Chapter 11
Past
Muli kong inilibot ang aking paningin sa kabuuan ng kanyang condo unit. Marami na ang nagbago duon. Ang kulay ng interior ay parang si Frank nung una ko siyang makilala, madilim ngunit maganda. Hindi ko inakala na magugustuhan ko ang dilim.
Gusto ko lang ito kung napapalibutan siya ng liwanag ng mga butuin. Na para bang sa likod ng lungkot ay may ganda pa ding ikinukubli.
"Aayusin ko ang spare room" sabi niya na nagpabalik sa aking wisyo.
Marahan akong umiling at nginitian siya. "Ako na ang bahala, magpahinga ka na muna"
Lumapit ako sa kanya at tangkang kukuhanin sa kanya ang trolly at travelling bag ko ng magtanong siya sa akin.
"Anong nangyari?" seryosong tanong niya sa akin.
Bumagsak ang aking mga mata sa kanyang dibdib. Kagaya ng dati ay hindi pa din ako sanay sa mga titig niya. Para bang nanghihina pa din ako sa mga tingin niya.
"Tumakas ako" marahang paguulit ko.
Tumikhim si Frank. Sandaling binitawan ang mga gamit ko. Marahan niya akong hinawakan sa magkabilang braso, dahil sa seguridad na naramdaman ko dahil sa kanyang hawak ay unti unti akong nagangat ng tingin sa kanya habang nanlalabo ang aking paningin dahil sa nagbabadyang luha.
"Tumakas ako, kasi gusto akong ipakasal ni Daddy sa iba" sumbong ko. Alam ko naman na kung hindi ako tumakas ay duon na iyon patungo.
Umigting ang kanyang panga habang nakatitig sa akin.
"Ayokong makasal sa iba, Frank" sumbong ko pa kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.
Bayolente siyang napalunok. Napasinghap ako ng hilahin niya ako at yakapin. Sa yakap niyang iyon, pakiramdam ko ay nakayakap na din ako sa matagal ko ng inaasam na kalayaan.
"You can be whatever you want to be, when you're with me" paninigurado niya sa akin.
Si Frank pa din ang nag akyat ng mga gamit ko patungo sa spare room sa tabi ng kanyang kwarto. Habang nasa hallway ay bahagyang naiwan ang tingin ko sa pintuan ng kwarto niya. Hindi ba kami magtatabi?
"Gusto mo sa kwarto ko?" nakangising tanong niya sa akin.
Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng paginit ng aking magkabilang pisngi. Nasa harapan na pala kasi ito ng pintuan at nakatingin sa akin. Marahan akong umiling at kaagad na nagiwas ng tingin.
"Gusto mo ba dito o sa kwarto ko?" patuloy na pangaasar niya sa akin.
Napanguso ako, hindi man ako nakatingin sa kanya ay ramdam ko pa din ang titig niya sa akin.
"Dito" turo ko sa pintuan ng spare room.
Narinig ko ang pagngisi niya kaya naman nagangat ako ng tingin. Nagtaas siya ng kilay sa akin.
"Sure?" pilyong tanong niya.
Bahagyang kumunot ang noo ko. "Oo, Frank" medyo inis na sabi ko at hindi ko na naiwasang irapan siya.
"Whoa, iniirapan mo ako?" namamanghang tanong niya sa akin na para bang ngayon lang siya nairapan ng babae sa talambuhay niya.
Hindi na ako umimik pa. Kaya naman nakangisi na lang niyang binuksan ang pintuan. Naglahad siya ng kamay para paunahin ako sa pagpasok. Napaawang ang aking bibig, guest room lang ito pero ang laki. Maging ang kama ay king size at mukhang sobrang lambot.
"Sinong naturulog dito?" tanong ko aa kanya. Kumpleto kasi ang lahat ng gamit. Para bang laging handa sa tuwing may gustong tumuloy.
Nagkibit balikat ito. "Sa iyo na ito ngayon" sagot niya sa akin.
Napakagat ako sa aking pangibabang labi. Tiningala ko ang maliit na chandelier sa taas. Nang muling bumaba ang tingin ko ay nakalapit na siya sa akin.
"Wala pang babaeng nakapasok sa condo ko. Ikaw pa lang" sabi niya sa akin.
Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang mabilis na pumulupot sa aking bewang. Bahagya akong nagulat ng kaagad niya akong inilapit sa kanya, bilang suporta ay napahawak ako sa kanyang dibdib.
"Wala pang babaeng nakapasok dito" paguulit niya sa akin. Napanguso ako at sinalubong ang kanyang tingin.
"So, sa hotel mo dinadala ang mga babae mo?" marahan ngunit matapang na tanong ko sa kanya.
Kita ko ang bahagyang pagkagulat. Nang makabawi ay kaagad din naman siyang napangisi. Nakataas ang kilay niya habang tumitingin sa paligid.
"Anong babae? Saang mga babae?" tanong niya sa akin.
Sumimangot ako. Kunwari pa siya! Hindi naman ako ipinanganak kahapon para hindi isiping wala siyang naging ibang babae sa loob ng halos walong taong hindi kami magkasama.
Humilig siya para halikan ako sa pisngi. "Ikaw lang ang babae ko. Bakit, nadala na ba kita sa hotel?" nakangising tanong niya sa akin.
Hindi pa din ako umimik kaya naman muli siyang humilig para halikan ulit ako sa pisngi. "I'm busy with the company. Walang ibang babae, Stella" paninigurado niya sa akin.
Ramdam ko ang paginit ng aking magkabilang pisngi. Marahan kong hinaplos ang kanyang suot na itim na long sleeve na para bang may inaayos akong gusot duon.
"Ako din, wala akong ibang lalaki" nahihiyang sabi ko. Baka lang kasi gusto niyang malaman.
Mas humigpit ang yakap niya sa aking bewang. Mas lalo akong nadikit sa kanya.
"Alam ko" sabi niya na ikinagulat ko.
"Pa...paano?"
Nagtaas siya ng kilay sa akin pagkatapos ay nagkibit balikat. "Alam ko lang" mayabang na sabi niya kaya naman napanguso ako.
"Ang yabang mo" sambit ko sabay iwas ng tingin. Nagulat na lang ako ng bigla itong napahalakhak.
"Frank!" hiyaw ko ng sundutin niya ang tagiliran ko para kilitiin.
Inipon ko ang lahat ng lakas ko para sana itulak siya pero masyado siyang malakas, masyadong mahigpit ang hawak niya sa akin.
"Frank! Wag, tama na!" nahihirapang suway ko. Masyadong malakas ang kiliti ko sa aking tigiliran.
Sa sobrang pagpupumiglas ko ay na out of balance kami pareho dahila kung bakit sabay kaming bumagsak sa malambot ba kama. Napadaing ako sa bigat ni Frank, samantalang siya naman ay patuloy pa din sa paghalakhak.
Habol ko ang aking hininga dahil sa pangingiliti niya. Napatitig ako sa kanya na hanggang ngayon ay natatawa. Nang makabawi ay dahan dahan din siyang huminahon, napakagat siya sa pangibabang labi niya ng marealize niya kung ano ang posisyon namin.
"Uhm...ano" hindi ko maituloy tuloy ang sasambihin ko dahil sa pagkailang.
Napangiwi ako dahil sa bigat ni Frank. Gusto ko sanang sabihin iyon pero nahihiya ako. Hanggang siya na ang nagadjust at nagtukod ng kanyang siko sa gilid ng aking magkabilang ulo para gumaan kahit papaano.
"Hindi na kita ibabalik sa Daddy mo" paninigurado niya sa akin.
Napatitig din ako sa kanya. Naramdaman ko pa ang marahan niyang pagayos ng ilang tikwas ng aking buhok na humaharang sa aking mukha.
Imbes na sumagot ay ako na mismo ang gumalaw para kaagad na abutin ang kanyang labi. Narinig ko pa ang pagprotesta niya, pero kalaunan ay mas lalo niyang idiniin ang halik sa akin.
"Ugh, Frank!" daing ko ng halos maubusan na ako ng hangin sa katawan.
Ngayon lang ako nahalikan ng ganito. Siya lang ang nakahalik sa akin ng ganito. Sa huli ay napayakap ako sa kanyang leeg ng bumaba ang halik niya sa aking panga pababa sa aking leeg.
Napakagat ako sa aking pangibabang labi habang dinadama ang malambot niyang labi sa balat sa aking leeg.
"Frank..." tawag ko sa kanya.
Narinig ko nag ilang mura niya sa gitna ng ginagawa. Bahagyang kumunot ang noo ko ng may maramdaman akong kung anong tumutusok sa aking bandang puson.
Mas lalo akong napaliyad ng bumaba ang isa niyang palad sa aking dibdib at marahang pinisil iyon. Napadaing din ako ng maramdaman ko ang paggalaw niya sa aking itaas na para bang ginagawa na namin iyon kahit pareho pa kaming balot ng damit.
Isang malutong na mura ang pinakawalan niya bago siya dahan dahang tumigil. Kita ko ang pamumula ng kanyang mukha, tenga at leeg. Galit ang ugat niya sa leeg kaya naman marahan kong hinaplos ang kanyang likuran para pakalmahin.
He groaned in frustration, ramdam ko pa din ang kung anong tumutusok sa aking bandang puson. Napaawang ang labi ko ng maramdaman kong idinidiin niya iyon sa akin.
Isang malakas na mura ang pinakawalan niya ng pareho kaming mapaiktad ng marinig namin ang sunod sunod na pagdoorbell.
"Damn" asik pa niya ay pagod na napaupo sa dulo ng aking kama.
Kaagad kong inayos ang aking sarili, nagusot ang aking suot na damit. Bayolente akong napalunok ng mapatinfin sa kanya, bumaba ang tingin ko sa umbok sa kanyang ibaba. Nakaigting ang panga nito at mariing napapikit na para bang may iniindang sakit.
"Tauhan ko iyon. May iaabot na documents" sabi niya sa akin kaya naman kaagad akong tumango at tumayo.
"Ako na ang kukuha" pagprepresinta ko dahil mukhang hindi siya makakaharap dito dahil sa kanyang kalagayan.
Tumango si Frank kaya naman halos takbuhin ko na ang daan pababa ng hagdan. Muntik pa akong madapa dahil aa pagmamadali at pagkataranta.
Ramdam ko pa din ang init sa aking magkabilang pisngi. Inayos ko ang aking sarili bago ko tinahak ang daan patungo sa may pintuan.
Muntik nanamang may mangyari sa amin. Naikuyom ko ang aking kamao. Kahit may takot sa aking dibdib ay handa pa din akong gawin iyon kasama si Frank. Eh siya kaya? Do he find me attractive? Base sa mga sinabi tungkol sa kanya ay yung mga babaeng may experience ang gusto niya.
Nawala ang lahat sa aking isipan ng magulat ako sa aking nakita pagkabukas ko ng pintuan ng kanyang unit.
"Alfred?" tawag ko sa kanya.
Kita ko din ang gulat sa kanyang mukha. Ilang segundo kaming nagtitigan bago bumaba ang tingin ko sa hawak niyang folder. Siya ang tauhan ni Frank?
"Anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong niya sa akin.
"Dito na ako titira" sagot ko.
Ngumisi siya. "Ikaw ang girlfriend ni Sir Frank?" mapanuyang tanong niya sa akin na marahan kong tinanguan.
"Nireto nanaman ba ito ng Daddy mo?" tanong niya sa akin.
Kaagad akong umiling. "Hindi, pinili ko si Frank. Mahal ko si Frank" laban ko sa kanya.
Nagtiim bagang siya. Kita ko ang pagtalim ng tingin niya sa akin. "So marunong ka ng lumaban ngayon, Stella..." puno niya.
Hindi ako nakaimik. Nanatili ang tingin ko sa kanya. Alam kong hindi naging maayos ang paghihiwalay namin, pero minahal ko siya nuon. Kaya ko lang nagawa iyon para iligtas siya kay Daddy.
"Bakit ako..." hindi niya naituloy ang tanong ng mapangunahan iyon ng pagsinghap.
"Bakit ako, hindi mo pinaglaban? Dahil mahirap lang ako?" may hinanakit na tanong niya sa akin.
Napaawang ang aking bibig. Hindi ko alam na sa nagdaang mga taon ay may ganito pa din siyang hinanakit sa akin.
"Alfred, matagal ng tapos iyon" sabi ko.
Ngumisi siya at marahang umiling. "Hindi mo alam kung ano ang naging epekto nuon sa akin Stella. Nagsikap ako para sayo! Pero tinapon mo ako na parang basura mo!" sumbat niya sa akin.
Parang may kung anong bumara sa aking lalamunan. Nasaktan ako para kay Alfred, hindi ko naman ginusto ang nangyari sa amin. Hindi ko din naman ginusto ang mga sinabi ko sa kanya. Pero iyon ang kailangan kong gawin, dahil iyon ang makakabuti sa kanya.
Napasinghap ako ng padabog niyang inabot sa akin ang hawak na folder. "Wag sanang maranasan mo ang ginawa mo sa akin" banta niya sa akin.
Namanhid ang aking buong katawan dahil sa narinig. Matapos iyon ay mabilis siyang nawala sa aking harapan.
Wala sa sarili akong nagtungo sa kitchen. Ibinaba ko ang folder sa may kitchen counter bago dumirets sa may ref at kumuha ng tubig.
Nanginginig ang kamay kong may hawak na baso habang nagsasalin ng tubig. Kung alam lang ng mga taong nasaktan ko ang rason, sana ay maintindihan nila. Nagmukha akong masama sa paningin niya, pero hindi nila alam na para din naman iyon sa kanila.
Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakatitig sa kawalan habang nakahilig sa may kitchen counter.
"Stella..." tawag ni Frank sa akin.
Dahil duon ay kaagad akong bumalik sa wisyo at napaayos ng tayo. Pagkapasok niya sa kitchen ay bagong paligo na siya. Mas lalong nadepina ang laki at ganda ng kanyang katawan dahil sa suot na puting tshirt.
Kumunot ang noo niya ng pagmasdan ako. "Ayos ka lang ba?" tanong niya.
Kaagad akong tumango sa takot na may kung anong itanong pa siya sa akin. Kailangan ko pa bang sabihin aa kanya ang tungkol sa amin ni Alfred?
"Magluluto ako ng dinner" sabi niya sa akin.
"Ako na ang magluluto ng dinner" pagprepresinta ko na ikinagulat niya.
"Marunong ka ng magluto?"
Marahan akong tumango at tipid na ngumiti. "Nagaral akong magluto, nung nasa Guam ako" sagot ko sa kanya kaya naman napatango siya.
Habang naghahanda ng lulutuin ko para sa dinner namin ay gumawa si Frank ng kape niya gamit ang coffee maker. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya, seryoso siya habang binabasa ang mga documento na inihatid ni Alfred.
Naging maayos ang mga sumunod na araw ko sa condo ni Frank. Gigising ako ng maaga para magluto ng breakfast, pag aalis naman siya ay maglilinis ako ng condo. Sa gabi ay handa na ang dinner pag uwi niya.
"Kulang na nga pala ang stocks natin" nahihiyang sabi ko aa kanya habang nasa gitna kami ng pagkain ng breakfast isang umaga.
Tumango siya sa akin. Kinuha ang kanyang wallet at inilabas ang isang itim na card.
"Pagkatapos mong mag grocery ay mamili ka na din. Kaunti lang ang dala mong damit" sabi niya sa akin.
Napainom ako ng tubig. "Maghahanap din ako ng trabaho, para may sarili akong pera" sabi ko sa kanya. Para din makapagbigay ako dito. Nakakahiya naman kung siya ang sasagot ng lahat. Libre na nga ang pagtira ko dito.
Nagangat siya ng tingin sa akin. "Akala ko ba ay ayaw mong makita ka ng Daddy mo. Maghahanap ka ng trabaho? Gusto mong makita ka?" tanong niya sa akin. Nalaglag ang panga ko.
Nawala iyon sa aking isip. Kinuha niya ang pagkakataon na iyon para magsalita ulit at pangaralan ako.
"Hindi ko pinapangunahan ang desisyon mo. Hindi kita pipigilan kung iyon ang gusto mo, pero wag muna ngayon" paliwanag pa niya na kaagad kong tinanguan.
"I'm working for us, Stella. I'll open a bank account for you" sabi niya sa akin.
"Wag na Frank. Hindi naman kailangan" pigil ko sa kanya pero tumikhim lang siya.
Matapos kumain ay nagligpit na ako, naging abala kaagad siya sa mga tawag. Matapos kong ilagay sa sink ang mga pinggan ay ang lunch na inihanda ko para sa kanya ang inasikaso ko.
Nakangiti ako habang inaayos iyon. Nilalagyan ko pa iyon ng sticky notes kung minsan. Nasabi kasi niya sa akin na kung hindi siya nagppaadeliver sa restaurant at fastfood naman ang palagi niyang kinakain. Sa sobrang busy niya sa trabaho ay hindi niya na bibigyan ng pansin ang tamang pagkain.
Lumapit ako sa kanya para iabot ang lunch box na ginawa ko. Nasa kalagitnaan pa din siya ng tawag, bumaba ang tingin niya duon at napangisi. Isang halik sa labi ang ginawad niya sa akin.
"Thank you" malambing na sabi niya sa akin pagkatapos ng tawag.
"Text me, every now and then. Papasamahan kita sa isa sa mga tauhan ko" sabi niya sa akin.
Saktong magkayakap kami ng tumunog ang pintuan at iniluwa nuon si Alfred. Seryoso ang tingin niya sa akin, bago pa man makalapit ay nagiwas na siya ng tingin.
"Ipagdrive mo ang Ma'm Stella mo, samahan mo na din. Mag report ka sa akin every now and then" seryosong sabi ni Frank dito.
Nanatiling nakayuko si Alfred. "Yes, Sir"
Sabay silang lumabas ng condo. Ang sabi ay sa may parking maghihintay si Alfred sa akin, napabuntong hininga na lamang ako. Ang liit masyado ng mundo.
Matapos kong maghugas ng pinggan at sandaling magayos ng condo ay naligo na din ako at nagayos.
Kabado pa ako ng lumabas ako ng elevator pagdating ng basement. Hindi ko alam kung anong sasakyan ang gamit ni Alfred. Isang itim na SUV ang umilaw, maya maya ay lumabas si Alfred mula sa driver seat.
Tamad siyang nakatingin sa akin ng pagbuksan niya ako ng pinto.
"Ma'm Stella..." mapanuyang sabi niya sa akin na para bang nakakatawa iyon.
Imbes na sumagot ay nanahimik na lamang ako. Kahit sa byhae ay tahimik ako, ganuon din naman si Alfred. Isang mensahe ang ipinadala ko kay Frank para sabihing nakaalis na kami ng condo at papunta na sa mall.
Nakasunod si Alfred sa akin kahit sa loob. Nilingon ko siya ng pumasok ako sa may supermarket.
"Kaya ko na dito, maglibot libot ka na lang din" sabi ko sa kanya pero inirapan niya lang ako.
"Ito ang utos ni Sir Frank" masungit na sagot niya kaya naman tipid na lang akong tumango.
Tahimik lang siyang naglalakad at nakasunod sa akin. Naging abala ako sa pamimili. Hanggang sa sandali siyang bumalik sa parking para ilagay ang mga pinamili ko.
Pumasok ako sa isang botique ng may makita akong longsleeve na siguradong bagay kay Frank. Pagkatapos nuon ay nagpasya na din akong bumalik na. Tsaka na ako bibili ng para sa akin pag may pera na akong sarili.
"Tapos ka na?" tamad na tanong ni Alfred sa akin. Tumango ako.
Bumaba ang tingin niya sa dala kong paper bag na may malaking pangalan ng isang brand ng damit panlalaki. Isang hithit pa sa kanyang hawak na sigarilyo ay kaagad niya na iyong pinatay at itinapon sa basurahan.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa backseat. Nanatili ang titig niya sa akin.
"Nagsisi akong minahal kita nuon" diretsahang sabi niya. Nalaglag ang panga ko, hindi niya na ako hinayaan pang magsalita ng kaagad niyang sinara ang pintuan ng backseat.
Hindi naging madali para sa akin sa tuwing kasama namin ni Frank si Alfred. May ilang beses na sa tuwing kakain kami sa labas ay siya ang nagdridrive para sa amin.
"Mauna ka ng matulog. Tatapusin ko lang ito" sabi ni Frank sa akin isang gabi ng katukin ko siya sa kanyang kwarto.
Nakaupo pa ito sa gilid at nakasandal sa may backrest ng kama. Magulo din ang kanyang kumot, napanguso ako. Imbes na umalis ay pumasok ako sa loob para ayusin ang kanyang ilang gamit.
"Kailangan mo ng tulong?" tanong ko. May alam din naman ako sa office worka dahil pareho lang din naman kami ng tinapos.
Nagangat siya ng tingin sa akin. Nakita ko kung paano bumaba ang tingin niya sa aking suot na pantulog. Uminit ang pisngi ko.
Marahan siyang umiling. "You can stay here" marahang sabi niya at itinuro pa ang kanyang tabi. Tumango na lamang ako at gumapang paakayat sa kanyang kama.
Nang tumabi ako sa kanya ay kaagad kong dinungaw ang ginagawa niya sa kanyang laptop. Puro graph kaagad ang nakita ko duon.
"Nagustuhan ko yung binili ko para sa akin" sabi niya sa gitna ng katahimikan.
Napangiti ako. "Nung nakita ko iyon, alam ko kaagad na bagay sayo" kwento ko sa kanya. Tukoy sa long sleeve na binili ko para sa kanya.
"Hindi ka bumili ng para sayo?"
Marahan akong umiling. "Hindi ko pa naman kailangan. Ikaw lang ang palaging lumalabas kaya kailangan mo ng madaming damit" paliwanag ko sa kanya.
Umayos ako ng upo para ayusin ang mga nagkalat niyang documento sa ibabaw ng kanyang kama.
"Stella" marahang tawag niya sa akin. Kaagad akong lumingon sa kanya.
Ganuon na lamang ang gulat ko ng kaagad niya akong inatake ng halik. Marahan iyon at nakakakiliti.
"I love you..." marahang sabi niya sa gitna ng kanyang mga halik.
Hindi ko naiwasang mapangiti. Kaagad akong napaayos ng upo para mas lalong makaharap sa kanya.
"I love you too, Frank" sabi ko.
Sandali akong lumuhod sa kanyang harapan. Dahan dahan kong hinubad ang aking suot na damit. Wala na din siyang pagitaas at tanging cotton shorts lang ang suot.
Bago pa man ako makapagsalita ay kaagad niya na akong inatake ng halik dahilan kung bakita mapahiga ako sa kayang kama.
"I want you only for me. Whatever it takes" seryosong sabi niya sa akin bago niya ako muling inatake ng halik.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro