Chapter 24
“Anong plano mo?”
Tumingin ako sa itaas at pinagmasdan ang ulap. I took a long breath. Actually, kanina ko pa iniisip ang bagay na iyon simula nang marinig ko ang balitang isa ako sa mga nakapasa sa Hansan.
Masaya ako, oo, pero I promised Ryan na hindi na ako aalis muli sa tabi niya. Mahirap din ang kanyang sitwasyon dahil sa nangyari kay Mama. Hindi ko kakayaning iwan siya ngayon.
“Hindi ko alam, Gaby. Hindi ko na alam ang gagawin,” walang pagsisinungaling kong sagot.
Muli kong itinuon ang atensyon sa aking harapan. Kakatapos lang ng shift namin ni Gab at kapag may pagkakataong katulad ng ganito ay sabay kaming umuuwi since magkalapit na magkalapit lamang ang aming bahay.
Awtomatiko akong napahawak sa kanyang puting polo nang madaanan ng aking mata ang dalawang lalaki sa may bangkenta. Malakas silang nagsisigawan habang ang mga tao ay napapatigil dahil sa namumuong komosyon.
“Ibalik mo na ang ninakaw mo bago pa kita gulpihin!”
“Wala nga sabi akong ninakaw sa paninda mo!”
Kahit ilang beses na akong naka-encounter ng ganitong klase ng mga tao ay hindi pa rin ako nasasanay. I pulled his uniform habang ang mga tingin ay nasa kanila pa rin. I hate thugs like them.
Narinig ko ang malalim na paghinga ni Gab bago gumawi sa aking kaliwa. Bahagya kaming lumayo roon habang ang braso niya ay nakapatong sa ‘king balikat, assuring me that I’m safe. Parati niya iyong ginagawa lalo na’t ‘pag may nangyayaring ganito. Tampulan kasi ako ng mga masasamang tao no’n.
Nang makalampas sa kaguluhan ay inalis na niya ang braso sa balikat ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad.
“Ikaw Gaby, anong plano mo?” balik kong tanong sa kasama ko nang makamove-on. Saglit pa akong tumingala sa kanya upang makita ang reaksyon niya. “Nakapasa ka rin sa Hansan. Tutuloy ka naman, ‘di ba?”
Nagkibit-balikat ito. His eyes fixed in one direction na para bang malalim itong nag-iisip.
“Should I?”
Nanlaki ang mata ko sa sagot niya. Anong 'should I?' I had to stand tiptoe to reach his head at mula sa pusong binatukan iyon.
“Para saan naman 'yon?” Agad na tumama ang mga tingin niyang nagrereklamo habang inaayos ang nagulong buhok.
“Tinatanong pa ba ‘yan?!” Napataas ang tono ng boses ko ro’n. I inhaled and exhaled, multiple times, just to calm myself. Saglit akong napatahimik matapos no’n at tumingin sa harapan. “Masaya na ‘ko kahit ikaw lang ang makapagtrabaho sa Hansan.”
He didn’t answer after that kaya tahimik naming nilakad ang gawi pauwi.
Una kaming tumigil sa bahay nila dahil nandoon si Ryan. Si Tita, nanay ni Gab, ang parating nag-aalaga sa kapatid ko tuwing wala ako. Parang anak na nga rin ang turing nito sa ‘min.
“Tita, bakit po kayo nasa labas?” Magmamano sana ako rito ngunit napaatras ako nang makita ang ekspresyon sa kanyang mukha. Katamtaman lamang ang pangangatawan ni Tita, hindi gaanong malusog at hindi rin mapayat. Suot niya ang paborito niyang floral na daster at nakatrintas ang mahahabang buhok. Lumilinga-linga ito sa paligid na para bang may hinahanap. I creased my forehead because of that. “Ano pong meron?”
Hinalikan ni Gab ang ina sa pisngi. “Bakit, Ma?”
Her eyes were uneasy nang tumama ito sa akin. May namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata. Medyo nanginginig ang kanyang mga kamay habang hawak-hawak ang telepono. Hinintay ko ang mga salitang lalabas sa kanyang bibig. Nagsimulang bumilis ang pagtibok ng aking puso.
I gulped. Mukhang may hindi magandang nangyari.
“Kierra,” nag-aalalang sambit ni Tita. “Nawawala si Ryan. Hindi ko alam kung saan nagpunta ang batang iyon, bumili lang kami ng ice cream kanina tapos nawala na siyang bigla sa tabi ko.”
Pumintig ang tenga ko sa narinig. Wala sa sariling kumilos ang aking mga paa at nagsimulang maglakad. Hindi na ako nakapagpaalam sa kanila dahil ang tanging laman lamang ng utak ko ay kung nasaan ang aking kapatid.
Ryan naman eh!
Mabilis akong tumakbo pauwi sa bahay. Nagbabakasakaling nandoon siya ngunit pagbukas ko pa lang ng pinto ay walang sumalubong sa ‘kin. Ni anino niya’y wala roon.
I ran my hand through my hair. Saan ka nagpunta, Ryan?
“Kierra!” Habol sa akin ni Gab. “Sa may palengke ako maghahanap, tatawagan kita kapag nakita ko siya.”
“Sige, salamat.”
Mabilis ang pintig ng aking puso habang hinahanap ang kapatid. Lakad-takbo ang aking ginagawa habang sinisigaw ang kanyang pangalan.
“Ryan!” Halos lahat ng tao ay napapatingin sa ‘kin. Wala na akong pakialam sa kanila― ang mahalaga ay mahanap ko siya. “Ryan!” ulit kong sigaw.
Pumunta ako sa palaruan na parati naming pinagtatambayan noon. I looked up, dumidilim na ang paligid at palubog na ang haring araw. Malapit nang maggabi. Kailangan ko na siyang mahanap dahil paniguradong matatakot iyon.
“May nakita po ba kayong lalaki? May katangkaran siya, matangos ang ilong, moreno, may suot po siyang spiderman na bag.” sunod-sunod kong saad nang may makitang babaeng nakupo malapit sa parke.
“Pasenya na pero wala eh.”
I clasped my hands behind my back. Saan pa ba pwedeng pumunta ang lalaking iyon?
Nagsimula muli akong maglakad nang hindi siya makita roon. I let my feet ruled. Hindi ko na alam kung saan pa siya pupunta dahil unang beses pa lang itong nangyari.
Patuloy lamang ako sa paghahanap nang madaanan ang isang madilim na bakanteng lote. Puno iyon ng matataas na damo, sa sobrang sukal nito ay hindi na lubos makita ang buong lugar. May naramdaman akong kakaiba roon kaya napatigil ang aking paa sa paglalakad.
Lumapit ako ng konti at narinig ang mahihinang hikbi na nagmumula roon.
“Ryan?”
“Ate!”
Napahinga ako nang maluwag nang mabosesan ito. Wala na akong inaksaya pang oras at agad na naglakad patungo sa pinanggalingan ng kanyang boses.
“Nasaan ka, Ryan?” I asked again as I shoved off the tall grasses.
“N-nandito, Ate.” Lalong lumakas ang pag-iyak niya kaya’t mabilis ko rin siyang natunton. Hinawakan ko ang kanyang braso at marahang inalalayan palabas.
Pinagpagan ko ang kanyang damit na nadumihan. I silently cussed nang makita ang mantsa ng ice cream dito. Magulo rin ang kanyang buhok, tumingkayad pa ako upang maabot ko ‘yon at inayos.
“B-baliw ba ako? M-masama ba ‘ko?” Tuloy-tuloy ang mga luhang pumapatak sa kanyang mata habang pinupunasan niya iyon. “A-ang sakit, Ate.”
Nadurog ang puso ko sa mga salitang lumabas mula sa kanya. I embraced him. “Hindi ka baliw― hindi ka masama, Ryan. ‘Wag mong isipan ‘yan,” bulong ko habang hinahagod ang kanyang likod.
“Iniwan daw tayo nina Mama at Papa dahil sa ‘kin sabi ng mga kalaro ko.” He cried out loud.
Mabilis akong umiling at hinawakan ang magkabila niyang balikat. Pinilit ko siyang tumingin sa akin. Seeing him in this state made my heart shattered into pieces.
“Hindi ‘yan totoo, Ryan. Ikaw ang pinakamagandang nangyari kina Mama’t Papa.” I shushed him down. Ngumiti ako upang mapagaan ang kanyang loob. I slightly pinched his nose. “Ikaw ang swerte namin― lucky charm kaya kita!”
“Lucky charm mo ‘ko?” nakangiti na niyang tanong ngayon. “Edi hindi ka na aalis?”
Ilang beses akong napakurap. He's anticipating my answer. Nag-iwas ako ng tingin at pilit na tumawa.
“Uwi na tayo?” I asked. Mabilis siyang tumango at naunang pang maglakad habang hila-hila ang aking kamay.
Hindi na nga ba ako aalis? I still don't know, Ryan.
.
It’s been a month since I got accepted sa Hansan Hospital. Pinasadahan ko ng tingin si Ryan na kasalukuyang nakaupo sa kulay bughaw na kama, nanonood ng TV.
Tumingin ako sa maletang inaayos ko at malungkot na ngumiti habang tinitiklop ang damit. Bukas na ang alis ng mga nakapasa papunta sa Søren.
Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga.
“Kanina ko pa naaamoy ‘yang hininga mo.” Umangat ang tingin ko sa kaharap na kapwa nag-aayos ng gamit. Binalingan ko ito. “Bakit hindi ka na lang kasi sumama?”
My eyes diverted on my side. I pushed my lips together bago nilapag ang natiklop na damit sa loob ng kanyang maleta.
“Alam mo naman ang sitwasyon ko, Gab.”
Saglit siyang lumingon sa direksyon ng aking kapatid. Lumapit siya nang bahagya at bumulong. “Kaya namang alagaan ni Mommy si Ryan.”
Alam ko naman ‘yon, malaki ang tiwala ko kay Tita. Pero…
“Kailangan niya ako ngayon at hindi ako mapapalagay kapag iniwan ko siya rito sa Nuere,” I replied.
Kung maaari, ayoko nang maulit ang nangyari noon sa kapatid ko. Ayokong isipin niyang iiwan ko siya― I don’t want him to feel alone.
“Ate!” malakas na sambit ni Ryan. Ang atensyon namin ay agad na nalipat sa kanya. Nakaturo siya sa telebisyon habang namimilog ang mga mata. “Artista ka na!”
Huh? Artista?
Sabay kaming tumayo ni Gaby mula sa pagkakasalampak sa sahig. Umupo ako sa tabi ng aking kapatid at tiningnan ang kanyang sinasabi.
I held my breath when I saw my own face in the screen. Picture iyon na dati kong p-in-ost sa social media account ko. Beside my picture was Coen’s. My face heated up at panandaliang nabingi nang dahil doon.
Ang panget ko sa picture.
Ngunit nawala ang pagkainis ko nang mag-shift ito from my 4th year nursing student photo to Coen’s interview video.
Nakasuot ito ng usual attire for office, white polo, navy suit and a necktie. Ang kanyang buhok ay maayos na naka-style. Wala pa ring pinagbago ang kanyang mukha. Gwapo pa rin siya.
My heart surprisingly jumped and accelerated. Nakalimutan ko ang salitang ‘paghinga’ noong mga sandaling iyon.
“Is it true that your ex-wife, Ms. Kierra Vergara, just used you because of your wealth?”
Kahit hindi totoo ang tanong na binato ng reporter kay Coen ay nasaktan pa rin ako roon. But what do I expect? Siyempre, gano’n ang iisipin ng marami.
His thick eyebrows almost met upon hearing the question. Ginalaw niya ang kanyang panga bago sumagot. Mukhang hindi niya nagustuhan ang tinanong ng reporter. “Kierra didn’t and won’t do such thing. Our divorce was a mutual agreement.”
“Are you open for possible relationships?” tanong muli ng babaeng newsperson.
“I’m not considering it for now,” he answered in dull.
“How about Ms. Fione?”
I bit my bottom lip. Fione… ang orihinal na babae sa buhay ni Coen.
Saglit siyang napatigil sa tanong at napaisip. Bakit ka pa nag-iisip? May parte sa akin na nagsasabing ‘wag kong pakinggan ang isasagot niya pero mas nangingibabaw ang kuryosidad dito.
My gaze locked at the television, naghihintay ng susunod niyang sasabihin.
“We’re good, we often hang―”
Napaayos ako ng upo at napalingon kay Gab, involuntarily, na siyang may hawak ng remote control.
“Bakit mo pinatay?” inis kong tanong dito.
Umiling siya at hinagis ang hawak sa lamesa. Muli siyang umupo sa sahig at nag-ayos ng kanyang mga gamit para sa pagpunta niya sa Søren. Nakatalikod siyang umupo sa gawi namin ni Ryan.
“Sinasaktan mo lang ang sarili mo, Kierra.”
.
sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2020
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro