Chapter 28
“Ang anghang!” Ryan exclaimed habang pinapaypayan ang bibig. Medyo namumula ang kanyang mukha dahil sa kinain. Sinabi nang may sili iyon eh, ang tigas talaga ng ulo.
Sasalinan ko na sana ng tubig ang kanyang baso nang maunang kumilos si Coen. Binalik ko na lamang muli ang aking mga kamay sa aking kubyertos habang nakatingin sa dalawa.
Ate’s boy si Ryan simula pa lamang noon kaya nakakapanibagong magkatabi sila ngayon sa aking harapan. Habang kasama ko naman sa upuan ang higanteng stuff toy na binigay nila sa ‘kin.
Kaharap ko siya pero ang atensyon niya ay nasa katabi niyang kuya. Nakakapangselos ah!
Iwinaksi ko na lamang iyon at mahinang umiling. We’re now at Sheri’s, isang sikat na chicken restaurant dito sa Søren. Tahimik na lang akong kumain habang pinapakinggan silang mag-usap.
“Here.” Sabay abot ni Coen ng tissue kay Ryan matapos uminom ng tubig. Napatingin ako sa dalawa. “Dahan-dahan lang sa pagnguya, your stomach will be upset, sige ka,” banta nito habang natawa nang bahagya.
My eyes locked at his smiles. Kailan pa siya natutong ngumiti ng gano’n?
Ryan stood up kaya nabaling ang atensyon ko rito. Agad akong nagsalita, “Saan ka pupunta?”
“CR,” sagot niya habang ang mga mata’y lumilibot kung saan. Tatayo na sana ako upang samahan siya nang pigilan niya ako agad. “Kaya ko na. Malaki na ‘ko, Ate.”
“Sure ka?”
Tumango siya at nagsimula nang maglakad sa restroom. Unti-unti akong umupo habang tinitingnan pa rin ang bulto ng kanyang katawan.
“He can manage, Kierra. You can now breathe.” Napatingin ako sa taong nagsalita no’n. Nakangiti ito habang inaayos ang mesa ni Ryan, makalat kasing kumain ang isang ‘yon kaya parating may tapon ang mesa.
Hindi ko na namalayang nakatitig na pala ako sa kanya. My eyes glued at his actions, sobrang nakakapanibago ang mga nakikita ko ngayon sa kanya. He can easily smile and laugh. Samantalang noon, once in a blue moon lang ‘ata niyang ginagawa iyon. At hindi ko rin aakalaing ang isang Coen Montero ay may soft spot with special children.
Tumikhim ako upang mabaling sa iba ang atensyon. I reached for my wallet at may kinuha ro’n. Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong saglit na napasulyap ng tingin sa akin si Coen habang umiinom ng tubig.
Kinagat ko ang ibabang bahagi ng aking labi nang makita ang dati kong sarili. Ngayon ko na lang ulit ito nilabas sa aking pitaka simula no’ng nalaman ko ang nakaraan sa litratong ito. Inilapag ko iyon sa kanyang harap.
He shifted his eyes to me, giving me a baffled look.
“Binigay 'to sa 'yo ni Papa, ‘di ba? Sa ‘yo naman talaga ‘yan in the first place.”
His expression softened. Naging kalmado ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. He locked his stare towards me, hindi ko malihis ang paningin sa mga ito. Mas lalo akong nahulog nang kumurba ang ngiti sa kanyang labi na nagpalaya sa hawla ng mga paru-parong siya lang ang may hawak ng susi.
“You’ve changed a lot,” wala sa sarili kong sambit habang ang mga tingin ay nasa kanya pa rin.
“Kierra.” Seryoso ang tinging pinukaw niya habang sinasabi ang aking pangalan. My heart almost jumped because of his tone. It was deep yet calming. “I missed you,” he added that made me lose my sanity for a moment.
.
“Ano ba ‘yan! Linggong-linggo naka-duty tayo,” bulong ng isa sa kasama ko sa station habang may inaayos na mga papeles. Uminom muna ako ng tubig sa tumbler bago ginawi ang tingin sa kanan. Sa pagkakatanda ko, siya si Nurse Rich at isa siyang beki. I suddenly remembered Manager, bigla ko na naman silang na-miss.
“Isang oras na lang naman,” I whispered back.
Inayos niya ang suot na salamin. “Kung alam mo lang, sa loob ng isang oras, doon pa nangyayari ang hindi dapat mangyari.”
Nilibot ko ang paningin sa emergency area. Tanging ang nurses’ station lamang ang bukas ang ilaw habang ang mga nakapalibot na kama sa amin ay payapa. Ang mga pasyente ay mahimbing na natutulog gayon din ang mga bantay nila. Lima kaming narito, ang ilan ay pasikretong nagpapahinga, even the resident doctor was asleep. Parang dalawa na nga lang kaming gising ni Nurse Rich dito.
Malakas ang sirena ng abulansya na umalingawngaw sa buong paligid. Mabilis kaming tumayo. Napabalikwas naman mula sa mahimbing na tulog ang mga kasama namin at agad na tumalima.
Nag-dilang anghel nga ang bakla!
“Sa bed six,” rinig kong sambit ng aming head nurse.
The doctor checked for the patient’s pulse. “Cardiac arrest.” Kusang gumalaw ang aking mga paa patungong e-cart upang dalhin iyon malapit sa code blue site. Dali-dali kong inayos ang ambu bag para ma-manage ang airway nito.
Maya-maya lamang ay dumating na ang code team matapos ma-announce ito sa buong ospital. Naglakbay ang tingin ko sa itsura ng pasyente habang patuloy pa rin sa pag-pump ng ambu bag.
Cardiopulmonary arrest.
Mama’s image of suffering suddenly summoned up. Ganito rin ba siya nahirapan? Ganitong sakit din ba ang pinagdaanan niya?
Malakas na buga ng hangin ang pinakawalan ko, kasabay no’n ay ang pag-alis ng lungkot sa aking isipan. ‘Nurse ka, Kierra, dapat maging professional.’ I reminded myself at f-in-ocus ang sarili sa pasyente.
.
It was 10:15 PM nang makalabas ako sa emergency room. Sa wakas, tapos na ang eight-toxic hours ng aking shift. Bago umuwi ay dumaan muna ako sa cafeteria ng ospital upang bumili ng chocolate drink. Sobrang nakaka-drain ng energy ang araw na ito.
After that ay dumiretso ako sa comfort room upang ayusin ang sarili. Hinilamusan ko lamang ang sarili at tinanggal na rin ang ipit sa aking buhok. Nang matapos ay masaya kong tinahak ang lobby upang doon dumaan palabas.
But my feet stopped all of a sudden nang may makitang pamilyar na bulto ng katawan. He’s sitting in the waiting area rito sa lobby, nakapatong ang siko sa kanyang tuhod habang pinaglalaruan ang mga daliri. Mukhang kanina pa ito naghihintay doon.
Wala sa sariling napalingon ako sa paligid. Nakita ko ang mga receptionist na halos ngisayin na sa kilig. Nagpapaluan pa ang dalawa habang sinusulyapan ng tingin ang loko. Ang ibang kababaihang nurse naman na dumaraan ay pasimpleng kumukuha ng litrato rito.
“’Di ba siya ‘yung ex-wife?” medyo napalakas na tsismis ng dalawang receptionists.
Yumuko ako as I sharply sighed. Akala ko nakalimutan na ng mga tao ang issue na ‘yan. Pero parang may ilan pa ring hindi maka-move on. Grabe, it’s been 2 years!
Inangat ko ang aking ulo, maglalakad na sana ako nang mapako muli sa kinatatayuan. Coen Montero’s standing in front of me. He’s wearing trackpants and a beanie, which is very unusual niyang sinusuot sa outside world.
Ngumiti ako. “Bakit ka nandito? Dapat nasa fourth floor ka,” saad ko rito. Naroon kasi ang obstetrics and gynecology department.
Tumaas ang isang kilay nito at pinasok ang mga kamay sa magkabilang bulsa. “Why would I?”
“Kasi nando’n si Fione?” sarkastiko kong sagot.
Coen slightly tilted his head na para bang inaalisa ako. Ilang sandali lang ay umangat ang isang bahagi ng kanyang labi at binigyan ako ng isang nakakalokong ngisi. Humakbang siya papalapit sa akin, all I could do is to give him a puzzled look.
Literal na nanlaki ang aking mga mata nang hawakan niya ang kaliwang palapulsuhan ko as he dragged me outside. Wala na akong nagawa kundi ang magpahigit since I was in a state of shock. Hindi makapaniwalang tiningnan ko ang kanyang kamay bago gumawi ang mata sa likod nito.
Ano bang problema ng isang ‘to?
Tumigil kami sa harap ng isang itim na sasakyan. Using his free hand, he grabbed his car key at in-unlock iyon. Binuksan niya ang pinto ng shotgun seat, kasabay no’n ay ang pagbitaw ng kanyang kamay sa akin.
“Get in,” he calmly said. “It’s late, ihahatid na kita.”
Pero hindi ko sinunod ang kanyang sinabi. I closed the door, instead. Coen gave me a confused gaze.
Now, we’re even. Naguguluhan din ako sa inaasta mo, Coen. Ano ba talaga?
“Hindi mo dapat iniiwan ang partner mo roon. Sensitive ang pagbubuntis niya, she needs companion.” Pilit akong ngumiti. “Kaya ko naman ang sarili ko. Bumalik ka na kay Fione.”
Nagsalubong ang kanyang kilay at naniningkit akong tiningnan. “Why are we talking about her again?” mahinahon niyang tanong.
“Kasi she’s pregnant,” I uttered. “She’s pregnant with your child, ‘di ba?” Humina ang boses ko nang sabihin iyon. I lowered my head, avoiding his eyes.
I felt a pang on my chest, parang pinipiga iyon sa tuwing naiisip na malaki ang posibilidad na si Coen ang ama ng batang dinadala ni Fione. I know, I’m making presumptions pero iyon ang nakikita ko.
“What the fuck?” hindi makapaniwalang sambit niya. Napatingin ako sa kanya dahil doon. I gasped, looking for oxygen, nang magtama ang aming paningin. “You thought that I was the father of that child all along?”
I creased my forehead. Ibig sabihin… “Hindi ikaw?”
“It’s not me, Kierra. Fione has a fiancé for heaven’s sake.”
Aaminin ko, there’s a huge part in my heart rejoiced dahil sa narinig na sagot mula sa kanya. Hindi sila ni Fione! Pakiramdam ko ay nawala ang blokeng nakadagan sa aking dibdib. Tinago ko ang ngiti sa aking labi at nanatiling seryoso ang mukha.
“Pero bakit ka nasa room niya noong araw na ‘yon?” I could still hear Fione’s excitement nang makita niya si Coen. I thought they were really together.
“We reconciled years ago, I just visited her as an acquaintance,” he honestly answered habang ang tingin ay nakatuon sa ‘kin.
“Sorry,” mahina kong saad. Bumaling ako sa ibang direksiyon at mabilis ding bumalik sa kanya habang ang mga labi ay nakadiin sa isa’t isa. I awkwardly laughed. “Hindi mo na ako kailangang ihatid, baka may makakita pa sa ‘tin.”
He drew in a long breath upon hearing what I've just said. “You’re doing this again, Kierra.”
“Ang alin na naman?”
“Pushing me away.” Natigilan ako. Coen’s bullet of words hit my core that made me unable to talk. Lumapit siya sa akin.
His brown eyes were telling me how much affection he had... it was full of admiration. Hindi na iyon kinaya ng aking puso at tuluyan nang nahulog.
“Coen,” I almost mumbled when my cheeks landed to his firm chest. Naramdaman ko ang pag-akyat ng kanyang mga kamay sa aking likuran, hugging me tightly.
“Please, let me stay with you.”
My heartbeat started to rhythmed in a strange melody yet it felt wonderful. I buried my face on his at pinakinggan ang pagtibok ng kanyang puso, hoping that it also thumps as mine. At hindi ako nagkamali…
“Damn. I’m falling deeper, Kierra.”
.
sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2020
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro