Chapter 7
"Hoy kupal ka! Hindi mo ba ako nami-miss?!" sigaw ko sa telepono nang sagutin niya ang tawag. Hindi ito nagsalita agad. "Hoy Gaby!"
["Kierra?"]
Oo nga pala, hindi rin palasalita 'tong kaibigan kong 'to. Kaya siguro natanga ako all through these years.
Hindi ako magsisinungaling, sobrang na-miss ko ang boses ng isang ito. Grabe, bakit ngayon ko lang naisipang tawagan 'tong lalaking 'to?
"Kumusta na kayo ni Jessica diyan? Miss ko na kayo."
["Same same, toxic pa rin,"] he answered. He's pertaining to the hospital sa Nuere na dati kong pinagtra-trabahuhan. March kasi ngayon at tag-init na kaya maraming nao-ospital like heat stroke, measles, chickenpox at marami pang iba.
I also miss my work. Gusto ko na rin magserbisyo.
I sighed. "Miss ko na rin ang toxic sa ospital," I almost mumbled. "Hindi mo man lang ako hinanap noon. Hindi ka ba nag-alala sa akin?"
Narinig ko ang malalim niyang paghinga. ["I searched for you, Kierra, halos maiwan na rin ako ng bus kakahanap sa 'yo. But you were nowhere to be found."]
Sa loob ng 22 years na pamumuhay ko sa bansang Dasaev, ngayon ko lang 'ata narinig ang isang 'tong magsalita nang medyo mahaba! Achievement na 'to for me, handa na akong sumuko sa awtoridad upang makabalik sa Nuere at mayakap ang isang ‘to.
Pero joke lang, siyempre.
"Nasabi na ba sa 'yo ni Mama?"
["Na ano?"]
"Na may tumutulong sa akin dito sa Søren."
["Yes, Jess and I are aware."]
Bahagya kong kinagat ang ibabang bahagi ng aking labi. "Asawa ko na pala siya ngayon."
Naghari ang katahimikan sa loob ng isang minuto. Matalino si Gab at alam kong maiintindihan niya kung bakit ko 'to napasok.
I heard him gasped. ["You what?"]
"I have no choice, Gab. Kung hindi ako magpapakasal ay tiyak huhulihin ako ng pulis."
["You should've waited the results na lang sana sa Hansan, Kierra,"] he cursed a word kaya naman napatakip ako sa aking tenga nang wala sa oras. ["Nagpadalos-dalos ka na naman sa desisyon mo."]
Binabawi ko na pala, hindi niya maiintindihan 'to. Hindi siya open-minded katulad ko.
"Kailan pa lalabas ang results? Next month pa? Anong gagawin ko sa loob ng isang buwan, aber?" depensa ko. Knowing my personality, isang araw pa nga lang na walang ginagawa ay maloloka na ako. Ano pa ang isang buwan?
["'Yun na nga eh, it's just 31 days. Konting panahon lang iyon,"] asar niyang sagot.
Napakunot ako ng noo dahil sa tono ng kanyang boses. "Galit ka ba?"
["Galit ako dahil ang tanga mo mag-desisyon. Future mo ang nakataya rito, Kierra."]
"Mali ka, Gab. Ginagawa ko 'to para sa pamilya ko."
.
Lumabas ako sa kwarto nang tumapat ang orasan sa ika-7 ng umaga. Tapos ko ng ayusin ang sarili ko. Binabaan ko agad ng tawag si Gab kanina dahil ayokong ma-badtrip kaya nag-ayos na lang ako ng aking sarili. I unconsciously raised my eyebrow, dapat pala si Jessica na lang tinawagan ko.
Anyway, sobrang aga kong nagising ngayon dahil unang araw ko sa aking bagong trabaho. Though, 8 AM pa ang pasok ko, ayoko lang ma-late sa first day ko, 'no.
Napatigil ako ng konti sa paglalakad nang biglang bumukas ang kwarto ni Coen na nasa katabing kwarto ko lamang. Mabilis kong in-examine ang kanyang itsura, unang beses ko lang siyang nakita sa ganitong kaagang oras. So, he's really an early bird huh?
Nakasuot siya ng white shirt partnered by black adidas track pants. Ang kanyang buhok ay bahagyang magulo na parang kababangon niya lang sa higaan and, I had to say this, Coen is on fire. Simple lamang ang suot niya at mukhang kakagising lang pero hindi iyon nakabawas sa kagwapuhan ng lalaking ito.
How can someone be so perfect? Like, teach me your ways naman po.
"Good morning, Coen," nakangiting bati ko rito at nauna nang pumunta sa dining area. Pansin ko lang, parati na lang kaming nagkikita sa harap ng hapag. Ang busy kasi niyang tao. "Good morning Manang Pola, Anne, Jasmine, Bea and Ate Anica!" dagdag ko pa.
"Good morning din!" halos sabay-sabay nilang sagot sa akin. Napangiti ako dahil doon.
Binati rin nila si Coen at bahagya pang yumuko upang bigyan ng respeto ang master nila na naglalakad sa aking likuran.
Tinulungan kong maghanda ng hapag-kainan si Manang Pola at Ate Anica. Palihim akong sumulyap kay Coen na ngayon ay prenteng nakatayo't naghihintay habang bahagyang nakasandal ang sarili sa pader at ang dalawang kamay ay naka-krus. Hindi ko alam pero parang nakatingin siya sa aking gawi. Iwinaksi ko na lamang iyon dahil baka imahinasyon ko lang 'yon. Imposibleng titigan ako ng isang Coen Montero.
Nang matapos ay humarap ako rito. "Makakaupo ka na po, mahal na hari," pagloloko ko at iginawi pa ang mga kamay sa kanyang upuan.
Ngumisi ito at umupo na sa kanyang pwesto. Tumingala ito sa akin at bahagyang kumunot ang noo. "Aren't you going to sit?"
"Uupo na po ba ako, mahal na hari?"
Lakas ng tama mo, self!
Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko sila Manang Pola na nagngingiti sa kanilang puwesto.
"Do I have to remind you every damn time? Sit, this is also your house," maraang utos nito kaya naman awtomatiko akong napaupo.
I sipped my hot chocolate, hindi ako nagkakape ever since kaya hindi ko rin alam kung paano ako naka-survive sa nursing nang walang pampagising. I started to eat my oatmeal, 'yon lang ang parati kong breakfast and I'm used to it.
Sinilip ko ang plato ni Coen. May mga bacon slices, isang sunny-side up at isang cup ng fried rice roon. Sabagay, he really needs heavy breakfast dahil siguradong nakakaubos ng energy ang pamunuan ang isang kompanya.
"Here," I heard Coen's voice kaya napatingin ako sa kanya. Nabaling ang atensyon ko sa bagay na inilagay niya sa aking tabi. Naka-paper bag ito kaya hindi ko agad kita ang laman.
I looked at him in a very confusing way. "Ano 'to?" Instead of answering ay kumain na lamang siya. Kaya naman sinilip ko iyon dahil curious din ang lola niyo! Ano na naman kaya 'to? Dahan-dahan kong inilabas ang kahon na nasa loob at gano’n na lamang ang aking pagkabigla nang mabasa kung ano iyon. "Hindi ko ito kailangan," I exclaimed.
Nanlalaki ang aking mga mata habang hindi makapaniwalang hinahawakan ko ang isang mamahaling phone. Who am I joking to? I need a phone, yes, pero hindi ko kailangan ng ganitong kamahal! Paano kung ma-holdap ako?
"You need it," he boredly retorted na parang limang piso lamang ang halaga nito. "Naka-save na ang number ko diyan. Call me if anything happens."
"But this is... very expensive."
Malamya niya akong tiningnan sa aking mga mata and, I swear, muntik na akong mapaatras habang nakaupo.
"You're an elite, Kierra. That's fucking natural."
Walang lumabas na mga salita matapos niyang sabihin iyon. Ang dami kong naiisip kanina na pang-counterclaim pero parang nawala ang lahat ng iyon dahil sa sinabi n’ya. He slapped the reality right into my face.
Isa akong elite.
Muli siyang nagsalita. "You're now a Montero so act like one, mahal kong reyna," he emphasized the last three words that made my heart fluttered. Ngunit mas nangingibabaw sa akin ang pagkabahala dahil sa binitawan niyang mga salita.
.
"Everyone!" Pumalakpak si Manager upang matawag ang atensyon ng lahat ng kanyang mga empleyado. Narito ako ngayon sa café na pagtra-trabahuhan ko for the mean time. Maaga pa para sa opening hour pero halos ang lahat ay busy na sa paghahanda ng mga gagamiting bagay. Mabilis namang gumawi sa aming direksyon ang iba ko pang mga ka-trabaho. "This is Kierra, she'll be joining the fam starting today. Treat her fairly at turuan niyo siya, okay?"
Agad silang sumagot at wala sa sarili akong napangiti. Binati nila ako with all smiles in their faces. Malaki ang coffee shop na ito ngunit sa nakikita kong mga empleyado, pito lamang 'ata kaming narito. Hindi ba kami mahihirapan?
Pinaubaya ako ni Manager sa babaeng nagngangalang Hana. Naaalala ko, siya 'yung nasa cashier kahapon.
"Ito 'yung locker room natin. Binigay na ba sa 'yo ang passcode?” tanong niya. Tumago ako bilang sagot. “Ilagay mo sa loob ang lahat ng gamit mo, nariyan na rin ang apron mo sa loob."
Nakangiti akong sumunod. Walang specific na uniform ang café na ito, basta wear an all-black oufit lang at isuot mo ang nude brown barista apron mo, ready to serve ka na!
Hana helped me knot my hair in a bun. After a minute ay lumabas na kami at naghanda na sa pagbubukas ng store.
"Handa ka na ba?" natatawang tanong niya kaya naman natawa rin ako.
"I was born ready."
Halos dalawang taon na akong nagtra-trabaho sa toxic na ospital. Siguro ay magiging madali na ito para sa akin.
.
sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2020
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro