Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

Basa ang aking buong katawan dahil sa ulan, magulo na ang nakatali kong buhok at pupusta akong namamaga na ngayon ang aking mga mata dahil sa walang tigil kong pag-iyak kanina.

"Magandang hapon po." Matamlay akong ngumiti. Katulad noong una naming pagkikita, ganoon pa rin ang kanyang suot. Sa kanyang likod ay may apat na iba't ibang watawat. He fixed his eyeglass, eyeing me. Napaismid ako at wala sa sariling yumuko. "Nabasa po ako ng ulan kanina, pasensya po."

Kinuyom ko ang mga kamao upang pigilan ang panginginig dahil sa lamig. Niyakap ko ang suot na tuwalyang nakapatong sa 'king balikat na binigay ng mga helper kani-kanina lamang.

Narito ako ngayon sa opisina ng General of the Army Fraginal Montero, tatay ni Coen.

He clasped his both hands habang pinasadahan ng tingin ang aking katawan, mula ulo hanggang paa. Those stares weren't good at all. "I really don't like you for my son, kaya hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa."

Hindi na naging surpresa 'yon. Noong una pa lang naming pagkikita ay alam ko na at ramdam ko nang hindi niya ako gusto. But for the second thought, wala naman akong pakialam. I just remained silent.

Bahagya niyang ginalaw ang kanyang panga bago ituloy ang pagsasalita. "Pinatawag kita rito upang bigyan ka ng isang magandang offer." Ngumisi siya. "Tutulungan kitang makabalik sa Nuere but in one condition."

Ang atensyon ko ay napunta sa mga sinabi niya. Tila nagkaroon ng liwanag ang madilim kong pag-asa. My face slightly lit up ngunit ramdam ko pa rin ang lungkot.

"Ano pong kondisyon?" interesadong tanong ko rito. May nilabas itong papel galing sa envelope. He slid it off on his table, palapit sa 'kin. Nag-aalangan pa akong lumapit upang tingnan iyon but I did it anyway. Kumunot ang aking noo nang makita kung para sa'n ito. "Divorce paper?"

"Yes, dissociate with my son, clean our surname in Dasaev by divorcing him. I assured you na walang mangyayaring masama sa paglipat mo muli sa Nuere," aniya. "Isang pirma mo lang ang kailangan and the rest will be well."

"Bakit hindi po si Coen ang sinabihan n'yo?"

"My son and I aren't good in terms," simple nitong sagot. Tumaas pa ang kaniyang kanang kilay na para bang wala lang ito sa kanya. Hindi bakas sa kanyang mukhang kinababahala niya iyon.

Saglit akong napatigil. "Bakit n'yo po ito ginagawa?"

Umangat ang kanyang labi bago ibuka ang bibig. "You're from Nuere." Mabilis na naglaho ang mga ngiti nito at binigyan ako ng isang matalim na tingin. "That's why I'm doing this."

In short, ayaw niya sa mga taga-Nuere. Hindi ko naman siya masisisi lalo na't popular ang kanilang pangalan. Sino bang matutuwa kung ang anak mo ay nag-asawa ng babaeng nakita lang nito sa daan?

Sumandal siya sa swivel chair at pinagkrus ang dalawang kamay. "I'm giving you a once in a lifetime privilege, Miss Vergara. Take it or leave it."

I badly want to go home.

Hindi ko na nagawang tulungan si Mama sa kanyang paglaban. Hindi ko siya natulungan sa mga panahong nasasaktan siya't kailangan ng isang anak. Kahit sa huling pagkakataon, gusto kong samahan man lang siya kahit sa kaunting panahon― kahit wala na siya physically.

.

Hinatid akong muli ng mga tauhan ni Mr. Fraginal sa building ng penthouse ni Coen. Alas tres pa lang ng hapon, mas maaga ng isang oras ang uwi ko ngayon.

Nakatulala lamang ako habang pinagmamasdan ang malabong repleksyon ko sa loob ng elevator. I really looked like a mess. Medyo natuyo na ang aking damit, tinanggal ko na rin ang tali sa aking buhok at sinuklay iyon kanina gamit ang aking mga daliri. My eyes were puffy at mistulang naging kamatis ang aking ilong dahil sa pula nito.

The elevator tinged. Huminga muna ako nang malalim before I numbly walked towards the main door of Coen's penthouse. As usual, may nakatayong dalawang bantay sa pasilyo. Kung ordinaryong araw lang ito ay babatiin ko sila ngunit wala ako sa mood para gawin iyon.

Tuloy-tuloy lang akong naglalakad hanggang sa may humarang sa 'king daraanan. I unconsciously threw a glance on its hand.

Bakit niya ako hinaharangan?

"Ma'am, hindi po muna kayo maaaring pumasok," mariing saad ng isang bantay. Nagsalubong ang kilay ko. "Inutos po sa 'min ni Sir Coen na wala po munang papapasuking kahit sino."

"Bakit daw?"

Napakamot siya sa batok na para bang hindi alam ang sasabihin. Mas lalong kumunot ang aking noo sa kanyang inaasta. Napansin ko ring saglit itong napabaling sa kasama niya na para bang humihingi ng tulong.

Tiningnan ko rin ang isang bantay ngunit wala itong pakialam at kasalukuyang malayo ang tingin.

"Eh kasi ma'am..."

"Ayos lang, sabihin mo na, hindi 'to makakarating kay Coen."

"Ano po kasi," nag-aalangan pa rin niyang panimula. Bahagya siyang yumuko bago nagsalitang muli. "Kasama ni Sir Coen si Ma'am Fione sa loob," mababang timbre nitong bulong.

Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa paligid. Napakurap ako nang ilang beses matapos marinig iyon.

I took a step backwards. Hindi ko alam kung bakit nakararamdam ako ng sakit. Tila ba sinusuntok ang aking puso nang marinig ang dalawang pangalan na 'yon nang magkasama.

Coen at Fione. Sila ang orihinal na bida sa kwentong ito.

I pursed my lips, trying to control myself from bursting. Paulit-ulit akong tumango at iniwas ang mga tingin.

Tama, isa lamang akong hamak na karakter sa kanilang istorya. Darating ngunit mabilis ding maglalaho.

Wala sa wisyo kong tinungo ang hagdan papuntang rooftop. Kakatapos lamang ng ulan kaya hindi masyadong tirik ang araw. Gumawi ako sa dulong bahagi at pinagmasdan ang kabuuan ng distrito.

Tama ang desisyon mo, Kierra. Tama ang ginawa mo.

Malalim ang aking buntong-hininga at tumingala. Hinaplos ko ang suot na locket. "Alam kong nandiyan ka na, Ma. Dapat ba akong maging masaya?" Mapait akong ngumiti. Mariin akong pumikit at sa muli kong pagdilat ay naramdaman ko na naman ang mga luhang akala ko'y naubos ko na.

"Hindi ako okay, Ma," pag-amin ko. "Nasasaktan ako, sobrang bigat ng nararamdaman ko. Isa-isa ninyong dinudurog ang puso ko. Kailangan kita ngayon pero iniwan mo na 'ko."

Tinakpan ko ang aking mukha at doon humagulgol. Aaminin ko, I was waiting for someone. Nasanay kasi akong parati siyang nandiyan tuwing umiiyak ako. Umasa akong pupuntahan niya ako.

Pero wala... hindi siya dumating.

.

Maaga akong nagising kinabukasan. The tragic memories from yesterday still lingered my system. Pinilit ko ang aking sariling huwag lumuha at kinalma ang sarili. Ilang oras din siguro akong nakatulala sa kisame, iniisip ang mga susunod na maaaring mangyari sa hinaharap.

Kahit ayaw ng aking utak ay bumangon ako, mahirap man pero kailangang gawin. My feet met the cold floor at nagsimulang ayusin ang sarili.

I looked for my old clothes na sinuot ko noong unang araw ko rito sa Søren. Green shirt, maong pants and worn out sneakers, that's the Kierra Vergara I knew. Si Kierra na nakatira sa Nuere.

I reached for my phone at nagtipa ng mga letra doon. Umupo ako sa malambot na kama habang malungkot na nakatingin sa aking telepono.

Matapos ang halos kalahating oras ay natapos na rin ako. Nilapag ko iyon sa table na katabi ng aking higaan. Kinuha ko rin ang aking pitaka at nilapag ang black identification card sa ibabaw ng telepono.

I stood up at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng aking kwarto. Bahagya kong kinagat ang ibabang bahagi ng aking labi at malungkot na ngumiti bago isara ang pinto.

"Good morning, Kierra," sabay-sabay na namang bati ng mga helpers sa 'kin.

Ngumiti ako. "Good morning din sa inyo."

Dumako ang aking mata sa dining area. As expected, naroon si Coen at tahimik na kumakain. Saglit niya akong binalingan at tumango.

Ilang segundo rin akong napako sa aking kinatatayuan hanggang sa tingnan na naman niya akong muli.

"You won't join me?"

Ilang beses akong napakurap dahil doon. I took a deep breath bago naglakad palapit sa hapag.

Umupo ako sa aking usual seat at nakatulalang tiningnan ang walang laman kong plato. Wala akong ganang kumain.

Imbes na kumain ay ininom ko na lamang ang tsokolateng nakahain sa aking harapan. Mainit ito ngunit hindi alintana sa aking mukha ang pagkapaso. Siguro ay naging literal na akong manhid sa sakit.

Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sa aking gawi si Coen. "You didn't eat your dinner last night," he gently scolded me. "At least eat your pancakes."

"Ayos na 'ko sa hot chocolate." Hindi ko binalingan ang kasama ko at nanatiling nasa mesa ang mga tingin.

"You're not wearing black. Hindi ka ba papasok ngayon?"

I sipped my drink before answering. "Papasok ako."

Narinig ko ang mahinang pagkalatsing ng kanyang kubyertos. I tried my best upang hindi lumingon sa kanya.

"Are you alright?"

Napahigpit ang aking hawak sa mug dahil sa tanong na iyon. Ilang sandali pa akong nag-isip kung anong isasagot ko. Kumusta nga ba ako? Ayos lang ba ko?

Tinaas-baba ko ang aking ulo habang nakayuko pa rin at nakatingin sa mug na nakapatong sa mesa. "Okay lang," mahina kong sambit.

Great, I just lied.

"Are you mad?"

"Hindi."

Narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga. "Look at me, Kierra." Mariin akong napapikit nang marinig ang maamo niyang boses. "Please," he added.

Naglandas ang kamay niya sa kamay kong nasa mug. Napapitlag ako sa biglaang kuryenteng dumaloy doon kaya wala sa sariling inalis ko ang aking kamay. The drink spilled on the table. Agad akong napatayo, gayon din si Coen.

Tumingala ako and met his confuse yet concern eyes. Nag-iwas ako ng tingin dahil doon at nagsalita. "Papasok na 'ko sa café."

Bago pa man ako makaalis ay bigla kong naramdaman ang kamay niya sa aking palapulsuhan.

I unconsciously glanced at his warm hand bago ko siya tingnan sa kanyang mukha. "B-bakit?"

"Tell me, what's wrong?" His eyes were pleading.

Pilit na ngiti ang ginawad ko rito. "Ayos nga lang ako, Coen," pagkumbinsi ko. Nagpakawala ako ng isang malalim na hinga. "Kailangan ko nang umalis, mahuhuli na 'ko sa trabaho."

His grip tightened.

"Coen," banta ko.

Ang sumunod na nangyari ay hindi ko inaasahan, I suddenly crashed on his firm chest. Mabilis niyang nilagay ang kanyang mga kamay sa aking likod, hugging me tighter. Ang puso ko ay awtomatikong nagwala dahil sa ginawa niyang iyon. Sinubukan kong pakalmahin ang halos hindi mabilang na pintig nito, natatakot na marinig niyang siya ang unti-unting sinisigaw no'n.

Bakit mo ba ako pinapahirapan, Coen?

"Please, tell me what bothers you, Kierra," malamya ang kanyang boses.

I was stiffed all along. Hindi ko magawang yakapin siya pabalik.

"I'm sorry, Coen," nanghihina kong sambit.

Mariin akong pumikit. Patawad, kailangan ko 'tong gawin. Buong lakas kong inalis ang mga kamay niyang nakapalibot sa akin.

He parted his lips dahil sa ginawa ko, marahil ay hindi niya inaasahang gagawin ko iyon.

"Sorry," muli kong inulit... sa huling pagkakataon. Isang matamis na ngiti ang iginawad ko sa kanya bago tuluyang tumalikod at lisanin ang lugar.

Patawarin mo ako, Coen.

.

sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro