Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34

“Mauuna na kami, Kierra. Sana magustuhan mo ‘yung gift ko sa ‘yo.” Sabay beso sa akin ni Manager. I thanked him as my lips curled up. Nauna na itong pumasok sa loob ng van at ini-start ang sasakyan.

Kasunod naman nito si Hana. Niyakap niya ako kaya gano’n din ang aking ginawa. “Sana all may Coen,” bulong pa niya. Pareho kaming natawa sa kanyang sinabi. Kahit kalian talaga. “Happy birthday ulit!”

Halos lahat sila ay isa-isa ng nagpapaalam.

“Salamat sa invite, Kierra. Kita kits sa PICU,” pagpapaalam naman ni Nurse Rich.

I bid them goodbye. “Salamat, ingat kayo!”

Hinintay kong umalis ang mga sasakyang nakaparada sa harap namin. Masaya ko silang kinakawayan habang papalayo ang mga ito sa akin.

This day went well at hindi ko itatangging sobrang saya ko ngayon. Ang daming pakulong laro ni Manager at Nurse Rich, sila ang bumuhay sa party kunno na naganap. Tapos isama mo pa si Hana. Sayang nga’t hindi nakapunta si Luke, busy siguro sa law school.

Nang makaalis sila ay tumalikod na ako upang pumasok sa loob ng bahay. My eyes went round nang matamaan ng aking mata si Coen na prenteng nakatayo sa ‘king harapan.

“Kanina ka pa diyan?” tanong ko sa kanya. Akala ko kasi ay naiwan siya sa loob.

Ang kanyang dalawang kamay ay nasa likod habang nakatingin sa akin. May bahid ng tuwa ang kanyang mukha. Hindi siya sumagot kaya nagsalita akong muli. “Hindi ka pa aalis?”

Nakita kong tumaas ang kanyang isang kilay dahil sa tinanong ko. “You want me to leave already?”

Pabiro akong nag-isip. “Hmm… pwede ka ng umalis, not unless gusto mo kaming tulungan sa ligpitin.”

Coen chuckled as he took a few steps palapit sa akin. May inilabas siya mula sa kanyang likuran. Nagawi roon ang aking atensyon.

“I really don’t know what to buy for you, hindi ka kasi mahilig sa jewelries. But I hope you’ll like these,” he shyly uttered habang inaabot sa akin ang kulay pulang gift bag. “I personally picked those things,” he added.

These and those? Nasa plural form.

“Hindi ko naman kailangan ng regalo,” sagot ko. Honestly, hindi nga ako nage-expect ng gifts from them. Presence lang nila, ayos na ayos na ‘ko. “Pero, thank you.” I gave him my sweetest smile. Bubuksan ko na sana ito para tingnan ang laman nang muli siyang magsalita.

“Do not open it in front of me.”

I creased my forehead at mahinang natawa. “Bakit naman?”

His stare went to the ground as he touched his nape. Nakita ko rin ang bahagyang paggalaw ng kanyang panga. Kung hindi lang madilim dito sa labas ay paniguradong namumula na ang tenga niya.

“I’m nervous, I have no idea if you’ll like it.”

At tuluyan na nga akong natawa sa inaasta niya. Dati, I couldn’t imagine Coen being this nervous, wary and shy. Grabe, ang sikat na Montero sa larangan ng negosyo ay marunong din pa lang kabahan at mahiya! Feeling ko ay napaka-special kong tao dahil sa nakikita ko ngayon.

“Shit, Kierra, don’t laugh. You’re making it worse,” he said, almost in whisper.

Kinalma ko ang sarili bago nagsalita, “I already appreciate your presence ngayong birthday ko, Coen. Paniguradong magugustuhan ko ‘to kasi galing ‘to sa isa sa paborito kong tao,” I chortled. “Tsaka, first time lang kitang nakitang ganito ah.”

“I just became like this because of you.”

.

Lumabas ako ng pediatrics intensive care unit nang may ngiti sa mga labi. Sa wakas, tapos na ang shift ko ngayong araw. Tiningnan ko ang suot na relo. 10:15 PM na. Wala sa sariling namula ang mukha nang may maalala. Kulay puti ito at may outline pa ng kulay gintong metal. Isa kasi ito sa niregalo sa ‘kin ni Coen. Ang itim na backpack na gamit ko ay bigay niya rin.

He really knows my style.

I walked towards the hospital’s mini grocery store, as usual, para bumili ng mallows at juice.

Pagkalabas ng store ay tumigil muna ako sa gilid nito. Nilabas ko ang nag-iingay kong phone at agad na sinagot ang tawag.

“Coen,” I greeted on the other line. Ilang segundo kong hinintay ang kanyang sagot pero hindi agad siya nagsalita. “Anong meron?”

Narinig ko ang malalim niyang paghinga. [“I’m at the hospital.”] Mababa ang boses niya habang sinasabi iyon, parang wala itong buhay which made me creased my forehead.

“Ha? Bakit ganyan ang boses mo? Tsaka sabi mo, ‘di mo ‘ko masusundo ngayon?”

[“It’s Dad.”]

My heartbeat automatically increased nang may mapagtanto. Oh no. Napatayo ako nang tuwid at kagat-labing luminga sa paligid.

“Nasa’n ka ngayon?”

[“Dad’s in the OR, nasa waiting area ako,] aniya. [“Hey, don’t worry about me, Zach’s here.”]

“Kahit na. Pupunta ako diyan.”

Binaba ko na ang tawag at mabilis na nilakbay ang napakalaking ospital ng Hansan. Halos takbuhin ko na ang elevator para makahabol ng sakay dito. Tumingin ako sa taas upang tingnan kung nasaang floor na. Nang tumunog ito ay mabilis akong tumakbo papalabas.

Alam kong hindi sila ayos na mag-ama, completely. They would always say na they hate each other, na hindi sila nagkakasundo parati. Pero hindi maipagkakaakila na the two of them actually and secretly care for each other. Kahit hindi nila sabihin at ipakita, alam kong mas malakas pa rin ang lukso ng kanilang dugo’t laman.

They’re family, after all.

Nakahinga ako nang maluwag nang makita siya sa hindi kalayuan. Bumagal ang aking paglakad habang hinahabol ang paghinga. Nakaupo siya at kapwa nakapatong ang siko sa magkabilang hita. Magkasiklop ang kanyang mga kamay at nakatulala sa puting sahig. Kasama niya si Zach na nakatayo sa kanyang harapan at nakasandal sa pader. He’s wearing his usual clothes for work, gayon din si Zach. Mukhang galing lang silang opisina.

Napansin agad ni Zach ang presensya ko. Tumango lang ito at bahagyang lumayo.

Gumawi ako sa katabing upuan ni Coen at tinabihan siya. Hindi niya napansin ang pagdating ko. Siguro’y masyadong malalim ang kanyang iniisip.

“Coen,” mahinang tawag ko.

His eyes darted to his right side, kung saan ako naroroon. For a second, nakita ko ang pag-aalala ro’n ngunit mabilis din iyong nawala at napalitan ng isang ngiti… isang malungkot na ngiti.

Umayos siya ng upo. “You should’ve gone home and rest, Kierra.” His voice was soft habang malamlam akong tinitingnan.

“Ayos ka―?”

He let out a small smile. “I’m fine.”

But his eyes told me that he wasn’t.

“Anong nangyari kay Mr. Fraginal?”

Naglakbay ang kanyang tingin sa nakasarang glass door ng operating unit at saka nagsalita, “He has a brain tumor and needed an immediate operation. He didn’t even tell me that he’s suffering from that goddamn cancer.”

Pinatong ko ang kamay sa kanya at mahigpit iyong hinawakan. “He’ll get this through.”

“I know, he will.”

It was 2 hours since I got here when the neurosurgeon came. Tapos na ang surgery.

Mabilis na tumayo si Coen habang gano’n din ang aking ginawa.

“How was he?”

“The golf ball-sized tumor located in the fourth ventricle of the patient’s brain had been removed successfully. He’ll be unconscious for the following days since hindi naging madali ang kanyang operation. We will continuously monitor the patient’s recovery but it’ll take time given that he’s not in his young age,” the doctor explained to us. “For now, dadalhin namin siya sa ICU for intensive monitoring.”

Nagpaalam na rin ito matapos iyon sabihin.

Kahit sabihin ng doktor na successful ang operasyon, hindi pa rin maaalis na nasa kritikal pa ring kalagayan si General Fraginal.

Naiwan muli kaming dalawa. Umangat ang aking ulo sa kasama. He tried to give me assurance na ayos lang siya, forming a curve on the side of his lips… but it didn’t meet his eyes.

He’s not fine.

Wala kahit isa sa amin ang nagsalita.

Lumapit ako sa kanya at pinagsara ang distansyang pumapagitan sa ‘min. I gave him my warmest hug habang marahang tinatapik ang kanyang likod. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang mainit niyang kamay sa aking likuran.

“Thank you,” he weakly said at naramdaman ang kanyang mga labi sa aking ulo.

.

Isang linggo na ang nakalilipas nang ma-operahan ang tatay ni Coen. Narito pa rin siya sa ICU ng Hansan, hindi pa rin nagigising.

Ni-request ko sa chief nurse ko na rito muna ako i-deploy for the meantime kahit medyo toxic ang environment. Pero mabuti na rin ‘to, kahit kasi papaano ay nababawasan ang pag-alala ni Coen.

Tiningnan ko ang monitor ni Mr. Fraginal na nasa kanyang tabi at sinulat sa chart ang mga nakuhang impormasyon galing do’n. Kinuha ko rin ang kanyang vital signs, normal naman ang lahat. We were just waiting for him to be awake para ma-test siya ulit for further complications.

Hinihintay ko ang pagtunog ng oxygen clipper nang matamaan ng aking paningin ang mukha niya.

Siguro noong kapanahunan niya ay habulin din siya ng mga babae, just like his son. Maputi na ang kanyang buhok at medyo kulubot na ang balat ngunit hindi pa rin maalis dito ang dugong Montero.

Mabilis kong binaling ang atensyon sa suot na relo upang bilangin kung nakailang segundo na ang nakalilipas. Agad ko rin iyong binalik sa nakahigang pasyente.

The moment I fixed my gaze to him ay gano’n na lamang ito namilog. Am I seeing things correctly? May tatlong segundo yata akong nakatulala habang ang bibig ko ay bahagya pang nakabukas.

Gumalaw ang talukap ng kanyang mga mata.

I even looked closer para makita kung tama ba ako ng nakikita.

Nang makumpirma ay mabilis pa sa isang segundo kong pinindot ang signal button upang tawagin ang ibang personnel to check his condition. I was about to go to the station nang may humawak sa akin.

Naglakbay ang tingin ko roon, only to see his hand faintly gripping my wrist. Mulat na ngayon ang kanyang mga mata habang nakatingin sa puting kisame.

Lumapit ako nang bahagya. “Alam ninyo po ba kung nasaan kayo, sir?” magalang kong tanong.

Nanatili ang pagkakatitig niya sa itaas at hindi inalis ang pagkakahawak sa ‘kin. I waited for him to respond, hanggang sa ibuka niya ang kanyang bibig. Nahihirapan pa siyang magsalita. Mahina ang boses na lumalabas doon pero isang kataga ang malinaw kong narinig.

“S-stay with h-him.”


.
sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro