Chapter 22
Party
Sakay ng SUV nila Sandra ay nagpasya kaming umuwi na muna sa amin. Pupunta din naman talaga sila duon para makipagburol.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" nagaalalang tanong ni Sandra sa akin. Pareho kaming nasa backseat. Si Cedrick ang nagmamaneho at si Alfred naman ang sa may passenger seat.
Pansin ko ang ilang beses na pagtingin ni Alfred sa may rearview mirror. Para bang gusto niya akong kausapin pero hindi siya makapagsakita lalo na't magkatabi kami ni Sandra.
Humilig ito sa akin para bumulong. "Si baby kawawa..." puna niya sa akin.
Tipid ko siyang nginitian. Ramdam na ramdam ko talaga ang pagaalaga sa akin ni Sandra, pati sa Baby ko. Sobra akong nagpapasalamat dahil nandito sila.
"Hindi ko naman siya pinapabayaan. Hindi ko din pinapabayaan ang sarili ko" paninigurado ko sa kanya, para hindi na din siya magalala.
Napanguso lamang siya at muling humigpit ang kapit niya sa aking braso. "Nagaalala pa din ako sa inyo"
Pagkadating namin sa bahay ay kaagad kaming sinalubong ni Manang. Kaunti pa lang ang tao, mas madami kasi pag gabi. Ngayon ay halos kamaganak at malalapit na kaibigan lang ang nandito.
"Teka at maglalabas ako ng makakain" si Manang.
Tumango ako sa kanya. Sinimahan ko ang tatlo na pumunta sa harapan para makita si Daddy. Nang mahusto sila ay bumalik na din kami sa inihandang lamesa ni Manang para sa amin. Hindi ko din naman kasi kayang tumingin ng matagal duon, hindi ko kaya.
"Ikaw lang palagi magisa ang nagbabantay sa hospital?" tanong ni Alfred sa akin ng magkaroon siya ng pagkakataon.
Naging abala kasi si Sandra kay Cedrick. May kung anong pinaguusapan din sila.
"Hindi, minsan kasama ko si Manang" sagot ko kay Alfred.
Kahit tipid ko na siyang nginitian ay hindi pa din nagbago ang pagiging seryoso ng kanyang mukha. Ramdam ko pa din ang pagaalala niya sa akin.
Bumaba ang tingin ko sa kanyang kamay ng hawakan niya ang kamay kong nasa itaas ng lamesa. Marahan niya iyong pinisil.
"Alam kong mahirap ito para sayo, Stella. Pero palagi mong tatandaan na nandito lang ako palagi para sayo" paninigurado niya sa akin.
Parang may kung anong bumara sa aking lalamunan dahil duon. Dahil sa pagdating nilang tatlo ay napunan kahit papaano ang pangungulila at pangangailangan ko na may makasama.
"Salamat, Alfred" marahang sabi ko. Namanhid ang buong katawan ko ng marahan niyang haplusin ang aking pisngi.
"You don't deserve all of this" madiing sabi niya sa akin. Nagiwas kaagad ako ng tingin, ayoko ng salubungin ang nangungusap na mga mata ni Alfred, lalo ko lang gustong maiyak.
Minsan, gusto kong magtanong kung bakit ako? Bakit sa akin nangyayari ito. Pero imbes na patuloy pang magdamdam ay isinasawalang bahala ko na lamang. Wala akong mapapala, ang kailangan kong gawin ay ang magpakatatag at lumaban ulit.
"Kung utos talaga iyon ni Sera, pwede namang yung mga tauhan na lang nila. Bakit maging siya ay pabalik balik pa sa hospital?" tanong ni Sandra sa akin.
Maging ako nga din ay nagtataka kay Frank. Pinalayas niya ako sa condo niya dahil galit siya sa akin, sinabi pa niyang ayaw niya na akong makita. Pero heto siya ngayon at siya ang nagpapakita sa akin.
Nagkibit balikat na lamang ako. Ramdam ko ang tingin ni Alfred sa akin, bahagya ding nakakunot ang kanyang noo.
"May gusto talaga sayo, Stella" paninigurado sa akin ni Sandra kaya naman napaayos ako ng upo.
Wala sa sarili akong napabaling kay Alfred, nakita ko ang bahagyang pagigting ng kanyang panga at nagiwas ng tingin sa akin.
"Impossible ang sinasabi mo" laban ko sa kanya.
Pinagtaasan ako nito ng kilay at bahagyang pinandilatan ng mata.
"Hindi yan maggagaganyan kung walang pakay! Baka nagsisisi na sa nagawa!" si Sandra pa din.
Nagtagal ang tingin ko sa kanya. Hinihintay kong tumawa siya at sabihing niloloko lang ako, na gusto niya lang akong asarin pero hindi nangyari. Mukhang seryoso siya sa kanyang sinabi.
"Sinabi niya sa aking hindi niya ako minahal, palabas lang ang lahat" medyo naiilang na kwento ko pa.
Kung kaming dalawa lang siguro ang naguusap ay ayos lang. Pero kasama namin sina Cedrick at Alfred. Lalo na si Alfred, iniiwasan kong maging insensitive para sa feelings niya. Kaibigan ko siya, importante siya sa akin kaya naman ayokong masaktan siya.
"Stella, hindi ka mahirap mahalin. Siguro ay nahulog sayo ang gagong iyon along the way" giit pa ni Sandra.
Hindi na ako sumagot pa at nagsalita. Gusto ko na lang matapos ang paguusap tungkol kay Frank. Bumaba ang tingin ko sa pagkain sa aking harapan. Para akong nawalan ng gana, pero hindi pwede. Kailangan kong kumain para sa Baby ko.
"Basta at wag kang bibigay kaagad. Pahirapan mo dahil hindi tama ang ginawa niya sayo" paalala na lang ni Sandra sa akin bago nagiwas ng tingin.
Uminit ang aking magkabilang pisngi. Bahagya din akong nakaramdam ng hiya. Alam ata niyang mahal ko pa din si Frank. Na sa kabila ng galit ko sa kanya dahil sa panloloko niya sa akin ay pwedeng pwede pa din akong manlambot dahil sa kanyang presencya.
Ilang araw na pabalik balik silang tatlo para sa akin. Ako na nga minsan ang napaagod para sa kanila. Mula kasi sa trabaho sa Manila ay dumidiretso sila dito sa Bulacan para puntahan ako.
"Gusto ko sanang iwan si Alfred dito sayo" si Sandra.
Kaagad akong umiling. Hindi naman na kailangan dahil ayos lang ako dito. Mas kailangan niya ito.
"Sapat na sa akin na pinupuntahan niyo ako dito" sabi ko sa kanya.
Matapos niya akong niyakap ay si Alfred naman ang yumakap sa akin. Napahigpit ang yakap ko sa kanya, pah nandito silang tatlo ay gumagaan ang loob ko.
"Tumawag ka kaagad pag may kailangan ka. Babalik ako..." paninigurado niya sa akin.
Tumikhim si Sandra. "Babalik tayo...Alfred" pagtatama niya dito kaya naman bahagya akong napanguso. Ang isang ito! Lahat na lang ay inaaway niya.
Muli akong nagisa ng umalis na sila. Mula sa malayo ay tanaw ko pa din ang ilan sa mga tauhan ni Frank na nagbabantay sa akin. Iniisip talaga niyang tatakasan ko siya.
Bumaba ang tingin ko sa aking mga hita. Matapos ang sagutan nila ni Sandra ay hindi na ulit siya nagpakita dito. Kung minsan ay nagagalit ako sa aking sarili pagumaasa ako minsan na kasama siya ni Sera pag dadalaw.
"Ay, stress na stress ang lola mo"
Dahil sa narinig kong boses ay kaagad akong napatingala. Mabilis akong napatayo ng makita kong si Sera at Augustine iyon.
Sinalubong ko si Sera at kaagad na humalik. Ganuon din naman siya sa akin. Napansin kong hindi nawala ang tingin nila sa aking dalawa kaya naman tipid akong ngumiti sa kanila.
"Nagpuyat ka?" nagaalalang tanong niya sa akin. Napaawang ang aking bibig, masyado na bang halata?
Marahan akong umiling. Ayoko namang magaalala pa siya sa akin at dumagdag pa ako sa intindihin niya. Bahagya siyang tumango sa akin. Nagpaalam siya sandali para lumapit sa may binyana ng ICU para tingnan si Mommy.
Bumalik ako sa pagkakaupo, napabaling ako kay Augustine ng tumabi siya sa akin.
"Ang laki ng ibinagsak ng katawan mo. Baka ikaw naman ang magkasakit niyan" puna niya sa akin. Kahit alam kong nagalit din siya sa akin nuon ay kagaya ni Sera, napatawad na din niya ako.
Magsasalita pa lang sana ako ng kaagad kong naamoy ang pabango ni Augustine. Masyadong matapang iyon para sa akin. Kaagad na umikot ang aking sikmura dahil duon dahilan kung bakit kaagad akong nagpaalam at tumakbo patungo sa may comfort room.
Halos mapaluha ako habang naduduwal pagkalapit ko sa may sink.
Naging abala kami sa araw ng burol ni Daddy. Muli akong naging emosyonal, maging si Sera ay ganuon din. Hindi iniwan ni Sandra ang aking tabi, kasama pa din niya sina Cedrick at Alfred.
Sobrang bigat ng aking dibdib. Lalo na para kay Mommy. Hanggang ngayon ay wala pa din siyang malay sa ICU. Ni hindi man lang niya nakita si Daddy sa huling pagkakataon. Ipinangako ko kay Daddy na aalagaan ko si Mommy. Sasabihin ko din kay Mommy kung paanong nagpaubaya siya para dito at ng sabihin niyang mahal na mahal niya ito.
Naging malupit si Daddy sa amin, pero kahit na ganuon. Alam ko, alam kong deep inside him, mahal niya kami. At sinabi niya nga iyon sa akin bago siya mawala.
Matapos ang libing ay nagkaroon ng kaunting kainan sa aming bahay para sa mga nakilibing.
Tahimik kaming kumakain. Kasama ko si Sera sa iisang lamesa. Wala sa sarili kong inihiwalay ang kamatis na sahog sa italian pasta. Dala iyon ng isa sa mga Tita ko, inorder para idagdag sa mga nakahandang pagkain.
"Oh diba, paborito mo yan?" puna ni Sera sa akin. Mukhang kanina pa ata niya pinapanuod ang ginagawa ko.
Tipid ko siyang nginitian. Oo, paborito ko iyon pero hindi ngayon. Ayaw siguro ni Baby. "Oo, pero ngayon ayoko" sagot ko sa kanya.
Sa kalagitnaan ng aming pagkain ay hindi ko napigilang hindi mapatingin sa lamesa kung nasaan si Frank. Kasama niya si Kenzo at ang ilan sa mga tauhan. Seryoso siyang nakikipagusap sa mga ito. Ngayon ko na lang ulit siya nakita.
Bago pa man niya makitang nakatingin ako sa kanya ay nagiwas na kaagad ako ng tingin.
Naging abala ako sa mga sumunod na araw. Inasikaso ko ang mga naiwang problema sa manufacturing at ilang pinagkakautangan namin. Halos maubos ang hawak kong pera, maging ang pera nina Mommy at Daddy sa bangko.
Gastos pa sa pagpapalibing at ang pambayad dito sa hospital. Masyadong malaki ang bill lalo at nasa ICU si Mommy. Kailangan talagang maibenta ang property namin sa Guam.
"Salamat dito" sabi ko kay Sera ng muli niya akong pinuntahan isang araw.
May dala siyang basket ng prutas. Bahagya akong lumayo sa kanya ng maubo ako. Medyo nagaalala na din ako, hindi ako pwedeng magkasakit. Baka makaapekto iyon sa Baby ko. Pero hindi naman pwedeng hindi ako kumilos. Nakakahiya naman sa mga Tito at Tita ko na hayaan ko lang silang problemahin ang naiwang problema ni Daddy.
Nang makabawi ay muli akong bumalik sa kanyang tabi. Bumaba ang tingin ko sa may kalakihan na niyang tiyan. "Kamusta ang pagbubuntis mo?" tanong ko.
Napangiti ako ng makita kong napahawak pa muna siya sa kanyang sinapupunan bago ako sagutin. Ilang buwan na lang ay magiging ganuon na din kalaki ang sa akin.
"Ayos naman, hindi ako masyadong inaatake ng morning sickness, hindi kagaya nung kay Kianna" nakangiting sagot niya sa akin.
Napatango na lamang ako imbes na makasagot ng muli nanaman akong maubo.
"Pasencya ka na, baka mahawa ka pa" nagaalalang sabi ko.
"Umiinom ka ba ng gamot?"
Marahan akong umiling. "Mawawala din ito" sabi ko. Ayoko din kasing uminom ng kung ano anong gamot. Hangga't kaya ay wag na lang muna.
Napabuntong hininga si Sera. Nabigla ako sa sumunod niyang itinanong sa akin.
"Stella, buntis ka ba?"
Sandali akong natigilan. Gusto kong tumanggi. Pero naisip ko, hindi deserve ng Baby ko na itanggi siya. Regalo siya sa akin.
Napayuko na lamang ako at marahang tumango sa kanya. Ramdam na ramdam ko pa din ang pagkabato ni Sera habang nakatingin sa akin.
"Kung ganuon, hindi pwede sayo ito. Ang pagpupuyat, baka magkasakit ka. Paano ka at ang Baby?" nagaalalang sabi niya sa akin.
Hindi pa ako nakakasagot sa tanong niya ng muli nanaman siyang nagtanong sa akin. At inaamin ko, iyon ang isa sa pinakakinakatakutan ko.
Hinawakan niya ang aking kamay dahilan kung bakit napatingin ako sa kanya.
"Ang Kuya Frank ko ba?"
Hindi ko napigilang maging emosyonal. Nakakatawang isipin na ako naman ngayon ang magmamakaawa sa kanya. Takot akong mangyari sa akin ang ginawa ko sa kanya.
"Wag mong sasabihin. Please, Sera" pakiusap ko.
Nakita ko ang gulat at pagtataka sa kanyang pagmumukha. "Ba...bakit?"
Marahan kong pinunasan ang luha sa aking mga mata. "Nilapitan niya lang ako para makakuha ng impormasyon tungkol sayo...akala ko nung una totoo siya. Kasalanan ko, minahal ko siya" pagamin ko.
Meron kay Sera na nagpipilit sa aking magkwento sa kanya. Siguro dahil, para sa akin ay magkapatid pa din kami. Na sa kabila ng lahat ng nangyari, sa pagkawala ni Daddy at ang kalagayan ni Mommy ay siya lang ang itinuring kong pamilya ko ngayon. Para sa akin, kapatid ko pa din siya.
"Minahal ko siya. Pero siya, hindi niya ako mahal. Nung nakuha na niya ang lahat ng gusto niyang impormasyon...sinabi niya sa akin ang lahat. Galit na galit siya sa akin dahil sa ginawa ko sayo" pagpapatuloy ko. Hindi ko na mapigilang magkwento sa kanya. Para lang akong nagkwekwento ng problema sa kapatid ko, nakakagaan ng loob.
Mas lalong bumuhos ang aking mga luha. Hindi ko ginagawa at sinasabi ito sa kanya para kaawaan niya ako o magalit siya sa Kuya niya. Sinasabi ko ito dahil wala pa sa pamilya ko ang nakakaalam ng pinagdaanan ko. Siya pa lang.
"Sinabi niya sa aking napipilitan lang siyang pakisamahan ako at tiniis lang ako. Na lahat ng ipinakita niya sa akin sa mga panahong akala ko ay totoong kami ay pawang mga kasinungalingan lang. Hindi niya ako minahal at galit siya sa akin...at sa pamilya ko"
Nakita ko ang mariing pagpikit ni Sera. Para bang hindi niya makayang tanggapin ang mga naririnig.
"Ayaw niya sa akin. Kaya naman siguradong ayaw niya din sa Baby ko. Halos pandirihan niya ako nung inamin niya sa akin ang lahat. Pinalayas niya nga ako sa condo niya..."
Sobrang sakit na isipin ulit iyon. Parang may kung anong matalim na punyal ang tumutusok sa aking dibdib sa tuwing naaalala ko ang pagtataboy ni Frank sa akin na maging ang paghawak at yakap sa kanya ay ipinagkait niya sa akin sa panahong iyon kung kailan kailangan ko siya.
"Tumira ka sa condo niya?" gulat na tanong ni Sera sa akin.
Tumango ako. "Parte daw iyon ng plano niya...baka daw kasi subukan kong tumakas"
Sandali kaming natahimik na dalawa. Inabala ko ang aking sarili na punasan ang aking mga luha.
"Anong plano mo? Paano ang Kuya Frank ko? Anak niya din iyan" marahang sabi ni Sera sa akin. Alam ko naman iyon, pero mas pinaghaharian ako ng takot.
"Sigurado akong ayaw niya sa amin. Pag naging maayos na si Mommy, tutuloy kami sa Davao. Duon na muna kami, duon ko din papalalakihin ang Baby ko. Hindi na kailangang malaman ni Frank" sagot ko sa kanya.
Tama ng pinagtabuyan ako ni Frank. Ayokong maranasan iyon ng aking anak. Mas masakit iyon bilang isang ina na hindi tanggapin ng ama nito ang anak ko.
Simula ng malaman ni Sera na nagdadalang tao ako kagaya niya ay mas dumalas na ang pagbisita niya sa akin. Busog na busog din ako sa prutas maging sa pagkain.
Naging abala lang siya nitong huli ng magkakaroon siya ng gender reveal party.
"Please, pumunta ka Ate. Ipapasunod kita" pakiusap niya sa akin.
Hindi ko napigilang mapangiti. Para kasing siya pa din yung college student na si Sera na naglalambing sa akin dahil may hinihingi.
"Pupunta ako" marahang sabi ko kaya naman mas lalong lumaki ang kanyang ngiti.
Isang araw bago ang party ni Sera ay nagulat ako sa pagdating ni Alfred. May dala pa itong pagkain para sa akin, hindi kagaya ng mga unang pagdalaw ay nagiisa lang siya at hindi kasama sina Sandra.
"Day off ko ngayon" sabi niya.
"Dapat ay nagpapahinga ka. Pagod ka buong linggo sa trabaho" puna ko sa kanya.
Marahan siyang umiling at ngumiti sa akin. "Matagal kong hinintay ang day off ko para mapuntahan ka dito" sagot niya sa akin kaya naman napangiti na lang ako.
Sobra kong naappreciate ang effort ni Alfred. Hindi talaga niya ako binigo ng sabihin niyang babalik siya palagi dito para sa akin.
Sabay naming kinain ang tanghalian na dala niya. Inasar ko pa siya ng sa restaurant niya iyon tinake out. Bagong sahod din daw kasi siya kaya ganuon.
"Pag nasa Manila ka na bukas magtext ka. Pwede kitang samahan sa mga lakad mo" sabi niya sa akin kaya naman ngumiti ako at tumango.
"Ito tikman mo" sabi niya at itinapat ang gamit niyang kutsara sa aking bibig. Napahinto pa ako nung una, dahil ayokong mapahiya o masaktan siya ay tinanggap ko.
Napangiti siya ng tinanggap ko iyon. Marahan pa niyang pinunasan ang gilid ng aking labi.
"Gusto kitang alagaan, Stella" marahang sabi niya na nagpabato sa akin.
Sinuklian ko ang kanyang titig hanggang sa maramdaman ko ang paghalik niya sa aking pisngi.
"Alfred" tawag ko sa kanya.
Napaiktad kaming dalawa sa gulat ng may tumunog na kung ano. Halos manlaki ang aking mata ng makita ko si Frank. Matalim at galit ang tingin sa aming dalawa.
Hindi lang iyon, nagkalat ang pagkain sa sahig. Iyon atang lunch box na dala niya ang ibinato niya dahilan kung bakit naglikha iyon ng malakas na tunog sa buong hallway.
Wala sa sarili akong napatayo. Pero imbes na lunapit sa amin ay isang irap lang ang ginawa niya at umalis din.
Hindi ko alam kung bakit pa ako humabol. Pero napahinto ako sa tapat ng nagkalat na lunch box. Maya maya ay lumapit sa akin ang isa sa mga tauhan niya para ayusin iyon at iligpit.
"Si Sir Frank po ang may gawa nito, para po sana sa inyo" kwento niya sa akin.
Bayolente akong napalunok. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit niya ginagawa ito?
Wala tuloy ako sa aking sarili kinaumagahan. Nalate pa ako sa pagluwas kaya naman nasa kalagitnaan na ng program ang naabutan ko, pero hindi pa naman huli.
"Sera" tawag ko sa aking kapatid. Sumasayaw kasabay ng bawat galaw niya ang suot na puting dress.
Medyo nahiya pa ako. Wala kasi akong ibang kilala duon bukod sa kanya, kay Kenzo at kay Augustine.
Mabilis niya akong sinalubong ng yakap. "Kumain ka na muna. Siguradong pagod ka sa byahe" sabi niya at humiwalay pa kay Kenzo para samahan ako sa buffet table.
Sa pagmamadali ay hindi na din ako nakakain sa Bulacan. Kaagad akong nakaramdam ng gutom ng tuluyan kaming makalapit sa buffet table.
"Ang ganda ng party mo" puri ko. Abala ako sa pagkuha ng pagkain, nanatiling tahimik na nakatayo si Sera sa aking tabi.
"Si Gust ang may pakana nito" sabi pa niya sa akin. Nang lingonin ko siya ay naabutan kong nagpalinga linga siya. Para bang may hinahanap.
Napahinto ako sa pagkuha ng lumapit si Frank sa amin. Boses pa lang alam ko na.
"I'm surprised you let her go here" matigas na sabi nito.
Walang umimik sa amin ni Sera. "Bukod kina Mandee at Fidez, dapat din nating kasuhan ang Ate mo" mapanuyang sabi niya, tukoy sa akin.
"Kuya..." pagpigil ni Sera sa kanya.
Bayolente akong napalunok. Namanhid ang aking buong katawan. Dahil sa sinabi ni Frak ay mas lalo ko lang naramdaman na magisa ako dito. Sa dami ng tao dito, wala akong kilala.
Alam kaya nilang lahat ang ginawa ko kay Sera? Baka mamaya ay magulat na lang ako at may magpalayas sa akin dito dahil sa sobrang galit.
Matapang kong nilingon si Frank kahit gusto kong maiyak. "Kasuhan mo din ako kung ganuon. Hindi ako tatakas sa batas kung iyan ang gusto mo. Pero pwede bang makakain muna ako ngayon at gutom na ako?" walang kaemoemosyong sabi ko sa kanya.
Pagod, gutom at hiya ang nararamdaman ko ngayon tapos ganito pa siya. Napakawalang hiya niya. Tsaka hindi naman siya ang pinunta ko dito, si Sera.
Naginit ang gilid ng akong mga mata, bago pa man ako maiyak ay kaagad na akong tumalikod sa kanila para maghanap ng mauupuan.
Saktong pagkaupo ko ay nagsalita na si Augustine sa harapan para umpisahan ang revelation. Kusang tumulo ang luha sa aking mga mata habang nagsisimulang kumain.
Masaya ang lahat sa aking paligid. Gusto ko mang magsaya kasama sila ay hindi ko magawa. Tahimik akong kumakain habang umiiyak.
"Umuwi na tayo sa Bulacan, ayoko na dito" mahinang pagkausap ko sa Baby ko. Duon na lang kami, kasama si Mommy.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro