Chapter 30
“Sino ‘yun, Ate?” Turo ni Ryan sa taong nagd-drive ng sasakyan. I heard Coen’s chuckle kaya wala sa sariling napatingin ako sa rearview mirror, only to see him eyeing us.
Agad akong nag-iwas ng tingin at binaling ang atensyon sa kapatid. “Si Kuya Zach ‘yan, kaibigan ni Kuya Coen.”
Ryan lowered his head. “Nakakatakot,” bulong niya ngunit narinig pa rin ito ng mga taong nasa unahan.
Tumikhim si Zach dahil doon, samantalang lumingon naman ang isa sa aking kapatid. Isang ngisi ang nakasuot ngayon sa kanyang mga labi habang makikita sa kanyang mga mata ang pagkamanghanga.
“He’s not that scary,” he playfully teased his assistant. “Konti lang.”
I bit my lower lip as I drew an apologetic smile. I gently patted my brother’s back para sabihing mali siya ng nasa isip. Yes, nakakatakot nga ang panglabas na itsura ni Zach. His cold eyes looked like it could kill any minute, parang parating may hinanakit sa mundo ang vibes niya. Noong una ko rin siyang nakita ay halos mapaatras na ako sa takot. But he’s a nice guy and super loyal niyang tao.
“Mabait si Kuya Zach, Ryan,” pag-alo ko rito.
Ilang sandali lamang ay tumigil na ang mamahaling sasakyan sa tapat ng isang familiar na tower. Naunang bumaba si Zach, matapos no’n ay si Coen. He even opened the backseat’s door para kay Ryan. Mabilis naman itong bumaba at agad na narinig ang pagkamangha the moment he stepped out.
Bumaba na rin ako. The memories I’ve spent here went back as my eyes wondered.
Nagsimula na kaming maglakad at kagaya nang dati, maraming mga mata ang nasa amin lalo na nang makita nila akong kasama ang isang sikat na business tycoon. Tila hindi naman alintana ng tatlong lalaki ang mga kakaibang tingin na pinupukaw ng mga tao sa amin.
Guys? Ako lang ba ang aware rito?
I heaved a sigh habang pilit na iniiwasan ang mga iyon.
Coen pressed the up button nang tumigil kami sa tapat ng elevator― his golden elevator, by the way.
“Sasakay tayo diyan?” bulong ko sa katabing si Zach.
“Yes,” he coldly answered habang tuwid na nakatingin sa harapan.
Hindi na ako nagsalita at pinagmasdan na lamang ang kapatid na kasalukuyang nakanganga ang bibig habang nakatingin sa mga chandelier sa itaas. Napangiti ako roon.
Maya-maya pa ay bumukas na rin ito. Coen patted Ryan’s shoulder para mapunta sa kanya ang atensyon nito. Napapalakpak naman ito nang makitang bukas na ang elevator at patakbong sumakay doon.
.
“Kierra? Ikaw ba ‘yan?"
Napatakip ako sa bibig nang wala sa oras as my smile ran a mile. “Manang Pola!” I squealed at mabilis na yumakap dito. She also welcomed me with open arms. Sumali rin sa yakapan si Anne.
Grabe, na-miss ko sila nang sobra!
“Ang tagal mong hindi nagpakita. Hindi ka man lang nagpaalam sa ‘min.”
“Ano bang nangyari sa ‘yo?”
Humiwalay ako sa yakap as I gave them an apologetic smile. Tumingin muna ako sa gawi nina Coen, Ryan at Zach na kasalukuyang nasa sala. Nanonood sila ng spiderman movie and they’re both spoiling my brother.
I smiled. “Sister duties,” sagot ko at tinuon ang buong atensyon sa kanilang kinakaing merienda upang iwasan ang topic na iyon. Narito kami ngayon at nakaupo sa dining area. Dumukot ako ng isang biskwit at agad iyong sinubo.
“Umupo ka na rin doon sa sala, Kierra, mas masarap ang kinakain nila roon,” sambit ni Manang Pola.
Pabirong kumurba nang pababa ang aking labi. “Tingnan ninyo, pinapaalis n’yo na ‘ko! Ayoko nga roon, puro lalaki.”
They both laughed because of that. Teka nga lang, parang may kulang? Luminga-linga ako sa paligid. Napansin naman ni Anne ang ginawa ko at tila nabasa niya ang aking iniisip.
“Wala na sina Bea, Jessica at Anica. Nakahanap na ng mas magandang trabaho ‘yung isa habang ‘yung dalawa naman nasa kompanya na ni Sir Coen,” paliwanag nito matapos inumin ang orange juice. Ngumiti pa ito nang nakakaloka. “In-offer-an din ako ni Sir Coen kaso mas gusto ko rito. Mas makikita ko siya sa bahay,” dagdag pa nito habang halos mangisay na sa kilig.
Napailing na lamang kami ni Manang Pola at humagikgik. Nagkwentuhan pa kami for almost an hour at panay tawa’t sigawan lamang ang aming ginawa. Sila ang kauna-unahan kong best friends dito sa Søren. Masama ang loob ko noong umalis ako dahil nawalan ako ng pagkakataong makapagpaalam sa kanila. Mabuti na lang at naiintindihan nila ‘yon ngayon.
.
I glanced on my wristwatch habang hinihintay matapos ang film na pinapanood nila. Five in the afternoon na at kasalukuyan na akong naiwan ng mga kasama ko rito.
Kailangan pa raw nilang mamili ng mga ingredients para sa mga lulutuin nilang mga putahe mamayang dinner. Sinabi ko ngang sasama ako pero naging matigas sila at hindi pumayag.
Kaya ito, mag-isa na lang ako.
Napagdesisyunan kong tumayo mula sa pagkakaupo sa dining area at lumabas ng penthouse. Mahinahon ang aking paglalakad upang hindi ako maka-istorbo sa kanilang tatlo.
Nasa exciting part na siguro sila dahil panay na ang sigaw at pagsuntok ni Ryan sa ere.
‘Yan lang ang isang bagay na hindi ko mabibigay sa aking kapatid, ang samahan siyang manood ng action movies. Una sa lahat, hindi ako fan ng karahasan at mabilis talaga akong makatulog sa mga pelikula. Kaya naman si Gaby parati ang takbuhan nito. Doon sila nagkakasundo.
“Saan po kayo, ma’am?”
Muntik na akong mapatili nang may biglang nagsalita sa aking gilid. Oo nga pala, may bantay ang entrance door ng penthouse na ito.
“Sa rooftop lang,” sagot ko nang makabawi sa gulat.
Tumaas ang kamay nito at nilagay sa may bandang tenga. He mumbled things na hindi ko maintindihan bago muling nagsalita, “I-e-escort ko po kayo, ma’am.”
“No need.” Halos pareho kaming napalingon ng guard sa kakarating lamang na si Coen. Nasa likod ko ito at parehong nakabulsa ang mga kamay. Napako ako sa kinatatayuan nang magsimula siyang maglakad.
Nanonood lang siya kanina, hindi ba?
Maya-maya lamang ay huminto ito at bahagya pang lumingon sa akin nang makitang hindi ako sumusunod. “You’re not coming?” tanong nito.
“Ah, sabi ko nga,” I whispered to myself at nagmadaling sumama. He even adjusted his pace para lang makasabay ako sa bawat hakbang niya.
We took the staircase since isang floor lang naman ang aakyatin namin. Tahimik lang kami hanggang sa maihakbang ang mga paa sa huling hagdan. Coen opened the rooftop’s door for me, pinauna niya ako bago siya sumunod sa akin.
Agad akong pumwesto sa dulong bahagi, kung saan mas tanaw ang malawak na sakop ng Søren. My warm hand touched the cold metal as I appreciated its beauty. Pinikit ko ang aking mga mata habang dinarama ang malamig na simoy ng hangin.
Naramdaman ko naman ang pagtabi niya sa akin. Nang magbukas ang mga mata ay awtomatikong hinanap nito ang papalubog na araw.
Katahimikan ang bumalot sa unang limang minuto namin dito. I think we were just too astonished by the scenery that I, myself, couldn’t find words for it.
This is so relaxing.
Matapos lamang ng ilang oras ay malalim akong huminga at malungkot na ngumiti.
“Wala na si Mama,” pag-uumpisa ko. “Kaya ako bumalik ng Nuere dahil sa kaniya at sa kapatid ko. Sorry kung hindi ko nasabi sa ‘yo iyon. Ayoko lang na bigyan ka pa ng problema.”
He was silent at first kaya binalingan ko siya ng tingin. “Kierra, you should have―” He heaved a sigh as his eyebrows met. “I should’ve been there with you.”
Bahagya akong tumingala. “That was the worst part of my life. Pero ayos na ‘ko ngayon, tanggap ko na ‘yung mga nangyari.”
“You can always count on me, Kierra. You’re not a fucking problem to me.”
“Salamat,” I uttered.
“And I’m serious about that.”
“Alam ko,” I answered, pursuing my lips together.
After few seconds ay nagbago ang kanyang ekpresyon. His face softened, kitang-kita roon ang pag-aalala.
“Was it that stressful?”
Tumango ako nang paulit-ulit. “Stressful, traumatic, toxic, difficult, scary, terrifying at alarming. Lahat na ‘ata ng negative words naramdaman ko. Nakakapagod din kaya parang gusto ko na lang maging selfish ngayon,” sagot ko, letting out an inward laughter.
“It’s okay to be selfish when it’s too rough. Everyone deserves to be happy― and so are you.”
Lumingon ako sa kanya. Para akong naging estatwa nang magtagpo ang aming mga tingin. Unti-unting gumuhit sa kaniyang labi ang mga ngiting hanggang ngayon ay nagpapabilis ng pagtibok ng aking puso. Ngumiti rin ako, showing off my most genuine side.
“Naninibago pa rin talaga ako sa ‘yo. Ngumingiti ka na.”
Umiwas siya ng tingin at saglit na pinagmasdan ang paligid. Napalitan ng ngisi ang kanyang ngiti. “Someone told me to smile often. Mas gwapo raw ako kapag nakangiti.” His head went to my direction again. “Is it true?”
Parang ako ‘ata ang nagsabi no’n ah. My reflexes told me to nod and so I did. Wala sa sarili akong napailing habang mahinang tumawa. Dito ko rin iyon sinabi mismo sa lugar na ito noong mga unang araw ko sa Søren.
“Mas gwapo ka nga ‘pag nakangiti. Ang galing ng taong nagsabi sa ‘yo niyan ah.”
Nanatili ang titig niya sa akin. Mas sumeryoso ang kanyang mukha na nagpapawi ng aking ngiti. Hinintay ko siyang magsalita.
“I like it whenever I’m with you. I always smile if it’s you.”
The shades of sunset made the moment more romantic. His gaze attracted mine, hindi ko na magawang ialis ang mga iyon mula sa kanyang pagkakatitig. The cold wind brushed my bare skin yet I couldn’t feel its breeze. It’s like Coen’s presence was enough― his affection gave my heart warmth that I always wanted… that I always love.
“Two years and it was still you,” he sincerely said. “I love you, Kierra. I always do.”
My mouth slightly parted. Agad kong naramdaman ang pamumula ng mukha. Mas trumiple ang pagtakbo ng aking puso papalapit dito― palapit sa kanya.
I guess I can’t run away anymore.
“Mahal kita,” ulit niya.
I bit my bottom lip as I tried to hide my smile. Yumuko ako’t saglit na pinikit ang mga mata upang kalmahin ang sarili. Matapos ang ilang paghinga ay muli kong ginawi ang tingin sa kanya.
His eyes screamed that he’s deeply in love.
And so I am.
Lumapit ako sa kanya, heels raised up as my toes touched the ground. I clung myself to his nape. His body tensed up na para bang nagulat siya sa ‘king ginawa ngunit agad din iyong nawala as our eyes met. His Adam’s apple moved. Nakita ko kung paano naglakbay ang kanyang mga tingin sa aking mata pababa sa aking labi.
Unti-unti kong sinara ang distansya na pumapagitna sa ‘ming dalawa. I closed my eyes as soon as I touched his lips with mine, giving him quick peck.
Kitang-kita ko ang pamimilog ng kanyang mata nang lumayo ako. I could still feel his surprise dahil sa ginawa ko.
“Mahal din kita, Coen,” I replied back, almost murmuring.
Mariin akong pumikit at sinandal ang ulo sa kanyang dibdib dahil sa kahihiyan. From there, I could clearly hear his heartbeat.
“Damn, Kierra.”
Hinawakan niya ang magkabila kong balikat. He softly lifted my chin up para makita ang sobrang pula kong mukha. I bit my lower lip because of too much embarrassment.
His eyes were gleaming― it was full of admiration and amusement. “I love you so damn much.”
Coen leaned closer. Hindi napawi roon ang kanyang malawak na ngiti. Hindi na ako nag-isip pa at muling ipinikit ang mga mata. He inched forward, claiming my lips for the fourth time.
And for the first time, naramdaman ko ang saya na matagal nang hinahanap ng aking puso.
It was Coen all along.
.
sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2020
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro