21.
Alexandra:
Girllllll. Ang sweet niya hindi ko alam kung paano magreply sa kanya kasi hindi ko naman siya kilala. Ano ba ang dapat kong i-react.
Gigi:
Girl. Naeenjoy ko man ang chika mo, suggest ko lang na huwag mo siyang replayan.
Alexandra:
Bakit naman?
Gigi:
Walang nakakakilala sa kanya eh. Tinanong ko si Ian, hindi rin niya kilala.
Alexandra:
Malay mo, sadyang hindi niyo lang siya kilala. Kahit ako nga eh, hindi rin.
Gigi:
Ang weird niyan eh.
Alexandra:
Hindi mo naman kilala, paano mo nasabi? Huwag kang mag-alala, for fun lang ang lahat. Textmate lang naman kami, hindi niya ako masasaktan.
Gigi:
Sige. Ikaw bahala.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro