Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

Friend




Para akong masisiraan ng bait habang nasa byahe kami ni Manang patungo sa hospital. Malakas pa din ang buhos ng ulan, madulas ang kalsada, galit si Daddy siguradong nagtatalo sila ni Mommy habang nasa byahe. Gusto kong maiyak, pero masyadong mabigat ang dibdib ko. Ni ayaw ng lumabas ng mga luha ko.

Agaw buhay si Daddy. Sa sobrang kaba at gulat ni Manang ay wala na ang nasabi niya sa akin. Pareho silanh critikal ni Mommy. Hindi ko na alam kung anong uunahin ko. Si Manang ang panay sagot sa mga tawag.

"Stella, dito!" sigaw ni Manang sa akin pagkadating sa hospital ay kaagad kaming tumakbo patungo sa emergency room.

Pinigilan ako ng nurse ng tangkain kong tumakbo palapit sa kanilang dalawa. Magkatabi ang hospital bed nina Mommy at Daddy, ngunit ang focus ng mga Doctor ay kay Mommy, may ilang tumitingin kay Daddy.

"Ang Daddy ko din, please" umiiyak na pakiusap ko sa kanila. Silang dalawa ang gusto kong mailigtas. Mahal ko silang pareho.

Malungkot na tumingin sa akin ang nurse. "Nakiusap ang pasyente na unahing iligtas ang Mommy mo" sabi niya na mas lalong nagpabigat ng dibdib ko at mas lalong nagpaiyak sa akin.

"Daddy!" umiiyak na tawag ko sa kanya. Hindi na ako napigilan pa ng mga nurse ng  tuluyan akong tumakbo palapit sa kanya.

Humihingi pa naman siya pero hindi na normal. Nakatingin na lamang siya sa kisame na para bang may hinihintay.

"Daddy, lumaban ka please" pakiusap ko sa kanya ng makalapit ako at makayakap.

May sugat siya sa kanyang ulo. Ni hindi niya na magalaw ang kanyang katawan. Tumulo ang kanyang luha ng tumingin sa akin. Alam kong gusto niyang itaas ang kanyang kamay para hawakan ang aking pisngi, hindi niya na nagawa dahil sa panghihina kaya naman ako na mismo ang nagdala ng duguan niyang kamay sa aking pisngi.

"Patawad...Stella, anak" nahihirapang sabi niya sa akin.

Mas lalo akong naiyak, alam ko. Ramdam ko, kukunin na si Daddy sa amin. Ayoko. Please, ayoko.

Kung ang buhay ni Daddy ang kapalit ng kalayaan ko. Ayoko ng lumaya.

"Mahal ko kayo ng Mommy mo. Ikaw at si Sera. Patawad..." napangiwi at napapikit na siya ng pilit pang magsalita.

Paulit ulit akong tumango. "Pinapatawad na kita Daddy, pero please, wag mo kaming iwan. Si Mommy, hindi kakayanin ni Mommy" umiiyak na pakiusap ko sa kanya.

Kahit malupit si Daddy ay nagtagal at nagtiis si Mommy sa kanya dahil mahal na mahal siya nito.

Pagod siyang ngumiti. Nakita ko kung paano lumipat ang mata niya sa kabilanh higaan kung nasaan si Mommy. Pumiyok si Daddy dahil sa pagiyak.

"Mahal na mahal ko ang Mommy niyo. Inggatan niyo, mabubuhay siya..." paninigurado niya sa akin.

Napahagulgol na lamang ako. Mahigpit kong niyakap si Daddy hanggang unti unti na siyang binawian ng buhay sa aking mga kamay. Isang malalim na paghugot ng malalim na hingi at hindi na siya muling gumising pa.

Naghari ang iyak ko sa buong emergency room. Kaagad akong hinila ng ilang nurse palabas ng emergency room. Wala na akong nagawa kundi ang tanggapin ang yakap ni Manang at umiyak sa kanyang bisig.

Kahit gaano kalupit si Daddy, ibinigay naman niya ang lahat sa amin. Hindi siya nagkulang, ang naging problema lang ay masyado siyang naging controlling sa buhay namin. Pero alam ko, na kaya siya ganuon ay para din naman sa amin.

"Wala na po si Daddy...wala na" umiiyak na sumbong ko kay Manang. Naramdaman ko ang paghagod niya sa akinh likuran.

Tsaka lang ako nakatawag kay Sera ng medyo nakabawi na. Kailangan ko siya, kailangan ko ng makakapitan. Hindi ko ito kaya magisa. Para akong tatakasan ng bait.

Isang ring pa lang ay sinagot na niya kaagad ang tawag. Gustuhin ko mang kausapin siya ng maayos ay hindi ko na nagawa. Umiyak na muli ako.

"Sera...wala na si Daddy. Critikal si Mommy" balita ko sa kanya.

Mabilis na ibinaba ni Sera ang tawag para kaagad na bumyahe pauwi dito sa Bulacan.

Para akong nakalutang sa ere ng dumaan ang hospital bed na hinigigaan ng walang buhay na si Daddy. Natatabunan na ng puting kumot ang kanyang buong katawan hanggang sa mukha.

Napahawak ako sa aking dibdin at mariing napapikit. Hindi ko inakala na makikita ko siyang ganito. Mahina, walang buhay at ilang oras na lang ay lalamig na. Sanay akong malakas siya, matapang...at palaging galit. Mas gusto ko iyon.

Napabuntong hininga na lamang ako at napatitig sa kawalan. Gusto kong tumakbo, gusto kong makiusap na ibalik nila si Daddy pero wala na. Kahit siya ay alam niyang aalis na siya.

"Maging matatag ka para sa Mommy mo, Stella" emosyonal na sabi ni Manang.

"Kasalanan ko ito Manang. Dapat hindi ko na niyaya si Mommy na umuwi sa Davao" sabi ko sa kanya pero kaagad siyang umiling sa akin.

"Walang may kasalanan nito, Stella. Walang may gusto nito" pagaalo niya sa akin ay muli akong niyakap.

Naging critikal si Mommy. Panay ang dasal ko, wag namang pati siya. Wag naman lahat.

Mula sa pagkakapikit at napamulat ako. Kaagad akong napatayo ng makita ko ang pagdating ng aking kapatid.

"Sera!" umiiyak na tawag ko sa kanya at yumakap. Hindi ko napigilang mapahagulgol sa kanyang bisig.

Niyakap niya ako pabalik. Ramdam ko din ang panginginig ng kanyang mga kamay.

"Si Daddy...wala na" sumbong ko ulit.

Mabilis na pumasok ang asawa nitong si Kenzo sa emergency room at kaagad na nagpakilalang Doctor.

"Bakit ngayon pa? Bakit?" naiiyak na tanong ni Sera sa akin. Maging siya ay hindi din makapaniwala sa mga nangyayari. Maging ako din naman.

Hindi ko kayang pumunta sa morgue kung nasaan si Daddy kaya naman magisang pumunta si Sera duon.

Hindi nagtagal ay dumating ang ilan sa mga Tita ko. Ni hindi ko din masagot ang mga tanong nila kaya naman si Manang na lang ang kinakausap nila.

Nanatili akong nakatanaw sa may emergency room. Pabalik pabalik ako sa pagupo at tayo. Ilang oras din ang hinintay namin hanggang sa sabihin ng Doctor na pwede ng ilipat si Mommy sa ICU.

Hindi nagtagal ay nakuha ang aking atensyon ng mga kararating lang na hindi inaasahang bisita. Si Frank iyon, sa kanyang likuran ay ang ilan sa kanyang mga body guard.

Humahangos siyang lumapit kay Sera. Tumulo ang luha sa aking mga mata ng makita ko kung paano niya niyakap ito. Nagiwas na lang ako ng tingin. Hindi ito ang panahon para mainggit ako. Hindi ito ang tamang panahon para maramdaman ang pangungulila sa yakap niya. Wala namang totoo duon.

"I'm sorry to hear this, Frances" malungkot na sabi niya dito.

Naikuyom ko ang aking kamao. Biglang dumagsa ang galit na aking nararamdaman para sa kanya. Muling bumalik ang lahat sa akin. Ang ginawa niyang panloloko.

Tumayo ako at lumapit sa kanila. Matalim na kaagad ang tingin ko sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" matigas na tanong ko sa kanya.

Alam kong para ito kay Sera. Nandito siya para kay Sera. Pero, hindi ba't sinabi ko na sa kanya na ayoko siyang makita. Sigurado namang alam niyang nandito ako. Ayoko siya dito!

Nilabanan niya ang tingin niya sa akin. "Nandito ako para sa kapatid ko" seryosong sagot niya sa akin.

Bayolente akong napalunok kasabay ng pagkuyom ng aking kamao. Sa huli ay nagiwas na lamang ako ng tingin sa kanya.  Walang imik akong lumayo sa kanila.

Lalayo na lang ako, sumasama ang pakiramdam ko sa kanyang presencya.

Nakakainis na nanatili din siya dito. Abala siya sa pagkausap sa kanyang mga body guard kaya naman inabala ko na lamang din ang sarili ko sa pagaasikaso kay Mommy at sa mga kakailanganin namin sa hospital.

Kahit abala ay napapansin ko pa din naman sila. Nanatili akong nakatayo sa may labas ng ICU para panuorin ang pagaayos ng mga nurse kay Mommy at paglalagay ng mga ito ng aparato sa kanya.

"Umuwi na muna kayo. Hindi ito makakabuti sa kalagayan ni Frances. Magpapaiwan ako ng ibang tauhan dito" rinig kong sabi ni Frank, sa nakaupong sina Sera at Kenzo.

Tsaka lang din unti unting nagsisink in sa akin na Frances pala ang totoong pangalan ni Sera. Kahit rinig ko ang kanilang paguusap ay hindi ako nagabalang lingonin sila.

"Pero galit sayo si Ate Stella" pilit mang hininaan ni Sera ang boses ay narinig ko pa din. Masyadong tahimik ang hallway para hindi ko iyon marinig.

"Wag mo ngang tawaging Ate ang babaeng iyon. Hindi ba't hindi siya naging mabuti sayo" paalala ni Frank sa kapatid. May kung anong matalim na bagay ang tumusok sa aking dibdib.

Hayaan ko na lang. Mas masakit pa din ang nangyari sa parents ko kesa ang isiping masamang tao pa din ako sa tingin ni Frank. Isipin niya na kung ano ang gusto niyang isipin tungkol sa akin. Wala na akong pakialam.

Matapos nilang magusap ay naramdaman ko na ang paglapit ni Sera sa akin para magpaalam. Kahit gusto ko pa sana siyang makasama ay nagaalala din naman ako sa kalagayan niya. Malaki laki na din ang kanyang tiyan.

"Mabuti pa nga. Buntis ka at hindi makakabuti sayo ang sobrang stress dito. I'll update you about Mommy every now and then. Sina Tito na ang bahala sa sa burol ni Dad, naguusap usap na sila" sabi ko sa kanya.

Humigpit ang yakap ko kay Sera ng tuluyang magpaalam. Medyo mabigat iyon sa part kong maiwan nanamang magisa pero nagiwas na lamang ako ng tingin. Andito naman si Mommy, si Manang at ang Baby ko.

Hindi nagtagal ay naramdaman ko din ang paglapit ni Manang sa akin. "Stella, uuwi na muna ako para kumuha ng mga gamit natin" paalam niya sa akin.

Napasinghap ako at tumango na lamang. Hindi ko pwedeng pigilan si Manang. Importante din ang kanyang gagawin.

Napaupo na lamang ako sa may bench malapit sa may ICU. Abala sina Tito para kay Daddy kaya naman naiwan nanaman akong magisa. Pagod akong umiyak. Panay lang ang pagtulo ng aking luha kahit nakatulala lang ako sa kung saan.

"Ma'm Stella. May kailangan pa daw po ba kayo?" tanong ng isa sa mga kasama ni Frank kanina.

Napatingin ako sa paligid. Wala namang ibang tao, ano pa ang ginagawa nito dito?

"Bakit ka pa nandito? Umalis na si Sera" sabi ko sa kanya.

"Utos po ni Sir Frank" sagot niya sa akin kaya naman kahit wala naman siyang naging kasalanan sa akin ay sumama ang tingin ko sa kanya.

"Sabihin mo sa amo mo, hindi ko kailangan ng tulong niya. Umalis na kayo" pagtataboy ko. Alam kong ang sama ko sa parteng iyon pero hindi na sila kailangan dito.

Sandali siyang umalis kaya naman muli akong napatitig sa sahig. Sumama at tumalim ang tingin ko duon na para bang nakikita ko ang mukha ni Frank duon.

Hindi nagtagal ay muli akong nakarinig ng papalapit na yapak. Napahinto ako ng imbes na ang tauhan ay ang amo ang naglalakad palapit sa akin ngayon.

Matalim ang tingin niya sa akin. Malalaking hakbang din ang kanyang ginawa. Sa kanyang isang kamay ay may hawak siyang plastick.

"Bakit mo pinapaalis ang mga tauhan ko?" galit na tanong niya sa akin.

Sumama ang tingin ko sa kanya. Ni hindi na ako nagabala pang tumayo. Bahala siya.

"Dahil hindi ko kailangan. Hindi mo kailangang magpaiwan ng tauhan mo dito dahil kaya naming protektahan ang sarili namin!" laban ko sa kanya kaya naman mas lalong umigting ang kanyang panga.

Galit niyang inabot sa akin ang plastick na may lamang pagkain. "Desisyon din ito ni Sera. Ginagawa ko ito para mapanatag siya" sabi niya sa akin kaya naman may kung anong bumara sa aking lalamunan.

Ginagawa niya itong lahat dahil iniutos sa kanya. Kung ganuon lang din naman, wag na lang.

"Umalis na kayo" sabi ko at nagiwas na lang ng tingin sa kanya.

Nanatili siyang nakatayo sa aking gilid. Ramdam ko pa din ang paninitig niya sa akin.

"Umalis ka na Frank. Kaya ko na dito" pagod na pakiusap ko sa kanya. Ayoko ng makipagtalo, ang gusto ko na lang ay ang umalis siya.

"Aalis ako, pero hindi ang mga tauhan ko. Para ito kay Frances" matigas na sabi niya sa akin.

Umikot siya sandali sa aking kabilang gilid para ilapag duon ang dala niyang plastick na may lamang pagkain.

"Kumain ka" madiing sabi niya sa akin. Tiningala ko siya kaya naman nagiwas siya kaagad ng tingin. "Para hindi magalala si Frances" pahabol pa niya bago tuluyang naglakad palayo.

Sinundan ko siya ng tingin. Uminit ang gilid ng aking mga mata habang pinapanuod ang paglayo niya sa akin. Gusto ko siyang tawagin at makiusap na kung pwedeng niya akong samahan kahit sandali lang, kahit wag na lang akong kausapin dahil alam ko namang galit siya sa akin. Kahit kasama lang.

Nagiwas na lang ako ng tingin at mariing napapikit. Hindi tayo maminilit Stella. Wag nating pilitin ang mga taong manatili sa tabi natin kung hindi na sila masaya.

Ibinalita ko na kay Sandra ang nangyari. Nangako siya sa aking pupuntahan ako kaagad. Ibinalita na din niyang nakuha na niya si Alfred bilang isa sa mga bago niyang body guard kaya naman makakasama niya ito sa pagpunta sa akin.

Magkatabi kami ni Manang na nakaupo sa may labas ng ICU, sa aming gilid ay ang ilang mga gamit. Panay din ang lapit ng isa sa mga tauhan ni Frank para magtanong kung may kailangan kami. Nagdadala pa sila ng pagkain kaya naman tuwang tuwa si Manang.

Duon na ako nakatulog sa aking kinauupuan. Kahit hindi ko gusto kung sino ang nagbigay ng pagkain ay wala akong magagawa. Kailangan kong kumain para sa Baby ko. Sobrang stressful ng araw na ito, baka mamaya ay sobrang stress na din siya.

"Damihan mo ang kain, buntis ka pa naman" puna ni Manang kaya naman kaagad ko siyang sinuway. Sandali akong napatingin sa paligid. Baka mamaya ay marinig siya ng isa sa mga tauhan ni Frank. Mahirap na.

Halos ilang oras lang ako nakakatulog. Idlip lang din iyon dahil sa tuwing naaalimpungatan ay napapadaing ako dahil sa sakit ng aking leeg at likod dahil sa  pagtulog ng nakaupo.

Kinaumagahan ay mabilis na naayos nina Tito ang burol ni Daddy. Sandali lamang iyon mangyayari, umuwi ako sa bahay para tumulong sandali, ng mahusto ay muli din akong bumalik sa hospital para kay Mommy.

Ramdam mo ang panghihina ng aking katawan. Kailagan kong hatiin ang katawan ko, sa burol ni Daddy, sa pagbabantay kay Mommy. At ang pagaalala sa amin ng Baby ko. Wala namang gagawa nuon kundi ako lang.

"Sige na po Manang, kaya ko na pong magisa dito" sabi ko sa kanya. Kailangan din kasi siya sa bahay.

Tumango siya sa akin at umalis. Paglalim ng gabi ay uuwi din naman ako para kay Daddy. Ngayon, tinutupad ko ang hiling niyang alagaan ko si Mommy. Nagtagal ang pagtayo ko sa may salamin habang nakatitig dito.

"Gagaling din si Lola, pagkatapos uuwi tayo ng Davao" pagkausap ko sa anak ko habang nakahawak ako sa aking sinapupunan at nakatanaw kay Mommy.

"Duon na tayo titira, lalayo na tayo dito"pahabol ko pa sa kanya. Tipid akong ngumiti ng yumuko ako para sumulyap sa aking sinapupunan.

Hindi pa halata iyon. Dapat makaalis na kami dito bago pa lumaki ang aking tiyan. Malaking tao si Frank, sigurado akong magiging ganuon din ang anak namin.

May tumikhim sa aking tabi kaya naman nagangat ako ng tingin. Ganuon na lamang ang gulat ko ng makita kong si Frank iyon. Nakakunot ang kanyang noo at kagaya ko sandali ding bumaba ang tingin niya sa aking tiyan. Naabutan ata niya akong nakadungaw duon.

"Anong ginagawa mo dito!?" galit na tanong ko sa kanya. Para na din itago ang kabang naramdaman ko dahil sa biglaan niyang pagsulpot dito.

Umigting ang kanyang panga at inirapan ako. "Inutusan ako ni Sera. At binabatayan kita, baka bigla kang tumakas" seryosong sagot niya sa akin.

Tumalim ang tingin ko sa kanya. "Sa tingin mo ba makakatakas ako sa kalagayan ng Mommy ko?" asik ko sa kanya. Halos maiyak ako sa sobrang inis. Bakit ba palagi siyang nagpapakita sa akin, akala ko ba ayaw niya na akong makita?

Kumunot ang kanyang noo. "Bakit ka umiiyak? Pinapaiyak ba kita?" galit na tanong niya sa akin. Masyadong mababaw ang luha ko. Lalo na paginis at galit.

"Tapos ka na sa akin diba? Umalis ka na dito!" galit na asik ko pa.

Napahinto kaming dalawa dahil sa biglaang pagdating ni Sera. Kita ko ang gulat at pagtataka sa kanyang mukha.

"Kuya Frank, hindi ba nasa Manila ka?" gulat na tanong ni Sera. Kumunot ang aking noo. Akala ko ba kaya siya nandito ay dahil inutusan siya ni Sera?

Napabuntong hininga si Frank at muli akong inirapan. "May inasikaso lang" tipid na sagot niya sa kapatid.

Hindi ko na lamang pinansin, nanatili ang tingin ko sa loob ng ICU hanggang sa magpaalam ito at siya pa ang galit!

"Fine then, bahala ka sa buhay mo" sabi niya sa akin bago siya humalik sa noo ni Sera para magpaalam. At anong problema ng isang ito? Kung makapagsalita siya ay parang inobliga ko siyang pumunta dito.

Naramdaman ko ang pagalis ni Frank. Ni hindi ko siya nilingon dahil ramdam ko din ang tingin ni Sera sa akin. Para bang nakikiramdam siya.

"I'll buy us some food" paalam ni Kenzo sa amin.

Nang umalis si Kenzo ay hindi na napigilan pa ni Sera ang pagtatanong.

"Magkakilala kayo ni Kuya Frank?"

Tipid akong ngumiti sa kanya. Hindi ko ito sasabihin sa kanya para magsumbong. Sasabihin ko ito sa kanya para malaman niya kung gaano siya kamahal ng Kuya niya, kung ano ang kaya nitong gawin para  protektahan siya.

"Nilapitan niya lang ako para makakuha ng impormasyon tungkol sayo" paguumpisa ko. Nanatili ang mata ko sa loob ng ICU kung nasaan si Mommy. Sa kanya lang ako kumukuha ng lakas ngayon bukod sa Baby ko.

Nang makabawi ay nilingon ko si Sera at tipid na nginitian. "Pero ayos lang, naiintindihan ko naman" paninigurado ko sa kanya.

Kapatid din ako. Kailangan ko siyang intindinhin kahit nasaktan niya ako. Nakita ko ang pagnguso ni Sera, ramdam ko din ang lungkot na nararamdaman niya base sa pagkakatingin niya sa akin.

"Sorry about that"

Ngumiti ako at marahang umiling. Wala siyang kasalanan. Hindi niya kasalanan kung mahal siya ng mga tao sa paligid niya na handa silang gawin ang kahit ano para sa kanya.

"Ayos lang. He loves you so much kaya niya nagawa iyon. You deserve all this love, Sera. Bagay na hindi namin nabigay sayo nuon"

Hinawakan niya ako sa braso. Sandaling nagtagal ang tingin niya duon.

"Hindi ko kayo iiwan ni Mommy" paninigurado niya sa akin. Hindi ko nanaman napigilan ang pagiging emosyonal ng yumakap siya sa akin.

Dumating sina Sandra, Cedrick at Alfred ng sumunod na araw. Humahangos na yumakap si Sandra sa akin, matapos niyang yumakap ay si Alfred naman ang yumakap. Medyo nagtagal ang yakap ko sa kanya, mas mabango siya kay Frank. May gusto ko ang amoy niya.

Isang halik sa ulo ang iginawad niya sa akin. Kita ko ang pagaalala sa kanyang mga mata.

Panay ang yakap ni Sandra sa akin. Kaya naman dahil sa paguulit ko ng kwento ay napaiyak nanaman ako. Dala ata talaga ito ng pagbubuntis ko.

Nagulat kaming dalawa ng napaayos ng tayo sina Cedrick at Alfred. Maging kami ni Sandra ay natigilan din ng makita ang dumating.

"Anong ginagawa niyo dito?" galit na tanong ni Frank pero ang kanyang matalim na tingin ay nakay Alfred.

Napatayo ang katabi kong si Sandra. Lalo na at sa likod ni Frank ay si Sergio, kagaya niya ay nakasimangot din, bakit? Dahil kay Cedrick?

"Aba't. Kayo, anong ginagawa niyo dito?" galit na asik ni Sandra. Ayan nanaman ang bunganga niya.

Nagkatinginan sina Frank at Sergio. Sumama ang tingin ko sa kanya. Inis na inis talaga ako sa presencya niya.

Umigting ang kanyang panga. "Nagpacheck up si Sergio" seryosong sagot niya sa akin. Nalaglag ang panga ko dahil sa kanyang dahilan.

Kumunot ang noo ko ng mapatingin ako kay Sergio. Mukha naman siyang maayos. Nakita ni Frank na nakatingin ako dito kaya naman siniko niyo ang kaibigan.

"Oo, tama. Masakit ang ulo ko. Napilay ako" palusot ni Sergio. Mga siraulo!

"Anong connect ng pilay mo sa sakit ng ulo!?" pagbubunganga ni Sandra sa kanya.

Nakita ko ang pagirap ni Frank at pagigting ng panga. Nakapamewang na siya sa aming harapan ngayon. Maya maya ay napagdiskitahan naman niya si Alfred.

"At bakit ka nandito? Dapat ay nasa trabaho ka" maawtoridad na puna niya dito.

Napatayo na ako dahil duon. "Kaibigan ko si Alfred kaya siya dito" matigas na sabi ko sa kanya umigting ang kanyang panga.

"Tama, friends kami ni Stella" si Sandra.

Ngumisi si Frank, mapanuya. "And Ex" sambit niya na para bang kasalanan iyon habang nagpabalik balik ang tingin niya sa amin ni Alfred.

"Sus, inggit ka lang kasi ikaw yung klase ng Ex na hindi ginagawang kaibigan" si Sandra. Hindi ko siya sinuway, tama naman ang sinabi niya.

Sumama ang tingin ni Frank sa kanya pero hindi natinag ang aking kaibigan.

"Wag mo akong matingnan ng ganyan. Sasapatusin kita. Matagal na akong gigil sa inyong magkaibigan" banta niya kay Frank.

Hinawakan ko ang braso ni Sandra. "Tama na iyan. Umuwi na muna tayo sa amin" yaya ko na lang sa kanila. Kung hindi pa aalis sina Frank ay kami na lang muna.

Tumango si Sandra. "Oo tama, ipagluto mo kami ng libre Stella. Hindi yung katulad ng iba diyang namamakyaw ng ulam" pagpaparinig niya pa dito.

Napasulyap ako kay Frank. Duon ko nakitang halos mamula ang kanyang mukha, halos lumabas na din ang ugat niya sa leeg. Galit siya, alam ko.







(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro