Chapter 2
Groupmates
“Ang tamlay mo” puna ni Eunice sa akin ng sumunod na araw sa school.
Nanatili ang matalim kong tingin sa aking hawak na libro. Hindi ko alam kung paano niya nakakaya na makipagusap at lumapit sa akin matapos niyang gawin iyon, matapos nilang gawin iyon sa aking likuran. Sila ng boyfriend ko!
“Hindi ka pa nasanay” tamad na sagot ko sa kanya at umirap pa.
“May problema ka ba?” natatawang tanong niya. Buti pa siya, nagagawa niyang tumawa na para bang ayos lang ang lahat sa aming dalawa. Hindi man lang siya nakunsensya sa ginawa niya. Para bang normal na ito para sa kanya.
“Wala, ikaw may problema ka ba?” tanong ko at tinitigan siya sa mata. Nakita ko ang pagkabato niya at kaagad na nagiwas ng tingin sa akin. Guilty.
Marahan siyang umiling at sumimsim sa kanyang juice. “Wala, nagaalala lang naman ako kasi ang tamlay mo” sabi pa niya sa akin na para bang siya ang mabait na kaibigan ngayon dahil nagaalaa siya sa akin.
Nanliit ang aking mga mata. Kung hindi ako makaganti sa physical na paraan ay papatayin ko na lang siya sa kaba.
“Alam mo, nagtataka ako kay Ram” paguumpisa ko. Napansin ko kaagad ang bayolente niyang paglunok. Sandali siyang tumginin sa akin pero hindi niya ata kinaya kaya naman muling bumagsak ang tingin niya sa hawak na juice.
“Huh? Ano namang nagbago? Parang wala naman”
Padabog kong isinara ang aking libro at mas lalong tumitig sa kanya. “Hindi na siya nangungulit sa akin. Dati ay nagaaway pa kami para lang makipagtalik ako sa kanya, ngayon wala na siyang pakialam” diretsahang sabi ko. Hindi ko alam kung saang parte ang nakakatawa duon pero tumawa siya.
“Kasi nirerespeto ka niya”
Ngumisi ako. Nakakadiri ka! Paano mo natatawag ang sarili mo na kaibigan ko?
Marahan akong umiling. “May iba akong pakiramdam. Feeling ko may iba” malisyosong sabi ko pa kaya naman kita ko ang panginginig ng kamay niyang may hawak na juice.
“May…may ibanag babae si Ram?” tanong niya sa akin ng tila mo’y hindi siya yung ibang babae na tinutukoy ko.
Tumango ako. “Kaya siguro hindi na niya ako kinukulit, dahil may ibang nagbibigay sa kanya nuon” sabi ko pa kaya naman nanlaki ang kanyang mga mata. Muntik pa nga siyang masamid dahil duon, mabuti na lamang at ang pagtaas ng isang sulok ng labi lang ang nagawa ko at hindi natawa.
Hindi siya nakaimik. “Ikaw” sambit ko na ikinalaki ng mata niya. Halos humagalpak ako ng tawa ng makita ko ang kanyang pamumuti.
“Anong ako?” natatarantang tanong niya sa akin.
“Ikaw? Sa tingin mo?” tanong ko at nagtaas pa ng kilay.
Napabuntong hininga siya bago nagkibit balikat. “Hindi ko din alam, marami ang nagkakagusto sa boyfriend mo” sagot pa niya sa akin kaya naman natawa ako. Hindi ko na napigilan pa.
“Sana ay nakakatulog pa iyon sa gabi…” banta ko at muling umayos ng upo. Napatango naman ito.
Kumunot ang aking noo at muling lumingon sa kanya. “Ang laki ng eyebags mo. Nakakatulog ka pa ba?” tanong ko.
Nakita ko kung paano nanlaki ang kanyang mga mata. Mabilis na kinuha ang compact mirror sa kanyang bag at tiningnan ang sarili.
“Mukhang hindi ka nakakatulog sa gabi” mapanuyang sabi ko at ngumisi pa.
Hindi nagtagal ay dumating din si Ram. Kagaya ng dati ay nakabusangot nanaman ito. Why do girls, like bad boys? Gustong gusto nila si Ram dahil mukhang bayolente ito. Ayaw ba nila ng soft? Ganuon si Alfred sa akin nuon kaya nga kung hindi lang nagbanta si Daddy na sisirain ang buhay nito ay baka kami pa din hanggang ngayon.
Kumunot ang aking noo ng makita ko ang mga tinginan nila ni Eunice. Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat. Kailan pa sila ganito? O matagal na at hindi ko lang talaga napapansin.
“Kumain ka na?” tanong ni Ram sa akin at tangkang hahalik sa aking pisngi ng mabilis akong nagiwas ng tingin. Narinig ko ang pagtikhim niya dahil sa pagkahiya. Ngayon ko lang ginawa ito sa kanya. Lahat ng gusto at sabihin niya ay sunod sunuran ako.
“Wala akong gana” tipid na sagot ko ng hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Ang kapal ng mukha nilang dalawa na humarap sa akin na parang wala silang ginagawa sa aking likuran. Kung hindi ko pa nalaman ay gagawin pa nila akong tanga.
“May problema ata si Stella” si Eunice. At talagang sumabat pa siya! Sabagay, parte na nga rin pala siya ng relasyon namin dahil isa siyang kabit!
“Anong problema?” tanong ni Ram. Nilingon ko siya at matamis na nginitian.
“Ikaw” diretsahang sagot ko na ikinalaki ng kanyang mata.
Ramdam ko ang kanyang pagkabato. Maging si Eunice sa aking tabi ay nabato din.
“Ayoko na. Break na tayo” pinal na sabi ko at kaagad na tumayo duon para iwanan sana silang dalawa pero hindi niya ako hinayaan. Hinigit niya ako sa braso na mas lalong ikinainit ng aking ulo.
“Hindi ako papayag” giit niya. Ang aming pagtatalo ay nakakakuha na din ng atensyon sa ibang nasa cafeteria.
Tumaas ang isang sulok ng aking labi. Hindi niya gugustuhin na maraming makaalam nito dahil paniguradong mapapahiya siya.
“Wala akong pakialam. Basta ayoko na, break na tayo” sabi ko sa kanya at pilit na binawi ang aking braso mula sa kanyang pagkakahawak.
“Bitaw!” asik ko ng mabato siya at nanatiling nakahawak sa akin.
“Stella ano bang nangyayari sayo?” tanong sa akin ni Eunice.
Sa inis ko ay ibinato ko sa kanya ang hawak kong libro na mabilis na tumama sa kanyang dibdib. Napadaing ito sa sakit kaya naman mas lalong dumami ang tao na nakapanuod sa amin.
“You bitch!” asik niya sa akin. Bago pa man niya maitaas ang kamay niya para sampalin ako ay naunahan ko na siya.
“Stella, anong bang nangyayari sayo?!” gulat na tanong ni Ram sa akin. Imbes na sumagot ay sinampal ko din siya.
Narinig ko ang mga pagsinghap ng ibang estudyanteng nanunuod sa amin. “Go, Stella!” sigaw ni Sandra mula sa crowd.
Parehong nakayuko sina Ram at Eunice sa aking harapan. Mukhang alam na nila kung bakit ako nagkakaganito.
“You can fucked all you want. Wala na akong pakialam” madiing sabi ko sa kanila kaya naman mas lalong napayuko si Eunice. Tumulo ang kanyang mga luha.
“Wag mo akong iyakan. Traydor ka!” sita ko sa kanya. Tangkang tatakbo siya palayo duon ng kaagad kong hinigit ang kanyang braso. Ginamit ko ang buong lakas ko para itulak siya palapit kay Ram.
“Hayan, sayo na iyang si Ram, tutal ay mahilig ka naman sa mga tira ko” pangiinsulto ko sa kanya bago ko sila tinalikuran na dalawa.
Nang mga sumunod na araw ay usap usapan ang nangyari sa cafeteria. Marami ang nagalit kay Eunice, pero hindi ko maintindihan sa ibang babae kung bakit mas lalo lang silang nabaliw kay Ram.
“So, you’re single?” tanong ni Adrian sa akin.
Hindi ako umimik. “Ofcourse, she is. Alam naman ng buong campus ang nangyari” sabat ni Sandra.
Tamad ko silang tiningnan na dalawa. Ano bang gusto nila sa akin? Wala na nga akong kaibigan at boyfriend. Bakit ba ginugulo pa din nila ako?
“So, pupunta ka na sa party ko?” nakangiting tanong pa din ni Adrian sa akin. Hindi man lang pinansin ang presencya ni Sandra.
Marahan akong umiling. “Hindi, uuwi ako ng probinsya” tipid na sagot ko sa kanila kaya naman narinig ko ang maarteng pagprotesta ni Sandra.
“Come on, Stella. You are more than that. Wag kang gumaya sa ex bestfriend mong loser. Isa kang Serrano” giit niya sa akin. So what kung Serrano ako? Palakasan ba ang laban dito? Palakihan ng pamilya?
Bago pa man ako nakasagot ay napahinto na kaming tatlo ng makita namin ang pagdaan nina Ram at Eunice. At talagang nagsama na silang dalawa! Hindi man lang nahiya, pinanindigan ang kanilang kahayupan.
“See, ikaw na lang ang hindi nakakamove on. Parang wala sa kanilang dalawa ang nangyari, sila na” si Sandra pa din na mukhang hindi titigil hangga’t hindi ako napipilit.
Naikuyom ko ang aking kamao. Sawang sawa na akong maging talunan at sunod sunuran. Ni hindi man lang nila ako nagawang respetuhin, ang kapal ng mukha nilang gawin ito sa akin kahit sila naman ang may kasalanan.
Matalim akong tumingin kay Adrian. “Sige, pupunta ako” galit na sabi ko pero mas lalong lumaki ang kanyang ngiti.
“Great!” si Sandra na napapalakpak pa!
Simula ng masama ako sa grupo nila Sandra ay may nagbago na sa akin. Hindi ko na lang namalayan, nagising na lang ako isang umaga na masaya ako na kasama sila. Kahit papaano ay naging malaya na din ako.
“Let’s buy that. Hindi dapat tayo nahuhuli” giit nito sa akin.
Dahil sa kanya ay natuto na din akong mamili ng mga designers bag at mga damit. Panay din ang pagshopping namin at bar sa tuwing may libre kaming oras.
“You are doing well in school. That’ good, Stella” puri ni Daddy sa akin ng makauwi kami ni Sera ng bulacan.
Natakot pa ako nung una, buong akala ko ay magagalit siya sa akin dahil sa paghihiwalay namin ni Ram.
“Kamusta nga pala kayo ni Ram, kailan siya bibisita dito?” tanong ni Dad sa kalagitnaan ng aming pagkain.
Napahinto ako at nagulat. Mukhang hindi pa nila alam? Hindi niya sinabi? Mukhang kagaya ko ay takot din siya sa sasabihin sa kanya ng kanyang mga magulang. They’re expecting us to be together. Kahit hindi nila sabihin ng diretso ay alam ko na kung saan patungo ang pagreto na ito…sa kasal.
“Ayos naman po, Dad. Busy siya ngayon” pagsisinungaling ko.
Natahimik na lang si Dad pagkatapos nuon. Pakiramdam ko ay mas ayos na ding wag muna nila malaman. Siguradong malaking gulo pag nalaman niya ang paghihiwalay namin ni Ram. At ano? Pipilitin niya akong makipagbalikan dito matapos ng ginawa niya sa akin?
“Magaling ka na ding manamit, you are really a fast learner” puri ni Sandra sa aking ng magkita kami sa school.
Tipid lang akong ngumiti sa kanya. Hindi ko inakala na magkakalapit kami ng ganito. Knowing her, isa siya sa mga bitch ng school. Palagi pa niya akong inaaway nuon dahil may gusto siya kay Ram. Unexpected friendship is really the best.
Nakikita ko pa din si Eunice sa school. Kung hindi sila magkasama ni Ram ay magisa siya lang siya. Wala din namang pumapansin sa kanya dahil kaming dalawa lang ang palaging magkasama nuon.
Nagiwas na lang ako ng tingin ng mapansin kong magaangat din siya ng tingin sa akin. Nakaupo siya sa pinakadulong upuan, wala kasama at walang kumakausap. She did it to herself though.
Nagkaroon ng ingay sa room ng may pumasok na dalawang lalaki. Lahat ng atensyon ay nasa kanila, bago mukhang. Ganyan talaga pag may bago, nasa kanila ang lahat ng atensyon.
Kagaya ng aking mga kaklase ay napatitig din ako sa mga ito. Naramdaman ko kaagad ang pagsiko ni Sandra sa akin, alam ko na kung ano ang gusto niyang iparating.
“Type ko yung naka blue” nakangising bulong niya sa akin.
Napanguso ako at napatingin sa sinasabi niyang nakablue. Gwapo at maganda ang katawan, kahit simple lang ang suot ay halatang may ibubuga sa buhay. Ofcourse, nasa Ateneo nga pala ako.
Hindi nagtagal ang tingin ko sa sinasabing lalaki ni Sandra. Nalipat kaagad iyon sa katabi nito. Kagaya ng suot niyang black Pierre Cardin collar shirt at dark pants ay maitim din ang aura nito. Mas mukha pa siyang boyolente kay Ram.
May kahabaan ang buhok at kagaya ng kasama ay malaki din ang pangangatawan, kita ko ang mga ugat sa kanyang braso mukhang batak at alaga sa pagwoworkout.
Nanatili ang titig ko sa pangalawang lalaki hanggang sa mapatingin siya sa akin. Kaagad na kumunot ang noo ko ng may mapansin ako. Pamilyar ang kanyang mukha, parang nakita ko na siya pero hindi ko lang matandaan kung saan.
Nagsimula ang klase namin kaya naman nawala ang atensyon ko sa bago naming mga kaklase. Pero ang katabi kong si Sandran ay hindi pa din tumigil, panay ang chat niya sa kung sino para lang makakuha ng impormasyon sa mga ito.
“Sergio Gomez and Frank Del Prado” nakangising bulong niya sa akin.
Tamad ko siyang binalingan. Nakikinig ako sa aming professor pero iyon ang inaatupag niya. Umingay ang buong klase ng ianunsyo ng aming professor ang aming thesis. Anim na tao sa isang group at siya mismo ang mamimili. Habang naghihintay ay panay pa din ang pagkalikot ni Sandra sa kanyang cellphone. Mukhang hindi pa din tapos sa magstalk sa kanyang bagong nagugustuhan.
“Mr. Gomez group” anunsyon ng aming professor.
Tumayo ang lalaking sinasabi ni Sandra para kuhanin ang listahan ng kanyang magiging kagrupo. Sandali niyang tiningnan ito bago siya ngumisi at nagtaas ng kamay sa kanyang kaibigan. Mukhang magkagrupo sila kaya naman natuwa.
“My groupmates would be, Del Prado, Dela Cruz, Esquivel, Saavedra, and Serrano” pagbasa niya kaya naman ang iba sa aming mga kaklase ay nalungkot.
Napapalakpak naman ang aking katabi. Bukod sa kagrupo na niya ang crush niya ay magkagrupo pa kami. Pero hindi lamang iyon, kasama din namin sina Ram at Eunice sa grupong iyon. What a hell of a group.
Maaga kaming pinalabas pagkatapo kaming magrupo. Napaangat ako ng tingin ng tumayo si Sergio at humarap sa amin.
“Cafeteria para sa mga kagrupo ko” nakangising sabi niya. Napasinghap ang ilan sa mga kaklase namin sa likuran, ang lalim kasi ng dimples nito. Bumagay sa kanyang may kakapalang kilay.
“Mukhang loko iyan. Wag ka diyan” bulong ko kay Sandra.
Nagtaas siya ng kilay sa akin. “Try me then?” mapangakit na sabi niya kaya naman napairap ako.
Halos kaladkarin na niya ako patungo sa cafeteria. Ngayon lang siya naexcite na mag meeting about sa group work. Pagkadating namin duon ay nanduon na ang magkaibigan. Nakatayo si Sergio sa harapan ng kanyang kaibigan na tamad na nakaupo.
“Hi, Ako yung Esquivel at ito yung kaibigan ko, Serrano” pagpapakilala ni Sandra sa kanya. Hindi ko alam na kaya pala niyang itago ang bitch mode niya o ganuon lang talaga siya sa mga hindi niya kaclose?
Napangisi si Sergio. “Ang gaganda naman pala ng kagroup ko” pilyong sabi niya. Sinasabi ko na nga ba!
“Oorder kami ng pagkain. Naglunch na ba kayo? My treat”
Marahas na umiling si Sandra. Kumunot ang aking noo, at kailan pa ito pumayag na magpalibre? Kahit nga sa akin ay ayaw niya, ang paliwanag niya ay natatapakan daw ang kanyang ego pag ganuon.
Nagtaas ng kilay si Sergio, mukhang nagkakaramdaman na silang dalawa. “So, care to join me? I only have two hands”
Walang pagdadalawang isip na sumama si Sandra dito. Napairap na lang ako sa kawalan. That was fast, ganuon ba talaga dito?
Sa huli ay naiwan ako kasama ng nakasimangot na kaibigan nito. Si Sandra na din ang bahalang umorder para sa akin. Nagalinlangan pa akong umupo sa harap ni Frank, kung hindi ako nagkakamali sa kanyang pangalan.
Tipid ko siyang nginitian ng makita kong pinanuod niya ang aking pagupo. Nagtaas lamang siya ng kilay sa akin kaya naman nagiwas ako ng tingin. Ang suplado naman nito!
Imbes na makipagtitigan sa kanya at inilibot ko ang aking paningin sa buong cafeteria. Asaan na kaya ang dalawa pa naming kagrupo? Wala si Ram kanina sa klase kaya siguradong hindi pupunta si Eunice dito ng magisa.
“Stella, right?” biglang tanong ni Frank sa akin. Nagulat pa ako nung una, inisip kong mabuti kung nabanggit ko ba ang aking pangalan sa kanya.
Marahan na lamang akong tumango at ipinagsawalang bahala iyon. “Stella Serrano” sagot ko.
Napaayos siya ng upo. “Parang nakita na kita, dati…”
Pinanlakihan ko siya ng mata. Mukhang kagaya ni Sergio ay mabilis din ang isang ito. Ano, pickup lines ba ito?
“I don’t do boyfriends” diretsahang sabi ko sa kanya. Para naman tigilan niya ako kung may balak siya.
Napangisi ito. “Whoa, I’m not hitting on you. You are not my type” diretsahang sabi niya sa akin na may halong panunuya.
Uminit ang magkabilang pisngi ko dahil sa hiya. Bahagya siyang napanguso habang nakatingin pa din sa akin.
“Alam ko na, ikaw yung umiiyak sa elevator” sabi pa niya kaya naman mas dumoble ang hiyang nararamdaman ko.
Hindi ako nagsalita, pero ramdam ko pa din ang paninitig niya. “Kung ako ang boyfriend mo, hindi kita papaiyakin” sabi pa niya na ikinalaglag ng aking panga. Akala ko ba hindi niya ako type?
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro