Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31

“You need to try this,” Coen enthusiastically said at nilagay sa ‘king plato ang cordon bleu.

Awtomatikong gumuhit ang aking ngiti. He also flashed his oh-so-good-I-can-watch-it-all-day smile. Bahagya kong kinagat ang ibabang bahagi ng labi upang pigilan ang kilig.

Bakit ang gwapo mo po?

Nagpatuloy ako sa pagkain habang may saya sa mukha.

Ngunit agad din iyong napawi nang marinig ang boses ni Anne. Napapitlag pa ako sa gulat. May kasama pala kami rito sa dining table? Mabilis na naglandas ang aking mata sa kinaroroonan nito.

“Manang Pola, nalinis ba natin ‘tong lamesa? Para kasing ang daming langgam.” Narinig ko pang humahagikgik ang nasa kaliwa kong si Ryan, katabi naman niya ay si Manang Pola. Zach sighed na nasa harapan ko habang ngumingiti-ngiti naman ang katabi niyang si Anne. “Bakit n’yo ko sinipa, Manang Pola?!” pa-inosenteng tanong nito.

Umiling na lamang si Manang Pola habang ang atensyon ay nasa pagkain. “Kumain ka na lamang diyan,” saway nito sa nakababatang katrabaho.

The six of us were in a rectangular dining table. Napag-usapan namin kanina nina Anne na simula raw noong umalis ako, parati na raw tinatawag ni Coen ang lahat ng mga helper para samahan siyang kumain. Hindi ko napigilang mapaisip dahil doon. Was he sad?

“You two looked creepy,” bulalas ni Zach habang nakatuon sa hinihiwang pork. Alam kong he’s pertaining to us.

Coen glanced on his side, kasalukuyan siyang nakaupo sa host seat na nasa bandang dulo ng mesa. At katabi niya sa kanan ang kanyang assistant. “You’re creepier, don’t worry.”

Ryan suddenly clapped his hands kaya lahat kami ay napabaling sa kanya. He showed us his pointing finger at pabalik-balik na tinuro sa ‘ming dalawa ni Coen. Ang dalawa niyang mata ay mabilis na kumukurap habang abot-tenga ang ngiti.

“K-kayo na?!” masayang tanong niya at muling pumalakpak.

My words couldn’t come out. I tried to speak pero parang may bumara sa aking lalamunan. Involuntarily, I reached for a glass of water at ininom iyon.

“Yes, kami na ng ate mo, Ryan.”

Oh my gosh?!

Nabigla ako sa sinagot ni Coen kaya napaubo ako nang wala sa oras. Dahan-dahan kong nilapag ang baso upang hindi iyon matapon habang patuloy pa rin sa pag-ubo. The water got in a wrong pathway. Sue Coen Montero for that!

“Ayos ka lang?”

“Ate?”

“What happened?”

Halos sabay-sabay nilang tanong. I raised my hand as I nodded repeatedly, signaling them that I’m fine.

“You okay?” tanong nito habang tinatapik pa ang aking likod. Nabigla lang ako sa super straightforward niyang sagot. Akala ko pa naman ay dadahan-dahanin niyang i-a-announce sa lahat.

This is all your fault!

After few more coughs ay huminahon na rin ako. I gave him an assuring smile. “Ayos na, nasamid lang.”

“I can’t even handle this,” rinig kong bulong ni Zach.

Sus, bitter.

Anne squealed. My eyes darted at her. Nakangiti ito sa aking direksyon habang binibigyan ng makabuluhang tingin. “Ano kayang nangyari sa rooftop? Hmm?”

Sinuway siyang muli ni Manang Pola. I heard Coen’s chuckle from my right side and asked, “Should I buy the rooftop, hon?”

What the hell?

“The fuck?” Zach unbelievably cussed.

“Coen!” saway ko rito at yumuko upang itago ang namumulang pisngi. He even laughed in a manly way that made me lose my sanity. Hustisya naman oh!

Ilang saglit lamang ay napatigil ang aking pagnguya nang may tumunog na telepono. Zach immediately got up from his seat at lumayo nang bahagya sa amin bago sagutin ang tawag.

Nagpatuloy lamang kami sa pagkain hanggang sa siya’y bumalik. His expression shifted in a glimpse. Mukhang hindi maganda ang narinig niyang balita mula sa tawag. Mabilis siyang naglakad at lumapit kay Coen.

“Papunta si General Fraginal,” he simply stated that made me anxious.

Coen’s eyes became more serious as his pupils flared. Nagdilim ang aura nito nang banggitin ang pangalan ng ama. Nakita ko kung paano gumalaw ang kanyang panga. “Nasa’n na siya?”

“Lobby.”

Hindi na ako nag-isip pa at agad na tumayo mula sa pagkakaupo. Everyone, as well as Coen, looked at me in question.

I was about to walk away upang magtago nang maramdaman ko ang kamay niya sa akin. Napatingin ako roon habang tumataas ang tingin sa kanyang mukha.

“Hey, it’s fine. Okay?” he comforted me.

“Pero ayaw ako―”

“You’re fine. I got you.”

His smile made me calm a bit pero hindi pa rin naalis doon ang kaba. He intertwined our hands, gripping it harder as if he’s assuring me that all is well. I heaved a sigh at unti-unting umupo muli habang ang nag-aalalang mga mata ay nasa kanya pa rin.

Tama siya, everything will be okay.

Wala nang magagawa si Mr. Fraginal.

I love him. I need to trust us.

“What’s your plan?” Zach butted in.

Using his free hand, kinuha niya ang kanyang baso at uminom doon. Prente niyang nilapag iyon matapos inumin. Ako lang ba ang kinakabahan dito?

His eyes focused in an unknown direction. “Give him plate, let him eat with us.”

.

The atmosphere turned out to be stern. Tahimik ang lahat, tunog lamang ng kubyertos ang naririnig. Naging mahinahon ang aking bawat paggalaw upang asikasuhin ang kapatid, natatakot na bumuo ng ingay na babasag sa katahimikan ng paligid.

Sinalinan ni Manang Pola ng tubig ang baso ng kadarating lamang na si Mr. Fraginal, wearing his five-star military suit. Nakaupo ito ngayon sa aking harapan, katabi ni Coen. Wala pang laman ang plato nito at mataman ang tingin sa mesa. I could sense negative aura at hindi ko iyon nagugustuhan.

Tumama ang aking tingin kay Zach na kasalukuyang nasa isang sulok at nagbabantay. He gave me a nod, ensuring me na walang mangyayaring masama.

“Gusto ninyo po ba ng dessert?” magalang na alok ni Anne na nakatayo sa likuran.

Mr. Fraginal hardly slammed his hand on the table. Lumikha iyon ng malakas na ingay that almost made me jump out from my seat. Pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga sa tensyong nabubuo rito.

Nagulat din si Ryan doon kaya naman wala sa sarili niyang inilagay ang parehong kamay sa magkabilang tenga. Inalo ko siya agad at pinakalma. Manang Pola approached his side upang ilayo muna sa hapag, sumunod naman si Anne sa dalawa.

“Dad!” Coen scowled.

Hindi iyon pinansin ng kanyang ama at masamang pinukawan ako ng tingin.

“I thought I already made this clear to you,” seryosong pagkakasabi ni Mr. Fraginal. I unconsciously gulped. “I don’t want you for my son.”

Coen’s hand searched mine underneath the table. Mahigpit niya iyong hinawakan kaya naman napatingin ako sa kanya. His glare was on his father, getting ready to fire back.

“I don’t need your permission―”

“I’m not talking to you, Coen,” Mr. Fraginal cut his words.

I know that they’re not good in terms. Pero ayaw ko namang mas lumala pa ang away nila nang dahil lang sa akin. Hindi kakayanin ng konsensiya ko ‘yon.

I took a heavy sigh before biting my bottom lip. Inipon ko ang lahat ng lakas at nagsalita, “Lumaki po ako sa Nuere at alam ko po kung gaano ninyo kinamumuhian ang distritong iyon. Pero hindi po ‘yon sapat na rason upang iwanan kong muli ang anak n’yo. Hindi ko po ipipilit ang sarili sa inyo. Maraming salamat din po sa pagkakataong ibinigay n’yo sa ‘kin two years ago… pero hanggang doon na lang po iyon.” I glimpsed at Coen na kasalukyang nakatitig sa akin nang seryoso. I smiled. “Mahal ko po si Coen, mahal ko ang anak n’yo.”

Matapos ko iyong sabihin ay pabalang siyang tumayo kaya awtomatiko rin akong napatayo. Walang namang nagawa ang katabi ko kundi gawin din ang aking ginawa.

Mr. Fraginal’s gaze landed on our clasped hands. Napansin naman iyon ni Coen kaya’t mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin.

Ramdam kong may gusto pa itong sabihin ngunit hindi na nito iyon tinuloy. “Let’s leave,” he ordered his three men na nasa likod nito habang ang mga mata ay masamang nakapukaw sa akin.

Zach escorted them. Sinundan ko sila ng tingin hanggang mawala na sa paningin. Doon lamang ako nakahinga nang maayos. My feet even wobbled kaya mabilis akong umupo sa upuan.

Those stares almost killed me.

.

“So, iyon na ‘yon?” tanong ni Jess pagkatapos kong magkwento sa kanila. “Wala man lang bugbugang naganap?”

“Jess!” natatawang suway ko rito.

Narito ako ngayon sa sala nina Gab. Kasalukuyang kausap ang kaibigang nasa Nuere. We’re using his laptop para kitang-kita namin ang pores ng gaga.

“Stay strong sa inyo! Magbunga nawa kayo ng maraming supling!”

“Jess!” ulit kong sigaw at mabilis na tinakpan ang speaker ng laptop. Kahit kalian talaga, walang preno ang bibig ng babaeng ito.

Gaby handed me a slice of pizza. “Congrats, by the way,” mahina niyang saad. Napansin ko ang pagbabago ng kanyang mukha, mas naging gloomy and dull kasi iyon kumpara kanina. Masyado na siguro siyang stress sa med school.

“Thanks,” I answered. Nilantakan ko ang pizza na kanyang binigay at mabilis na ngumuya.

Nang matapos ay agad na akong tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig at pinagpagan ang sarili. “Mauuna na ‘ko, paniguradong hinahanap na ako ni Ryan.”

“Ihalik mo ‘ko sa batang ‘yon ah,” pahabol ni Jessica. Tumango na lamang ako bilang sagot.

.

Twenty steps.

Ganyan lang kalapit ang kanilang bahay sa amin. Matapos ang dalawampung hakbang ay nakarating na rin ako sa tinitirhan namin. Agad kong nakita ang pamilyar na kotseng nakaparada sa harap. My forehead creased.

It’s nine o’clock in the evening! Anong ginagawa niya rito?

Mabilis kong tinahak ang pinto papasok sa loob ng bahay. Pipihitin ko na sana ang doorknob nang kusa itong bumukas. Wala sa sarili akong napaatras at pigil-hiningang nanlaki ang mga mata.

“Hey.” Mas nilawakan niya ang awang ng pintuan upang makapasok ako.

I exhaled. “Coen? Kanina ka pa rito?” tanong ko nang tuluyang makapasok. He locked the door at sinundan ako sa kusina.

He crossed his arms over his chest. Bahagya pa itong sumandal sa pader habang pinagmamasdan akong magsalin ng tubig. “Yes, your brother and I already watched a movie,” he answered. “You went to that Gab’s house?”

Tinaasan ko ito ng kilay. “Oo, bakit?”

“He’s a man.”

Alam ko namang lalaki si Gaby. Bakit niya pa sinasabi? My head slightly tilted, trying to decode him.

“Oo, lalaki si Gaby.” Ngumiti ako at wala sa sariling tinuro pa ito nang may maalala. “Siya ‘yung nakwento ko sa ‘yo dati!”

“He’s a man, Kierra,” mas seryoso niyang saad, emphasizing every word.

Ilang segundo ko siyang tinitigan, squinting my eyes while my brows were knitted. Saglit akong natigilan nang may ma-realize. I scoffed unbelievably.

Seriously, Coen?

“Nagseselos ka ba?”

Agad siyang umiwas ng tingin at kahit medyo malayo siya sa akin ay kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang tenga. “No! I’m not jealous!” he defended himself.

“Best friend ko si Gab, Coen.”

“I know,” he sighed. His voice lowered, not looking directly into my eyes. “but he’s a guy. And I’m not jealous for fuck’s sake!”

Hindi ko na napigilang mapatawa sa kanyang inaasta. Tumahimik na lamang ako at kunwaring nakumbinsi sa sinagot niya. The notable Coen Montero is jelly!

“Kumain ka na?”

Tumango naman siya. “We already ate your menudo.”

The corner of my mouth quirked up. Tumalikod ako upang hugasan ang ginamit na baso. Well, excuse na rin para matago ang mukhang nagsisimulang mamula. “Masarap ba ang pagkakaluto?”

“Yeah, pwede nang maging nanay,” he dryly stated.

Humarap na ako sa gawi niya habang pinupunasan ang kamay, pursuing my lips together upang itago ang kilig. Ngayon ko lang napansin ang suot niyang kulay itim na tracksuit. That’s his all-time comfy clothes and he looks cool tuwing nakasuot siya ng gano’n. On the second thought, lahat naman ‘ata ng damit ay babagay sa kanya.

I think my face was completely in red at paniguradong napansin na niya iyon. Ang bilis ng karma mo, Kierra! His smirk grew bigger.

Great.

Naglakad na lamang ako papunta sa kwarto ng aking kapatid habang naramdaman ko namang nakasunod si Coen sa ‘kin. Bahagya kong sinilip ang kwarto ni Ryan. Oras na kasi ng tulog niya, mabuti na lang at kusa nang natulog ngayon. Maingat kong sinara ang pinto para hindi siya magising.

“Bakit ka pala nandito?” biglaan kong tanong. “Dapat sinabihan mo ‘kong dadaan ka rito.”

Hinintay ko siyang magsalita ngunit lumipas na ang ilang segundo pero walang lumalabas na salita mula sa kanyang bibig. Nakatitig lamang ang malalamlam niyang mga mata sa ‘kin.

His lips curved up. “I missed you,” he said in a deep and dry voice.

Hindi na tuluyang nawala ang ngiti sa aking mukha. “Kahapon lang tayo magkasama,” pagpapaalala ko sa kanya, in case na nakalimutan niyang kumain pa kami ng dinner sa penthouse niya.

Lumakad siya palapit sa ‘king direksyon, crashing himself to mine. Mahigpit niya akong niyakap as he rested his head on my shoulder. I silently sniffed his manly scent. Nakakaadik!

Minutes had passed nang bahagya siyang lumayo sa yakap. Naglandas ang kanyang mga kamay sa aking bewang, giving me sparks of electricity. He stared at me lovingly at gano’n din ang sinukli ko sa kanyang mga mata.

“Kierra,” he called my name. Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng pintig niyon.

“Hmm?”

“Can I sleep here tonight?”

Nanlaki ang aking mata while my mouth parted in disbelief. Awtomatikong nagkulay kamatis ang pisngi at wala sa wisyong tinakpan ko ang aking bibig.

Don’t tell me… he wants us to do that ‘thing’?

He let out a chuckle upon seeing my reaction. “I won’t do anything, I promise.”

.

Nauna na akong humiga sa ‘king kama. I laid on the left side of my bed, hugging my favorite pillow.

My mind was clouded with thoughts. Feeling ko any minute ay sasabog na ang aking utak kaka-overthink ng pwedeng mangyari.

Mariin akong napapikit nang marinig ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng shower room. And in fairness sa loko, boy scout! May bitbit kasi siyang mga damit at personal stuffs like toothbrush and such. Nagulat nga ako, parang may balak ‘atang tumira sa amin.

Ilang sandali lamang ay naramdaman ko ang paggalaw ng kama. My body froze nang ma-realize na nasa tabi ko na siya.

“Ay kalabaw!” gulat kong sambit nang hatakin niya ako papalapit sa kanya. Naging mabilis ang pangyayari, ang alam ko ay nasa dulo ako ng kama pero ngayon halos yakap na niya ako. “Coen!”

“What?” he innocently asked na para bang wala siyang ginawa.

Silence filled the room. Magkaharap kami sa isa’t isa at sa sobrang lapit namin, pakiramdam ko ay naririnig na niya ang malalakas na pagtawag ng aking puso sa kanyang ngalan. His eyes fixed on mine na para bang ayaw na niya iyong ibaling sa iba.

“I love you,” he whispered.

Bago pa man ako makasalita ay mabilis niyang inilapit ang mukha sa akin, claiming my lips. I was stunned at first but immediately recovered when his soft lips started to wonder. It was slow yet full of affection.

I couldn’t help but to drown myself into his kisses.

“Fuck,” he almost mumbled at kaagad na humiwalay, trying to retrain himself. I could see his frustration nang ilayo niya nang konti ang sarili sa akin. I bit my lip, trying to hide my smile. “Stop doing that.”

“Ang alin?”

“Biting your goddamn lips. You’re torturing me.”

Hindi ko na napigilang ngumiti. “Let’s just sleep, Coen,” asar ko, emphasizing the word sleep.

Umupo ako para makaayos siya ng higa.

“Alisin mo yung braso mo.” Nakaharang kasi iyon sa unan ko.

A corner of his mouth lifted. “Higa na, Kierra,” he said in low voice, not even moving an inch.

“Umayos ka ng―”

Bago ko pa matapos ang sasabihin ay hinigit na niya ang kaliwa kong kamay. My head landed on his firm arm that embraced me right away.

“Much better.” He exhaled and closed his eyes.

Nanatili ang titig ko sa kanyang mukha, sinusulit ang pagkakataong hindi niya ako nakikita. I memorized his every feature, from his thick brows, pointe nose down to his glossy and kissable lips.

“I love you,” bulong ko.

His eyes opened and landed to me as soon as he heard that. May ilang segundo ko rin iyong pinagmasdan. Kahit hindi siya magsalita ay alam ko at kitang-kita ko ang mga sagot sa kanyang mga mata. His gaze magnetized my eyes, it feels like he’s hypnotizing me. And it felt good.

Maya-maya lamang ay naramdaman ko na ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata. Sumiksik ako sa kanya at nakangiting sinara ang mga iyon.

“Goodnight, Kierra.” I heard him murmur as he gently kissed my forehead.

.

sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro