Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

A sense of Panic

Nang makarating sina Quinoa at Kevin sa bahay ni Haley ay bukas ang pinto. Pumasok sila sa bahay ngunit wala na doon si Haley, ang tanging naabutan na lang nila ay ang magulong bahay. Nagkalat ang mga gamit, tila ba may nangyaring sagupaan sa buong bahay. May mga nakita pa silang bahid ng dugo.

Agad na kinabahan ang dalawa. Tinawagan ni Quinoa ang mga magulang ni Haley, ngunit wala silang ideya sa nangyari sa dalaga.

Tumawag din sila ng pulis. Mabilis rumesponde ang mga ito sa bahay ni Haley. Hindi mapigilan ni Quinoa ang maiyak dahil hindi niya alam kung ano ang totoong nangyari sa kanyang kaibigan.

"Sigurado ako na may kinalaman dito si Sergio," mahinang sabi ni Quinoa pero sapat na para marinig iyon ng mga pulis.

Hindi na sila nagdalawang isip na ikwento ang lahat. Binigay din ni Quinoa ang numero ni Sergio at maging kay Haley, sa mga pulis. Walang nagawa ang dalawa kung hindi ang umuwi dahil iyon ang utos ng mga pulis.

"Kung i-hack kaya natin ang cellphone ni Sergio o kaya ni Haley?" Suhestyon ni Kevin. Hindi siya sigurado kung tama ang sinabi niya pero gusto niya iyong gawin para sa kaibigan.

"Sige. Hanapin natin si Haley," seryosong sabi ni Quinoa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro