Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

Kinabukasan ay maaga muli akong nagising. Pagkagising na pagkagising ko pa lamang ay naramdaman ko na agad ang pagkalam ng aking sikmura. Oo nga pala, hindi ako kumain ng dinner kagabi.

I didn't intend that, though. Hindi ibig sabihin no'n ay iniiwasan ko siya, I mean, wala iyong kinalaman sa mga sinabi ni Coen. Wala talaga! Sadyang nakatulog lang ako dahil sa sobrang pagod.

'Sige, self, lokohin mo pa sarili mo.' I thought. Napabuga ako ng hangin at matamang pinagmasdan ang sarili sa salamin.

Ayoko mang lumabas sa kwarto ko ay kailangan ko iyong gawin. May pasok pa ako at gustong-gusto ko nang makalabas sa pamamahay na ito. Kinuha ko ang mga gamit ko at dahan-dahang lumabas sa kwarto. I tiptoed, trying not to make a noise. Pero hindi pa ako tuluyang nakakalayo at nakakaalis sa penthouse nang marinig ang malalim niyang mga boses.

"Saan ka pupunta?" lumingon ako roon at nakita siyang nakaupo sa sofa. Seryoso itong nakatingin sa direksyon ko and I even saw him examined my body from head to toe. Okay? Para saan naman ‘yon? "Masyado pang maaga para sa shift mo."

Napatayo ako nang ayos at pinantayan ang kaniyang mga tingin. "Ahh, maaga raw kasi kaming magbubukas ngayon," I lied.

Coen got up from his seat. He unbuttoned the two buttons of his navy-blue polo at ang kanyang mga titig ay nasa akin habang ginagawa iyon. Para bang pinag-aaralan niya ang bawat galaw ko. Muntik na akong atakihin sa puso dahil sa mga iyon. And yes, I'll admit it, siya na 'ata ang pinaka-sexy na taong nakita kong nag-aayos ng kanyang damit.

"Eat your breakfast, at least. I'll get going so you could take your time," saad nito't umalis at nawala nang parang bula. Ilang segundo rin akong nakatulala sa pintong pinaglisanan niya. Parang ang aga naman niyang umalis ngayon?

.

"Good morning, Kierra," makahulugang bati sa akin ni Luke, ka-trabaho ko. Panigurado akong tungkol ito sa nangyari kahapon. Ni-request lang naman ako ng isang customer na nagngangalang Coen Montero.

I acted as if nothing happened and greeted them all back. Dumiretso ako sa locker room namin upang maghanda na.

"Hi Hana, good morning," bati ko rito nang makita siya sa isang sulok at hawak ang phone. Tila nagulat naman siya sa biglaan kong pagpasok at muntik nang mapamura.

Natawa ako dahil doon at binuksan ang locker. Kinuha ko ang barista apron ko at nilagay ang mga gamit sa loob. Pagkasara na pagkasara ko ng aking locker ay siya namang paglapit nito sa akin.

"What's with you and Coen Montero?" she asked while her eyes are both fantasizing. "I heard from Luke na Coen went here yesterday tapos ang aga mo ring nawala. Then hours passed, fino-follow ka na niya sa IG?! So, tell me, what the hell is happening?"

Hindi na nga pala ako nakapagpaalam sa kanila kahapon. Dumaan kasi kami nina Coen at Zach sa fire exit para hindi masyadong makatawag ng pansin.

I awkwardly smiled. "Anong sinasabi mo?" pagmamaang-maangan ko dahil hindi ko alam ang aking isasagot.

"The owner of Montero Corp followed you! Ikaw lang ang fino-follow niyang account, girl.” Lumapit siya sa ‘king direksyon. “Look.” Pinakita niya iyon sa akin at gano'n na lamang ang kabang nararamdaman ko. She even clicked for my account. Literal na lumuwa ang aking mga mata sa nakita. "Tignan mo, instant famous ka na rin. Andami mo ng followers tsaka haters."

Simula kasi noong gabing iyon ay hindi ko na muling binuksan ang phone ko. Sabi na eh, ganito ang mangyayari.

Umiwas ako ng tingin dito. "Baka namali lang ng pindot si Coen. Imposible namang mangyari 'yan," I tried to joke.

Binilisan ko ang pag-aayos sa aking sarili at lumabas na ng room. Dito sa workplace ko, tanging si Manager lang ang nakakaalam ng lahat. Malaki ang tiwala ko kay Manager na hindi niya basta-basta ipagkakalat ang mga alam niya.

"Okay, gather up everyone!" matinis na sigaw ni Manager na kumuha sa atensyon ko. Lahat kami ay pumunta sa pwesto niya at naghintay sa mga susunod niyang sasabihin. "Since mayroon tayong bagong kapamilya, si Kierra. Naisip ko na i-celebrate natin iyon. Let's go drink after this, shall we?" excited niyang tanong.

Halos lahat naman ay naghiyawan at agad na um-oo, kasama na roon sina Luke at Hana. Out of seven employees, apat lang ang kumpirmadong sasama. Tinignan nila akong lahat dahil ako na lang 'ata ang hindi nakakapagbigay ng desisyon.

"Uhm, gustuhin ko man pero mukhang hindi ako papayagan eh," I honestly said. Knowing Coen?

Strict kasi husband ko eh. My own thoughts made me cringed.

Tumawa si Manager dahil alam niya siguro kung sino ang tinutukoy ko. "It's okay to disobey him, Kierra," he said, emphasizing the word 'him.'

"Pero kasi---" he cut me.

"We got you, Kierra. Trust us, okay?"

.

"Hindi ba masyadong revealing 'to?" reklamo ko kay Hana habang tinitingnan ang sarili sa salamin.

"Ano ka ba? First time mo bang mag-club?" asik niya habang nag-aayos ng kanyang make-up. Mabuti na lang at pumayag siya na huwag na akong lagyan ng makapal na kolorete sa mukha. I just used pressed powder for my face and lip moisturizer sa aking lips since natural na namang mapupula ang labi ko.

Sumimangot ako. "Hindi naman." Nakapunta na ako sa mga club sa Nuere, parati kasi kaming niyayaya ni Jessica. Nadadamay lang kami ni Gab.

Anyway, I am now here at Hana's. Napagkasunduan kasi nila Manager na rito muna ako magpapalipas ng oras sa dorm ni Hana. Dahil tiyak daw na kapag uuwi ako ay hindi na raw ako makakalabas. Yes, that's partly true naman. Kaya wala na akong choice kung hindi sumama, wala na akong excuse eh. And besides, gusto ko rin mag-enjoy sa Søren.

Nakasuot ako ngayon ng black high-waisted ripped jean that was partnered with a fitted white top, na parang kinulang sa tela dahil labas ang pusod ko. Hindi kaya magkasakit ako nito? Hana and I had the same size kaya nagkasya sa akin ang mga damit niya.

I exclaimed. "Wala ka na bang iba?" tanong ko muli.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Sa club ang punta natin, girl," pagpapaalala niya sa akin. Actually, hindi naman talaga mahalay ang suot ko, sadyang hindi lang talaga ako mahilig sa mga ganitong klase ng damit. Pero hayaan na, ngayong gabi lang naman.

Hana's wearing a black fitting bodysuit and a pink mini skirt. Pareho kaming naka-white sneakers lang dahil hindi namin feel mag-high heels.

"Oh," inabot niya sa akin ang isang black clutch bag. "Ilagay mo lang diyan 'yung important things mo. Alangan namang bitbitin mo pa 'yang backpack mo."

I smiled. "Thanks."

I opened my phone na pero I turned off the wifi dahil hindi pa ako handang makita ang pangba-bash ng iba sa akin. Maybe later, I'll check out my account.

Maya-maya lang ay nag-text na si Luke kay Hana. Naroon na sila sa baba at hinihintay kami. Good thing Manager owns a vehicle. Kaya minus na ang transportation. Isa rin sa dahilan kung bakit ako sumama rito ay dahil sa libre ito ni Manager. Hindi ko dapat pinapalampas ang libre, wala kasing ganito sa Nuere.

"Wow, ang ganda naman ng mga binibini natin!" pang-aasar ni Luke. Sa dalawang araw na pagtra-trabaho ko sa café ay agad na akong nasanay sa mga pang-aasar ng isang 'to.

Sumakay na kami sa sasakyan. Dalawa lamang kaming babaeng narito ni Hana, hindi kasi pwede 'yung isang kasamahan namin dahil she's just a student.

"Gwapo naman ni Manager," asar ni Hana.

Manager's driving the car habang si Luke naman ay nasa passenger's seat. Nasa first row naman kami ni Hana at may dalawa pa sa aming likod, sina Andrew at Liam.

Napangiwi ito. "Magtigil ka nga Hana, maganda ako."

.

Maingay ang buong paligid. Halos ang lahat ay nagsasayaw sa aliw ng musika. I even saw couples making out on every corner. I made a disgusting look, can they, at least, get a room. Grabe naman kasi, nakakadiri lang. Wala sa sariling napakapit ako sa braso ni Hana upang hindi mawala.

Sobrang dami rin ng mga tao kaya I had a hard time breathing. Hindi talaga ako fan ng mga matataong lugar simula noong bata pa lamang ako. Meron akong konting agoraphobic which is not a good thing. Pero base sa mga pahayag nina Jessica at Gab, nawawala raw ang phobia ko kapag natatamaan ng alak. What a horrible side of me.

We stopped in our reserved table at doon umupo. Napahinga ako nang maluwag at pinakiramdam ang sarili. Okay, I'm fine pa naman. Agad kong tinira ang mga pulutan na naroon. Ito lamang ang ambag ko, taga-kain.

"This is my treat so drink whatever you want!" halos sigaw nang saad ni Manager dahil sa lakas ng tunog na nanggagaling sa dance floor.

Nagsimula na ang inuman nila. Habang ako ay nagmamasid-masid lang. Umiinom naman ako ng liquor pero mababa lang ang tolerance ko kaya I chose not to drink. Base kasi kina Gaby at Jess, hindi raw ako magandang malasing. I wonder why...

Habang nagkwe-kwentuhan sila ay pasimple kong kinuha ang aking phone. Laking gulat ko nang makita ang mga notifications galing sa nag-iisang numero.

"Si Coen?" bulong ko sa sarili ko. Mabilis kong binasa ang mga text messages niya.

.

Coen: Where are you? It's getting late.

Coen: It's already 8PM.

Coen: My men told me na sarado na ang coffee shop. Where the fuck are you?

Coen: Damn, fine! I'll unfollow you on Instagram.

Coen: Nag-aalala na ako, Kierra. It's 9PM for fuck's sake!

Coen: Umuwi ka na. Søren is dangerous for you.

Coen: Stop worrying me. Nasa'n ka?

.

Magtitipa na sana ako ng mensahe nang kunin ni Hana ang aking telepono at binigay sa ‘kin ang isang shotglass. "Puro ka cellphone, uminom ka naman!"

Mabilis akong umiling. "Bad drinker ako, Hana."

Kumunot ito. "Just one, please?"

All of them cheered for me at wala na akong nagawa kung hindi inumin iyon. Okay, being kind has also its disadvantage. It's not healthy.

Ngunit ang isang inom kong 'yon ay nadagdagan pa ng dalawa, tatlo at marami pang pag-inom. Sabi na eh, I shouldn’t have drink that.

Tumunog ang aking phone at pangalan ni Coen ang lumabas doon. Agad ko iyong sinagot kahit medyo nahihilo-hilo na ako dahil sa alak.

"Hi, hubby!" I shouted kaya napatingin sa akin ang mga kasama ko. I signaled them to hush dahil baka mabisto niya akong nasa club.

["Nasaan ka, Kierra?"] ma-awtoridad niyang tanong. Nakakatakot ang tono ng kanyang pananalita, mabuti na lang at medyo natamaan na ako ng alak kaya nasagot ko siya.

"Edi nasa puso mo!" banat ko at malakas na tumawa.

Hindi niya pinansin ang joke ko ["Are you drunk?"] Narinig ko siyang bumuntong-hininga. ["Tell me your location. Now."]

I laughed. "I don't know where I am."

["Fuck. Wala ka bang kasama?"]

"Meron. Kasama ko si Hana, si Manager Ganda, si Luke, Andrew at Liam."

["What the fuck, Kierra. You're with guys?!"] Bakas dito ang pagkainis niya pero hindi ko iyon pinansin.

"Yes, they're pogi," I paused and giggled. "Pero mas gwapo ka."

Narinig ko ang malakas niyang paghinga. ["Ask them which club are you in,"] utos ni Coen na agad ko namang sinunod.

"Manager!" tawag ko rito. "Nasa'n daw tayo? Tanong ni hubby."

Sumagot naman ang bakla. "Nasa Chastel Club tayo!" sigaw niyang pabalik.

Muli kong binalik ang phone sa aking tenga. "Sa Chastel Club daw, hubby," I giggled.

["I'll fetch you there. Don't fucking drink anymore, Kierra. Stay with your manager or Hana... whoever she is. Basta 'wag kang lalapit sa mga lalaki."]

"Copy that."

Pinatay ko ang tawag at tinapon basta ang telepono sa couch. Nakangiti kong liningon si Hana.

"Let's dance!"

.

ʜᴏᴘᴇ ʏᴏᴜ ɢᴜʏs ᴀʀᴇ ʜᴀᴠɪɴɢ ᴀ ɢᴏᴏᴅ ᴛɪᴍᴇ!

.

sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro