Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

26.

Hunter:

Pasensya ka na. May nangyari lang sa bahay. Ano nga uli ang tanong mo?

Alexandra:

Ayos ka lang ba, ano 'yung nangyari?

Hunter:

Huwag kang mag-alala. Ano nga uli 'yung tanong mo?

Alexandra:

Hunter ba talaga ang pangalan mo?

Hunter:

Oo naman! Bakit?

Alexandra:

Wala. Ang cool lang kasi ng name mo.

Hunter:

Cool din ako sa personal. Bagay sa akin ang pangalan ko.

Alexandra:

Sus. Mahangin ka pala.

Hunter:

Konti lang.

Alexandra:

Inamin mo talaga!

Hunter:

Hahaha. Syempre, gusto mo akong makilala eh. Kaya nagpapakilala ako.

Alexandra:

Buti ka pa. Kilala mo ako.

Hunter:

Kilalang-kilala talaga at alam ko na ayaw mo sa pangalan mo pero alam mo, ang ganda ng pangalan mo. Bagay na bagay sa isang magandang babae na kagaya mo.

Alexandra:

Sus. Bolera ka rin pala.

Hunter:

Ayan naman ang hindi totoo. Hindi ako bolero, nagsasabi ako ng totoo. Maganda ka Alex.

Alexandra:

Paano mo naman nasabi, hindi mo pa nga ako nakikita.

Hunter:

Sino namang nagsabi na hindi pa kita nakikita? Hindi ba sabi ko nga sa iyo, kilala kita. Matagal na.

Alexandra:

Nakita mo na talaga ako?

Hunter:

Maraming beses na.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro