Chapter 19
Panaginip
Napuno ng luha ang aking mga mata. Nanlabo ang aking paningin dahil dito, mas gusto ko na ito kesa makita ko ng malinaw ang mukha ni Frank. Sinungaling siya, niloko niya ako. Ayoko na sana siyang makita pa, pero heto siya ngayon sa aking harapan at kaming dalawa lang ang nasa loob ng elevator.
"Saan ka pupunta? Tatakas ka?" asik niya sa akin.
Naikuyom ko ang aking kamao. Anong takas ang sinasabi niya? At anong pake niya kung saan ako pupunta?
"Wala ka na duon, at anong tatakas?" laban ko sa kanya.
Umigting ang kanyang panga. Mas lalo akong nagsumiksik sa gilid ng elevator ng humakbang siya palapit sa akin.
"May kasalanan ka. Tatakasa mo ang kasalanan mo?" madiing tanong niya sa akin.
Hindi ko kinaya ang talim at lalim ng tingin niya sa akin. Nakakapanghina, lalo na ang presensya niya. Masyadong malaki ang katawan niya kesa sa akin kaya naman wala na akong ibang makita pa kundi siya.
"Hindi ako tatakas, alam ko ang kasalanan ko" paninigurado ko sa kanya. Patuloy ang pagtulo ng aking mga luha.
Bumigat ang aking pakiramdam dahil sa pagiyak. Pakiramdam ko ah mabibinat pa ako dahil sa pagkakasakit ko kagabi. Gusto ko sanang matiwasay na umalis dito, magpaalam kay Sandra, umuwi sa Bulacan at umalis patungo sa Guam bukas ng magisa.
"Ikukulong kita!" asik niya sa akin.
Bayolente akong napalunok. Tinapangan ko at kaagad na sinalubong ang kanyang mga tingin. "Edi ipakulong mo. Hihintayin ko ba lang, kung gusto mo sumama ka pa pag dinampot ako ng mga pulis" laban ko sa kanyan.
Mas lalong umigting ang kanyang panga. Napasinghap ako ng may lumabas na hikbi sa aking bibig. Gusto ko sanang maging matapang sa kanyang harapan, ngunit dahil sa ginawa kong pagtitig ay para nanaman niya akong nilamon, nalunod nanaman ako sa kanyang mga tingin.
Nanginig ang aking kamao, maging ang aking bibig dahil sa tangkang pagsasalita. Napanuno ng pait ang aking puso kasabay ng pangungulila.
"Kung makapagsalita ka parang napakasama kong tao. Kung akusahan mo ako, parang hindi mo ako niliko!" asik ko sa kanya.
Nanatili ang titig niya sa akin. Nakita ko pa kung paano bayolenteng nagtaas baba ang kanyang adams apple na para bang may bumara sa kanyang lalamunan at hirap din siyang magsalita.
"Sana kinausap mo na lang ako ng maayos. Tutulungan naman kita, hindi yung ganitong pinagmukha mo akong tanga. Binigay ko sayo ang lahat..." sumbat ko sa kanya.
Mas lalong nanginig ang katawan ko ng itukod niya ang kamay niya sa pader ng elevator na para bang hindi siya papayag na makaalis ako.
"Sinabi ko sayong ayoko sa sinungaling" matigas na sabi niya sa akin.
Hinampas ko ang kanyang dibdib. "Sinungaling ka din naman!" akusa ko sa kanya kaya naman napatikhim siya.
Dahan dahan akong nabato ng ilapit niya ang mukha niya sa aking tenga. Ramdam na ramdam ko hininga niya duon. Pero bago pa man siya makapagsalita ay napamura na siya ng tumunog ang elevator.
Sinibukan kong kumawala sa kanya ngunit napaiktad ako ng hampasin niya ang buttons ng elevator dahil kung bakit muling sumara ang pintuan.
"Walang aalis, Stella. Hindi ka aalis" asik niya sa akin.
"Aalis ako. Hindi ba't ayaw mo na akong makita? Hayaan mo na akong umalis magisa!" asik ko sa kanya. Muli siyang humakbang palapit sa akin kaya naman inipon ko ang lahat ng lakas ko para hampasin ang kanyang dibdib palayo sa akin.
Sa laki at lakas ni Frank ay hindi man lang siya natinag. Napahinto ako ng hawakan niya ako sa braso. "Hindi pa ako tapos sayo" madiing sabi niya.
Namanhid ang aking buong katawan. "Ayoko na..." umiiyak na pakiusap ko sa kanya.
Naramdaman ko ang kanyang pagkabato dahil sa aking sinabi. Nanatili ang kanyang titig.
"Wala na akong pakinabang sayo kaya hayaan mo na ako. Hindi naman ako namimilit sayo...naiintindihan ko kung bakit ka galit sa akin"
Sandali akong napahinto dahil sa pagpiyok. "Tama ka naman, walang may kasalanan kung bakit ramdam kong walang nagmamahal sa akin. Pero hayaan mo na ako, wag mo ng ipamukha sa akin na kaya lang ako minamahal dahil may pakinabang ako" pakiusap ko sa kanya.
"Minahal kita, umasa ako sa mga pangako mo. Sabi mo hindi mo ako iiwan, sabi mo hindi tayo maghihiwalay...umasa ako sayo" paalala ko sa kanya.
"Pero hindi pala totoo, kaya nasaktan ako. Hindi pa ba sapat iyon sayo? Pinalayas mo ako, hindi ako tinanggap ng mga magulang ko"
Napuno ng luha ang aking mukha. Ramdam ko ang pamumugto ng aking mga mata dahil sa sobrang pagiyak. Tiningala ko si Frank, hindi ko alam kung totoo bang namumula ang kanyang mga mata o akala ko lang dahil sa aking pagiyak, at hindi malinaw ang aking nakikita.
"Sa sobrang sama ko, magisa ako ngayon. I deserve this right? So let me go, isipin mo na lang na unti unti kong pinagbabayaran ang ilang taong nagkahiwalay si Sera at ang anak niya" pahabol ko pa. Kung gusto niya talaga akong pagbayarin ay pwede na siyang makatulog ng mahimbing.
Humigpit ang hawak niya sa aking braso. "At ikaw pa ang may ganang manumbat ngayon? Bakit, you have a choice back then, Stella. Pero pinili mong gawin iyon para sa sarili mo!" sumbat niya sa akin.
Hindi na lang ako nagsalita, ayoko ng magpaliwanag. Wala din namang saysay, hindi naman ako nandito para magmakaawa sa kanyang magkabalikan kami.
Marahan akong napatango. Partly, ginawa ko nga iyon para sa sarili ko. Para makauwi ako sa Pilipinas ay makasama siya.
"Ginawa ko iyon para sa sarili ko, pero hindi naman ako sumaya" mahinahong sabi ko sa kanya.
Hinampas niya ang pader sa aking gilid kaya naman napapikit ako. "Dahil mali ang ginawa mo"
"Ang mali lang dito ay minahal kita at nagpaloko ako sayo!" laban ko sa kanya.
Tatapusin ko na ito dahil bumibigat na ang pakiramdam ko. Nanghihina na ang aking tuhod. Kung magtatagal pa ay baka hindi ko na mapigilan at tuluyan akong mawalan ng malay sa kanyang harapan. Aalis ako dito ng may dignidad dahil iyon na lang ang meron ako, hindi nagpumilit. Nirespeto ko ang desisyon niyang tapusin ang kung anong meron sa amin.
Muli kong hinampas ang dibdib niya. "Tumabi ka diyan at aalis na ako. Ang baho mo!" asik ko sa kanya.
Kumunot ang kanyang noo, kita kong bahagyang nalaglag ang kanyang panga.
"Anong sabi mo?" madiing tanong niya sa akin.
Tuluyang nanghina ang aking mga tuhod. Ang kaninang kamay kong nagtutulak sa kanya ay kaagad kong ikinapit sa kanyang damit bilang suporta.
"Aalis na ako..." nanghihinang sabi ko. Bago pa man ako makahakbang ay kaagad na akong nawalan ng malay.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog. Basta't naalimpungatan akong may narinig na naguusap sa paligid. Imbes na dumilat ay nakiramdam muna ako. Nakahiga ako sa malambot na sofa, ramdam kong may dalawang tao sa aking gilid na nakatayo.
"May sakit po, Sir Frank. Kaya siguro siya nawalan ng malay" bosea iyon ng isang babae.
Nahigit ko ang aking hininga ng may malakinh palad kong naramdaman sa aking noo. Kay Frank iyon.
"Kailangan na bang dalhin sa hospital? Mataas ba ang lagnat?" seryosong sabi ni Frank.
"Iinom lang po ng gamot pagkagising at pahinga, Sir" sagot ng babae.
Narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto. Ramdam ko pa din ang presencya ni Frank sa aking tabi.
"Kamusta si Stella?" rinig kong tanong ni Sergio sa kung saan.
Tumikhim si Frank. "May sakit" parang galit pang sagot niya dito.
"Wala kasing nagaalaga eh" pangaasar ni Sergio sa kanya.
"Shut up, umalis ka na nga dito" pagtataboy ni Frank sa kanya.
Mas lalo akong pumikit. Ayokong malaman niyang gising ako. "We need to go, importante ang meeting na ito" yaya ni Sergio sa kanya.
Sandaling naghari ang katahimikan sa buong kwarto.
"Should I cancel the meeting? Mukhang mas importante ito para sayo..." Si Sergio pa din.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Frank. "Mas importante ang meeting, magpatawag ka ng pwedeng magbantay sa kanya" seryosong sabi nito.
Nanuyo ang lalamunan ko. Ano pa nga ba ang aasahan ko. Wala namang totoo sa aming dalawa.
"You sure? Alagaan mo muna si Stella" may bahid ng pangaasar pang sabi ni Sergio sa kanya.
Tumikhim si Frank. "May importante pa akong gagawin" sagor ni Frank sa kanya.
Kahit nakapikit ay naramdaman ko ang paginit ng gilid ng aking mga mata. Hindi ako importante sa kanya, alam ko naman iyon pero masakit pa ding paulit ulit na marinig sa kanya.
"You are sure about her, diba? Sabi mo sa akin" paalala ni Sergio dito.
Namanhid ang aking buong katawan. "Akala ko din, but no. She's too dependent to me, masyadong clingy and sweet. I don't like that kind of girl" sabi niya pa dito.
Napatawa si Sergio. "Kaya pala nagnanakaw ka ng lunch box"
Tumikhim si Frank. "What? Nainis lang ako. And Fuck that lunch boxes, that's too corny"
Matapos kong marinig ang lahat ng iyon ay mas lalong naging buo ang aking loob. Hinding hindi na ako magpapakita sa kanya. All this time tinitiis niya lang ang lahat ng ginagawa ko at nagkukunwaring ayos lang.
Tiniis niya ang lahat ng iyon para lang makakuha ng impormasyon. Ayaw niya sa katulad ko, gusto niya yung mga independent na babaeng kayang magdesisyon para sa sarili nila. Ayaw niya sa clingy na kagaya ko dahil naiirita siya.
Kaagad akong umalia duon ng makakuha ako ng tiempo. Wag magalala si Frank dahil narinig ko lahat iyon, sa susunos na gagawin ko iyon para sa lalaki umasa siyang hindi na sa kanya. Nagsayang lang ako ng effort.
Maybe for him, I'm too much. Pero darating ang araw na may lalaking makakaappreciate ng mga ginagawa ko. Baka hindi lang talaga si Frank iyon.
"Pero Dad, kahit naman po maibenta natin ang lahat ng property hindi naman po papayag si Sera na ibenta sa atin ang manufacturing" giit ko sa kanya ng magusap kami pagdating ako sa Bulacan.
Tumikhim siya at sumama ang tingin sa akin. "Pilitin mo, sa atin ang manufacturing na iyon. Magbabayad kamo tayo kahit magkano!" galit na asik niya.
Napabuntong hininga ako at mariing napapikit. "Dad please, tama na po. Hayaan na natin iyon kay Sera. Sa kanya na iyon" pakiusap ko sa kanya. Kailangan niya ding makinig, hindi lahat ng sasabihin niya ay tama.
Napaiktad ako ng hampasin niya ang center table. "Iyan ang problema sayo! Masyado kang mahina, pag sinabi kong pilitin mo, pilitin mo!" galit na asik niya sa akin.
Naikuyom ko ang aking kamao. "Hindi po ako mamimilit Dad, nirerespeto ko po ang desisyon niya" mahinahong sabi ko sa kanya.
Hindi na ako nakagalaw pa ng ibato niya sa akin ang folder na may lamang ilang documento at plane ticket ko.
"Hindi ko kailangan ng opinyon mo. Ang lakas ng loob mong sumuway sa akin, tingnan mo nga ngayon at wala ka namang napala! Mas mabuti pa si Sera!"
Nanatili na lamang akong tahimik habang pinapakinggan ang mga hinaing ni Daddy. Paano kaya kung sinunod ko na talaga siya? Siguro hindi nagkaganito, isang beses akong sumuway sa pagaakalang magiging masaya ako, pero nasira ang lahat.
"Magiingat ka duon, Stella" Si Mommy. Kita ko ang lungkot sa kanyang mukha ng ihatid niya ako pasakay sa sasakyan na magdadala sa akin sa airport kinaumagahan.
Parang wala na akong maramdaman. Awa at pagmamahal kay Mommy. Bumagsak ang kanyang katawan dahil sa sunod sunod na problema namin, kailangan ibenta ang ilang mga property sa Guam at dito sa Bulacan para makabayad ng utang namin.
"Sumama ka sa akin, Mommy" yaya ko sa kanya. Kahit kaming dalawa na lang. Mas magiging matapang ako para sa aming dalawa. Kahit siya na lang, may makasama man lang ako.
Hinaplos niya ang aking pisngi. Tipid siyang ngumiti sa akin. "Bumalik ka dito at wag magtatagal duon. Hihintayin kita" emosyonal na sabi niya sa akin.
Naiyak ako. Ayoko na sanang bumalik at tuluyan ng lumayo. Gusto kong magbagong buhay, iwanan ang lahat ng ito. Pero dahil kay Mommy, hindi ko magawa. Babalik at babalik pa din ako sa kanya.
Walang ni isang luha ang pumatak sa aking mga mata ng sumakay ako sa eroplano. Basta ang alam ko lang ay sobrang bigat ng aking dibdib. Ilang beses akong napabuntong hininga dahil sa hirap sa paghinga. Sobrang lungkot.
Matapos ang halos apat na oras na byahe ay mas lalo kong naramdaman ang pagiisa ng lumapag ang sinasakyan kong eroplano sa Guam. Abala ang mga Tito at Tita ko kaya naman kailagan kong bumyahe magisa pauwi sa dati naming tinutuluyan.
Imbes na magpahinga pagdating duon ay kaagad naming pinagusapan ang magiging plano sa mga property.
"Sayang ang lupa niyo sa may San jose, kung maibebenta lang iyon ay wala na sanang problema" si Tita Helen.
Napatango ako. Bahagyang napahilot sa aking sintido dahil sa pagsakit ng ulo.
"Liblib po kasi ang lugar na iyon, Tita. Ang gusto po kasi ng mga buyer eh yung lupang malapit sa kalsada at maraming tao, para pagtayuan ng negosyo" paliwanag ko.
Sandali pa akong humingi ng paumanhin ng maubo ako. Nakainom na din ako ng gamot bago bumyahe kanina at pagkarating ko dito.
"Edi magtatagal ka dito?" tanong ni Tita sa akin.
"Hanggang sa maayos po ang lahat, at mabuo ang kailangang halaga" sagot ko sa kanya.
Matapos ang paguusap ay hinayaan na din nila akong magpahinga na muna. Nagiwan kaagad ako ng message kay Mommy at kay Sandra na safe akong nakarating.
Lumuhod ako sa sahig para ilabas ang aking mga gamit. Ayokong igala ang paningin ko sa buong bahay, baka maiyak lang ako pag nagsink in nanaman sa akin na magisa lang ako.
Dito na lang ako, wala namang may gusto sa akin duon bukod kina Mommy, Sandra at Alfred. Siguro dito, matututunan kong maging independent. Imbes na malungkot dahil magisa ako ay gagamitin ko na lang iyon para maging matapang ako.
Naging abala ako ng sumunod na araw sa pagaasikaso ng mga property namin, panay din ang meeting ko sa mga potential buyer.
"Kumain na muna tayo, Stella" yaya sa akin ni Tita Helen pagkauwi ko galing sa mga nilalakad.
Naglakad ako palapit sa may lamesa, nakita kong nagtagal ang tingin niya sa akin. "Biglang bumagsak ang katawan mo. Dahan dahan lang..." puna niya sa akin.
Tipid akong ngumiti sa kanya. Sinasadya kong ibalahin ang sarili sa trabaho, sa paraang iyon ay hindi ko napagtutuunan ng pansin na magisa lang ako.
Kumunot ang noo ko ng parang may kung anong humalukay sa sikmura ko ng maayos ko ang niluto ni Tita Helen. Dahil sa pagkaduwal ay kaagad akong napatakbo sa may sink.
"Anong nangyayari sayo, Stella?" nagaalalang tanong niya sa akin. Lumapit pa siya para hagurin ang aking likuran. Halos maiyak na ako dahil sa pagkaduwal.
Nang makabawi ay kaagad kong inayos ang aking sarili. Nanatili ang titig ni Tita sa akin, nakakunot ang noo.
"Buntis ka ba, Stella?" diretsahang tanong niya sa akin.
Nabato ako sa aking kinatatayuan. Namanhid ang aking buong katawan habang nakatingin sa kanya.
"Hindi mo alam?" tanong pa niya sa akin.
Naglaglag ang aking panga. Wala sa sarili akong napahawak sa aking sinapupunan. Paano nga? Paano kung buntis ako, sa ilang beses naming ginawa iyon ni Frank ay hindi ko naman siya nakitang gumamit ng kahit anong proteksyon.
Inasikaso ako ni Tita Helen. Siya pa ang nagpabili ng pregnancy test para masigurado iyon. Tatlong pregnancy test ang pinagawa niya sa akin, pareho kaming napasinghap ng sa pangatlong pagkakataon ay dalawang linya ang lumabas.
"Buntis ka, Stella. Nasaan ang ama niyan?" kaagad na tanong ni Tita sa akin.
Napaluha ako dahil sa halo halong nararamdaman. Sa saya at excitement kahit gulat. At sa lungkot, ang Ama nito? Ayaw niya sa akin, galit siya sa akin.
"Kailangan itong malaman ng mga magulang mo" sabi ni Tita na kaagad kong pinigilan.
"Wag po, Tita..." pakiusap ko.
Bumalik sa akin ang mga alaala ni Sera kung paano niya nalamang buntis din siya dito sa Guam nuon. Kung paano pinlano ni Daddy ang magiging buhay ng anak nito. Ayokong mangyari iyon sa baby ko.
Ayokong mangyari sa akin ang ginawa ko kay Sera at sa anak niya. Takot ako sa karma.
"Kaya ko pong buhayin magisa ang baby ko. Ilalayo po siya ni Daddy sa akin pag nalaman niya ito" umiiyak na pakiusap ko sa kanya.
Mariin siyang napapikit. "At ang ama ng batang iyan?" tanong pa niya.
"Ayaw po niya sa akin, siguradong ayaw niya din sa Baby ko" umiiyak na sagot ko sa kanya. Kaagad niya akong hinila at niyakap ng napahagulgol na ako sa kanya.
"Hindi mo kakayanin ito magisa" sabi niya sa akin. Napahigpit ang yakap ko kay Tita.
Hindi na ako magisa, kasama ko na ang Baby ko. Hindi na ako magiisa.
Panay ang tulo ng aking luha habang nakahiga ako sa aking kama at nakaharap sa may bintana. Hindi ko din maalis ang kamay kong nakapatong sa aking sinapupunan.
Pinaghalong saya, lungkot, at takot ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung saa ako magsisimula. Magkakaanak na ako, kami ni Frank. Pero hindi niya naman ako gusto kaya hindi niya kailangang malaman ito.
"Hindi tayo maghihiwalay, anak" pagkausap ko sa kanya. Sa kabila ng takot, na bumalik sa akin ang ginawa ko duon kay Sera. Isipin ko pa lang na magkakalayo kami ay parang mamamatay na ako.
Hindi maalis ang tingin ko sa sanggol na aking karga. Mahimbing itong natutulog sa aking bisig habang marahan ko siyang isinasayaw.
Marahan ko siyang hinalikan sa noo habang naiiyak. Dahil sa pagdating niya ay nagbago ang aking buhay, nagbago ang pananaw ko sa lahat. Pakiramdam ko ay sapat na sa akin na kaming dalawa na lang ang magkasama, kahit kaming dalawa na lang.
Napaiktad ako ng malakas na bumukas ang pintuan. Kaagad akong pinagharian ng takot ng makita kong si Frank iyon, galit at humahangos siyang lumapit sa akin. Humigpit ang yakap ko sa aking anak.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
Ang kanyang mga mata ay nanatili sa sanggol na hawak ko.
"Nandito ako para kuhanin ang anak ko" matigas na sabi niya sa akin.
Marahas akong umiling. Hindi pwede, sa akin lang ang anak ko. Siya lang ang meron ako, hindi pwede.
"Frank, wag...please. Siya na lang ang meron ako, Parang awa mo na" umiiyak na pakiusap ko sa kanya ng pilitin niyang inagaw ang anak ko sa akin.
Hindi siya nagpatinag, sa takot na masaktan ang bata ay lumuwag ang aking hawakan dahilan para makuha niya iyon ng tuluyan sa akin.
"Please Frank, hindi ka namin gugulihin. Ibalik mo na siya sa akin, siya lang ang meron ako" pagmamakaawa ko.
Sumama lang ang tingin niya sa akin. "Walang matitira sayo" makahulugang sabi niya sa akin bago siya tumalikod at inilayo ang anak ko sa akin.
"Frank, wag! Ang baby ko!" umiiyak na tawag ko.
"Wag!"
"Stella...Stella, nananaginip ka" nagaalalang suway sa akin ni Tita Helen.
Nagising akong umiiyak at habol habol ang aking hininga. Mabilis akong napayakap sa kanya.
"Kukunin nila sa akin ang Baby ko" umiiyak na sumbong ko sa kanya.
"Shhh...walang kukuha sa baby mo" pagaalo ni Tita sa akin pero patuloy lang ang pagagos ng aking luha.
Napayakap ako sa aking sinapupunan. Hinahabol na ako ng kunsensya at takot.
"May maganda akong balita sayo, tumawag ang Mommy mo. May bumili ng lupa niyo sa may San jose" nakangiting sabi niya sa akin na para bang gusto niyang gamitin iyon para aluin din ako.
Napapahid ako ng luha sa aking pisngi. "Po, agad agad? Sino po?" marahang tanong ko sa kanya.
Kumunot sandali ang noo ni Tita na para bang may inaalala.
"Frank Del Prado daw" sagot niya na mas lalo kong ikinatakot.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro