Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

The most exciting part of my everyday life ay ang uwian. Even before noong nasa college ako, I always look forward with dismissals. Masaya ako tuwing natatapos ang duty ko, masaya kong pinipirmahan ang logbook sa nurse’s station. Dahil ang ibig sabihin lamang no’n ay makakauwi na ako, makakapagpahinga― kasama ang aking pamilya.

Ngunit sa pagkakataong ito, hindi ko na alam kung ano ang dapat maramdamn.

Matutuwa ba ako dahil nasa Nuere na ako at abot-kamay ko nang muli sila o malulungkot dahil hindi ito ang inaasahan kong pag-uwi?

“Dito na lang po, Kuya,” para ko sa driver ng tricycle. Ilang sandali pa ay tumigil ito sa napakapamilyar na lugar. Lumabas ako at binayad ang pamasahe rito.

Nagbuntong-hininga ako bago nagsimulang maglakad. Pumasok ako sa isang eskinita, may kaliitan ang daan at magkakatabi ang mga bahay. Halos lahat ng mga tirahan dito ay gawa lamang sa pinagtagpi-tagping mga kahoy. Maswerte na nga kami’t kahit papaano ay gawa sa semento ang aming tinitirhan.

Mula sa dulong bahagi ng eskinita ay makikita na agad ang puting tent na may pangalan ng aming kapitan, mga magugulong upuan at nagkalat na balat ng chips and candies.

Bawat hakbang papalapit doon ay siyang unti-unting pagdurog sa puso ko. Handa na ba akong makita si Mama?

Kahit masakit ay pinagpatuloy ko ang paglalakad. Maraming mga tao ang nakaupo sa labas ng aming bahay. Maingay at halos lahat ng kapit-bahay namin ay naroon. Ang iba ay may hawak na baraha habang ang mga kababaihan naman ay nakapalibot kay Aling Nena, ang master sa bingguhan.

Nang tuluyang makalapit ay napatigil ang ilan sa kanilang mga ginagawa at binalingan ako ng mga makahulugang tingin.

“Hindi ba siya ‘yung panganay ni Maria?”

“Akala ko nasa Søren na siya? Bakit pa siya bumalik?”

“Kaya nga, sayang naman.”

Rinig kong tsismisan ng mga magkukumare habang naglalakad sa kanilang harapan. Hindi ko na lamang sila pinansin at nagbingi-bingihan hangga’t makarating ako sa nakabukas naming pintuan.

Mula sa loob ay maaamoy agad ang iba’t ibang klase ng mga bulaklak na nakahilera at dalawang nakasinding kandila. May mga ilaw ding nakatayo at sa gitna no’n ay ang puting parisukat na bagay kung saan nakahimlay ang aking ina. I felt a pang in my chest nang makita ang litrato nitong nasa ibabaw ng kabaong, nakangiti ito at tila walang dinadalang problema.

Mama

Tumahimik ang mga taong nasa loob at nanlalaki ang mga matang binalingan ang aking direksyon.

“Ate!” Malakas ang pagkakasigaw ni Ryan nang makita ako. Mabilis siyang tumayo sa pagkakaupo at tumakbo sa akin upang bigyan ng isang mainit na yakap. Naiiyak akong napangiti nang makita ang maaliwalas niyang mukha.

I already mentioned this before, si Ryan ay 18 years old and mayroon siyang autism. Unlike sa iba, normal pa rin ang kanyang itsura. He looked like a teenager pero ang pag-iisip niya ay hindi akma sa kanyang edad. Isa rin sa dahilan ang kapatid ko kung bakit gustong-gusto kong tumira kami sa Søren. Madalas kasi siyang pagkamalang baliw ng halos lahat. They called him names na hindi naman totoo.

“Ryan,” bulong ko at mahigpit siyang niyakap pabalik. Sa sandaling iyon ay hinayaan ko na lamang ang mga luha kong pumatak. I cried on my brother’s shoulder. Naramdaman ko ang sunod-sunod na pagtaas-baba ng kanyang balikat. He’s also crying.

“Ate, bakit ka umalis?” hikbi niyang tanong. Nauutal pa siya habang sinasabi iyon. Bahagya siyang humiwalay sa pagkakayap at nakangusong tinignan ang aking mukha. “Bakit mo kami iniwan?”

Agad kong pinahidan ang aking pisngi. Tumingala ako nang kaunti dahil mas matangkad na siya ngayon kaysa sa ‘kin. I wiped his tears gamit ang aking kamay. “I’m sorry, Ryan.”

His lips curved upside down habang tuloy-tuloy pa ring lumalabas ang mga luha sa kanyang mata. “’Wag mo na akong iiwan ulit, Ate.”

Ngumiti ako at ilang beses na tumango. “Hindi na ‘ko aalis, promise ‘yan ni Ate.”

Ryan guided me palapit sa coffin. Ramdam ko pa rin ang mga kakaibang tingin na pinupukaw sa ‘kin ng mga tao rito sa loob ng bahay. Karamihan sa kanila ay kamag-anak namin. Nadaanan ko rin ng tingin si Jessica na nasa bandang kusina at si Gab na ngayon ay nakatayo’t pinagmamasdan ako habang ang dalawang kamay ay nakakrus. I just slightly smiled on them at nagpatuloy sa paglalakad.

I pushed my lips together upang pigilan ang pagbugso ng mga luha. Ayoko nang umiyak, hindi na ako iiyak. I promised myself habang papalapit ngunit nang makita ko pa lamang ang maamong mukha ni Mama ay kinain ko na agad ang lahat ng aking sinambit.

She’s wearing a white dress. Nanginginig kong hinaplos ang salamin as I traced her hair, eyes, nose and down to her lips. Para ka lang natutulog, Ma. Humigpit ang yakap sa ‘kin ng aking kapatid. Wala sa sariling napapikit ako dahil do’n at mahinang umiyak.

I’m sorry, Ma, nahuli ako ng dating.

.

“Oh.” Umangat ang aking ulo sa taong nagsalita no’n. “Tubig,” he simply said as he handed me a bottle of water.

“Salamat, Gaby.” Binuksan ko ang takip and started gulping it. Tahimik siyang umupo, kapwa nakatingin sa himlayan ng aking nanay.

Isang oras na ang nakalilipas simula nang makabalik ako. My relatives asked tons of question, as usual, pero ngiti lang ang mga sinagot ko sa kanila. Hindi ko pa alam ang isasagot sa mga tanong nila.

Nawala ang iniisip ko nang makita na naman ang kamay ni Gab sa harapan ko. Nagtataka ko siyang binalingan.

“Ano ‘yan?”

“Chocolate?” sarkastiko niyang sambit. Alam ko namang tsokolate iyon pero bakit niya ako binibigyan ngayon?

Marahan niyang hinagis ang chocolate bar sa direksyon ko. My reflexes told me na sambutin iyon kaya nagpa-panic ko ‘yong ginawa. Mahinang tumawa ang katabi ko dahil doon.

“Thanks,” pagpapasalamat ko nang masambot iyon.

Nagpaalam kanina si Jess na uuwi muna saglit. Kakaalis lang din ng mga bisita kaya kaming dalawa lamang ang bantay dito ngayon.

Nilibot ko ang mata sa maliit na salas ng aming tahanan. Ang aming pader ay walang pintura, wala rin kaming kisame kaya gano’n na lamang ang init dito. Sa kanang parte ay naroroon ang magulo naming kusina at sa kabila naman ay matatagpuan ang isang maliit na kwarto. Kasalukuyang naroon si Ryan at mahimbing na natutulog.

Matapos ang ilang sandaling katahimikan ay nilingon ko ang lalaking nasa tabi ko. Napansin naman ito ni Gab at tiningnan din ako. Mapait akong ngumiti rito.

“Magiging maayos naman ang lahat, ‘di ba?”

Gaby showed off his dimple as his lips formed a curve. Dahan-dahan siyang tumango. “Nandito lang ako, Kierra.”

.

“Good morning po, Doc Ramirez,” nakangiti kong bati sa kadarating lamang na doktora sa assigned area ko. Bahagya pang nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ako sa nurse’s station.

Humarap siya sa akin. “Nandito ka na pala, Nurse Kierra.”

“Salamat po sa pag-alaga sa nanay ko, doktora.” Binigay ko sa kanya ang charts ng mga pasyente niya. Nakangiti naman niya iyong tinanggap at agad na binasa. Siya kasi ang doktor ni Mama noong nabubuhay pa siya.

“I’m sorry, Kierra, hindi ko siya naligtas.”

“Hindi n’yo po kasalanan ‘yon, doktora,” I sincerely answered.

Si Doc Ramirez ay ang isa sa pinakamabait na haligi ng ospital namin. Well, lahat naman ng doctors dito ay mga anghel. They actually have the choice na magtrabaho sa Søren but they chose Nuere over the luxuries. Nilisan nila ang unang distrito at mas piniling pagsilbihan ang mga mahihirap na tao. Volunteer doctors ang tawag sa kanila.

Weeks passed after my mother’s burial ay napagdesisyunan kong bumalik sa dating ospital na pinagtatrabahuhan ko rito sa pangalawang distrito. I went back to zero. Noong isang linggo lang ay kumuha muli ako ng mga bagong dokumento ko rito sa Nuere. That was the most stressful day of my week since kinailangan ko pang magpabalik-balik sa bayan at sa ospital.

Umalis na si doktora at bumalik ako sa pagtatrabaho. Today’s my first day in work bilang isang nurse ulit. Totoo nga ang sinasabi nila, kapag mahal mo ang trabaho mo ay hinding-hindi ka magsasawang gawin iyon― hindi ka mapapagod.

Coen

His name instantly flashed in my mind habang narito ako sa 4th annex ng ospital. Saglit akong napatigil sa paggawa ng charts.

Ang puso ko ay nagdiwang nang maalala ang mga nangyari sa ‘kin sa Søren. Hindi na ako magsisinungaling pa, nami-miss ko na ang mga nakilala kong tao roon sa distritong iyon― lalong lalo na siya.

Kumusta na kaya siya? Ayos lang kaya siya ngayon? Kasama niya kaya si Fione?

I hope he’s happy.

Napapitlag ako nang marinig ang glass door na bumukas. Agad akong napatingin sa taong pumasok at laking gulat ko nang makita roon si Jessica. Like me, nakasuot din siya ng puting scrubs at nakataas ang buhok.

“Bes.” Nilibot niya muna ang tingin sa aking area bago umupo sa swivel chair na nasa tabi ko. “Wala yung assistant mo?”

“Wala, nag-break muna saglit.”

Masaya siyang ngumiti nang nakakaloka. Nilabas niya ang phone mula sa bulsa. “Kailangan mong makita ‘to.”

Pinagpatuloy ko ang aking ginagawa habang nagtitipa siya sa kanyang telepono. “Ano ba ‘yan?” tanong ko habang nagpa-plot.

Wala pang isang minuto nang muli itong nagsalita. “Ito na, Kierra,” excited nitong singhal. “Ihanda mo ang puso mo.”

Pinakita niya sa akin ang phone. My eyes widened nang makita kung anong ang kanyang sinasabi.

Coen posted a picture on his Instagram account.

Peach floral padded crop top at naka-waterfall braid na babae. Nakaupo ito sa buhanginan at nakatalikod sa camera. Mula sa kanyang harapan ay makikita ang paglubog ng araw.

Kahit hindi ko isipin kung sino ‘to ay alam kong ako ang nasa larawang ito. My heart fluttered because of that. Nagdiwang at nagsimulang magsiliparan ang mga paru-parong matagal nang nagpapahinga sa paglipad. Naramdaman ko rin ang pag-init ng aking mukha. I bit my bottom lip upang itago ang kilig at tuwa. Napakaganda ng kuha niya rito.

Pero bakit?

Of all people, bakit ako?

“Haba ng hair ah,” she teased. “Sayang naka-turn off yung comments, gusto ko pa namang makita reactions ng fans niya.”

Pinagmasdan kong maigi ang p-in-ost ni Coen. Walang caption na nakalagay doon at, tama si Jess, naka-turn off commenting ang post. It was posted five minutes ago pero pataas na agad nang pataas ang bilang ng likes nito.

The photo was taken noong nasa Simbwa Island kami. Hindi ko alam na kinukuhanan na pala ako rito. Ito rin ang araw na hinalikan niya ako sa pangalawang pagkakataon. That memory caused me a heart attack. Pinilit kong itago ang mga ngiting namumuo sa aking labi pero wala talagang makakatakas sa matatalim na mata ni Jessica.

Kiniliti niya ako sa tagiliran at makahulugan akong nginitian. “Ano? Kailangan na ba nating pumunta sa cardiologist?”

Umiling ako at pinilit na mag-focus sa trabaho. “Bumalik ka na nga sa area mo.”

.

“Maayos na ang buhay mo roon sa Søren,” ani ng kasama ko rito sa annex. “Bakit ka pa bumalik dito?” I let out an awkward smile. Hindi agad ako nakapagsalita dahil muli nitong binuka ang bibig. “Balita ko nga ay nakahanap ka roon ng mayamang asawa. Sayang naman, dapat hindi mo na iniwan.”

Mariin akong napapikit at palihim na huminga nang malalim. Kierra, kalma lang. Hindi niya alam ang buong istorya.

“Nakaraan na ‘yon, wag na nating balikan,” sagot ko. Pilit pa akong tumawa just to ease the tension building up inside my system. I let myself busy sa mga gawain, may sinulat ako sa papel at binigay iyon sa nurse attendant. “Pakuha naman ng CGC result ni patient four hundred one.”

Laking pasalamat ko nang tumayo ito. Kinuha pa nito ang maliit na basket sa ilalim ng desk. “Okay, dadaan na rin akong pharma at supply room.”

“Thank you.”

Umalis na siya at gano’n na lamang ang naramdaman kong ginhawa. Feeling ko ay nasa hotseat ako kanina. Hindi ko magawang sagutin ang mga binabato niyang tanong dahil nababahala akong madamay ko na namang muli ang pamilyang Montero.

Akala ko ay saglit na tatahimik ang aking isipan ngunit nabasag iyon nang may tumulak na naman sa pintuan. Jessica happily went to me habang natalon-talon pa. Biglaan niyang nilagay ang mga kamay sa aking likuran at mahinang tumili.

Bakit nandito na naman ang isang ‘to?

Nasa likod niya si Gab na nakangiti lamang at pumirmi sa isang lugar. I gave him a questionable look, asking kung anong nangyayari. Hindi ito umimik at nanatiling tahimik.

What do I expect?

“Wait lang, Jess,” awat ko rito. Bumitaw ako sa mahigpit niyang yakap. “Ano bang meron?”

Impit muna siyang sumigaw habang nakahawak sa magkabilang pisngi. Pinaypayan pa niya ang sarili nang ilang segundo bago nilabas ang malaki at abot-tengang ngiti. Ilang beses pa akong napakurap habang hinihintay ang mga salitang lalabas sa kanyang bibig.

Bakit parang kinakabahan ako?

“Natupad na ang isa sa pangarap mo!” aniya. “Nakapasa ka na sa Hansan! Congrats, Kierra!”

.

sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro