Chapter 17
Sayang
Dahil nakatulog ako buong maghapon ay hindi kaagad ako dinalaw ng antok. Patay na ang ilaw sa may sala, mukhang natutulog na si Alfred. Kanina ay naririnig ko pa ang tunog ng pamaypay niya, ngayon ay wala na. Bigla tuloy akong nahiya, ako na nga itong nakikituloy ako pa itong mag electricfan.
Napaayos ako ng higa at tumagilid paharap sa may bintana. Ang daming bituin sa langit, nitong mga nakaraang gabi ay palaging umuulan. Buti naman ngayon ay hindi na. Ganuon siguro talaga, parang buhay ng tao. May oras na babagsak ka at mawawala, pero makakabalik at makakabangon din.
Sino kaya ang nagnakaw ng lunchbox ni Alfred? Napakawalang hiya naman nun, lalo na kung napagtripan lang siya. Hindi naman iyon maiiwasan sa workplace lalo na at mabait si Alfred.
Nakatulog ako ng gabing iyon ng kung ano anong iniisip. Pinilit kong makatulog ng makaramdam ako ng gutom, imbes na tumayo pa at maghanap ng makakain ay mariin na lang ako pumikit at pinilit ang sarili na matulog.
"Ang aga mong nagising" puna ni Alfred sa akin pagkalabas ko ng kwarto. Naabutan ko itong nagkakape na sa may sala.
Ngumiti ako sa kanya at dumungaw sa may bintana. Tama siya, madilim pa sa labas. Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at lumapit sa may lamesa.
"Gusto mo ng kape o tsokolate?" tanong niya sa akin.
Kaagad akong lumapit sa kanya at tumabi. Dinungaw ko ang pagpipiliin, gusto ko ng kape pero gusto ko din ng tsokolate.
"Maiinit na tsokolate na lang" sagot ko.
Hindi ako umalis sa tabi niya. Pinanuod ko siyang gawin iyon. Naramdaman ko ang pagtingin ni Alfred sa akin, nagtataka siguro kung ano pang ginagawa ko sa tabi niya.
Tiningala ko siya at nginitian. "Nagugutom na ako" sabi ko sa kanya.
Mas lalong lumaki ang ngisi nito sa akin. Ganito kami dati, hindi ako nahihiyang magsabi sa kanya ng tunay kong nararamdaman. Kaya siguro hanggang ngayon ay ganuon pa din.
Hinintay ni Alfred na maubos ko ang aking inumin bago niya ako niyaya na lumabas at magtungo sa may bakery sa kabilang kanto. Dahil maaga pa at pasikat pa lang ang araw ay naramdaman ko kaagad ang lamig pagkalabas namin ng pinto.
"Teka, may kukuhanin lang ako" paalam niya sa akin at muling pumasok sa loob.
Pagkalabas niya ay may dala na siyang jacket, siya pa mismo ang nagsuot nuon sa akin.
"Ang payat payat mo kasi, ayan tuloy mabilis kang ginawin" pangaasar niya sa akin.
Halos magkasing laki lang sila ng katawan ni Frank, kaya naman nagmukha nanamang duster ang pinasuot niyang jacket sa akin.
"Ingat, madilim" sabi niya sa akin habang pababa kami sa makipot at madilim na hagdan.
Bago pa man ako makahawak sa pader ay mabilis ng kinuha ni Alfred ang aking kamay.
"Madumi ang pader" sabi niya kaya naman napanguso ako.
Tsaka niya lang binitawan ang kamay ko ng tuluyan na kaming makababa. Mabilis siyang nagiwas ng tingin sa akin at itinago pa ang kamay sa bulsa ng kanyang suot na maong shorts.
Kung makapagalaga siya ay akala mo kung sino akong ayaw niyang madumihan. Napapangiti na lang ako pag naaalala kong mas malala pa siya nung college kami.
Maaga pa pero madami ng tao sa mah bakery. Malayo pa lang kami ay amoy ko na ang bagong lutong pandesal, ang sarap ng amoy nuon.
"May gusto ka?" tanong niya sa amin ng makalapit kami sa estante ng mga tinapay.
Iginala ko ang aking mga mata, ramdam kong pinapanuod ako ni Alfred habang pumipili. Nakakita ako ng choco crinkles, gusto ko sana nuon kaso nakakahiya naman kay Alfred. Wala pa naman akong dalang pera.
Nagulat ako ng ituro niya ang tinitingnan ko. "Hindi ba't gusto mo iyan?" turo niya sa choco crinkles na halos matunaw na sa pagkakatitig ko.
Marahan akong umilig bilang sagot. Nanatili ang tingin ko duon, tsaka lang ako ng angat ng tingin ng matawa siya.
"Tsaka po, lima nung choco crinkles" nakangising sabi niya sa tindera.
"Hala, hindi na Alfred" pagpigil ko sa kanya, nagtaas siya ng kilay sa akin. "...kahit isa lang" nahihiya ko pang dugtong.
Uminit ang pisngi ko ng mas lalo siyang mapatawa. "Pwede mo namang kainin mamaya ang hindi mo mauubos" sabi niya sa akin kaya naman natahimik na lang ako.
Unti unti ng sumisikat ang araw ng naglalakad kami pabalik ng apartment. Mula sa malayo ay natanaw na din namin ang pagbubukas ng sari sari store at karinderya ng Tiya Choleng niya.
Diretso ang tingin ko duon hanggang sa makuha ng lalaking nakatayo at nakahilig sa itim na sasakyan ang aking pansin. May hawak siyang baso at marahang sumisimsim habang nakatingin sa amin, sa akin.
Bumaba ang tingin ko sa kanyang hawak na cellphone na nakatapat sa aming gawi. Kumukuha ng litrato?
"Halika, Stella" tawag ni Alfred sa akin ng mapansin niya bumagal ang lakad ko dahil sa pagtingin ko sa lalaki.
Nang mapansin ang lalaking iyon ang paninitig ko ay umayos siya ng tayo at tumalikod sa aking gawi. Bakit pakiramdam ko palaging may nanunuod sa akin? Hindi ko lang sinasabi dahil parang ang feelingera ko naman, hindi naman ako importanteng tao para may sumunod sa akin.
"Noy, asaan na si Tiya?" tanong ni Alfred sa lalaking nagpunas nuon ng lamesa nung kumain ako dito sa karinderya.
Bago sumagot kay Alfred ay nalipat muna ang tingin niya sa akin. Tumikhim si Alfred kaya naman muling bumalik ang tingin ni Noy dito at sumagot.
"May sakit si Tiya, baka hindi nga makapagluto" pamomorblema niya.
Nakita ko kaagad kung paano naging alerto si Alfred dahil sa narinig. Isinama niya ako papasok sa may karinderya kung nasaan ang pinto papasok sa bahay ng kanyang Tiya.
Naabutan namin itong nagkakape, at panay ang hawak sa kanyang batok.
"Tiya, ano pong nangyari?" si Alfred.
Nanatili akong nakatayo sa may pintuan, tahimik habang hawak ang plastick na may lamang choco crinkles ko.
Sumama ang pakiramdam ni Tiya Choleng, base na din sa kwento niya. Mukhang higblood o baka daw over fatigue kaya naman kailangan niyang magpahinga.
"Aabsent na lang po muna ako ngayon" rinig kong sabi ni Alfred kaya naman nagangat ako ng tingin sa kanila.
Mabilis na umiling si Tiya Choleng. "Ang problema lang naman ay walang magluluto, kaunti lang siguro ang kakayanin ko"
Humakbang ako isang beses, alam kong hindi magandang sumabat sa usapan nila pero gusto kong magalok ng tulong.
"Pwede po akong tumulong sa pagluluto"
Napatingin silang dalawa sa akin. Kita ko ang gulat sa mata ni Alfred, akala niya siguro ay hindi pa din ako marunong. Kahit may iniindang sakit ay nagawa pa ding magtaas ng kilay sa akin ni Tiya Choleng, hindi ata naniniwalang kaya kong magluto.
Ayaw pa sana ni Alfred pero ako na mismo ang nagpresinta. Sandali siyang nagpaalam sa amin para makapagayos, wala dapat siyang pasok ngayon pero ipinatawag siya.
"Natapos ko na itong iba, kaya mo ba talaga?" tanong ni Tiya Choleng sa akin. Ngumiti ako at tumango sa kanya.
Nanatili siyang nakaupo sa may lamesa at pinapanuod ang ginagawa ko. Minsan ay tinuturuan niya ako, sa kanya ko din ipinapatikim kung tama na ang lasa ng ginagawa ko.
Napatango ito matapos kong ipatikim sa kanya ang sabaw ng sinigang na ginawa ko. "Magaling ka din palang magluto, ang sabi ni Alfred nuon ay hindi" puna niya sa akin.
"Nagaral po akong magluto nung nasa Guam kami" nakangiting sagot ko sa kanya at ipinagpatuloy ang aking ginagawa.
Si Noy ang naglalabas ng mga nailuto namin, bukod sa kanya ay may isang babae pa ang tumutulong pag may costumer.
"Para sa nobyo mo?" pagbasag niya sa katahimikan.
Sandali akong napahinto sa pagluluto. Bumigat ang dibdib ko ng maalala ko ulit si Frank. Nagaral akong magluto para sa kanya, hindi ko maipagkakaila iyon.
"Anong nangyari sa inyo ng nobyo mo? Sa itsura mo nung gabing dinala ka ni Alfred dito ay parang pinalayas ka. Pinalayas ka?" panguusisa ni Tiya Choleng ng hindi ako nakasagot sa una niyang tanong.
"May kasalanan po kasi ako" malungkot na sagot ko sa kanya at itinuon ang buong atensyon ko sa aking ginagawa.
"At hindi ka pinatawad?"
Nilingon ko siya at tipid na nginitian. Marahan akong umiling bilang sagot.
Napanguso ito at sumimsim sa kanyang iniinom. "Pag mahal mo ang isang tao, kayang kaya mong patawarin siya" paguumpisa niya.
Tama siya. Kasi kahit nalaman kong ginamit lang ako ni Frank, mapapatawad ko siya, alam ko.
"Ang tanong, minahal ka ba ng nobyo mong iyon?" tanong pa niya ulit na nagpatigil sa akin.
Hindi, hindi ako minahal ni Frank. Nagilusyon lang ako na mahal niya ako. Akala ko pagmamahal na iyong naramdaman ko sa kanya. Masyado lang akong nasabik na mahalin kaya naman lahat ng ipinakita niya sa akin ay inakala kong dahil mahal niya ako.
"Mukha ka namang mabait na bata. Wag kang magalala at may darating din na taong magmamahal sayo" pangaral ni Tiya Choleng sa akin kaya naman napangiti ako habang medyo napaluha. Sana nga.
Nang matapos ko na ang aking ginagawa ay saktong pumasok si Alfred sa may kusina ng karinderya. Bagong palagi at handang ng umalis. Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang lumang lunchbox, maliit iyon kesa sa binili ko para sa kanya. Bitin nanaman ang kanin niya dito.
"Anong babaonin mo?" tanong ko sa kanya.
Hindi na siya nakapalag pa ng kuhanin ko sa kanya ang lunch box at ako na ang naglagay ng kanin. Lumapit si Alfred sa akin at pinanuod ang ginagawa ko.
"Ano bang niluto mo duon?" tanong niya sa akin.
"Yung sinigang tsaka yung adobo, at yung isang gulay" sagot ko sa kanya.
"Isa sa mga niluto mo" sagot niya sa akin kaya naman kaagad akong ngumiti, siya ang unang bibili ng ulam na niluto ko.
"Aba, Alfred ayaw mo na ng luto ko?" Sita sa kanya ng kayang Tiya Choleng na ikinatawa ko, napakamot naman ng batok si Alfred dahil dito.
Nang magpaalam si Alfred ay nagpaalam na din muna akong aakyat sa itaas at maliligo. Wala pa naman akong plano ngayon dahil sa susunod na araw pa ang dating ni Sandra, naisip kong tumulong na muna sa may karinderya.
Tuwang tuwa si Noy ng malamang magtatao din ako duon. Hindi pa sana papayag si Tiya Choleng. "Diyan ka lang at taga bigay ng ulam. Baka maubos ang plato ko sayo" sabi niya sa akin kaya naman napangiti na lang ako.
Mas lalong dumami ang tao ng sumapit na ang tanghali. Imbes na mapagod at magreklamo ay mas naengganyo pa ako. Unang beses ko itong nagawa, masaya din pala.
"Ang daming costumer, ang ganda daw ng bagong tindera" sabi ni Noy sa akin.
"Aba't magtigil ka nga diyan Noy, magtrabaho ka duon" masungit na suway ni Tiya Choleng dito.
Napatigil kaming tatlo ng may lalaking lumapit sa may counter. Ngumiti ako sa kanya habang pumipili siya ng ulam. May nakatapat na cellphone sa kanyang tenga. Baka may nagpapabili lang sa kanya.
"Ikaw ang nagluto nito?" tanong niya na ikinagulat ko.
Marahan akong umiling. Tinuro ko sa kanya ang mga putaheng ako mismo ang nagluto. Mukhang narinig naman iyon ng kausap niya kaya naman napatango tango na lang ang lalaki sa aking harapan.
"Bibilhin ko ang lahat" siretsahang sabi niya na ikinalaglag ng panga ko.
Narinig ko pa ang pagkahulog ng ilang tinidor at kutsara na hawak ni Noy.
"Ang lahat ng tinda namin?" si Tiya Choleng.
Umiling ang lalaki. "Ang luto lang niya" turo niya sa akin.
Tahimik lang ako habang binabalot namin ang order ng lalaki. Tuwang tuwa naman si Tiya Choleng, mukhang maaga daw mauubos ang mga tinda kaya naman maaga din kaming magpapahinga.
"Baka nagandahan kay Stella" si Noy ng mawalan na ng tao sa karinderya at kami naman ang kumain ng tanghalian.
"Ay naku, sinong siraulo ang bibili ng lahat ng luto ni Stella?" paguumpisa ni Tiya Choleng na ikinatawa namin.
"Kung ako ang lalaki, kahit gustong gusto ko ang babae hindi ko bibilhin ang lahat ng luto niya noh!" segunda pa niya.
Kaagad na nagprotesta si Noy. "Kung madami lang akong pera, bibilhin ko din ang lahat ng niluto ni Stella" pagbibida nito kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Tiya Choleng.
"At bakit, aber? Mauubos mo bang lahat iyon?"
Umiling si Noy. "Hindi po, pero syempre gusto ko ako lang ang makatikim ng luto ni Stella" pagdadahilan niya kaya naman kaagad siyang nakatanggap ng mura mula kay Tiya.
"Aba't hindi ka na normal, may tama ka na" asik niya dito na ikinatawa naming apat.
Ganuon ulit ang nangyari ng sumunod na araw sa kaparehong lalaki. Binibili niya ang lahat basta luto ko lang, hindi ko alam kung bakit at ano ang trip niya kaya naman sa pangatlong araw ay sinagot ko na siya.
"Ano ang niluto ko sa mga ito?" tanong niya sa akin.
"Wa...wala" pagsisinungaling ko. Titingnan ko lang kung bibili pa siya.
Tumagal ang tingin niya sa mga ulam hanggang sa umiling na lang siya.
"Bibili po kayo?" tanong ko.
"Hindi na" sagot niya at kaagad na umalis.
Sinundan ko siya ng tingin. Palabas pa lang siya ng karinderya ng may tinawagan na siya sa kanyang cellphone. Ang weird na talaga ng mga tao dito, sana ay dumating na si Sandra.
Nang tuluyang gumaling si Tiya Choleng ay pinahinto na din ako ni Alfred na tumulong duon.
"Darating si Sandra, yung kaibigan ko. Kukuhanin daw niya ako" paalam ko sa kanya.
Nakita ko ang pag guhit ng lungkot sa kanyang mukha. Ako din naman ay nalulungkot, kahit sandali lang kaming nagkasama dito ay nagustuhan ko na dito sa lugar nila.
"Palagi pa din kitang dadalawin dito, hindi ba't magkaibigan naman tayo?" tanong ko sa kanya.
Pumungay ang kanyang mga mata at marahang tumango. "Magkaibigan tayo..." paguulit niya.
Biglang sumikip ang dibdib ko, pakiramdan ko nasaktan ko siya. Pakiramdam ko may kasalanan ako sa kanya.
"Alfred, I'm sorry...sa ginawa ko nuon"
Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Sa huli ay tipid siyang ngumiti sa akin.
"Matagal na kitang napatawad, Stella. Mahal kita kaya naman kahit sinaktan mo ako nuon, napatawad kita" makahulugang sabi niya sa akin. Nanuyo ang aking lalamunan, ito yung pagmamahal na sinasabi ni Tiya Choleng.
"At wag kang magalala. Mahal pa din kita, at tanggap kong may iba ka ng mahal. Ang gusto ko lang ngayon ay maging masaya ka" pahabol pa niya. Hindi ko na napigilang maiyak dahil sa sinabi niyang iyon.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili at kaagad na napayakap kay Alfred. Isa siya sa mga taong nagparamdam sa akin na may karapatan akong pumili. At ang sabihin niya sa akin ngayon na nirerespeto niya ang nararamdaman ko ay malaking bagay para sa akin.
Sana pwedeng turuan ang puso. Na sana si Alfred na lang ulit ang mahal ko, kung pwedeng siya na lang ulit. Pero hindi.
"You deserve to be happy, Stella. At sapat na sa aking makita na sumaya ka, kahit hindi dahil sa akin" malungkot na sabi niya.
Mas lalo akong naiyak. Hindi siya nagbago, siya pa din yung Alfred na minahal ko nuon. Ang nagbago lang, hindi na siya yung tinitibok ng puso ko ngayon.
"Shh, tahan na. Ayokong umiiyak ka" pagaalo niya sa akin. Naramdaman ko pa ang paghaplos niya sa aking buhok.
"Ginawa ko iyon nuon dahil ayokong mahirapan ka. Tinakot ako ni Daddy na kung hindi kita iiwan ay sisirain niya ang buhay mo" pagamin ko. Ilang taon kong kinimkim iyon. Ngayon, deserve ni Alfred na malaman ang dahilan ko.
Umigting ang kanyang panga, mariin siyang napapikit at napamura. Wala akong ibang naintindahan sa mga sinabi niya kundi ang salitang...
"Sayang..."
Sayang dahil hindi ko sinabi sa kanya ang totoo. Na kung iyon lang daw naman pala ang dahilan ay wala siyang pakialam. Mas lalo akong nasaktan ng makita ko ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.
Hindi naging madali ang pagalis ko aa poder ni Alfred, lalo na at napamahal na din ako sa kanyang Tiya Choleng sa maiksing panahon na iyon.
"Basta at babalik ka" sabi nila sa akin.
Kaagas akong tumango at yumakap kay Tiya Choleng, naghihintay na ang itim na SUV ni Sandra.
"Wag kang magalala, magdadagdag kami ng tauhan para sa kampanya ni Daddy. Kukuhanin natin si Alfred para lagi pa din kayong magkita" sabi ni Sandra sa akin ng makita niyang naiiyak na ako.
Ramdam ko ang lungkot sa mga mata ni Alfred pero nagawa pa din niyang ngumiti sa akin.
"Mas bagay ka sa condo ni Sandra, hindi ka bagay sa apartment ko" pangaasar niya sa akin.
Mas lalong tumulo ang aking masasaganang luha. Hindi na ako nagdalawang isip pang yakapin si Alfred, kahit nasa tabi kami ng kalsada. Gusto kong malaman niyang, kagaya niya. Minsan ko ding pinangarap ang simpleng buhay kasama siya.
"Naiiyak na ako, tigilan niyo na iyan" suway ni Sandra sa amin.
Napasinghap si Alfred. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo. Siya lang ang nasa tabi ko nung wala akong kasama, nung pinalayas ako ni Frank at hindi ako makauwi sa amin.
"Bibilhan kita ng bagong lunch box, promise" sabi ko sa kanya habang nagpupunas ng aking luha.
Natawa siya. "Baka maubos ang pera mo kakabili ng lunch box ko" makahulugang sabi niya na hindi ko kaagad napansin.
Niyakap ako ni Sandra at inakay papasok sa kanyang SUV. Pinagbuksan kami ng pinto ng kanyang driver.
"Tahan na..." marahang pagaalo ni Sandra sa akin.
Dinala niya ako sa kanyang condo. Mas malaki iyon sa apartment ni Alfred pero bigla kong namiss iyon.
"Saan ang mga ito, Ma'm?" tanong ng driver ni Sandra.
"Natural sa itaas" masungit na sagot niya dito.
Kumunot ang aking noo. Ito ata yung sinasabi niyang kinaiinisan niyang tauhan nila sa probinsya. Sinundan ko iyon ng tingin, bakit parang hindi naman mukhang driver. May itsura at malaki din ang katawan.
"Napakagago ng magkaibigan na yan. Wag na wag ko lang talaga sila makita na dalawa, lalo ba yang si Frank" nanggigigil na sabi ni Sandra ng maikwento ko na sa kanya ng buo ang lahat.
Matapos niyang manggalaiti ay kaagad siyang tumayo at inaya akong lumabas. Ganitong ganito siya pagstress at alam ko na kaagad ang gagawin namin sa mall.
"Mag shopping tayo. At mamayang gabi, isasama kita sa bar. Mag party tayo at maghahanap tayo ng lalaki!" asik niya at hindi na ako nakapagprotesta pa.
Buong akala ko ay didiretso kami sa mga botique na gusto niya. Kumunot ang noo ko ng makita kong sa panlalaking section siya dumiretso.
"Bagay ito kay Cedrick" sabi niya sabay turo ng damit panlalaki. Kumunot ang aking noo.
"Yung body guard mo?" tanong ko na kaagad niyang ikinatango.
"Baduy manamit, ayoko ng may kasama baduy" maarteng sabi niya sa akin kaya naman pinanliitan ko siya ng mata.
Hinampas niya ako sa braso. "Wag mo ako itulad sayong baliw kay Frank" pagpapaalala pa niya sa akin sa kung paano ko din bilhan si Frank ng damit nuon.
Naitikom niya ang kanyang bibig. At pinanlakihan ako ng mata. "Sige, ipili mo si Alfred at ako ang magbabayad" sabi niya pa sa akin kaya naman sinimangutan ko siya.
Matapos naming mamili ay nagyaya naman siyang kumain. "Seafoods gusto mo?" tanong niya na kaagad kong inilingan. Isipin ko pa lang ang pagkaing itinuro niya ay para na akong masusuka.
Panay ang kwento ni Sandra sa akin tungkol sa mga business trip niya ng pareho kaming mapahinto na dalawa ng makita namin kung sino ang papasok sa restaurant.
"Shit" sambit niya.
Ang magkaibigang si Frank at Sergio iyon. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Nagiwas kaagad ako ng tingin ng igaya sila ng waiter sa sumunod na lamesa malapit sa amin.
"Wag kang lilingon. Ako na ang bahala" sabi ni Sandra na ikinakunot ng aking noo. May dinial siya sa kanyang cellphone at nalaman kong ang driver niya iyon.
Bumagsak ang tingin ko sa lamesa. Gustong gusto kong tumingin sa kanilang gawi, pero natatakot akong magtagpo ang aming mga mata. Baka maiyak lang ako.
"Cedy, come here baby" mapanuyang bulong ni Sandra ng makitang papasok na ang body guard niya.
"Yes, Ma'm?"
"Wag mo akong i-Ma'm gago, tabihan mo si Stella" utos niya dito na ikinalaglag ng aking panga.
Hindi kaagad nakagalaw si Cedrick dahil aa pagkalito. Pero mas lalo kaming napahinto ng may isa pang lumapit sa aming lamesa. Mas lalong nalaglag ang aking panga.
"Stella..." tawag ni Ram sa akin.
Maging si Sandra ay laglag ang panga. Gulat din sa mga nangyayari. At dito pa talaga. Nakabawi lang kami ng marinig namin ang tawa ni Sergio sa kabilang lamesa. Siya na lang ang nanduon, wala na siyang kasama.
Hindi nagtagal ay may lumapit na waiter sa amin. "I'm sorry Ma'm close na po ang restau..." alanganing sabi nito.
"Anong..."
"Reserved na po kay Mr. Del prado ang buong restaurant" sagot niya sa amin na ikinalaglag ng aking panga.
Napahampas si Sandra sa lamesa. "Tangina, hindi ako aalis dito" matigas na sabi niya.
"Girls can stay. Boys, out" nakangising parinig ni Sergio mula sa kabilang lamesa.
Naikuyom ni Sandra ang kayang kamao. "Balik niyo muna lunch box ni Alfred" balik na parinig niya dito. Naikwento ko din iyon sa kanya. Napahalakhak si Sergio.
Ang mga ito talaga! Parang mga bata!. Hanggang sa napahawak ako sa aking sintido ng maramdaman ko ang pagikot ng aking paningin.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro