82.
Kevin:
Good morning Quin. Gising ka na ba? Ngayon 'yung padasal para sa kaligtasan ni Haley.
Quinoa:
Syempre naman. Kanina pa ako gising, kinamusta ko pa ang mga pulis pero mukang wala pa rin silang lead. Natatakot ako na magiging cold case ito.
Kevin:
Mukang habang tumatagal eh, nawawala na rin sila ng gana kumilos. Hindi ko alam kung dapat pa ba tayong umasa sa kanila o tayo na lang ang dapat kumilos.
Quinoa:
Kung ako ang tatanungin. Tayo na lang ang kumilos, hindi ba tayo rin ang nakahanap ng cellphone nina Sergio at Haley.
Speaking of Sergio, wala silang makitang Sergio na maaaring maging suspect. Baka raw hindi Sergio ang tunay niyang pangalan.
Kevin:
Malaki ang posibilidad niyan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro