
The Visit
"Anong ginagawa niyo dito?" Takang tanong ni Haley nang makita ang mga kaibigan sa labas ng kanilang bahay.
"Worried kami sa iyo kaya binisita ka namin," sagot naman ni Quinoa sa kaibigan.
"Ano ka ba. Ayos lang naman ako," pilit na tumawa si Haley para hindi mahalata ang takot niya.
"Eh 'yung Sergio?" Tanong ni Kevin. Nanlaki ang mga mata ni Haley dahil doon.
"Ayos naman. Hindi ko na tinetext, balak ko na ring magpalit ng number. Bahala na si Batman," sagot niya.
"Sure ka ba diyan?" Tanong ni Quinoa. Alam niyang may mali sa kinikilos ng kaibigan pero hindi niya malaman kung ano ito.
"Oo naman. Guys, sa susunod huwag kayo basta-basta pupunta na lang sa bahay ha. Nakakagulat eh," paalala naman ni Haley sa mga kaibigan.
"Palagi ko naman itong ginagawa ah," sabi ni Quinoa.
"Iba na ngayon," seryosong sabi ni Haley sa kaibigan.
Matapos ang ilang minuto ay pinilit na ni Haley ang mga kaibigan na umuwi. Tila may takot sa tono ng boses nito.
"Sige na. Ayos lang ako, huwag na kayong mag-alala."
"Pero Haley."
"Quinoa, Kevin. Ayos lang ako. Mag-iingat kayo palagi, bye."
Mabilis silang sinarhan ng pinto kaya walang nagawa ang dalawa kung hindi ang umuwi na lang.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro