Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Sinungaling







Sobrang bigat sa dibdib ang malamang itinakwil ako ni Daddy. Na hindi nila ako tatanggapin sa oras na bumalik ako sa kanila. Sa kabila ng ginawa ko para sa aming pamilya. Sa nagdaang taong sinunod ko ang lahat ng gusto niya. Itatakwil niya ako dahil lang sa mas pinili ko ang sarili ko ngayon.

Ngayon lang ako nagdesisyon para sa akin. Si Frank lang ang naging desisyon ko para sa aking sarili. Isang beses lang akong humiling na suportahan nila ako dito. Pero, sa tingin pa din nila ay mali ito. Takot si Daddh na magkamali ako dahil masyadong mataas ang tingin niya sa akin.

Sa sobrang taas ng tingin niya ay maging ako natatakot na. Dahil siguradong isang pagkakamali lang, kahit gaano kaliit ay malakas na salampak sa lupa ang aabutin ko. Too much is bad. I just want to be the average kind if daughter. Na pwedeng magkamali, because that's where we learn. From our mistake.

"Frank" malambing na tawag ko sa kanya matapos kong yumakap sa kanyang likuran.

Kanina pa siya abala sa mga tawag. Ni hindi na niya naintindihan ang movie na pinili kong panuorin namin. Weekend pero nasa trabaho pa din siya. Kahit nandito lang siya sa condo ay parang ang layo layo niya.

Hinayaan niya akong yakapin siya habang nakatanaw sa malayo at seryosong nakikipagusap sa katawagan.

Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. Siya na lang ang meron ako ngayon, masakit itakwil ng sarili kong pamilya. Pero alam ko, darating ang araw na matatanggap din nila ang desisyon ko. Darating ang araw na mapapatunayan ko sa kanilang tama ang desisyon kong ito.

"Send me the files, now" madiing utos niya sa kausap.

Isang mahinang mura ang pinakawalan niya bago niya padabog na ibinaba ang tawag. Mula sa mabibigat na pagbuntong hininga ay alam ko na kaagad na stressed siya.

"Problema sa trabaho? Pero, weekend ngayon" pagaalala ko.

Nitong mga nakaraang linggo ay mas naging abala siya. Minsa nga ay hindi na siya nakakapagpahinga ng maayos dahil dito. Nakita ko kung paano maging dedicated si Frank sa trabaho. Na para bang sa oras na may gawin siya ay hindi niya hahayaang hindi niya iyon magawa ng tama at maayos. Na sa oras na may umpisihan siya ay tatapusin niya.

"I need to do some report, importante ang klienteng ito" seryosong sagot niya sa akin.

Nang bahagya akong gumalaw para tingnan ang ginagawa niya ay duon ko nakitang abala naman siya sa pagtipa sa kanyang cellphone.

"Sige, papatayin ko na lang muna ang movie. Aayusin ko ang sala para makagawa ka" pagsuko ko at kaagad na bumitaw ng yakap sa kanya para linisin ang center table.

Bahagya lang siyang tumango, hindi man lang nag angat ng tingin. Mas lalong kumunot ang noo niya ng muli nanamang tumunog ang kanyang cellphone para sa isang tawag. Isang hampas sa glasswall ang ginawa niya bago niya ito tuluyang sinagot.

Napanguso na lamang ako, kawawa naman si Frank. Ang alam ko kasi ay hindi ito suportado ng kanyang ama. Ang Mommy lang niya ang kasama niyang nagplano sa companyang ito. At ang alam ko, ilang taon na din ang lumipas ng mamatay ito.

Matapos kong maglinis ng sala ay kaagad na pumwesto duon si Frank para magtrabaho, napailing na lamang ako. Sabi niya sa akin nuon ay wag masyadong ipressure ang sarili ko. Pero siya itong masyadong nagprepressure sa sarili niya.

Sandali akong nagpalaam na magshohower sa kwarto namin. Matapos kong gawin iyon ay bababa kaagad ako para naman maghanda ng dinner namin. Kagaya ng una naming pagkikita ay ala sais ng hapon palagi gustong magdinner ni Frank. Sanay na siguro siya duon.

"Gusto mo ng kape?" tanong ko sa kanya pagkababa ko ng hagdan. Tapos na akong mag shower at nakapagbihis na din.

Tumango siya habang nakatuon pa din ang mata sa laptop. "Yes, please" sagot niya sa akin na kaagad kong tinanguan.

Bago dumiretso sa may kitchen ay nakita ko pa ang mga nagkalat niyang documento sa may center table. Para nanaman iyong dinaanan ng bagyo.

Habang naghihintay sa may harap ng coffee maker ay napatulala nanaman ako. Nabalitaan kong ikinasal na si Sera kay Kenzo Herrer. Civil ang wedding at inti.ate lang ang celebration. Ang pinagtataka ko ay kung bakit hindi alam nina Mommy at Daddy. Bakit hindi niya sinabi sa amin?

"Ito na ang kape po, may gusto kang kainin sa dinner?" tanong ko sa kanya matapos kong ilapag ang isang tasa ng kape sa kanyang harapan.

"Ikaw na ang bahala" sagot niya sa akin.

Sandali akong napatitig sa kanya. Halos malukot ang mukha niya dahil sa pagkakakunot ng kanyang noo. Kung nakamamatay lang ang matalim na titig ay baka kanina pa pumutok ang kanyang laptop.

Hinawakan mo siya sa balikat kaya naman tumigil siya sa pagtipa. Tiningala niya ako, punong puno ng pagtatanong ang kanyang mukha. Marahan akong ngumiti sa kanya.

"Relax, kaya mo yan" pagpapalakas ko ng loob niya at humalik pa sa kanyang pisngi.

Nang humiwalay ako sa kanya ay duon ko nakita ang unti unting pagpungay ng kanyang mga mata. Ang kaninang tensed sa kanyang mukha ay unti unting nawala.

"Magluluto lang ako ng dinner. Kumain ka ng madami para mas makapagtrabaho ka ng maayos" nakangiting sabi ko sa kanya.

Hindi ko na hinintay pang magsalita siya. Mabilis akong tumalikod at nagpunta sa kitchen para makapaghanda at makapagluto. Naisip kong sinigang na lang ang iluto para sa kanya, gusto din naman niya iyon at mas maganda kung makakahigop siya ng mainit na sabaw.

Sa kalagitnaan ng aking pagluluto ay nagulat ako ng maramdaman ko ang bigla niyang pagyakap sa aking likuran. Para siyang bata kung makayakap. Kaagad niyang ipinatong ang baba sa aking balikat. Napangiti ako, alam kong mahirap para sa kanya ang aming pwesto dahil sa kanyang tangkad.

"Thank you..." marahang sabi niya sa akin. Inabot pa niya ang pisngi ko para halikan.

Nilingon ko siya at nginitian. "Para saan?"

Napatitig siya sa akin at nagtaas ng kilay. "For being here" sagot niya sa akin.

Napaawang ang labi ko. Ako dapat ang magsabi sa kanya nuon. Ako ang thankful na nandito siya sa tabi ko, na kasama ko siya.

"I'll always be here for you, Frank" paninigurado ko sa kanya.

Dahil sa aking sinabi ay mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

Kahit papaano ay umayos ang mood ni Frank pagkatapos naming kumain ng dinner. Pinauna niya akong matulog dahil baka gabihin daw siya, imbes na umakyat ay duon ako humiga sa kabilang sofa para may kasama siya. Tahimik akong nagbabasa mg libro, gusto ko siyang samahan. Gusto kong iparamdam sa kanya na may kasama siya.

Iyon kasi ang gusto kong maramdaman. Na palagi akong may kasama. Sa sobrang takot kong magisa nuon, ginagawa ko ang lahat para hindi iwanan ng mga taong nasa paligid ko.

Sa kalagitnaan ng pagbabasa ng libro ay hindi ko na namalayang unti unti na akong kinain ng antok. Nagising na lamang ako kinaumagahan na nakahiga pa din sa may sofa.

Susubukan ko sanang gumalaw ngunit kumunot ang noo ko ng maramdaman kong halos mapipi ako. Duon ko lang nakitang katabi ko na si Frank, nakayakap sa akin at mahimbing pa ang tulog.

Magkaharap kami at magkayakap. Piniliy niyang pinagkasya ang sarili sa tabi ko para lang hindi mahulog sa sofa. Sa takot kong mahulog siya ay mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya.

"Frank" nakangiting tawag ko sa kanya at nagsumiksik sa kanyang dibdib.

Mahal na mahal ko si Frank. Alam ko, na tama ang desisyon ko. Si Frank ang pinipili ko. Siya ang paulit ulit kong pipiliin. Sa susunod na magdedesisyon ako para sa aking sarili, si Frank ulit ang pipiliin ko.

"Buti naman at sanay ka na" si Sandra.

Nagkita ulit kami sa isang mall ng bumalik siya ng Manila galing probinsya.

Marahan akong tumango at ngumiti. "Naiintindihan ko si Frank, may mga oras talaga na mainit ang ulo niya. Pero dahil lang iyon sa trabaho" paliwanag ko pa.

Napanguso si Sandra bago ako inirapan. "Pwede ka na talagang asawa ni Frank. Bakit hindi pa kayo mag level up?" puna niya sa akin.

Bumagsak ang aking mga mata sa pagkaing nasa aking harapan. Ramdam ko ang paginit ng aking magkabilang pisngi. Sinong hindi gugustuhing maging asawa ni Frank, to be his Mrs. Del prado.

Hindi ako nakapagsalita kaya naman tumikhim si Sandra. "Ang swerte na ni Frank sayo. Ang gago niya pa kung papakawalan ka pa niya" hirit pa niya. Mas lalo kong naramdaman ang paginit ng aking magkabilang pisngi.

"Aba't talo pa aya niya buntis kong mag mood swing. Ikaw lang ang nakakatiis" manghang manghang sabi niya na akala mo ay napakahirap ng ginawa ko.

Tipid ko siyang nginitian. "Mahal ko kasi si Frank" sagot ko sa kanya.

Isang irap ang ginawa ni Sandra pagkatapos ay umakto na parang naduduwal. "Too much love can kill you" sabi pa niya sa akin na ikinatawa ko.

Matapos naming kumain ay muli niya akong hinila para mamili. Panay ang kwento niya sa bago nilang haciendero. Hindi daw niya type pero kanina pa niya bukambibig.

"Teka" tawag ko sa kanya.

Hindi niya napansin ang tawag ko kaya naman wala na akong choice kundi ang hilahin siya sa men's section. Panay ang reklamo ni Sandra. Pero hindi ko siya pinansin.

"Bagay ito kay Frank" sabi ko sa kanya pero sinamaan niya lang ako ng tingin, maging ang hawak kong polo shirt.

Mas lalong nainis si Sandra sa akin ng malaman niyang wala akong balak na mamili para sa aking sarili.

"Pag hindi mo inalagaan ang sarili mo, ipagpapalit ka ni Frank. Sige ka!" pananakot niya sa akin.

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Inaalagaan ko ang sarili ko" laban ko sa kanya.

"Edi magshopping ka! Aba!" asik niya sa akin. Itong babaeng to talaga!

Nagulat na lang ako isang araw ng umuwi ako mula sa lakad namin ni Sandra na nasa condo din si Sergio. Naabutan ko silang seryosong naguusap ni Frank at umiinom ng alak sa may sala.

Napahinto silang dalawa dahil sa aking pagdating. Bumaba ang tingin ni Frank sa mga paper bag na dala ko. Galing iyon kay Sandra, hindi ko na siya napigilan ng siya na mismo ang namili para sa akin.

"Kasama mo nanaman ang bestfriend mo?" tanong ni Sergio sa akin. Bahagyang tumaas ang kilay ko. Si Sandra ba ang tinutukoy niya?

Natural, Stella. Si Sandra lang naman ang kaibigan mo.

"Never mind" pagsuko ni Sergio at inisang lagok ang baso na may lamang alak.

Lumipat ang tingin ko sa nakatulalang si Frank. May problema kaya?

"Oh, that must be the food" si Sergio. Mabilis itong tumayo at lumapit sa may pinto ng tumunog ang doorbell. Mukhang umorder sila ng pagkain sa labas.

Lumapit ako at umupo sa tabi ni Frank. "May problema?" tanong ko sa kanya.

Nakita ko kung paano bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa kanyang kamay.

"We didn't get the deal" seryosong sagot niya sa akin.

Marahan kong hinawakan ang kanyang pisngi. "May susunod pa naman, siguradong mas malaki iyon kesa sa nawala" pagpapagaan ko ng loob niya.

Kinuha niya ang kamay kong nakahawak sa kanya. Pinanuod ko kung paano niya iyon inangkat at kung paano niya hinalikan ang likod ng aking palad.

"I failed, sigurado akong hindi natuwa si Mommy sa nangyari. I disappoint her" sabi niya sa akin.

Pumungay ang mata ko habang nakatingin sa kanya. Sa kabila ng matigas at matapang na imahe ni Frank ay may itinatago din siyang kahinaan. Kung ako sa aking Daddy, siya naman...sa Mommy niya.

Bumagsak ang tingin niya sa aming mga kamay, pinaglaruan niya ang aking mga daliri matapos niyang halikan iyon.

"Ako, proud ako sayo, Frank" sabi ko sa kanya.

Nag angat siya ng tingin sa akin. Pumungay ang kanyang mga mata kaya naman tipid ko siyang nginitian.

"I'm proud of you, since day one" paguulit ko.

Kung alam lang niya kung gaank ko siya hinahangaan sa lahat ng bagay. Hindi ko magawang isaisahin ang lahat ng iyon. Pero kahit sa simple at maliit ba bagay ay hinahangaan ko siya.

"Frank..." tawag ko sa kanya.

Matapos umalis ni Sergio ay kaagad niya akong hinila paakayat sa aming kwarto. We made love, halos malasahan ko ang alak na ininom ni Frank sa bawat paghalik niya sa akin. Pareho kaming napadaing when we both reach our third climax.

Habol ko ang aking hininga ng umalis siya sa aking ibabaw. Mabilis kong tinakpan ng kumot ang aking hubad na katawan. Umayos ng upo si Frank at sumandal sa head board ng kama.

"You smoke" puna ko sa pagsisindi niya ng sigarilyo.

"Minsan lang" sagot niya sa akin.

Napanguso ako at kaagad na umayos ng upo para makatabi sa kanya. "Pa-try" sabi ko.

Marami akong nakikitang babaeng naninigarilyo. Never ko pa iyong nasubukan, ang paginom nga ng alak ay minsan ko lang din naranasan.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Hindi pwede" masungit na sabi niya sa akin.

Mas lalong humaba ang nguso ko. Pero sa huli ay hindi na ako nagpumulit, yumakap na lamang ako sa kanya.

"Doctor ang Daddy mo?" tanong ko sa kanya. Naniniguro lang, nakita ko kasi ang pangalan niya sa isang documento ni Frank.

Tumango siya sa akin. "Siguradong magaling na Doctor ang Daddy mo..." puri ko pa dito. Kailan ko kaya makikilala ang Daddy niya?

Imbes na itanong ko iyon kay Frank ay nanahimik na lamang ako. Hindi ko pwedeng idemand iyon sa kanya, siya nga ay hindi ko pa din napapakilala sa mga magulang ko.

Nang sumunod na araw ay nagulat ako ng makareceive ako ng tawag mula kay Mommy. Nagdalawang isip pa akong sagutin nung una sa takot na baka si Daddy iyon.

"Uuwi na kami sa Pilipinas, nakuha na ni Sera ang manufaturing" masayang balita ni Mommy sa akin.

Nakaramdam ako ng saya dahil duon. Pero may kirot din sa dibdib. Kahit naman makauwi sila dito ay itinakwil na ako ni Daddy. Hindi din ako makakauwi sa Bulacan.

"Stella, nasabi lang iyon ng Daddy mo dahil galit siya. Ngayong ayos na ang lahat, siguradong mapapatawad ka niya. Makakalimutan din niya ang galit niya" paliwanag ni Mommy sa akin.

"Mommy..." tawag ko sa kanya sa kabilang linya.

"Paano naman po yung ginawa natin kay Sera? Paano po iyon?" malungkot na tanong ko sa kanya.

Sa tuwing nakakakita ako ng bata o sanggol na hawak ng kanilang ina ay para akong palaging hinahabol ng kunsensya ko. Ang bigat sa dibdib na may ikinikimkim.

"Sasabihin natin kay Sera ang totoo, pag nagkita kita na tayo. Hindi pwedeng malaman ng Daddy niyo ito" paliwanag ni Mommy sa akin na kaagad kong tinanguan.

Napabuntong hininga ako. Kailangan kong ihanda ang sarili ko sa galit ng aking kapatid. Nagawa ko na ang kasalanan, kailangan kong tanggapin ang kaparusahan nito.

"Anong ginawa niyo kay Sera?" matigas na tanong ni Frank sa akinh likuran.

Nagulat ako dahil duon. Napahawak ako sa aking dibdib. Nakakunot ang kanyang noo habang naghihintay ng sagot mula sa akin.

"Kanina ka pa ba diyan?" tanong ko sa kanya.

Mas lalo lang nalukot ang kanyang noo. Humakbang pa ito palapit sa akin.

"Ano yung ginawa niyo kay Sera?" paguulit niya sa akin.

Marahan akong umiling. "May pinagusapan lang kami ni Mommy" sagot ko pa sa kanya.

Wala namang alam si Frank sa ginawa ko pero pakiramdam ko ay inaakusahan na niya ako gamit ang mga mata niya.

"May hindi ka ba sinasabi sa akin Stella?" tanong niya sa akin, ang kanyang mga mata ay naniningkit.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi. "Wa...wala, Frank" nautal pang sagot ko sa kanya.

Umigting ang kanyang panga. "Wala kang balak na sabihin sa akin ang tungkol kay Alfred?" seryosong tanong niya sa akin na ikinalaglag ng aking panga. Alam niya na? Sino ang nagsabi? Si Alfred?

"Wala akong ginagawang masama" kaagad na sabi ko sa kanya. Iniisip ba niyang niloloko siya. Iniisip ba niyang may relasyon pa kami ni Alfred?

Hindi siya nagsalita. Nanatili ang titig niya sa akin. "Ex boyfriend ko lang si Alfred" pag amin ko.

"Sorry kung hindi ko kaagad nasabi sayo, natakot lang ako" natatakot na pagdadahilan ko.

Natakot ako na baka kung ano ang isipin niya. Alam kong mali ang hindi ko sabihin sa kanya ang totoo. I just don't want to messed things up.

Muling umigting ang panga niya at nagiwas ng tingin sa akin. "Hinding hindi na makakalapit ang lalaking iyon sayo" matigas na sabi niya sa akin.

Mas lalong nalaglag ang aking panga. Kaya pala hindi ko na ito nakita pang bumalik dito. Hindi na din siya ang driver na pinapasama sa akin ni Frank sa tuwing umaalis ako.

"Sorry, hindi na mauulit" paninigurado ko sa kanya. Nagawa ko pang lumapit sa kanya at hawakan siya sa magkabilang braso. Nagiwas pa din siya ng tingin sa akin.

"Hindi na ulit ako magsisinungaling. Hindi na ulit ako magtatago ng sikreto" pangako ko sa kanya.

Tumikhim siya at napabuntong hininga. "Siguraduhin mo, Stella. Ayoko ng sinungaling" banta niya sa akin.

Bayolente akong napalunok bago ako marahang tumango sa kanyang harapan.

Naging maayos ang sumunod pang linggo. Kahit papaano ay bumalik na si Frank sa dati, naka move on na siya sa hindi nila nakuhang deal. Hanggang sa umuwi ito isang araw na malaki ang ngiti.

"Wag ka ng magluto, kakain tayo sa labas" sabi niya sa akin.

Nanlaki ang mata ko ng ikinwento niya sa akin ang naclose nilang deal. Kagaya ng sabi ko sa kanya nuon, mas malaki ito kesa sa nuon.

"Wow, congrats! Ang galing galing mo!" puri ko sa kanya ay napayakap pa.

Hindi din matago ang saya ni Frank. "You are my lucky charm" nakangising sabi niya sa akin bago niya ako hinalikan sa labi.

Matamis ko siyang nginitian. "It's not luck,  ikaw ang may gawa nuon. It's from your efforts and hardwork" sabi ko pa sa kanya.

Muling bumaba ang tingin niya sa aking labi. "And it's from someone who believes in me. You believe in me..." marahang sabi niya sa akin bago niya ako siniil ng malalim na halik sa labi.

Mabilis akong umakyat sa itaas para makapagbihis. Nagpareserve si Frank sa isang mamahaling restaurant para sa aming dinner.

Napahinto ako sa pagaayos ng makareceive ako ng message mula kay Sera.

Sera:

Uuwi ako ng Bulacan bukas, gusto ko kayong makausap. Lalong lalo ka na, Ate.

Nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa panginginig ng aking kamay. Bigla akong kinabahan at natakot. Sigurado akong alam na niya. Alam na ni Sera ang kasalanan ko.












(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro