Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

Mataas na ang sikat ng araw nang magising ako kinabukasan. Mukhang napasarap na naman ang tulog ko. Pagkabangon na pagkabangon ko ay agad kong kinuha ang aking tuwalya upang maligo.

I softly slapped my face nang umulit ang senaryong nangyari kagabi. Hinalikan lang naman ako ulit ni Coen. Matapos nga no’n ay napatakbo ako rito sa ‘king kwarto nang wala sa oras. Ni hindi na ako nakapagpaalam at nakatulong sa pagliligpit ng mga gamit nang matapos ang party.

Binura ko iyon sa aking isip habang paulit-ulit na umiiling. Mamayang hapon na ang uwi naming dalawa ni Coen kaya kailangan kong masulit ang Simbwa Island ngayon.

Kailangan mong iwaksi ang nakaraan, Kierra.

Nagsuot lamang ako ng simpleng tee at denim shorts. Mabilis kong kinuha ang aking telepono at ibinulsa. Pagkabukas na pagkabukas ng aking pintuan ay agad na tumambad sa akin ang malinaw na tubig mula sa dagat. May mga bata pang naghahabulan sa dalampasigan na labis kong kinangiti.

Dinala ako ng aking mga paa papunta sa mga lokal na ngayon ay naroon sa kabilang cottage. Tila nagluluto roon si Lola, ang namumuno sa isla, habang ang iba ay masayang nagkwe-kwentuhan.

“Magandang umaga po, Lola,” bati ko at nagmano rito. Amoy na amoy ko ang masarap niyang niluluto. Hmm, adobong manok. Automatic na kumalam ang aking sikmura, na-miss ko nang sobra ang lutong-bahay na ‘to.

Nakangiti naman niya akong hinarap. “Tanghali na, hija,” biro niya which is totoo naman. “Mukhang naging mahimbing ang tulog mo. Gising na ba si Coen?”

Ilang beses akong napakurap nang marinig ang kanyang pangalan. Himala at nauna akong magising sa kanya? “Tatawagan ko po siya.”

Kahit ayokong gawin ay ginawa ko pa rin. Hindi kasi sila magsisimulang kumain hangga’t may kulang na isa. Tsaka gutom na ako, ‘no. Bahagya akong lumayo at d-in-ial ang numero ni Coen. Tinapat ko sa aking tenga ang telepono, matapos ang ilang ring ay walang sumagot doon.

Napabuga ako ng hangin at nakangiting hinarap muli sina Lola. “Pupuntahan ko na lang po sa cabin niya,” pagpapaalam ko. Tumango naman sila at nagsimulang paulanan ako ng mga asar, lalo na ‘yung mga babaeng kadaldalan ko kahapon.

“Naku, mukhang nagkaayos na kayo ni Coen kagabi ah.”

“Huwag gagawa ng himala, Kierra.”

Rinig kong asar ng iba sa ‘kin. Napailing na lamang ako habang naglalakad.

.

“Coen?” I knocked. “Lunch na, hinahanap ka na nila.” Muli pa akong kumatok ngunit wala akong narinig na sagot mula sa loob. Natutulog pa ba siya? Sinubukan kong pihitin ang doorknob. Bahagya kong tinagilid ang ulo nang malamang bukas iyon at hindi naka-lock. “Papasok ako ah.”

Gayon nga ang aking ginawa. I went inside his cabin, katulad din iyon ng akin. Agad na tumambad sa ‘kin ang kanyang kama, wala siya roon. Narinig ko ang pagpatak ng mga tubig galing sa kanang bahagi ng silid. Kaya pala hindi niya ako naririnig kanina, nasa CR kasi.

Kinatok ko ang pinto ng CR. “Coen, si Kierra ‘to. Bilisan mo na d’yan, hinahanap ka na ni Lola,” medyo pasigaw ko nang sambit para marinig niya. Saglit namang tumigil ang pagbuhos. Narinig niya siguro ako.

“Alright, give me three minutes.”

Aalis na sana ako nang may umagaw sa aking atensyon. Hindi naman sa nakikialam ako pero parang gano’n na nga.

Lumapit ako sa maliit na mesa na nasa tabi ng kanyang higaan. Lumakas ang tibok ng puso ko nang maaninag ang pamilyar na larawan, katabi ng telepono nito.

Hindi na ako nag-isip at agad na kinuha iyon. My world stopped from revolving nang makita ko iyon nang ayos.

Paanong...

I couldn’t stop my hands from trembling. Isang iglap lang ay bumuhos agad ang mga tanong sa aking isipan. Bakit ito nandito? Bakit mayroong litratong ganito si Coen? Sino ba talaga siya?

Naging mabigat ang bawat paghinga ko habang pinagmamasdan ang larawan. Isang batang babae na may maiksing buhok, halos hugis bilog ang mga mata, nakasuot ito ng bistida na puno ng bulaklak at may hawak na laruan sa kaliwang kamay. Iyon ang paborito kong manika noong bata pa ako.

“Kierra?”

Walang emosyon akong napabaling sa aking likuran. Kasalukuyan niyang tinutuyo ang kanyang buhok.

Dumako ang tingin niya sa hawak ko na nagpabago ng kanyang ekspresyon. Napatigil siya sa ginagawa at nag-aalala akong tiningnan sa mga mata.

Bahagya ko iyong tinaas. I tried to open my mouth pero walang lumabas na mga salita roon. Hindi ako maaaring magkamali, kamukhang-kamukha ko ang batang babae ito. Si Papa mismo ang kumuha ng litratong 'to bago siya umalis― bago siya mawala.

“Kierra,” malamlam niyang ulit sa pangalan ko. He took a step forward kaya wala sa sarili akong napaatras.

“B-Bakit?”

Bakit napunta sa ‘yo ito, Coen?

“Kierra, everyone’s waiting for us,” aniya. His eyes were soft, hindi iyon katulad ng mga matang pinupukaw niya sa ‘kin noon. “Kumain muna tayo. I’ll tell you everything after that, okay?”

Tumango ako at wala sa sariling pinasok ang larawan sa aking bulsa. Nauna akong maglakad habang siya naman ay nakasunod sa aking likuran.

Pagkarating namin sa cottage ay naging tampulan na naman kami ng tukso. Nasanay na 'ko kaya tipid lamang akong ngumiti at yumuko. Pumwesto ako sa dulong bahagi ng mahabang mesang ito, malayo kay Coen.

“Kain na!” sigaw ng isang binatilyo at nanguna sa pagkuha ng ulam.

Buong oras akong nakatulala’t iniisip pa rin ang nangyari kanina. I couldn't erase it inside my head. Paanong magkakaroon si Coen ng picture ko? That question was so complicated.

Kahit anong pilit kong pagtataboy ay siyang paglapit ng mga tanong. Ni hindi ko nagalaw nang ayos ang pagkain na nasa harapan ko.

Napapansin ko namang pasimple akong sinusulyapan ni Coen na nakaupo sa kaliwang bahagi ng mesa. I sighed at f-in-ocus ang sarili sa pagkain.

“Ayos ka lang ba, hija?” bulong ni Lola na nasa aking harapan. “Kanina ko pa napapansin ang pagbuntong-hininga mo.”

“Okay lang po ako, Lola,” sagot ko. Sumubo ako at ngumiti. “Sobra pong sarap ng luto n’yo!”

“Salamat naman at nagustuhan mo.”

.

Bago magsalita ay kinuha ko muna ang itim kong tali at ginamit iyon pang-ipit sa aking buhok. Medyo malakas kasi ang hangin dito sa dalampasigan kaya napupunta sa mukha ko ang ibang strands. Habang ginagawa ko iyon ay pinagmamasdan lamang ako ni Coen.

Yes, he’s watching me habang nag-s-struggle ako sa mahaba kong buhok.

Pagkatapos magtali ay seryoso ko siyang tiningnang muli. Narito kami ngayon sa gitna ng beach, nakatayo’t malayo sa lahat.

“I’m sorry if I didn’t get to say this to you.”

“Paano mo nakuha ang litrato ko?” I cut him off.

Imposible namang galing sa akin iyon dahil, unang-una, naiwan ko nga ang mga gamit ko noon sa restaurant at tanging pitaka lang ang nadala ko. Hindi rin ako naglalagay ng mga larawan sa aking wallet. So, saan niya nakuha iyon?

Nakita ko pa ang malalim niyang paghinga bago nagsalita. Binigyan niya ako ng isang malamlam na mga tingin. Hindi ako nagpatinag at nanatiling seryoso.

“I know Mr. Ronaldo Vergara.” My eyes popped upon hearing my father’s name. Huminga ako nang malalim at hinintay ang mga susunod niya pang sasabihin. “I already met your father seventeen years ago.”

Halos mawalan ako ng balanse. Paanong nakilala na niya ang tatay ko?

Nagpatuloy siya. “Anak ako ng isang respetadong sundalo, Kierra. I was eight years old when I met the former Second Lieutenant Vergara. I couldn’t forget his face back then― he looked anxious and scared.” Napatakip ako sa aking bibig. Unti-unti kong naramdaman ang pagbadya ng aking mga luha. Seventeen years ago, iyon ang taon kung saan may gulo sa pagitan ng Dasaev at United of Emson. Doon ang huling laban ni Papa.

All along, akala ko walang kinatatakutan si Papa pero mali ako… Takot siyang mawala, takot siyang iwan kami.

“Nakita ko siyang umiiyak sa sulok ng office ni Dad. I thought my Dad scolded him. As a curious kid, I approached him and literally stared at him for an hour. Sinabi niyang ipapadala siya sa giyera. Then he handed me your picture. One day, alam niyang pupunta ka sa Søren and he told me that I should find and protect you. I promised him na gagawin ko iyon.”

“So, kaya mo ba tinanong ang pangalan ng Papa ko noon dahil sa pangako mo sa kanya?” nahihirapan kong tanong habang pinipigilan ang paghikbi. Now, I understand.

Coen slightly nodded. “I don't break promises, Kierra,” sagot niya. “This is the real reason why I offered you my surname.”

.

ᴅᴏɴᴇ ʀᴇᴠɪsɪɴɢ (ɪ ᴛʀɪᴇᴅ) ᴛʜᴇ ᴘʀᴇᴠɪᴏᴜs ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀs. ᴍᴀʀᴀᴍɪɴɢ sᴀʟᴀᴍᴀᴛ sᴀ ᴘᴀɢʜɪʜɪɴᴛᴀʏ. ʟᴏᴠᴇ ʟᴏᴛs!

.

sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro