Chapter 26
“Pasagutan po muna ng forms,” nakangiti kong saad sa kadarating lamang na mag-asawa sa assigned department ko. The guy took the pen at siya ang nagsulat doon. Aksidenteng nabalingan ko ng tingin ang babae, maganda siya at maputi but she looked anxious.
Ngayon ang unang araw ko sa Hansan Hospital. I was assigned at obstetrics and gynecology department. Unlike from other units, hindi masyadong toxic ang lugar na ito dahil konti lamang ang mga dumarating at hawak naming mga pasyente. Pero halos lahat ng healthcare staffs ay may ginagawa. It means busy pa rin ang life rito pero hindi gaanong ka-stressful.
“Nurse?” I was cut off by my thoughts nang magsalita ang lalaking nasa harapan ko. Bahagya nitong nilapit ang nasagutang form. “Tapos na,” he added.
The nursing attendant helped me check the patient’s vital signs habang ako ang nagta-take down ng information. Actually, maganda siya pero halata mo sa kanyang mukha ang uneasiness. Her eyes couldn’t fix on one side na para bang kinakabahan ito sa mga mangyayari. I read her name.
“Krystal Horton po, right?”
Mula sa pagkakatitig niya sa sphygmomanometer ay tumaas ang tingin niya sa ‘kin, only to confirm my question. “Yes.”
“Bagong kasal kayo?” I asked again habang inaayos ang forms nito.
“No, we’re cousins,” the girl named Krystal answered.
Napatigil ako sa pagsusulat at wala sa sariling umangat ang ulo. I gave them both a glimpse. T-in-ry kong huwag mang-judge pero I just couldn’t.
Okay, Kierra, hindi sila magkasintahan. Malay mo, sinamahan lang nito ang pinsan niya for consultation. Iwinaksi ko na lamang iyon sa aking isipan at pinagpatuloy ang aking trabaho.
“Ah, are you expecting a baby?” awkward kong tanong.
They both stayed silent for almost a minute bago nagsalita ang lalaki. “We’re just here for checkup.”
.
Binuksan ko ang faucet at naghilamos. Pagkatapos ay kumuha ako ng tissue at pinunasan ang aking mukha. I stayed for a minute habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.
My dark pink scrubs were suited on my body habang ang ID ko ay nakasabit sa aking leeg. Hair was in a bun that made us look even more presentable and neater.
Malakas na tumunog ang aking lumang telepono. Agad ko iyong sinagot without looking at the screen. “Hello?” tawag ko sa kabilang linya.
[“Si Gab ‘to,”] the guy in deep voice said. He has this hoarsely tone, mukhang kakagising niya lang. Napakunot ako at sumandal sa sink.
“Bakit ka napatawag?” tanong ko at sinulyapan ang wrist watch na suot. “Eleven na, kakagising mo lang?”
[“Yes, nag-aral ako hanggang madaling araw.”]
Gaby stopped working as a nurse for the meantime. Nag-focus siya sa med school proper last month lang. And ever since that happened, hindi pa siya nakakatulog nang maayos like 6-8 hours of sleep. Aww, poor Gabriel.
“Bakit ka nga pala napatawag?” ulit kong tanong. “Hindi pa tapos ang shift ko, illegal ‘tong ginagawa natin.” I laughed at my own corny joke. First day na first day ko pa naman ngayon, ayokong mabahiran ng masamang imahe ang first impression ng seniors ko rito.
[“Susunduin kita mamaya,”] simple niyang sagot.
Nanlaki ang mata ko at mabilis na nagsalita. “’Wag na! Kaya ko naman mag-cab dito sa Søren.”
[“Yeah right.”] He sneered sarcastically at pinatay na ang tawag. Masamang tingin ang pinukaw ko sa ‘king telepono.
Kakaiba rin ang loko, kulang na nga sa tulog, manunundo pa. Kung hindi niya lang ako tinulungang makapunta rito sa Søren ay siguradong nasigawan ko na ang isang ‘yon.
I, once again, stared at my reflection. Anyway, I got accepted three days ago, laking gulat ko nga nang maka-receive ng call from them. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang narito na ‘ko sa pangarap naming ospital ni Mama’t Papa. Awtomatikong sumilay ang aking ngiti sa labi. Feeling ko ay nakalutang pa rin ako sa ere dahil sa sobrang saya.
Nang makuntento ay lumabas na ako ng restroom. At saktong paglabas ko ay ang pagdating ng chief nurse namin.
Naging alerto ang tayo ko at nakangiti siyang binati. Tatlong nurse ang narito ngayon sa nurse station, isa-isa niyang tiningnan ang mga ito hanggang tumigil ang kanyang mga mata sa akin.
I gulped and breathed in. The smell of antiseptic immediately went inside my nose as I inhaled.
“Ikaw ang bagong nurse, hindi ba?” she asked. May katandaan na ito, I think nasa 50’s na siya. Unlike sa ‘min, nakasuot ito ng puting uniform and white coat.
“Opo.”
Her head went up and down. “Ikaw na ang mag-check kay patient Nedtran.”
“Noted po,” mabilis kong sagot at agad na lumingon sa monitor na nakakabit sa pader. Hinanap ko ang surname na Nedtran doon. “Room nine hundred twelve,” I whispered nang makita iyon.
Kumilos na ako at kinuha ang mga gagamiting apparatus. Sinukbit ko ang stethoscope sa aking leeg habang bitbit ang chart at iba pang mga gamit.
Huminto ako sa nasabing room number. I took a long breath before I wore my best smile.
I knocked twice bago pumasok sa kwarto. The moment I opened the door ay agad na tumambad sa ‘kin ang lavender scent sa loob, may mga bulaklak na naka-display sa tabi ng kanyang kama at mayroong air modifier na nakapatong sa mesa.
Isang babae ang nakahiga sa hospital bed at nakatingin sa malaking bintana ng kwarto. Hindi niya ‘ata napansin ang pagpasok ko kaya nagsalita ako. “Good day po, ma’am, VS lang―”
Napako ako sa aking kinatatayuan. Tama ba ako ng nakikita? Imposible. Kahit hindi ko pa siya nami-meet in person ay alam kong siya iyon!
She showed off her curved lips at mabagal na tumayo mula sa pagkakahiga. Medyo nahirapan pa ito dahil sa malaki na niyang tiyan. I immediately went to her side and helped her.
“You seemed familiar,” aniya habang ang mga mata ay na sa ‘kin. I just shyly smiled at yumuko nang bahagya. I opened her chart at doon ko nakompirma ang lahat.
Fione Nedtran… seven and a half months pregnant.
Pinilit kong alisin ang mga tanong sa aking isipan. I tried to focus on my work at hanggang sa maaari ay binilisan ko na lamang ang pagkuha sa kanya ng vital signs.
“Dadaan po si dok mamaya para i-check si baby,” saad ko habang ina-adjust ang kanyang swero.
“Thank you.” Her angelic aura glowed up. Tumango na lamang ako at ngumiti bilang paalam.
Wala sa wisyo akong naglakad palayo. Bubuksan ko na sana ang pintuan nang may gumawa na nito. I took a step backwards upang hindi ako matamaan. Handa na muli akong ngumiti nang awtomatikong pumawi iyon nang makita ang taong iniluwa ng pinto.
Saglit na tumigil ang aking mundo. Hindi makapaniwalang tiningnan ko ang taong nakatayo sa aking harapan. Samo't saring emosyon ang nararamdaman ko, I don't know what to feel anymore.
Nagkasalubong ang aming mga mata na para bang ginawa ang mga iyon para sa isa’t isa. Lumakas ang pagpintig ng aking puso at nabuhay ang mga nagliliparang paru-paro sa aking tiyan. I was caught off guard in a second.
Bakit ka nandito?
His intense gaze was on me as he slightly parted his mouth in surprise. Ginalaw niya ang kanyang panga which made me divert my stare. Binaba ko ang aking tingin at doon ko lang napansin ang suot-suot niyang brown jacket, sa ilalim no’n ay ang charcoal shirt na mas nagpapalitaw sa silver dog tag na nakasabit sa kanyang leeg.
“Coen, is that you? Gosh, you really came!”
Inalis niya ang pagkakatingin sa ‘kin at bumaling sa taong nagsalita sa likod ko. “Yes,” he answered Fione and started walking, leaving me in questions.
Hindi ko na napansing nasa likod pala nito si Zach, na ngayon ay may dalang mga prutas. He gave a nod at sumunod dito.
Nang mawala sila sa harapan ay kusang nakahinga ako nang ayos. I breathed out at saka binuksang muli ang pinto upang makalabas.
Mabilis ang aking paghakbang papaalis hanggang sa makaliko ako ng corridor. I rested my back on the wall habang kinakalma ang sarili.
Malaki ang unang distrito, hindi ko aakalaing makikita ko silang dalawa rito sa ospital. Pero of all department, bakit dito pa? My mind was in a complete puzzle right now.
Fione’s pregnant and Coen visited her.
Ano ang ibig sabihin nito? Maaari kayang…
Tumingala ako sa itaas as I pursed my lips together. There’s a high possibility na si Coen ang ama ng dinadala ni Fione. So, they’re in a relationship, huh? Tumango ako nang paulit-ulit habang ang tingin ay bumababa sa sahig.
I knew it… sila talaga ang para sa isa’t isa.
My mind said it was fine but my heart shouted its contrary, parang unti-unting tinutusok ng maliliit na karayom ito. Two years had already passed, akala ko wala na, akala ko ayos na ‘ko― pero hindi pa pala.
No’ng nakita ko ang kanyang mukha kanina ay bumalik lahat ng mga alaalang kasama ko siya. Ang natigil niyang pagpasok sa aking puso ay muling nagpatuloy sa paglalakbay palapit dito.
Mariin akong napapikit at kinuyom ang kamao habang ang ulo ay nakahilig sa pader. Ano bang ginawa mo sa akin, Coen? Bakit ako nasasaktan?
.
Mabilis na natapos ang aking shift ngayong araw. Kinuha ko na ang paboritong itim na backpack mula sa ilalim ng mesa. Naglugay na rin ako ng buhok, letting my wavy hair loose habang suot-suot pa rin ang uniform.
Nagsimula na akong maglakad paalis, buti na nga lang at hindi ako naligaw. Sobrang laki kasi ng ospital na ito, kulang pa ‘ata ang isang araw bago ko mapuntahan ang lahat ng sulok nito. Tumigil ako sa harap ng elevator. I pressed the down button at naghintay.
My phone chimed kaya agad ko iyong kinuha sa aking bulsa. It was Gab.
Fafa Gaby: Nandito na ‘ko sa parking lot sa basement.
I typed my reply as soon as I saw it. Habang nagtitipa ng mga letra ay may naramdaman akong tumabi sa akin, naghihintay din siguro ng pagbukas. Hindi ko na lamang iyon pinansin. Nang matapos ay binalik ko na agad ang telepono sa aking bulsa.
“You're finally here.”
My system recognized its low and familiar voice. Nanlalaki ang mga mata kong tumingala rito. He’s looking straight into his own reflection habang ang mga kamay ay nasa loob ng bulsa.
“Coen?” I unbelievably whispered in disbelief.
The elevator tinged. Humakbang na ang katabi ko nang bumukas iyon at pumasok sa loob. He stood right in front of me. Tila napako ang aking mga paa’t hindi agad nakagalaw.
Pumunta siya sa left side ng elevator, may pinindot siya roon at muling binalik ang mga tingin sa akin. Bahagya pang tumaas ang kanyang kilay. “Aren’t you going in?”
At doon lang ako natauhan. Napakurap ako as I bit my lower lip. I built up my confidence. Taas-noo akong naglakad papasok at pumuwesto sa kabilang side― malayo sa kanya. Napansin kong sumandal siya sa dulong bahagi habang nakahawak ang dalawang kamay sa metal railings.
Pagkakataon nga naman, kami lang dalawa ang narito sa loob.
I was tongue-tied at first pero noong napansin kong mag-isa lang siya at walang kasama ay hindi ko napigilang magtanong. “H-himala, hindi mo ‘ata kasama si Zach.” I awkwardly laughed.
“Why are you always looking for him?”
Hindi na ‘ko nagsalita pa. Katahimikan ang namayani pagkatapos no’n. Pinagmasdan ko na lamang ang sariling repleksyon hanggang sa naglakad ang mata sa malabong imahe ni Coen. His shoulder became broader, mukhang todo ang pag-g-gym ng isang 'to. As usual, matangkad pa rin siya, wala siyang masyadong pinagbago sa physical aspect pero mas lalo siyang gumwapo ngayon.
Maybe because of his aura? Hindi na kasi masyadong dark ang atmosphere nito.
My insides panicked nang makitang gumawi ang kanyang ulo sa aking gawi. Umismid ako at binaling sa kabilang parte ang mukha.
I closed my eyes. Masyado mo namang pinapahalatang na-miss mo siya, Kierra.
Wala sa sariling napatingin ako sa numero sa taas. Bakit ang tagal naman ‘atang bumaba?
“I read your note,” Coen spoke. I glanced behind my back at mabilis ding inalis ang tingin sa kanya.
Tumango-tango ako. “I see,” I calmly answered pero deep inside ay nagwawala na ang lahat ng organs ko. Nakakahiya!
Bago kasi ako umalis ng Søren, two years ago, ay iniwan ko ang phone na binigay niya sa ‘kin. I left a letter on its note, composing of words that I couldn’t say directly to him.
“Glad you made it,” he sincerely uttered.
Napangiti ako roon. “Thanks.” Saktong pagkakasabi ko no’n ay ang pagbukas ng elevator. Muli akong sumulyap sa likod habang ang labi ay may pinta pa rin ng ngiti. “Congrats nga pala.”
After I said that ay lumabas na ako at mabilis na naglakad upang hanapin ang sasakyan ni Gab.
I gave myself a pat the moment I got off. Good job, Kierra.
.
sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2020
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro