Chapter 13
Kailanman sa tanang buhay ko, hindi ko naisip na sisikat ako. Oo, noong bata pinangarap ko ring maging isang sikat na artista. Sino bang ayaw noong bata, ‘di ba? Pero hindi ko aakalaing sa edad kong 22 anyos ay makikita ko ang sarili kong pagmumukha sa telebisyon. Basically, this is not a good thing.
Inabot ni Coen ang remote control at agad na pinatay ang telebisyon nang matapos ang pang-limang scoop tungkol sa aming dalawa. Yes, we watched tons of news regarding our issue para malaman ang opinyon ng iba. Pero, as usual, karamihan ay nabigla sa mga nagkalat na pictures at pawang maiinit na ang mata sa akin. Hindi naman na ako nabigla roon, pero bakit ako nasasaktan?
"Anong plano mo, Mr. Montero?" inis kong tanong sa kanya. Narito pa rin kami ngayon sa living room habang kumakain ng ice cream. Paano kaya niya nalaman na favorite kong flavor ang chocolate? Anyway, hindi na iyon mahalaga, at least nahimasmasan ako ng konti. Mga 0.10%, gano’n kakonti!
“We’ll tell the truth,” he said as if parang wala lamang sa kanya ang mga binitawang salita.
Opisyal na siyang nahihibang. Wala ba siyang Plan B man lang? “You’re unbelievable,” I exclaimed habang tinitingnan siya nang hindi makapaniwala.
“What?” he innocently asked. “You want me to lie?”
Napasapo ako at nilapag ang ice cream sa lamesa. "Wala na bang ibang paraan?"
Coen sighed. “I told you this before, right? We can’t hide this shit forever.”
Binaon ko ang mukha sa aking mga kamay, unexpectedly, I felt my tears running down through my eyes. Nakakainis na tama si Coen, wala nang iba pang paraan kundi sabihin sa lahat na ang isang Coen Montero ay nakapag-asawa ng isang gold digger at cinderella-wanna-be na babaeng naggaling sa Nuere.
Dang, I’m now pitying myself.
“Kierra.” Naramdaman kong lumapit ito sa akin. I felt his hand on my shoulder na lalong nagpaiyak sa 'kin. Sinubukan kong umiyak nang mahina, emphasizing the word ‘sinubukan.’ Argh, bakit ba ko nagiging emosyonal ngayon? Hindi naman ako ganito dati. Muli siyang nagsalita. “Aren’t you wondering why I was hugging you in the pictures?”
Oo nga pala, muntik ko nang makalimutang itanong iyon sa kanya. The news flashed pictures about last night at isa na roon ang magkayap na dalawang tao sa loob ng kotse. Kahit madilim ay alam kong kaming dalawa iyon ni Coen. Ang rason sa likod ng mga litratong iyon? Iyan ang hindi ko maalala.
Pinunasan ko ang mga luha at tumingin sa kanya. “Bakit?”
“Because you were sad and I think you’ll be needing it again. I may be bastard sometimes but I can be your crying shoulder, Kierra,” he smiled. Mr. Coen Montero smiled again! Kahit papaano ay guminhawa nang kaunti ang pakiramdam ko sa mga ngiting iyon. Hindi na ako nagpabebe pa at kinuha ang tyansang iyon upang yakapin siya. I heard him chuckle before hugging me back. “Hindi ko hahayang may manakit sa ’yo. Trust me, everything will be alright,” he whispered as he caressed my hair.
After minutes ay lumayo na ako mula sa pagkakayakap. “Am I malandi? Gold digger ba ako? Ginagamit ba kita, Coen?” I innocently asked for his opinion. Masyado lang siguro akong naapektuhan sa mga sinabi ng mga tao tungkol sa akin.
“Fuck no!” mabilis niyang sagot. Mukhang medyo nainis naman siya sa naging tanong ko dahil he’s now frowning. “You’re not that kind of person. You are way better than those who said that nonsense things, Kierra.”
I smiled. “Thanks, hindi ko rin alam kung bakit ako nagiging emotional.”
Alam ko namang hindi ako ganito. Hindi ko lang talaga alam kung bakit ko masyadong dinadamdam itong mga sinasabi nila sa akin. Hindi iyon totoo, alam ko, pero ang mga salitang binabato sa akin ng mga tao ay masasakit.
“Maybe today’s the time of the month,” nakangisi niyang saad.
Wait, ano bang date ngayon?
Halos mapamura na ako nang bigla kong maalala ang araw ngayon. Mabilis kong hinanap ang kalendaryo. Sa hindi mabilang na pagkakataon, tama na naman si Coen. Halos patakbo na akong pumunta sa CR na labis na kinagulat ng aking kasama. Wala bang magandang mangyayari sa ‘kin ngayon?
.
“Hey, you okay?” Coen knocked twice.
Ngayon ko pinagsisisihan ang pagiging kuripot ko. Kainis, dapat pala nakapamili na ako ng mga gamit ko noong unang araw ko pa lang sa trabaho. Pero wala na akong choice kundi humingi ng favor sa kanya. Siya na lang ang pag-asa ko ngayon.
I bit my lower lip at bahagyang binuksan ang pinto. Sumilip ako roon at nakita si Coen na nakatayo sa harap ng pintuan. I awkwardly smiled at him na pinagtaka naman niya.
“What happened?” inosente niyang tanong.
“Coen.” Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin sa akin. Bahala na, pakapalan na ‘to ng mukha. “Can you buy me napkins?”
Napatulala siya ng ilang beses habang nakatitig sa akin. Okay? Nakaka-conscious kaya! “Pardon?” Bahagya pang tumagilid ang kanyang ulo habang tinatanong iyon.
Mariin akong napapikit. Kailangan ko ba talagang i-explain sa kanya in detailed?
“Ano.. napkins for girls, with wings... Alam mo ‘yun?”
Sobrang nakakahiya na ito!
Napatayo siya nang ayos. Sa wakas, na-gets na niya ito, akala ko i-e-explain ko pa sa kanya ang process ng menstruation. “So, I was correct a while ago?”
“Unfortunately, oo,” I answered, almost stuttering. “Bumili ka na lang ng kahit ano at siguraduhin mong may wings ah. Salamat talaga, Coen.” I pushed him away dahil ayokong mag-stay dito sa restroom nang matagal.
Goodluck on your quest, Coen.
.
On the next day, maaga akong nagising. Today’s Saturday at dahil weekend, kami lang ni Coen ang narito sa penthouse niya. Although, hindi ko alam kung may pasok siya ngayon. I took a bath and wore a peach dress from the signature brands that Coen gave to me. Ang agenda ko ngayon ay magluto ng breakfast para sa kanya, pasasalamat ko na rin para kahapon. If may time, pupunta rin akong mall para makapamili ng mga gamit ko. Ayoko nang maulit pa ‘yung kahapon.
Wala sa sarili akong napailing nang maalala ang nangyari kahapon. Muntik na niyang bilhin lahat ng brand ng napkins doon sa convenience store. He bought me bags of pad na kinagulat ko at labis na kinatawa. By the way, mas maayos na ang pakiramdam ko ngayon at napagnilayan ko na nang mabuti ang nangyari sa akin kahapon. I was so immature and a crybaby yesterday, siguro dahil na rin sa menstruation ko.
Yes, sisihin ang hormones!
Nagsimula na akong magluto. I cooked the usual foods for breakfast na nakikita kong kinakain ni Coen, sunny-side up eggs, strips of bacon, fried rice and pancakes naman for me. I also brewed Coen’s favorite beans habang nagtimpla lamang ako ng gatas para sa ’kin. Gusto ko sana ng dried fish kaso mukhang hindi uso rito iyon.
Habang inaayos ang hapag ay narinig ko ang pagbukas ng main door. Oh, galing siya sa labas?
“Tamang-tama ang pagdating mo.” Ngumiti ako nang makita ang pamilyar na bulto ng katawan ni Coen. He’s wearing a nike shirt and an athletic short at may dala rin siyang itim na sporty shoulder bag. Nilapag niya iyon sa sofa at dumiretso sa hapag-kainan. I unconsciously inhaled his scent, kaka-shower niya lang. Ang bango! Mukhang kakagaling niya lang from workout.
“I went to gym.”
Duh! Alam ko ‘no!
“Sorry, ‘yan lang ang nakita ko sa fridge. Don’t worry, pupunta ako sa mall mamaya, isasabay ko na rin ang pag-grocery,” I said habang naglalagay ng maple syrup sa aking pancakes. Nagtaas ang tingin ko sa kanya. “Wala kang trabaho ngayon?”
“Nah, I’m off during weekends,” he simply answered. “Sasamahan na lang kita sa grocery.”
Nanlaki ang aking mga mata. “Wag na, I can manage. May iba rin akong pupuntahan, alam mo na, girly stuffs,” I retorted.
Nagkibit-balikat lamang ito na parang walang narinig. “It’s fine, I can also manage.”
Sa pananatili ko sa distrito ng Soren ay isang mahalagang aral ang aking nalaman at pinakatandaan sa lahat. At iyon ay walang makakatalo kay Coen pagdating sa pakikipag-usap, kaya siguro naging successful CEO ang loko.
.
sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2020
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro