Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25

Brave





Hindi na ako nakaimik pa. Nanatili ang tingin ko sa labas ng bintana. Ok lang na sumakit ang leeg ko, basta hindi ko titingnan si Frank.

"Gusto mo ng music?" tanong niya sa akin.

"Ayoko" tipid na sagot ko sa kanya. Nanatili ang tingin ko sa labas, humigpit pa ang pagkahalukipkip ko na para bang gusto kong magsumiksik sa may gilid para lang hindi kami magdikit.

"Anong gusto mo?" tanong niya ulit kaya naman medyo nainis ako.

"Gusto kong manahimik ka" diretsahang sagot ko. Pinanlisikan ko pa siya ng mata.

Baghang napaawang ang labi niya dahil sa gulat. Sa huli ay nakabawi din naman at itinuon na lang ang buong atensyon sa may kasalda.

Muli siyang tumikhim. "Ang sungit mo ah" puna niya. Marahan lang iyon pero nakakabwiset pa din.

"Hmp!" pagpaparinig ko. Sabing manahimik siya eh. Napakakulit!

Napabuntong hininga na lang siya at tahimik na nagdrive. Pero mukhang hindi niya din kayang pigilan ang bibig niya.

"Bakit sasakyan ni Sandra ang gamit mo? Asaan ang sayo?" tanong niya sa akin.

Napanguso ako para pigilan ang sarili na sagutin siya. Ang chismoso. Nakita mo yan anak? Nakita ko yang ama mo?

"Papalitan ko ng bago ang buong sasakyan ni Sandra kung iyan ang inaalala mo. Ibibili din kita ng sayo..." seryosong sabi niya.

Nagulat ako kaya naman kaagad ko siyang nilingon. Nanatili ang tingin niya sa kalsada na para bang walang mali sa sinabi niya. Hinihintay ko siyang lumingon sa akin pero kumunot lang ang kanyang noo.

"Hindi mo kailangang gawin yan!" 

"Bakit? Ako naman ang bibili" laban niya sa akin.

"Hindi ako tatanggap ng kahit anong galing sayo, Frank" madiing sabi ko sa kanya.

Sandali siyang sumulyap sa akin. Mapungay ang mga mata, pero sa huli ay nagiwas na lamang siya ng tingin.

"Sa terminal mo ako ibaba. Kaya kong umuwi magisa sa Bulacan. Wala ka namang pupuntahan duon kaya wag ka ng tumuloy"

Hindi niya ako pinakinggan. Nanatili lang siyang tahimik na nagmamaneho. Sa inis ko ay kaagad kong kinuha ang cellphone ko. Nakakahiya na baka maabala ko si Sandra o si Alfred. Pero hindi ko kayang makasama ng matagal si Frank. Baka mahigh blood ako.

"Sinong tatawagan mo?" tanong niya sa akin.

"Si Alfred!" diretsahan kong sagot kaya naman nagulat ako ng kaagad niyang kinuha ang phone ko at ibinato iyon sa likuran.

"Ang sama sama mo Frank!" hiyaw ko.

"Mas lalong hindi kita papakawalan kung kay Alfred ka mapupunta" madiing sabi niya sa akin.

"Eh kanino ba dapat!?"

"Sa akin, Stella!" balik na sagot niya sa akin. Walang kagatong gatong, hindi man lang nahiya. Ang kapal kapal ng mukha.

"Ang kapal ng mukha mo" akusa ko sa kanya. Bahala siya, inis na inis na talaga ako. Hindi ko na kayang magtimpi. Nawawala ang pagiging mahinhin at tahimik ko sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay. "Gwapo naman" nakangising sagot niya sa akin na akala mo ay nakikipagbiruan ako sa kanya.

Uminit ang magkabilang pisngi ko. Hindi dahil sa kilig kundi dahil sa galit. "Anong gagawin ko sa gwapo kung manloloko naman? Saksak mo din sa baga mo ang pera mo. Alam mong hindi kita minahal nuon dahil diyan..." sita ko sa kanya ng maalala ko kung paano niya ako inabutan ng cheke.

Mas lalong nalukot ang kanyang mukha. "Nuon?" madiing tanong niya sa akin na para bang hindi niya nagustuhan ang salitang iyon.

Inirapan ko lang siya at muling itinuon ang atensyon sa may kalsada.

"Bakit? Hindi mo na ako mahal ngayon?" seryosong tanong niya sa akin.

Bayolente akong napalunok. Nagawa ko pang umiling. "Hindi na" sagot ko.

Mas lalo akong nagsumiksik sa may bintana. Baka mamaya ay dahil sa galit niya ay palayasin niya din ako dito sa sasakyan niya. Maghahanda na ako at baka mamaya ay magiba ang trip niya at sa may gilid ng Nlex niya ako ibaba.

Panay lang ang pagtikhim niya at pagbuga ng hininga na para bang may mabigat na nakadagan sa kanyang dibdib. Nandito na din naman, lulubusin ko na.

"Nagsisisi akong nagpaloko ako sayo at minahal kita. Sana hindi na lang kita nakilala" walang maemoemosyong sabi ko sa kanya.

Mabuti na din ito. Para naman hindi niya na ulit ako guluhin. Kung ginagawa niya ang lahat ng ito dahil trip niya lang, pwes! Dapat niyang malaman na hindi na ulit ako magpapauto sa kanya.

"Hindi ikaw yung klase ng tao na gusto kong makasama habang buhay" pagpapatuloy ko.

Muntik pa akong mabulunan sa sarili kong laway. Kahit ako kasi ay nasaktan sa sinabi ko. Hindi ko kailanman gustong manakit ng tao gamit ang salita, mas malubha kasi ang sakit na dulot nuon kesa sa saktan ko siya physicaly.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng makita ko ang bahagyang pangingilid ng luha sa mata ni Frank. Luha nga ba iyon o namanalikmata nanaman ako?

Umayos ako ng upo. Ayoko ng magsalita. Pakiramdam ko nasobrahan na ako sa mga iyon. Natahimik din si Frank, hindi ko maiwasang lingonin siya. Bigla akong naawa.

Hay naku naman Stella, ang bilis mong maawa sa ibang tao pero sa sarili mo wala kang pakialam.

Nagulat ako ng medyo pumanget ang takbo ng sasakyan. Nang lingonin ko si Frank ay nakita kong medyo naging alerto na din siya, panay ang tingin niya sa side mirror maging sa rear view mirror. Sinubukan kong lumingon at duon ko nakitang may itim na sasakyang nakasunod sa amin.

"Kanina ko pa iyan napapansing nakasunod sa atin" seryosong sabi niya.

Napakapit ako sa aking seatbelt. "Bakit ngayon mo lang sinabi!?" giit ko. Madadamay pa ata kami ng anak ko dahil sa kanya. May kasalanan ba siya? May kaaway?

"Cause, we're talking" sagot niya sa akin. Kalmado pa din siya kahit ako ay halos gustuhin na lang na tumalon palabas.

"Frank!" tawag ko sa kanya ng mariin akong napapikit ng bumilis ang takbo ng sasakyan.

"Calm down, I need you now" tawag niya sa akin. Ayoko pa siyang pansinin nung una, gusto ko ng maiyak. Gusto kong buksan ang bintana at magsisisigaw na lang para humingi ng tulong.

"Frank, ayoko pang mamatay. Gusto ko pang makasama ang Mommy ko" umiiyak na sabi ko sa kanya.

"Hindi ka mamamatay, hindi ko hahayaan. Now, trust me. Idial mo ang number ni Luis" seryosong utos niya sa akin.

Nanginginig pa ang kamay ko ng kuhanin ko ang phone niya. Hindi ko kaagad iyon nabuksan dahil sa password.

"May...May password" sabi ko. Kahit pilitin ko mang kumalma ay hindi ko magawa, lumalabas talaga ang takot sa aking boses.

Umigting ang kanyang panga. "Your birthday" tipid na sagot niya.

Nalaglag ang panga ko. "Huh?"

"My password is your birthday" diretsahang sagot niya.

Sandali pa akong nabato bago ako nakagalaw. Nang tuluyang mabuksan ang kanyang cellphone ay nagulat pa ako ng makita ko ang wallpaper. Ako iyon, ako iyon habang natutulog sa may sofa at ang aking ulo ay nakasandal sa kanyang balikat.

Tumikhim siya ng mapansing tumagal ang tingin ko duon. "Tawagan mo na si Luis. Siguradong hindi lang ito ang nakasunod sa atin. May naghihintay pa..." seryosong sabi niya sa akin kaya naman maa lalo akong natakot at kinabahan.

Napapakit na lamang ako ng mariin sa tuwing lumalagpas kami sa tamang daan dahil sa pagoover take ni Frank.

"Hello, Luis...sumusunod sa amin" natatarantang sabi ko.

Kaagad kong narinig ang kumusyon sa kabilang linya. May ilan pa akong boses na narinig na kausap niya. Naghahanap sila ng mga tauhan na malapit sa aming lugar.

Hindi pinababa ni Luis sa akin ang tawag. Nanatili ang phone sa aking tenga kaya naman rinig na rinig ko ang mga paguusap nila. Panay mga mura at galit.

"Tulungan niyo kami..." sumbong ko, hindi ko na napigilang maiyak.

Napahiyaw ako ng makarinig na ako ng putok ng baril. Pinapatamaan na kami nila sa likuran.

Isang malutong na mura ang pinakawalan ni Frank. Nanlaki ang aking mga mata ng mula sa ilalim ng kanyang upuan ay may kinuha siyang baril. Kung paano niya iyon hawakan ay para bang sanay na sanay siya.

"Frank..." tawag ko sa kanya.

Takot na takot ako. Hindi lang para sa amin ng baby ko kundi para sa kanya din. Nakakainis siya pero ayoko din naman na mamatay siya.

Nagulat ako ng bigla na lang siyang prumeno. Napasigaw ako ng makita kong may itim na van ang humarang sa amin pagkapasok namin sa isang kanto.

Bumukas ang pintuan at may lumabas na dalawang lalaking kaagad na nagtutok ng baril sa aming sasakyan.

Mabilis na kumilos si Frank. Nagtanggal ng seatbelt at niyakap ako para iharang ang sarili. Hindi ako nakagalaw, nanatili ang titig ko sa kanya pagkatapos ng dalawang putok ng barili na bumasag sa aming windshield ay nagkagulo na sa labas.

Hindi kaagad nakagalaw si Frank. Nanatili ang titig niya sa akin. Halos maduling ako sa lapit ng aming mukha.

"Frank..." tawag ko sa kanya.

Sinubukan ko siyang itulak palayo sa akin. Pero aksidenteng napunta ang kamay ko sa kanyang likuran. Kumunot ang noo ko ng mahawakan kong basa iyon. Nang itaas ko ay kaagad akong napasigaw ng makitang puno ng dugo ang aking mga kamay.

"Frank, may tama ka...Frank" umiiyak na tawag ko sa kanya.

Dahan dahan niyang pinagdikit ang noo naming dalawa. Isang halik sa aking pisngi bago siya nakapagsalita.

"You are brave, Stella" marahang sabi niya sa akin. Kita ko kung paano siyang ngumuwi.

Nanatili ang pagpapalitan ng putok sa labas kaya nama kahit nanghihina ay humihigpit ang yakap ni Frank sa akin na para bang takot siyang matamaan ako.

"Luis! Si Frank!" sigaw ko dito.

Marami na kaagad sila sa likuran kaya naman hindi na kinaya ng mga nasa van ang makipagbarilan sa kanila.

Kaagad nila kaming kinuha duon. Si Luis mismo ang umakay kay Frank patungo sa dala nilang sasakyan. May malay pa naman ito pero hindi na siya nagsasalita, nanatiling tahimik.

"Sa pinakamalapit na hospital!" utos ni Luis sa nagdridrive.

Nasa may passenger seat siya. Nanatiling kalmado si Frank. Hindi man lang nagrereklamo ng sakit.

"Frank, wag kang matutulog" pakiusap ko. Mas matatakot ako kung hindi siya magiging responsive sa akin. Tsaka na siya matulog pag nasa hospital na kami, pag may Doctor nang titingin sa kanya.

Nanatili ang titig ko sa kanyang dibdib. Nagtataas baba pa iyon. Duon lang ako bumabase, humihingi pa naman.

"Frank, wag kang mamamatay. Palitan mo yung mga Baby bottles ko, naiwan sa sasakyan mo" naiiyak na pananakot ko sa kanya.

Kahit nakapikit at nakasandal ay nagawa pa din niyang bahagyang ngumiti. Alam kong grabe ang iniinda niyang sakit. Hindi lang isang tama ng baril ang natanggap niya.

Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang dahan dahang humahawak sa aking kamay. Nagawa niyang mahanap iyon kahit nakapikit. Nang tuluyang mahawakan ay pinagsiklop niya ang aming mga kamay na para bang duon na lang siya kumukuha ng lakas.

Mabilis kaming nakarating sa hospital. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang naghihintay na mga nurse at hospital bed sa amin. Hindi niya binitawan ang kamay ko kahit pa naihiga na siya sa hospital bed.

"Ma'm. Hindi po kayo pwede sa loob" sita ng nurse sa akin ng makita niyang sumasabay ako sa lakad takbo nila.

Wala ng malay si Frank. Pero ang higpit ng yakap niya sa akin ay nanduon pa din. Kusang tumulo ang luha sa aking mga mata ng ako ba mismo ang nagtanggal ng pagkakahawak niya sa akin. Sa mga oras na iyon, ayokong bitawan ang kamay niya.

Panay ang pabalik balik na lakad ko sa harap ng emergency room. Ang kasama ko lang sa labas ay si Luis ay dalawa pang tauhan ni Frank.

"Stella!" humahangos na tawag ni Sandra sa akin. Sa kanyang likuran ay si Sergio.

Kaagad siyang yumakap sa akin. Humigpit ang yakap ko sa aking kaibigan. Mabuti ba lang at nandito na sila, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Hindi ako nakapagsalita. Nanatili ang yakap ko kay Sandra. Si Sergio ay kaagad na lumapit kay Luis para kausapin ito tungkol sa nangyari.

Niyaya akong umupo ni Sandra sa may bench. Ramdam ko ang kanyang pagaalala. Panay ang hagod niya sa aking likod na para bang pinapatahan ako kahit kumalma na ako kahit papaano.

"Hindi nagiisip si Frank. Buntis si Stella..." giit ni Sandra kay Sergio na nakatayo sa aming harapan.

"Hindi niya alam na buntis si Stella. At hindi din naman niya hahayaang mapahamak si Stella. Kaya nga siya lumayo nuon, diba?" mahinahong sagot ni Sergio dito.

"Edi dapat nilubos na niya. Wag na kamo siyang magpapakita sa magina niya. Pahamak..." sabi pa ni Sandra.

Hindi na ako nagsalita pa. Hindi ko naman sinisisi si Frank. Hindi naman niya ginusto ito, siya nga ang nabaril. Kung hindi siya humarang sa akin ay baka pati ako natamaan na.

Matapos ang ilang oras na paghihintay sa labas ng operating room ay lumabas na ang doctor at ibinalitang stable na ang lagay ni Frank. Dalawang bala ang tumama sa kanyang likuran.

"Ihahatid ko na si Stella. Hindi siya pwedeng mastress. Stress na din ang Baby" suway ni Sandra sa akin.

Nagdalawang isip pa ako nung una na umalis. Pero ng tanguan ako ni Sergio ay tumayo na din ako para sumama kay Sandra.

"Ako na ang bahala kay Frank. Update ko na lang kayo" sabi ni Sergio pero ang mga mata niya ay nasa akin na para bang sa akin niyo iyon sinasabi.

Tumikhim si Sandra. "Kahit wag na, wala naman kaming pakialam" masungit na sabi niya dito kaya naman napanguso si Sergio.

Bago pa man kami umalis ay nagkasagutan nanaman silang dalawa. "Ingat sa byahe" sabi ni Sergio dito at tangkang hahalik sa pisngi ni Sandra ng kaagad na umiwas ang kaibigan ko.

"Aba, ang kapal mo ah. Nanliligaw ka pa lang" sita ni Sandra dito kaya naman napangisi na lang si Sergio at napakamot sa ulo.

"Sige, ipunin ko na lang" pangaasar pa niya dito.

Muling napairap si Sandra, pero nakita ko ang bahagyang pagpula ng kanyang pisngi.

"Mukha mo. Aalis na nga kami" inis na sabi niya dito at kaagad akong hinila palabas ng hospital.

Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang maalala ang kamay kong nabalot ng dugo ni Frank kanina. Wala akong imik, para akong naputulan ng dila.

"Mabuti na lang talaga ay hindi ka natamaan. Naku, double dead si Frank sa akin pag nagkataon!" pangigigil ni Sandra.

"Humarang siya para hindi ako natamaan" sabi ko.

Napanguso siya at napairap. Muli sana niyang aabalahin ang sarili sa kanyang cellphone ng mapansin kong iba na ang body guard na kasama niya bukod sa driver.

"Si Cedrick at si Alfred?" tanong ko sa kanya.

"Si Alfred, kay Ate Isabel naka schedule ngayon" sagot niya sa akin.

Napatango ako. "Eh si Cedrick?" tanong ko ulit, hindi kasi siya sumagot eh.

Napanguso siya at nagkibit balikat. "Umuwi sa probinsya, sa girlfriend niya" sagot niya sa akin. Pansin ko na hindi niya kayang tumingin sa akin.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko.

Ayos pa ang mukha niya nung una hanggang sa unti unting namula ang kanyang mga mata at napangiwi ang kanyang labi dahil sa pagiyak.

"He reject me. Hinalikan ko siya nung nag bar kami. Umamin akong gusto ko siya, pero sinabi niyang may girlfriend na siya sa probinsya at mahal niya iyon" umiiyak na kwento niya sa akin na ikinalaglag ang aking panga.

"Bakit ngayon mo lang ito sinabi sa akin?" tanong ko sa kanya.

Yumakap siya habang umiiyak. "Kasi ang dami dami mo ng problema, dumagdag pa ang tanginang Frank ba yan. Ayoko kayong mastress kayo ni Baby" sagot niya sa akin.

"Sandra naman, andito lang ako para sayo" pagaalo ko sa kanya.

Nandyan siya palagi para sa akin. Sobrang strong ng personality niya na hindi ko man lang nahalata na may ganito na palang nangyayari sa kanya.

Papasok kami ng Bocaue tollgate ng tuluyan siyang kumalma.

"Eh si Sergio?" tanong ko.

Napanguso siya at napairap. "Papaasahin ko lang yun si Sergio. Gagantihan ko siya, igoghost ko din siya. Lintik lang ang walang ganti" matapang na sabi niya sa akin kaya naman natawa ako.

Alam kong hindi niya gagawin. May parte pa din sa akin na naniniwalang may puwang pa din si Sergio sa puso niya.

Hindi ako mapakali ng sumunod na araw. Kahit nasa hospital ako at nagbabantay kay Mommy ay panay pa din ang tingin ko sa aking cellphone. Akala ko ba iuupdate ako ni Sergio?

Nang magtanghali ay lumapit sa akin ang isa sa mga tauhan nito. Nagangat ako ng tingin, medyo nadismaya ng makitang hindi si Frank iyon.

"Salamat. Uhm, ayos na ba si Frank?" tanong ko sa kanya matapos kong tanggapin ang lunch box.

Bago pa man makasagot ang lalaki ay napahinto na kami sa pagdating ng isang Doctor. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat. Napatayo pa ako ng makitang si Doctor Federico Del Prado iyon. Nakasuot siya ng mahabang white coat.

"Magandang hapon po" bati ko sa kanya.

Sandaling bumati ang lalaki dito bago kami inawang dalawa. Halos mahirapan akong lumunok ng manatili ang tingin nito  sa akin.

"May namamagitan ba sa inyo ng anak ko, Ms. Serrano?" tanong niya sa akin. Ramdam ko ang diin sa pagkakabanggit niya sa aking apelyido.

Marahan akong umiling. "Wala po..." sagot ko dahil wala naman na talaga. Tapos na kami ni Frank, o naging kami ba? Hindi ko din alam.

"Sinungaling" sambit niya. Sa sobrang kalmado nuon ay mas lalong nakakatakot.

Hindi ako nakaimik. "Alam ko ang lahat ng nangyari sa anak ko sa poder niyo, maging ang ginawa mo sa apo ko. Hindi ko alam kung bakit itinago ni Frank sa akin ang tungkol sayo..."

"Pero gusto kong malaman mong hindi ka nababagay sa anak ko. Hindi kita gusto para sa kanya" sabi niya sa akin.

Namanhid ang aking buong katawan. Pakiramdam ko ay mas lalo akong nanliliit.

"Naiintindihan ko po" magalang na sagot ko.

"That's good. Mabuti ng nagkakaintindihan tayo Ms. Serrano"

Walang pumatak na kahit isang luha sa aking mga mata. Para bang hindi na iyon bago sa akin. Nasaktan lang ako para sa Baby ko. Ngayon pa lang alam niya ng ayaw sa kanya ng Lolo niya.

"Sa Davao, marami kang pwedeng maging Lolo" nakangiting kwento ko sa kanya kahit sobrang bigat sa dibdib. Kung sa akin, ayos lang. Pero sa anak ko, para akong pinatay sa sakit.

Hindi na ulit ako ng hintay ng update mula kay Sergio. Napawi ang lahat ng lubgkot at sakit ng bigla na lang gumising si Mommy isang araw.

"Shh...tahan na, tahan na Stella" umiiyak ding pagaalo niya sa akin.

Nasaktan ako ng makita ko ang reaction niya ng malamang wala na si Daddy. Kita at ramdam ko ang sakit nuon para kay Mommy. Mahal niya si Daddy, kahit ganuon ito ay sobrang mahal niya si Daddy.

"Pinapasabi ni Daddy na mahal na mahal ka po niya. Na sorry sa lahat" umiiyak na sabi ko.

Napahagulgol si Mommy at napayakap na lang sa akin. Hinang hina siya, panay ang hawak sa dibdib.

"I'm sorry Mommy. Kung nagpumilit akong umuwi ng Davao"

Marahan siyang umiling at hinalikan ako sa ulo. "Hindi mo kasalanan, walang may kasalanan. Aksidente ang nangyari" pagpapatahan niya sa akin.

Nang huminahon kaming pareho ay tsaka lang ako nagkaroon ng pagkakataon na tawagan si Sera. Tamang tama din ang dating ni Tita Alena, nandito na siya sa Manila para tulungan kaming magasikaso.

Iyak din ng iyak si Sera ng magkita na sila ni Mommy. Nagtagal ang paguusap nila hanggang sa ako na ang nagsabing kumain na muna sila at nagaalala na din si Kenzo sa kanya.

"Eh ikaw?" tanong niya.

"Nakakain na ako" nakangiting sagot ko sa kanya.

Wala pang ilang minuto ng umalis sina Sera at Kenzo para kumain sandali ay dumating naman si Frank. Hindi kagaya ng dati ay marahan ang lakad niya, mapupungay ang mga mata.

Gusto ko sana siyang salubingin ng tanong kung kamusta na siya. Mukhang hindi din alam ni Sera ang nangyari. Ayaw niyang magalala ang kapatid.

"Wala si Sera dito. Kumain sa labas, puntahan mo na lang" pagtataboy ko sa kanya. Para ito sa kanya, gaya ng sabi ng Daddy niya. Hindi ako ang nararapat para kay Frank.

"Pwede muna tayong magusap?" tanong niya sa akin pero umiling ako.

"Wala din naman akong sasabihin sayo. Sige na, aasikasuhin ko pa si Mommy" sabi ko.

Marahan siyang tumango. Nagiwas ako ng tingin. Parang siyang bituin sa langit, pwede mong makita, pagmasdan. Pero hinding hindi mo nakukuha.

"Ayos na nga pala ako" sabi niya sa akin kahit hindi ko naman tinatanong.

Tumango na lang ako. Tumango din siya at tunalikod sa akin. Nanatili ang tingin ko sa kanyang paglayo. Napahawak ako sa sinapupunan ko.

"Kailangan nating iwan si Daddy. Matapang naman yun eh, kaya niyang magisa" emosyonal na sabi ko sa anak ko.

















(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro