Chapter 17
“Nice to meet you po, Sir,” alanganin kong bati. Bahagya pa akong yumuko upang bigyan siya ng respeto.
He’s currently sitting on Manager’s swivel chair. Nilahad niya ang kamay at itinuro ang upuan sa harapan ko. “Sit down.”
I was hesitant at first pero umupo na rin ako since his keen eyes commanded me to do it. Hindi naman ako na-inform na may meet and greet ako with father-in-law. Sana walang question and answer portion.
Napahanga ako at nanliit ang tingin sa sarili nang makita siya nang malapitan. He has dark and authoritative aura that is quite intimidating. T-in-ry kong huwag magmukhang patatas sa harap niya pero sa tingin ko ay pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang ay talo na ‘ko. He’s wearing an insignia or a military badge that is consists of five silver stars and was partnered by gold and enameled Dasaev of Arms on formal military coat shoulder loops. Base pa lang sa kanyang suot ay alam mong mataas ang kanyang ranggo sa militar.
Bigla ko namang naalala si Papa, he also once served Dasaev. Isa siyang bayani.
“By the way, I am Fraginal Montero, General of the Army of the Dasaev,” he introduced himself using his definitive voice. Lalo naman akong na-intimidate roon. Mukhang mataas nga talaga ang kanyang posisyon.
Pasikreto akong lumunok bago nakipagkamay dito. “Kierra Vergara po.”
Siya ang unang bumitaw. He clasped his hands while nodding. I smiled in a super awkward way dahil hindi ko na alam ang susunod na mga gagawin. Ito na ba ang parte sa kwento na susuhulan ako at ipapadukot ako sa mga hindi kilalang lalaki? I cringed at that thought, sa mga drama ko lang napapanood iyon.
“You’re a nurse from Nuere?” panimula niyang tanong. Argh, ayoko ng Q&A!
I felt anxious that my hands are slightly trembling because of the tension that Mr. Fraginal’s giving me. Pinagdikit ko ang aking labi. “Yes, sir, isa po akong nars sa Nuere.”
“So, how did you two met kung sa Nuere ka galing?”
I blinked twice nang marinig ang kanyang tanong. How am I supposed to answer this? Sasabihin ko ba ang totoo? It’s like I was walking on eggshells, ang hirap.
Bahala na nga.
“Nag-a-apply po ako sa Hansan and I happened to save him from a stabwound. Pero napatagal po ang pag-stay ko rito sa Søren kaya po ay naiwan ako ng bus pabalik sa aming distrito. Coen helped me and offered his surname to me. I’m sorry po.”
Sorry dahil nagkaroon ka agad ng daughter-in-law.
Mr. Fraginal faked a chuckle. Umiling pa ito sa sinabi ko. “That was the lamest reason I’ve ever heard,” aniya. “My son wouldn’t do that just because you saved him.”
“Ano po ang ibig ninyong sabihin?”
Sumeryoso muli ang kanyang mukha. Nakakatakot ang kanyang aura, parang isang pagkakamali mo lamang ay kamatayan na ang kapalit. Ngayon, hindi na ako naniniwala sa sinabi ni Coen na ligtas na ako dahil isa na akong mamamayan ng unang distrito. Ang mga mata niya ay handa na akong paalisin dito sa Søren.
“Don’t you ever ruin our name, Ms. Vergara,” he said, emphasizing my surname. “I can do everything… anything, even if it’s beyond the law. Keep that in mind.”
Ano raw?
I was clueless. Binabantaan niya ba ko o may ibig pa siyang sabihin doon? Hindi ko kasi na-gets ang logic niya. Magtatanong pa sana ako para ipa-elaborate ang sinabi niya nang may marahas na nagbukas ng pintuan. Wala sa sariling napalingon ako roon at gayon na lang ang pagkagulat ko nang makita ang bulto ng katawan ni Coen doon. Agad na nagtama ang aming mga mata.
Parang nakita ko lang siya sa TV screen kanina ah.
Coen furiously marched towards our direction. He grasped my wrist kaya napatayo ako nang wala sa oras. Ano bang ginagawa niya? Ipinunta niya ako sa kanyang likod at matapang na hinarap ang kanyang ama.
“What did you tell her?” he asked at bakas sa kanyang boses ang inis.
Mr. Fraginal didn’t look surprise at all. Hindi sa nakikialam ako sa family affairs nila pero gano’n ba talaga sila mag-usap normally?
“Relax, son, I just gave her options,” anito at tumingin pa sa aking gawi habang nakangiti. Options? Binigyan pala niya ako ng options pero hindi ko alam? Ang gulo nila parehas. Tama nga, mag-ama nga sila. Mr. Fraginal fixed his eyes on his son. “Hindi mo man lang sinabi sa akin na balak mo nang mag-asawa. You should’ve told me, you know, I can always right things,” makabuluhang saad nito.
In just a snap ay parang nawala ako sa scene. Silang dalawa lamang ang nagkakaintindihan. Habang ako, ito, pinagmamasdan lang sila. Ilang segundo rin silang nagsukatan ng tingin bago nagsalita si Coen.
“Thanks, but no thanks, Dad.” After he said that ay hinigit na niya ako palabas ng opisina. Hindi na ako tuluyang nakapagpaalam sa tatay niya ngunit bago pa kami tuluyang makaalis ay nagsalita pa ito.
“Pag-isipan n'yo ang mga sinabi ko.”
Paano ko pag-iisipan kung wala naman akong na-gets?
.
Narito na kami sa loob ng sasakyan niya, nakaupo sa backseat. As usual, narito rin ang forever niyang si Zach.
“Anong nangyari ro’n kanina?” I asked, hoping that he’ll explain it to me.
“It’s nothing,” anito.
Hindi na ako nagulat sa naging sagot nito. Medyo nasasanay na akong walang nakukuhang matinong sagot sa kanya. I couldn’t help but to feel that Coen’s hiding me something. Masama ang pakiramdam ko rito at sana mali ako ng iniisip dahil hindi ko alam ang mararamdaman kung totoo ang mga tumatakbo sa aking utak.
“Bakit mo pala ako pinuntahan?” pag-iiba ko sa usapan upang malihis ang aking atensyon.
“You didn’t even saw the medias outside your workplace, huh?” sarkastiko nitong saad. Hindi ko nga iyon napansin dahil masyado akong lutang sa naging usapan nila. Kaya pala lumabas kami sa fire exit kanina. Now, I know. “Everyone already knew about us, Kierra. I'm informing you, if you’re not yet aware.”
Oo, kinumpirma na niya ang tungkol sa amin, napanood ko iyon. Dahil diyan, alam na ng buong bansa na ang hinahangaan nilang si Coen Montero ay may asawa na. Now I’m scared on what will happen in next couple of days.
There was a silence after that. Wala nang nagsalita pa sa amin, hindi ko rin naman alam ang sasabihin. I was just to engrossed with my own thoughts.
Tahimik kaming nakarating sa kanyang penthouse, thanks to his security team at nataboy agad ang mga reporters na naghihintay sa lobby. Binati ako ng mga bff kong helpers at gayon din ang aking ginawa. Didiretso na sana ako sa aking kwarto nang marinig ko ang aking pangalan.
“Kierra,” tawag ni Coen.
Tumigil ako sa pag-akmang pagbukas ng pinto. I glanced behind. Ngayon ko lang napansin ang suot niya ngayon. Nakasuot siya ngayon ng taupe dress shirt, two buttons were open and both sleeves folded. It was partnered with brown slacks. Kahit anong suot niya ‘ata ay babagay sa kanya. Coen has been burning the candles at both ends almost every day pero hindi talaga siya mukhang naii-stress. He’s just too perfect for everything. Too dang flawless.
Sana lahat.
“Bakit?” Instead of answering ay may binigay siyang isang beige card envelope. I gave him a puzzled look. “Ano ‘to?”
“An invitation,” simple niyang sagot. “Clear your schedule this coming weekend.”
Tumango ako at hindi nagsalita. My eyes automatically went to his face, down to his lips. His image of kissing me suddenly appeared on my mind. Mariin akong napapikit dahil sa naalala. Tila naguluhan naman si Coen sa ginawa ko at bahagyang tumagilid ang ulo habang pinagmamasdan ako.
Nakakahiya naman.
I swallowed all my pride and pressed my lips tight before saying nonsense things. “A-About the kiss,” nauutal kong salita. “Pwede bang kalimutan na lang natin iyon? Aksidente lang ‘yon, hindi dapat mangyari, ‘di ba?”
My heart almost jumped out. May limang segundo ‘ata siyang nakatitig sa akin na para bang sinusuri ang aking mga sinabi. He heaved a sigh. I tried to read his expression pero, as expected, he’s unreadable. Hindi ko alam kung anong nararamdaman niya dahil he is just giving me a straight look.
“Fine, nothing happened that day, if it'll make you comfortable.”
.
sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2020
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro