Location
Magkasama sina Quinoa at Kevin sa paghahanap kay Haley. Nang ma-trace ang cellphone ni Haley at Sergio ay agad silang nagpunta doon.
Sa kasamaang-palad nasa isang talahiban sila, napaupo na lang si Quinoa sa sobrang inis. Habang si Kevin naman ay walang nagawa kung hindi tumawag ng pulis.
Nakuha ng mga pulis ang cellphone nina Sergio at Haley. Dahil walang CCTV sa paligid ay wala silang makuhang lead kung sino man ang gumawa nito.
Wala ring tumawag sa mga magulang ni Haley kaya hindi ito kidnapping for ransom. Wala rin silang napala sa cellphone number na nakuha nila dahil nakalagay pa ito sa tinapong cellphone.
At dahil wala silang address o kahit ano pa man ay nahirapan ang mga pulis sa paghahanap sa dalaga.
Ayaw namang sumuko ni Quinoa. Umaasa siya na makikita pa ang kanyang kaibigan.
Ngunit lumipas ang mga linggo, buwan at hanggang sa umabot na ang isang taon ay hindi pa rin nakikita ang kanyang kaibigan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro