Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

labas muna ang mga bata, sibs.

Naalarma ako nang makitang papalapit na ang mga ito sa aming lugar, ni wala silang pakialam sa mga taong narito. Hinding-hindi ako magkakamali, sila 'yung mga gangster na bumugbog noon kay Coen. Hindi pa ba sapat ang mga sugat na natamo ni Coen at may balak pa silang dagdagan? I panicky looked up at Coen and Zach na seryosong nakatingin sa mga goons.

"Anong gagawin natin?" nag-aalala kong tanong sa kanila.

"Ako nang bahala sa kanila. Tumakbo na kayo," ani ni Zach. Mabilis siyang may tinawagan sa telepono. Matapos no'n ay walang pasabi siyang tumakbo papunta sa mga gangsters.

Bago pa man ako maka-react ay hinawakan na ni Coen ang kamay ko. Halos patakbo kaming umalis kaya gano'n na lamang ang pagkagulat ng mga tao. Thankfully, they didn't make a way kaya hindi masyadong kapansin-pansin ang aming pag-alis. Wala sa sariling napatingin ako sa likod, Zach's already approaching the goons. Luminga-linga pa ako sa paligid dahil baka may iba pang nasa sulok-sulok lang at hindi nga ako nagkamali.

May dalawang goons akong nahagip sa di kalayuan. Wala sila sa alon ng mga tao, nakatayo lamang sila sa kabilang parte at tila naghahabaan ang mga leeg. Alam nilang nasa gitna ng mga tao si Coen pero hindi pa nila nakikita. Mabuti naman. Ngayon lang 'ata ako magpapasalamat sa crowd, dahil sa kanila ay hindi kami mahanap ng mga panget na gangster.

"'Wag mong iaangat ang mukha mo. May mga naghahanap pa rin sa 'yo, nasa exit sila."

"Shit," he cussed at sinunod ang bilin ko. Hindi kami ngayon makakapunta sa kanyang sasakyan dahil may mga nakabantay doon.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at sinusundan pa rin kami ng alon ng mga tao. I let Coen lead the way kasi siya ang mas may alam ng mga lugar dito. Ang slight-agoraphobia ko ay tila umurong dahil sa kanila. Actually, sa action movies ko lang napapanood ang mga ganitong eksena at, akalain mo nga naman, para akong isang artistang naganap sa isang pelikula. Wala bang magsasabing 'cut' diyan?

Nang makalayo sa pwesto ng dalawang goons ay ang pagtakbo naman namin upang takasan ang mga taong gustong magpa-picture sa kanya. Hindi naman sila nagpatalo at pilit kaming hinabol. Sana lang at hindi iyon napansin ng mga goons. Hindi ko na nabilang kung ilang beses kaming lumiko hanggang sa tumigil kami sa isang empty stall dito sa tiangge. Pumasok kami sa walang lamang tindahan, hindi naman 'ata kami makakasuhan dito, 'di ba? Sa tingin ko ay nasa dulong parte na kami ng lugar at wala nang pumupuntang tao rito.

"Are you okay?" hinihingal niyang tanong habang nalinga-linga sa paligid. Napansin kong wala na siyang suot na sunglass, marahil ay nahulog habang natakbo kami.

"Ayos lang ako."

Aside sa hindi ako makahinga nang normal ay ayos pa naman ako, kaya ko pa namang mabuhay. Ang pinakamahalaga sa ngayon ay kung paano kami makakaalis dito nang hindi tuluyang nakikita. I heard him uttered a curse once again and pulled me right away. I don't know what happened but in just a blink of eye ay nakasandal na ako sa isang pader. He's checking on me kung ayos lang ako pero bakit sobra 'atang malapit? I looked up to him and met his concern yet sharp eyes.

I could smell his manly perfume at nararamdaman ko rin ang kanyang malalalim na paghinga. I want to shove him away pero ang mga titig niya ay nagsasabing 'focus on me, Kierra' and so I did. Masyado na naman 'ata akong mabait.

"I just saw someone lurking in this area," he softly whispered, still giving me that nakakakilig look.

I was cut by my thoughts when he told me that. Mula sa kanyang matikas na balikat ay sumilip ako nang bahagya. Tama nga siya, may isang lalaking naka-leather jacket sa dulong bahagi ng aming direksyon. Tila may hinahanap ito.

"H-He's one the goons," I answered, trying to speak normally pero my mouth already betrayed me from the very start of the sentence. Bakit ka ba nauutal, Kierra? Si Coen lang naman 'yan!

Nanlaki ang mata ko at muntik na akong tumili nang buhatin niya ako. Nagdiwang ang mga paru-parong nalipad sa aking tiyan at wala sa sariling napayakap sa leeg ni Coen. Inupo niya ako sa bakanteng shelf na mas tago kaysa sa kinatatayuan namin kanina. Magkapantay na kami ngayon. Ano bang plano ang nasa utak niya?

He aggressively closed his eyes and exhaled na para bang wala na siyang ibang choice. Nagulat ako nang bigla niyang ituon ang dalawang kamay sa shelf na inuupuan ko, locking me inside of him. He opened his eyes that immediately landed on mine. Ilang beses akong napakurap dahil sa pagkabigla at ibang tensyong nararamdaman. Hindi ko alam kung parte pa rin ito ng agoraphobia ko pero― my heart was pounding so fast than the usual beat. This feeling is new and odd. Hindi ko pa nararamdaman ito dati, ngayon lang.

I hate that I'm liking it.

"10 seconds," he raspy whispered, invading my personal space.

We were just few inches away. "A-Anong―"

Hindi ko na nakumpleto ang tanong ko when he suddenly claimed my lips. Gusto ko siyang itulak palayo, I want to swear him to hell, my mind says to kick his balls... pero hindi ko kaya. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatulala sa nakapikit niya mga mata.

10...

What the actual fudge? Coen Montero is kissing me right now?! Sasandal na sana ako sa pader na nasa aking likod upang makalayo sa kanya nang bahagya. Coen was quick enough and immediately wrapped his both hands around my waist para hindi ako mapalayo sa kanya na mas nagpadagdag ng kakaibang tensyon. Argh, I hate that his hands are perfectly fit around mine.

9...

Bakit parang painit ata nang painit?

8...

He began to move his lips that made me lose my mind. Wala na, suko na 'ko! Unti-unting pumikit ang aking mga mata at wala sa sariling naglakbay ang dalawang kamay sa kanyang batok.

7...

I responded to his kisses. I felt his playful smirk when I did that. Ang mga paru-paro sa aking tiyan ay nagdiwang at mas dumoble ang pagwawala ng aking puso.

6...

Bago pa man tuluyang malasing sa kanyang mga halik ay narinig ko ang isang yabag na papalapit sa stall kung saan kami naroroon. Binuksan ko ang mga mata ko at sinilip nang bahagya ang labas, nakita ko ang goon na nasa labas at sinisilip kaming dalawa. Tumriple ang pagtibok ng aking puso dahil sa kaba. My hands crawled up toward Coen's both cheeks upang takpan ang kanyang mukha. Hindi ko alam kung maganda bang move iyon dahil sa tingin ko ay mas lalong lumalim ang mga halik niya sa akin.

"Boss Arthur, umalis na raw sina Coen dito. Tayo na, nahuli ng mga pulis 'yung lima." Kahit medyo mahina ay narinig ko pa rin iyon.

Umalis na ang goon na nasa harap ng stall at naglakad na palayo. "Okay, sige, iba talaga henerasyon ngayon. Pati tiangge, hindi pinapatawad," rinig kong saad nito.

I calmed because of that. Mas hinila ako ni Coen palapit sa kanya nang tuluyang makaalis ang goons. Humiwalay siya saglit. "Good job, hon," he rasped then continued kissing me. He's just so good in this that my mind automatically shut down. I literally lost my count. If this is just 10 seconds then I would say, mahaba-habang 10 seconds ito.

Coen pulled out and rested his head on mine, kapwa kami hinihingal. Fudge, this is my first time kissing a man yet I felt very professional dahil kay Coen. His eyes are full of emotions pero mas nananaig doon ang hindi ko maipaliwanag na emosyon. My heart accelerated because of those stares yet I couldn't read it.

"You are so damn intoxicating, Kierra."

.

I've never been this so awkward sa loob ng kotse. I always find a way para hindi ako maging uneasy pero ang atmosphere ngayon ay kakaiba. Something happened on us, well not that steamy, but it is 'still' a something on me, okay? I swiftly took a glimpse of him and it made me feel upset dahil parang walang nangyari kanina. He looks so calm habang kausap si Zach sa kabilang linya.

Ako lang ba ang uncomfortable rito?

Sabagay, mukhang marami nang naging experience ang lalaking ito, hindi na big deal sa kanya ang makipaghalikan sa mga babae. Sana all! Kasi ako iniisip ko pa rin iyon hanggang ngayon! Sobrang big deal no'n sa akin!

"Yes, file them cases," seryoso niyang saad habang nagmamaneho. "Make sure na mahuhuli n'yo kung sino ang nagpautos nito."

Nahuli ng mga pulis ang ibang goons na umaaligid kanina sa 'min, thanks to Zach. Sana naman ay malaman na ng mga awtoridad kung sino ang may pakana ng mga ito.

I tried to clear my thoughts at tumingin na lamang sa bintana. Ngunit kahit anong gawin ko ay nai-imagine ko pa rin ang mga labi niya at ang kanyang mukha.

Lord, tulungan Niyo po akong matagumpayan ang labis na kahihiyang ito. I prayed.

At dahil doon, my phone suddenly rang that made me smile. Napasuntok pa ako sa hangin, the heaven heard my plea. This is the end of my agony, I guess. Sana.

"Gaby, buti na lang tumawag ka," masaya kong sinagot ang tawag. From my peripheral vision ay nakita kong napatingin si Coen sa akin. Nagulat siguro sa bigla kong pagsasalita.

["I'm now with Tita and Ryan."]

"Great. Kumusta sila? Pakausap naman kay Mama, oh," sambit ko. Naghintay ako ng ilang segundo ngunit wala akong narinig na salita mula sa kanya. I slightly creased my forehead. "Nandyan ka pa, Gab?"

Alam ko namang hindi pala-salita ang isang 'to. Pero kahit papaano ay alam naman niyang sumagot sa mga tanong.

["Kierra."] Kinabahan ako sa tono ng kanyang boses. Something's off, I know.

Napaayos ako ng upo. "Anong meron? If joke niyo 'to ni Jessica, hindi nakakatuwa," I warned him. Coen took a glance at me. Hiindi ko na lamang iyon pinansin.

"Si Tita―"

My chest thumped loudly dahil sa kaba. His voice doesn't sound good at all, though he tried to. Kilala ko si Gaby at alam kong hindi siya magaling pagdating sa mga ganito.

"Anong nangyari kay Mama?" I cut him off.

I heard a deep sigh before he answered me. "She's in the hospital."

.

ʜɪɴᴅɪ ᴋᴏ ᴍᴀ-ɪᴍᴀɢɪɴᴇ ɴᴀ sɪɴᴜʟᴀᴛ ᴋᴏ 'ᴛᴏ.

.

sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro