Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

Lunch box







Ilang minuto akong nakatitig sa kawalan simula ng magpaalam si Alfred na aalis na para sa trabaho. Paulit ulit kong iniisip ang singsing na sinasabi niya. Kaya ba may dala ding bulaklak si Frank kahapon? Mag propropose kaya siya sa akin? Pero ang sabi niya hindi niya ako mahal.

Napabuntong hininga na lamang ako at pilit na inalis iyon sa aking isipan. Desisyon ni Frank na alisin ako sa buhay niya. Duon siguro siya magiging masaya. Anong karapatan kong pigilan siya at ipilit ang aking sarili. If the feelings is no longer mutual, I think the best way is just to leave.

O naging mutual ba talaga ang feelings namin? Mukhang ako lang naman ang nagmahal sa kanya, siya hindi niya ako minahal. Ginamit niya lang ako para sa impormasyon. At ngayong wala na akong pakinabang ay hindi niya na ako kailangan.

Imbes na dahan dahang mamatay sa kakaisip nuon ay nilibang ko na lamang ang sarili ko sa paglilinig ng apartment ni Alfred. Mukha ngang uuwian niya lang ito sa gabi para matulog. Pagkatapos ay aalis din sa umaga para naman magtrabaho buong araw.

Nang matapos ako at makaligo na ay ako na mismo ang bumaba sa may karinderya. Nahihiya naman akong may maghatid pa sa lunch ko, eh kaya ko namang bumaba at  kuhanin iyon.

"Magandang tanghali po" bati ko sa isang may edad na babae.

Nagtaas siya ng kilay sa akin ng balingan ako ng tingin. Nakasuot ito ng duster at may apron. Nakataas din ang kanyang buhok, parang ang sungit.

"Ikaw ba yung binilin ni Alfred?" masungit na tanong niya sa akin.

Muntik pa akong mautal dahil sa takot sa kanya. "Opo, ako po...Stella po ang pangalan ko" magalang na pagpapakilala ko sa kanya.

Sandali niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Muling bumalik ang tingin niya sa aking mukha at naningkit ang kanyang mata.

"Buntis ka?" diretsahang tanong niya na ikinalaki ng aking mga mata. Mabilis akong umiling pero nagpatuloy siya sa pagtanong.

"Nabuntis ka ng pamangkin ko?" mas nakakatakot na tanong niya sa akin.

"Naku, hindi po" laban ko.

Inirapan niya ako pagkatapos nuon. Napabuntong hininga siya na para bang nakahinga siya ng maluwag dahil sa nalaman.

"Umupo ka na dito at ipapahatid ko ang pagkain mo" sabi pa niya bago ako tinalikura dala ang mga pinagkainan ng huling kumain sa may lamesa.

Umupo ako sa kulay pulang lamesa. Iginala ko ang paningin ko, madami din ang kumakain sa karinderya. Maganda ang pwesto dahil katabi ng kalsada. Hindi din mainit dahil may tent naman na mukhang sponsor din kung saan nanggaling ang lamesa.

"Hi" bati sa akin ng lumapit na lalaki. Kagaya ni Aling Choleng ay naka sauot din ito ng apron. May dala siyang basahan para punasan ang lamesa.

"Hi" nakangiting bati ko sa kanya pabalik at sandaling umusog para magawa niya ang gagawin niya.

"Girlfriend ka ni Kuya Alfred?" tanong niya sa akin.

Marahan akong umiling. "Kaibigan" tipid na sagot ko. Hindi ako sure kung iyon nga ang turing ni Alfred sa akin. Pwede bang maging magkaibigan ang mag ex?

Kung ganuon, pwede din ba kaming maging magkaibigan ni Frank soon? Hindi! Ayoko!

Tumaas ang kilay niya at tsaka tumango. Hindi pa siya tapos sa ginawa ng biglang bumalik si Aling Choleng, siya na mismo ang nagdala ng tray na may dalang pagkain para sa amin. Nakanguso ang kanyang mga labi na para bang tamad na tamad siya.

"Binayaran na ito ni Alfred. Kung may gusto ka pa, ililista ko na lang sa utang niya" seryosong sabi niya sa akin pagkalapag ng pagkain.

Isang cup ng kanin, adobo ang ulam, may saging, at softdrinks pa.

"A...ayos na po ito. Salamat po" nahihiyang sabi ko sa kanya. Maging sila tuloy ay nadadamay sa pagiging maalaga ni Alfred, ganuon naman talaga siya nung naging kami.

Nakita ko kung paano niya itinaboy ang lalaking nagpunas ng lamesa. Pagkaalis nito ay humalukipkip si Aling Choleng sa aking harapan.

"Kilala kita. Ikaw yung dating nobya ni Alfred, yung matapobre" paguumpisa niya na ikinalaki ng aking mga mata.

Napaayos ako ng upo at balak ko sanang magpaliwanag. Hanggang sa maalala kong ganuon nga pala ang iniwan kong imahe sa kanya ng makipaghiwalay ako sa kanya nuon. Pinaniwala ko siyang nakikipaghiwalay ako dahil mahirap siya.

Itinikom ko na lamang ang aking bibig at tahimik na nakinig sa kanyang tiya. Nasa probinsya ang mga kapatid ni Alfred maging ang kanyang mga magulang. Lumuwas siya dito sa Manila at tumira sa kanyang Tiya. Siya siguro yung Tiya na sinasabi ni Alfred. Yun ay base sa kwento niya sa akin.

"Nakita ko kung paano halos mapariwara ang buhay ng pamangkin ko dahil sa paghihiwalay niyo. Nito lang siya nakabawi ay nakahanap ng magandang trabaho. Sa mga nagdaang taon ay wala siyang naging matinong pinapasukan, ngayon lang" paguumpisa niya.

"Kung wala ka din namang balak na balikan ang pamangkin ko, wag mo na sana siyang paasahin. Baka masira nanaman ang buhay niya. Kailangan siya ng pamilya niya sa probinsya" pahabol pa niya kaya naman bumagsak ang mga mata ko sa pagkain na nasa aking harapan.

Wala akong masabi kaya naman nanatili akong tahimik. Napabuntong hininga na lamang ang kanyang Tiya Choleng at naiiling na umalis sa aking harapan.

Hindi ko sila masisisi. Ang hindi ko lang natanggap ay ang hindi ko pagkamusta kay Alfred matapos ng ginawa ko sa kanya. Ni hindi ko man lang naisip kung ano ang epekto niya sa naging desisyon kong hiwalayan siya. At ngayon, narinig ko mula sa Tiya niya ang ilan sa mga nangyari. Mukhang hindi maganda.

Pinilit kong kumain. Pagkatapos nuon ay nagpasalamat pa ako sa lalaking lumapit sa aking lamesa at kumuha ng pinagkainan kong plato. Hindi na ulit lumabas pa si Aling Choleng kaya naman nagpasya na akong bumalik sa itaas.

Bago umalis ay napakunot pa ang noo ko ng maabutan ko ang tingin ng isang lalaking kumakain din si karinderya. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay kaagad siyang nagiwas ng tingin. Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon at nagpatuloy sa itaas.

Saktong pagpasok ko ay naabutan kong tumutunog ang aking cellphone. Unknown number iyon. Nagdalawang isip pa akong sagutin nung una, pero sa huli ay tinaggap ko din ang tawag.

"Hello..."

"Kumain ka na?"

"Alfred? Oo, kumain na ako" kaagad na sagot ko ng makilala ko ang kanyang boses.

Bahagya pa siyang natawa sa kabilang linya.

"Lunch break niyo na?" panguusisa ko. Medyo nakakainip magisa sa loob ng apartment kaya naman ayos lang siguro kung kausapin ko siya kahit sa tawag lang.

"Oo, sino naghatid ng pagkain?" tanong niya sa akin.

Hindi pa kaagad ako nakasagot ng marinig kong may kumausap sa kanya sa kabilang linya. Mukhang isa sa mga kasamahan.

"Bumaba ako. Nakilala ko na ang Tiya Choleng mo"

Narinig ko ang pagtikhim mula sa kabilang linya. "May sinabi ba siyang hindi maganda? Inaway ka?" sunod sunod na tanong niya sa akin.

Marahan akong umiling kahit alam kong hindi naman niya nakikita iyon. Muli kong naalala ang sinabi nito sa akin na halos masira ang buhay ni Alfred dahil sa ginawa ko. Pero kung hindi ko naman iyon gagawin, sisirain ni Daddy ang buhay niya.

"Hindi niya ako inaway. At masarap ang adobo" sabi ko at sinadyang iniba ang topic namin.

Kinakausap niya ako habang kumakain siya. Alam niya daw na nalulungkot akong magisa kaya naman kahit mahirap kumain ng may katawagan ay hindi niya ako binabaan ng tawag.

"Oo, masarap talaga. Bitin ang kanin, bibili pa ako dito" natatawang kwento niya sa akin.

Napanguso ako. Maliit lang kasi ang lunch box ni Alfred. Kahit marami sanang pwedeng ipabaon sa kanya ay hindi naman kasya.

Natapos ang lunch break niya kaya naman kinailangan niya ng magpaalam. Saktong pagbaba ng tawag ay tawag naman mula kay Mommy ang natanggap ko.

Uminit ang magkabilang gilid ng aking mga mata habang nakatingin sa pangalan niya sa screen ng aking cellphone. Halos manginig ang kamay ko. Gusto kong magsumbong sa kanya, gusto kong sabihin ang lahat. But, I don't want to be a burden to her.

"Hello po, Mommy" pambungad ko.

Kumirot kaagad ang dibdib ko ng marinig ko ang lungkot sa kanyang boses. Parang kakagaling lang din niya sa pagiyak. Bigla kong nakalimutan ang lungkot na nararamdaman ko at nag focus sa kanya.

"Sumugod dito ang asawa ni Sera. Galit na galit siya...ang kapatid mo, naaksidente"

Nabato ako sa aking kinauupuan dahil sa narinig. Si Sera? Anong nangyari?

"Hindi pa daw gumigising ang kapatid mo hanggang ngayon. Naaksidente siya kahapon pagkagaling dito. Sa may expressway daw" nanginginig ang boses ni Mommy habang ikinikwento iyon sa akin.

Napasinghap ako. Iyon siguro yung dahilan kung bakit kinailangan naming magiba ng daan kahapon pabalik ng Manila. Iyon yung sinasabi ni Frank na aksidente.

"Gusto kong makibalita, gusto kong kamustahin ang lagay niya. Pero hindi ko alam kung paano" si Mommy.

"Ako na po ang bahala. Pupuntahan ko po siya"

Napabuntong hininga siya. "Galit na galit ang asawa niya. Baka kung ano ang gawin sayo, ikaw lang magisa" nagaalalang sabi ni Mommy sa akin.

Bumigat ang dibdib ko. Alam kong magisa ako, pero mas masakit malaman na aware pala sila duon. Akala ko bulag sila sa kalagayan ko. Alam din pala nilang magisa ako.

"Ako po ang bahala, Mommy" paninigurado ko sa kanya para hindi na siya magalala.

"Isama mo ang boyfriend mo. Para naman may magprotekta sayo, galit na galit si Kenzo" sabi pa ni Mommy.

Kusang tumulo ang luha sa aking mga maya. Mommy, wala na po akong boyfriend, wala pong may gustong magprotekta sa akin pero ayos lang. Kaya ko namang protektahan ang sarili ko. Kakayanin ko.

Gustong gusto kong sabihin sa kanya iyon. Gusto kong ipamukha sa kanilang lahat na nagiisa lang ako, na sa kabila ng mga ginawa kong pagsunod ay naiwan akong magisa. Walang natira kahit isa.

"Wag po kayong magalala, Mommy. Tatawag po ako kaagad"

"Ikaw anak, kamusta ka?" tanong niya sa akin.

At kagaya pa din ng dati ang sagot ko. Kahit hindi naman totoo, nasanay na akong isa lang ang isagot sa tanong na iyon. Na para bang wala akong karapatang mag sabi na hindi ako ok.

"Ayos lang po ako" sagot ko sa kanya.

Nagbihis ako at umalis. Hindi ko alam kung saang hospital naka confine si Sera pero susubok ako. Ang alam ko ay may sariling hospital si Kenzo Herrer. Matunog ang pangalan nila kaya naman hindi ako mahihirapan sa paghahanap.

"Seraphine Serrano...Herrer, Herrer pala" sabi ko pa sa nurse.

Nagkatinginan sila ng kasama niyang nurse. "Kaano ano po kayo ni Mrs. Herrer?" tanong niya sa akin. Mukhang hindi sila tumatanggap ng bisita para kay Sera.

"Kapatid" sagot ko.

Tumango siya sa akin. "Itatawag ko lang po kay Doc Kenzo..." sabi niya sa akin.

Bago pa man niya maidial ay may lumapit na sa amin. Nagulat ako ng makita ko kung sino iyon.

"Hindi na kailangan, ako na ang bahala dito" matigas na sabi ni Augustine.

Tumango ang mga nurse at iniwan kami. Nang tuluyan kaming mapagisa na dalawa ay bumaling siya sa akin. Kita ko ang galit sa kanyang mga mata.

"Anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong niya sa akin.

Mukhang natuloy ang pagiging magkaibigan nilang dalawa ni Sera. Mas lalong dumami ang kanyang kaibigan.

"Kanina ko lang nalaman, kamusta na siya?" tanong ko. Nakaramdam ako ng kaba na baka pati dito ay mapalayas ako.

Napabuntong hininga si Augustine at napairap sa kawalan. Humalukipkip siya sa aking harapan.

"Hindi pa gumigising ang kaibigan ko hanggang ngayon. Ano Stella, masaya ka na?" masungit na tanong niya sa akin.

"Hindi ko gusto ang nangyari kay Sera. Mahal ko ang kapatid ko" laban ko sa kanya.

Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. "Ah, kaya pala ikaw ang nagdala kay Kianna kay Kenzo, ay mag pasulat ka pang nalalaman" paninisi niya sa akin.

Bumagsak ang tingin ko sa sahig. "Ginawan mo pa ng kwento si Sera na ayaw niya sa bata. Eh ikaw itong kasama  niya ng halos magpakamatay na siya dahil sa nangyari kuno sa anak niya" pagpapatuloy niya.

"Ang sama sama niyo. Lalo ka na, parang hindi ka babae ah. Hindi mo naisip na magiging ina ka din, ano kayang mararamdaman mo kung sayo iyon gawin?" pangaral niya sa akin.

Nanatili akong nakayuko. Inihanda ko na ang sarili ko para dito. May kasalanan ako kaya naman kailangan kong tanggapin. Hindi na dapat mangatwiran pa, kahit saang anggulo ko tingnan. Mali ang ginawa ko at alam ko iyon.

"Hindi ka na naawa sa bata, tingnan mo ngayon. Ayaw ng anak niya sa kanya"

"Hay, Stress!" maarteng sabi niya sa dulo.

"Pwede ko na bang makita ang kapatid ko?" tanong ko sa gitna ng katahimikan.

Nagulat pa siya nung una hanggang sa inirapan niya na lang ako. Sumunod ako sa kanya sa sinasabing kwarto ni Sera. Pagkapasok duon ay kaagad na sumalubong sa akin ang malaking kwarto. Ano pa nga ba ang aasahan ko, sila ang may ari ng hospital na ito.

Bumagsak ang balikat ko ng makita ko ang lagay niya. Para lang siyang natutulog, pero ng sabihin ni Augustine na walang makapagsasabi kung kailan siya magiging ay mas nanghina ako.

"May pinuntahan lang sandali si Kenzo, pabalik na iyon" tamad na sabi niya sa akin.

Tumango ako. Bago umupo sa may sofa ay inabot ko sa kanya ang basket na may mga prutas na nabili ko. Wala na akong ibang maisip na dadalhin kaya naman iyon na lang ang nabili ko.

Nagtaas lang ng kilay si Augustine ng tanggapin iyon. Sinundan ko ng tingin kung saan niya ilalagay hanggang sa makita konh puno ang lamesa ng mga basket ng prutas, mga bulaklak at may mga lobo pa. Lahat iyon ay para kay Sera, madami talagang nagmamahal sa kanya.

Tahimik akong umupo habang nakatingin sa aking kapatid. Si Augustine naman ay naupo sa upuan sa tabi ng kanyang hospital bed. "Mas mukha ka pang matanda sa akin, nagpapafacial ka ba? O hindi ka pinapatulog ng kunsensya mo kaya ka stress?" puna niya sa akin.

Alam kong galit din siya sa akin sa ginawa ko sa kaibigan niya. Wala akong balak sumagot, napahinto na lang din siya ng bumukas ang pintuan at iniluwa nuon si Kenzo Herrer, asawa ni Sera na may ari nitong buong hospital. Siya ang bumili sa pagkakasangla ng Manufacturing namin at ipinangalan kay Sera.

Napahinto siya sa paghuhubad ng white coat na suot ng makita ako. Umigting ang kanyang panga at tumalim ang tingin sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" matigas na tanong niya sa akin.

Napatayo bilang paggalang. "Kinakamusta ko lang si Sera" sagot ko.

Muling umigting ang kanyang panga at tinalikuran ako para ipagpatuloy ang paghuhubad ng white coat niya.

"Hindi niyo na kailangang magalala para sa asawa ko. Ako na ang bahala sa kanya, hindi niya na kailangan pa ang pamilya niyo" seryosong sabi ni Kenzo sa akin.

Napatango ako. Alam ko naman iyon. Pero kapatid ko pa din si Sera, normal lang na magalala ako para sa kanya.

Madiin ding sinabi ni Kenzo sa akin na para kay Sera ang manufacturing at hinding hindi niya ibabalik iyon sa pamilya namin. Buo ang loob niya na pagbayarin kami sa ginawa namin dito.

"Parating na si Kianna" sabi ni Augustine. Nakita ko ang tinginan nilang dalawa.

Mukhang kailangan ko ng umalis. Auaw siguro nilang makita ako ng bata. Tama nga naman, ako ang may kasalanan kung bakit siya nalayo sa Mommy niya.

Nagpaalam na lang ako at tahimik na lumabas sa kwarto ni Sera. Ang mahalaga ay maraming nagaalaga at nagmamahal sa kanya. Tama si Kenzo, hindi na kami kailangan ni Sera.

"Isecure niyo ang buong area, bantayan ng mabuti ang palibot ng kwarto ni Ma'm Frances, utos ni sir Frank"

Napahinto ako sa paglalakad at sinundan ng tingin ang tatlong lalaking nakasuot ng civillian. Mga tauhan siguro iyon ni Frank. Binabatayan niya talaga si Sera, pinoprotektahan.

Tsaka lang ako nakabawi ng mawala na sila sa aking paningin. Napabuntong hininga na lamang ako. Tama na, Stella. Deserve naman ni Sera ang lahat ng ito, maging masaya ka na lang para sa kanya. Atleast, isa sa inyong dalawa ay nakalaya na kay Daddy.

Dumiretso ako sa mall pagkatapos kong manggaling sa hospital. Bibili ako ng kahit kaunting grocery para sa apartment ni Alfred, makabawi man lang sa pagpapatira at pagkupkop niya sa akin.

Matapos kong makapamili ay sa kitchen area naman ako nagpunta. Bibilhan ko na lang siya ng mas malaking lunch box. Para hindi na siya mabitin sa kanin niya at mas marami na ang mailalagay.

Panay ang pili ko ng makita ko ang kaparehang lunch box ng kay Frank. Tumagal ang titig ko duon. Ano kaya ang kinakain niya ngayon? Walang naghahanda ng pagkain niya sa umaga, sa dinner kaya?

Napanguso ako ng pumasok ang boses ni Sandra sa aking isip. Malaki na si Frank, kaya na niya ang sarili niya at hindi kagaya ko, marami siyang tauhan. Kaya niyang makuha ang lahat ng gustuhin niya sa isang pitik lang.

Nang makapili na ay nagbayad na ako. Palabas na sana ako ng mall ng bigla akong mag crave sa something na matamis. Bigla kong gustong kumain ng chocolate, basta kahit anong matamis. Pumasok ako sa isang cafe. Uupo ako sandali at oorder ng frappe at cake. Magtatake out na lang ako para kay Alfred.

Umupo ako sa pangdalawang lamesa habang naghihintay ng order. Sa aking tabi ay ang mga grocery bag na pinamili ko. Inilibot ko ang paningin ko sa buong coffee shop ng naramdaman kong parang may nakatitig sa akin. Kanina pa iyon pero hindi ko na lang pinapansin.

"Bakit ngayon pa, kung kailan wala ako sa manila?" pamomorblema ni Sandra ng tawagan ko siya at sabihin ko sa kanya ang nangyari.

Sandali akong naging emosyonal ng ikwento ko iyon sa kanya. Pero ng ilapag ng waiter ang chocolate cake ko at frappe ay biglang umurong ang luha ko. Panay ang subo ko nuon na para bang iyon anh beses na kakain ako ng ganuon sa buong buhay ko. Ang sarap!

"Kukuhanin kita pagbalik ko, wag kang magalala" paninigurado niya sa akin.

"Salamat, Sandra" sabi ko.

Hindi ko alam kung anong iisipin niya sa oras na malaman niyang kain ako ng kain habang siya naman ay alalang alala sa kabilang linya.

"Umiiyak ka ba ngayon? Nagmumokmok? Naku, Stella lakasan mo ang loob mo" patuloy na sabi pa niya. Sa tono ng pananalita niya ay para bang may gagawin akong masama sa aking sarili.

Marahan akong umiling. Nanatili ang tingin ko sa chocolate cake. Sunod sunod ang subo ko na para bang sa oras na malingat ako ay tatakbo iyon. Para akong maiiyak sa isiping iyon.

Napanguso ako ng matapos kong ang huling subo ng cake. Order pa kaya ako ng isa? Mariin na lang akong napapikit at sumimsim sa aking chocolate frappe din. Nagulat pa ako ng hindi ako naumay sa cake, maging ang inumin ko ang chocolate imbes na kape.

Saktong pagkababa ko ng tawag kay Sandra ay nanlaki ang aking mga mata ng makita ko kung sino ang pumasok sa cafe. May kausap ito sa kanyang cellphone pagpasok, dumiretso sa may counter at tiningala ang menu. Nang ibaba ang tawag ay hindi sinasadyang gumala ang kanyang paningin. Nanlaki ang mata ko ng huminto ang mga mata niya sa akin.

Imbes na makipagtitigan pa kay Sergio ay kaagad akong tumayo at binuhat ang mga pinamili ko. Mas lalo akong nataranta ng makita kong naglakad siya palapit sa akin.

"Stella, teka..." pagtawag niya. Sinubukan niya akong hawakan pero dahil sa pagiwas ko sa kanya ay nabitawan ko ang ilan sa mga pinamili ko.

Lumabas sa plastick ang ilan sa mga iyon kabilang ang lunch box na binili ko para kay Alfred. Tumulong si Sergio sa pagpupulot. Tumagal ang hawak niya sa lunch box kaya naman ako na mismo ang humablot nuon sa kamay niya.

Walang imik akong naglakad palayo sa kanya. Nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi na siya naghabol pa.

Malaki ang ngiti ni Alfred kinaumagahan ng ilabas ko ang lunch box na binili ko para sa kanya. Medyo nagtalo pa kami kagabi ng makita niya ang mga binili ko. Pinagalitan niya ako ng parang batang gumastos ng malaki.

"Salamat dito, Stella" nakangiting sabi niya sa akin. Ipinasok niya ang bagong lunch box na binili ko para sa kanya.

Katulad kahapon ay ilang tawag ang ginawa ko kina Mommy at Sandra, bumaba ako sa karinderya para kumain. Si Alfred naman ang kausap ko sa tanghali. Pagdating ng hapon ay nakatulog ako dahil sa naramdamang antok.

Mabigat ang ulo ko pagkagising ko dahil halos padilim na. Ang haba at ang lalim ng naging tulog ko na hindi ko naman nagagawa nuon. Hindi nga ako sanay na matulog sa hapon.

"Nandito na ako" malungkot na bati ni Alfred sa akin pagkadating niya.

"May problema ba?" tanong ko sa kanya.

Napabuntong hininga siya at nagiwas ng tingin sa akin. "Sorry, Stella hindi ko naingatan ang bigay mo" paguumpisa niya na ikinakunot ng aking noo.

"Ang alin?" tanong ko.

"Nawala sa bag ko yung lunch box. Hindi ko alam kung naiwan ko kung saan...imposible naman kasing may kumuha" pamomorblema niya.

Tipid akong ngumiti. "Bibili kita ulit ng bago" pagpapagaan ko ng loob niya.

Pagod na ngumiti si Alfred. "Ngayon lang ako nakakita ng taong nainggit sa lunch box ko" nakangising sabi niya pero ramdam ko ang lungkot duon.















(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro