pa itong dahilan kung bakit ayokong masyadong kaming magkalapit, na palagi kaming magkasama. Mauuwi lang kasi ang lahat sa sumbatan. Hindi matatapos, magkakasakitan lang.

"Nakiusap ako sayo Frank, wala akong mapupuntahan. Pero pinalayas mo pa din ako" dugtong ko pa.

Ang kaninang hawak lang sa siko ay naging yakap pa. Ramdam ko ang mabibigat niyang paghugot ng hininga.

"At buntis ka na nuon, napakagago ko. Paano kung may nangyari sa inyo? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko" madiing sabi niya sa akin.

"Sorry. Baby, I'm sorry..." paulit ulit na bulong niya sa akin. Hindi ko magawang yakapin siya pabalik, masyadong mahigpit ang yakap niya.

"Kung papalayasin mo ako ngayon, ayos lang. Pero paulit ulit akong babalik..." paninigurado niya sa akin.

Marahan akong umiling. "Hindi ko iyon gagawin sayo Frank. Masakit iyon...sobra" pumiyok na sabi ko. Kahit gaano ko kagustong maging mahinahon ay hindi ko mapigilan ang pagiyak.

"Pero, gusto kong maintindihan mo na hindi na tayo pwede. Masyadong komplikado, magagalit sayo si Mommy pag nalaman niya ang totoo. Hindi din ako matatanggap ng Daddy mo" pagpapaintindi ko.

"Ayos lang magalit si Mommy sa akin. I deserve that" aminadong sabi niya.

Napanguso ako habang naiiyak. "Frank, ang kapal kapal ng mukha mo" akusa ko sa kanya. Feel na feel niya ang tawaging Mommy ang Mommy ko.

Bahagya din siyang natawa, pero anduon pa din yung lungkot at bakas ng pagiyak.

"Wala na akong Mommy. Naging busy si Dad ng mawala siya. Wala si Frances, magisa lang din ako" sumbong niya sa akin.

Humigpit ang yakap niya sa akin. "Wag niyo akong iwan ng anak natin, takot na din akong magisa, Stella" pagpapatuloy pa niya kaya naman napasinghap ako.

Buong akala ko ay matapang si Frank, na malakas siya at tigasin. Pero sa kabila pala nuon ay may lungkot din. Siguradong hindi din naging madala iyon sa kanya. Lumaki siyang magisa. Halata namang nung nabubuhay ang Mommy niya ay nagfocus lang din ito sa paghahanap kay Sera. Naiwan siya, walang nagalala para sa kanya.

"Sayo ko lang naramdamang maalagaan. Yung mga lunch box mo, yung sticky note. Yung mga pagbili mo ng damit ko. Walang gumawa nuon para sa akin. Ikaw lang..." sumbong pa niya.

Ito yung weak side ni Frank na nakatago sa imahe niya. Kung titingnan mo siya parang nasa kanya na ang lahat. Na para bang kaya niya ang lahat, pero hindi pala. Kahit gaano ka talaga kasucessful at madami kang pera. Hindi ka makukumpleto kung ikaw lang magisa. Kailangan mo ang pamilya mo, ang mga kaibigan mo at ang taong mahal mo.

Tahimik si Frank ng bumalik kami sa loob ng hospital. Nanatili siyang nakaupo sa may bench sa tapat ng kwarto ni Mommy.

"Uminom ka muna ng tubig" sabi ko at inabutan siya ng bottled water. Kaagad niya iyong tinanggap kaya naman maingat akong umupo sa sumunod na upuan.

"Ako dapat ang nagaalaga sayo" sabi niya kaya naman napanguso ako.

"Ireserve mo na iyan para sa Baby" sabi ko.

"Baby kita" nakangiting sabi niya kaya naman kaagad na uminit ang aking magkabilang pisngi.

Nanatili ang titig niya sa akin kaya naman kaagad akong nagiwas ng tingin. Hindi ako magpapakita ng kahit anong emosyon para malaman niyang walang epekto iyon sa akin. Wala dapat siyang epekto, nabigyan lang ng tubig ay kung ano ano na ang sinasabi.

"Bakit ka nga pala palaging nandito? Wala ka bang trabaho?" puna ko sa kanya.

Paglingon ko ay saktong tinutungga niya ang tubig. Nakita ko tuloy ng maayos ang adams apple niya. Bakit biglang nakakainggit ang bote?

"Marami akong tauhan" sagot niya sa akin. Ang yabang! Mamasa masa pa ang labi niya dahil sa pagkakainom.

"Kahit na, hindi ka naman kailangan palaging nandito" sabi ko pa. Makahinga man lang ako ng kahit ilang araw sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. Pinaglaruan niya nag bote na wala ng laman. "Napo-protektahan ko nga ang ibang tao eh, mag-ina ko pa kaya?" seryosong sabi niya sa akin.

Napaupo ako. Hindi ko magawang umimik, hindi ko masundan ang mga banat nitong si Frank. Akala ko nuon ay tahimik, misteryoso at masungit siya. Isa naman palang malaking siraulo.

Nang gumising si Mommy ay pumasok na ako sa kanyang kwarto. Nakita niya si Frank sa likod ko kaya naman niyaya niya din sa loob.

"Hindi ka sumama sa mga kaibigan mo pabalik ng Manila?" tanong ni Mommy sa kanya.

Abala ako sa may lamesa habang nagbabalat ng prutas para kay Mommy. Sandali pa lang silang nagkakakilala ay mukhang magaan na kaagad ang loob nila sa isa't isa.

"Pasencya ka na nga pala ulit. Sa mga nangyari kay Sera habang nasa poder namin" si Mommy.

Napatingin ako kay Frank, tumingin din siya sa akin bago sumagot dito.

"Wala na po iyon, Ma. Sorry din sa mga nangyari" sagot niya dito at muling tumingin sa akin.

Tuwang tuwa si Mommy sa presencya ni Frank. Feel na feel naman niya ang pagtawag ng Ma dito.

"15 pa lang po, nakabukod na ako kila Daddy" pagkwekwento niya.

Marami din akong nalaman tungkol sa kanya. Hindi ko alam kung totoo nga ang mga iyon o para lang makuha ang simpatya ng Mommy ko?

Nagpaalam si Frank sa akin ng sumunod na araw. May meeting daw siya kaya naman hapon na siya makakapunta. Kinuha ko naman ang pagkakataon na iyon para maayos ang mga dapat kong ayusin.

"Baka po bukas ay bibisita ako sa office sa QC. Inaayos ko na po ang papers, papapirmahan ko na lang sa buyer" sabi ko kay Tita Alena.

Kahit si Momny ay sumangayon sa desisyon kong wag ipagbili ang bahay namin sa may Sta. Maria. Iyon na lang kasi ang natitirang alaala ni Daddy sa amin bukod sa manufacturing.

Sakto ang pagluwas ko kinaumagahan dahil tumawag si Sera sa amin para sa fitting ng gown. Ikakasal kasi sila ni Kenzo sa simbahan. Sa bahay nila gaganapin iyon, hindi na ako magugulat kung nanduon din si Frank.

"Alam ko naman na ang gusto ni Mommy" sabi ni Sera sa akin ng salubungin niya ako sa may front door.

Kagaya niya ay humalik din sa aking pisngi si Kianna. Bumati naman si Augustine at bumeso din. Iilang designer na kaibigan ni Gust ang nanduon. Hinihintay na lang ang iba nilang kaibigan.

"Kanina pa tanong ng tanong si Kuya kung nandito ka na. Ang kulit kulit" kwento niya sa akin kaya naman napangiti na lang ako.

Sa kalagitnaan ng aming pagpili ay dumating si Frank. Hindi nga ako nagulat sa pagdating niya, pero nagulat naman ako sa kasama niya.

"Wag kang magseselos ha, Siguradong si Daddy ang may pakana niyan" bulong sa akin ni Sera bago siya tumayo at bumati sa kanyang Kuya.

Inabala ko ang aking sarili sa pagtingin sa brochure, ramdam ko ang tingin ni Frank sa akin pero hindi na ako nagangat pa ng tingin. Ayoko ng makita ang kasama niya, maganda ito at mas matangkad sa akin. Mas hubog ang kanyang katawan, maganda ang kurba. Ito ata yung mga tipo ni Frank. Mga wild daw.

"Hi, I'm Maggie" pagpapakilla na nito kay Augustine.

Namumukaan ko na siya. Siya yung kausap ni Mr. Del prado sa gender reveal party ni Sera. Yung classmate daw ni Frank sa grade school na hindi niya pinapansin. Pero, kasama niya ngayon.

"Pinasama ako ni Tito dito. Wala pa kasi akong susuotin para sa kasal mo" sabi niya kay Sera. Napanguso ako at nagtagal ang tingin ko sa gown na nasa may brochure.

"Ay, Girl pangkasal yang tinitingnan mo" sita ni Gust sa akin kaya naman kaagad akong naalarma at nilipat ang page.

"It's ok. Pipili din naman siya ng ganyan soon" pagsingit ni Frank kaya naman nanlaki ang mga mata ni Gust.

"Ako bahala sa gender reveal ha" paalala ni Gust dito.

Tumango si Frank. Hanggang sa may naalala si Gust. "Oo nga pala, baka wala na dito nuon si Stella" wala sa sariling sabi niya.

Kaagad kong naramdaman ang paglingon ni Frank sa akin. "Aalis ka?" seryosong tanong niya sa akin.

Kailangan niyang malaman. Pero hindi niya kailangang malaman kung saan. Mabuti na lamang at biglang lumapit ang kasama niyang si Maggie. Umupo sa tabi niya, masyadong dikit. Kitang kita ko kung paano niyang hinawakan sa hita si Frank na para bang normal na iyon sa kanila.

"Anong color ba ang sayo? Para partner tayo?" tanong sa kanya nito.

"Partner? Mayroon na ako" giit ni Frank. Kaagad akong napasimsim ng juice. Mangaaway pa ata siya.

"Pero sabi ni Tito..."

Tumikhim si Frank. "Kayo ni Daddy kung gusto mo. Pero kami ni Stella" diretsahang sabi niya. Wala talaga siyang pakialam kung masaktan ang makakausap niya. Basta't sasabihin niya kung anong gusto niya.

Mas lalong sumimangot si Frank. "Umusog ka at baka magselos ang misis ko" sabi pa nito.

Bigla akong naawa para kay Maggie. Mukha kasing may gusto talaga siya kay Frank.

"Bakit ganuon? Tanghali na pero may naririnig pa din akong tumitilaok na manok?" Pagpaparinig ni Sera na hindi ko naintindihan.

"Pwede ko namang kausapin si Tito, kung ayaw mong tayong dalawa ang partner" marahang sabi ni Maggie sa kanya.

Maganda ito, bagay sila ni Frank.

"Mabuti pa nga, may partner na ako sa kasal ni Sera. Kung gusto mo, ayan si Augustine" sabi pa ni Frank kaya naman kaagad na nagprotesta ito.

"Kay Ate nakahanap na ako ng partner. Gwapo!" kinikilig na sabi ni Sera sa akin.

Hinampas ni Frank ang center table dahilan para matahimik kami.

"Sabing wag mong hahanap ng ibang lalaki, Frances" madiing sabi niya sa kapatid pero nagtaas lang ng kilay si Sera dito. Minsan naiisip ko, mas bagay na magkapatid sina Sandra at Sera.

"At wag niyo ding pagsuotin ng masyadong kita ang balat. Baka ako ang maghubad duon, makita mo" pagbabanta niya kay Sera. Napailing na lamang ako ng tinawanan lang siya nito.

Matapos ang fitting ay nagpaalam na din ako sa kanila. Hindi pa nga ako tuluyang nakakalabas ay nakasunod na si Maggie sa akin. Buong akala ko ay si Frank iyon.

"Tito told me about you" diretsahang sabi niya.

Nanatili ang tingin ko sa kanya. Maganda siyang manamit, kahit simple ay malakas ang dating. Walang kaeffort effort. Siguradong ito yung mga tipuhan ni Frank.

"Wag mo ng gamitin si Frances, para mapalapit kay Frank" sabi pa niya sa akin na ikinalaglag ng aking panga.

At anong pinagsasabi ng babaeng ito?

"Napatawad ka niya. Pero sana magkaroon ka naman ng hiya sa sarili mo. Ang laki ng kasalanan mo sa kanya tapos kung umasta ka ngayon...parang ang bait bait mo" pagpaatuloy niya. Sino nga ulit ito? Close ba kami para pagsabihan niya ako ng ganito?

"Wala kang alam sa nangyari. Kung gusto mo si Frank, saksak mo sa baga mo"  inis na sabi ko at tangkang tatalikuran na siya ng kaagad niya akong hinigit sa braso.

Dahil sa takot na may gawin siya sa akin at sa Baby ko ay hindi sinasadyang napalakas ang tulak ko sa kanya dahilan kung bakit sumalampak siya sa sahig.

"Anong nangyayari dito? Stella, ayos ka lang ba?" humahangos si Frank ng lumabas mula sa loob.

Kaagad niya akong nilapitan, imbes na ang nakasalampak sa sahig na si Maggie.

"Frank, tinulak niya ako" sumbong niya dito. Hindi ako nagsalita, hindi din naman niya pinansin si Maggie.

"Frank! Anong nangyayari dito!?"

"Tito" tawag ni Maggie sa kararating lang na si Mr. Del prado. Namanhid ako sa aking kinatatayuan.

Masama na kaagad ang tingin niya sa akin kaya naman napayuko ako. "Bakit nandito ang babaeng ito?" masungit na tanong niya. Turo sa akin.

"Daddy..." tawag ni Frank sa ama.

"Shut up! Hindi ba't tapos ka na dito sa babaeng ito. Dapat ay hindi mo na ito pinapalapit sa kapatid mo" si Mr. Del prado pa din.

Halos dumikit ang baba ko sa aking leeg dahil sa pagkakayuko. Hiyang hiya ako dahil may basehan naman talaga sila ng galit. Pero hindi naman siguro madedepina ang buong pagkatao ng isang tao sa isang pagkakamali niya.

"Daddy, wag niyo pong pagsalitaan ng ganyan si Ate" suway ng kalalabas lang na si Sera.

Uminit ang gilid ng aking mga mata. Kahit wala akong karapatan ay ipinagtatanggol pa din niya ako.

"Isang beses lang po siyang nagkamali, pero hindi po ibig sabihin nuon ay masama na siyang tao" giit pa din ni Sera.

Sandali silang natahimik hanggang sa tumikhim ito. "Sana ay hanggang sa iyo na lang iyon Frances. Wag ng idamay ang isa pa" Makahulugang sabi niya sabay sulyap kay Frank.















(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro