Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Six hours had already passed nang matapos ang exam. T-in-our nila kami sa ospital at ganoon na lamang ang pagsakit ng aking panga dahil sa pagkamangha. Their facilities and pieces of equipment were all out of this world talaga. Ibang-iba ito sa ospital na pinagta-trabahuhan namin ngayon.

"Restroom lang ako," pagpapaalam ni Gab at mabilis na tumayo mula sa kanyang pagkaka-upo.

Narito kami ngayon sa isa sa pinakamurang restaurant na natagpuan namin sa Søren dahil, panigurado, hindi afford ng aming budget ang mga sikat na kainan dito.

Anyway, they gave us an hour to roam around the area kaya free kaming nakakagala ngayon, legally. But we have to return at exactly four o'clock in the afternoon dahil susunduin muli kami ng bus pabalik sa Nuere.

Ininom ko ang soda at pinagmasdan ang labas. I slightly smiled and awed.

Nagdadaanan ang mga magagarang sasakyan, halos lahat ng suot ng mga tao rito ay magagara't mga nakapustura. Napatingin ako sa aking damit, masyado itong simple at nakakahiyang tumabi sa kanila. Matataas ang mga building na narito, malayong-malayo ang itsura ng lugar na kinagisnan ko.

Natagpuan ng aking mga mata ang isang lalaking nagwawalis sa kalsada. My gaze fixed at him. Nakasuot ito ng green shirt na may logo sa bandang dibdib. Kumurba ang aking labi. Malinis ang Søren dahil sa katulad niyang trabahador.

Totoo na kapag ang isa ay nagta-trabaho at nakatira sa unang distrito ay malaki na ang kinikita nila, ngunit hindi ibig sabihin nito ay mayaman na siya. Kailangan pa rin nilang magtiyaga upang madala rito ang kanilang pamilya. Søren wouldn't be a city if there's no workers like kuya. Pasenya at pagsusumikap ang puhunan ng mga katulad nila rito.

Habang nakatingin sa labas ay napatigil ako sa aktong pagsubo nang mahagip ng aking mata ang isa pang lalaki. Lumilinga-linga ito sa likod habang natakbo na para bang may humahabol sa kanya. He's wearing an all-black outfit from head to toe. Naka-cap ito kaya hindi ko nakita nang ayos ang kanyang mukha.

Pero one thing's for sure, hinahabol siya at nakompirma ko iyon nang may mga panget na lalaki akong sunod na nakita. They were five of them at pawang lahat sila ay member ng isang gang. Hindi naman sa judgemental ako pero mukha talaga silang goons.

Hindi ko alam na pati pala rito ay nage-exist sila.

Habang sinusundan ko sila ng tingin ay nakita ko ang pagkalaglag ng relo ng lalaking naka-black sa daan. Walang ibang nakapansin noon kundi ako lamang. I was about to shrugged it off nang tinamaan agad ako ng konsensya.

"Kainis naman," bulong ko at lumabas upang kunin ang relo.

Susundan ko ba sila?

Pero masyadong delikado kung gagawin ko iyon. On the second thought, paano kung importante ang bagay na ito sa lalaking iyon?

Huminga ako nang malalim at tiningnan ang daang tinungo nila.

Five minutes.

Kapag hindi ko siya nakita sa loob ng limang minuto, babalik na ako rito sa restaurant.

Nagsimula na akong maglakad-lakad upang hanapin siya. Mabuti na lang talaga at kasikatan ng araw ngayon. Walang masyadong mga tao ang naglalakad.

Halos maging giraffe na ang leeg ko habang tinutungo ang diretsong daan kung saan sila nagsipagtakbuhan.

Grabe, ano ba 'tong pinapasok ko?

"Ano?! Lalaban ka pa?!" rinig kong magaspang na sigaw ng isang lalaki. "Kapag hindi mo ginawa ang sinabi ni Mr. Chan ay babalikan ka namin! Hindi lang 'yan ang mapapala mo!"

Bahagya akong sumilip doon at ganoon na lamang ang pagkabilog ng aking mga mata nang matagpuan ang aking hinahanap. Kasalukuyan itong nakahandusay sa sahig.

"Tara na, boss. Baka may makakita pa sa 'tin."

Agad akong nagtago nang magsimula na silang umalis. Mabuti na lamang at hindi nila ako napansin.

Hindi na ako nagtaka, dahil sa itsura ko naman talaga ngayon, hindi ako kapansin-pansin.

Nang tuluyang makaalis ang limang kalalakihang mukhang mga gangster ay muli kong tiningnan ang lalaki. Sinusubukan niyang tumayo mula sa pagkakahiga ngunit bakas sa kanyang mukha na labis siyang nasasaktan sa kanyang mga sugat.

I heaved a sigh for the nth time. Nilagay ko sa aking bulsa ang relo na hawak.

"Nababaliw ka na talaga, Kierra," bulong ko sa 'king sarili. Mabilis akong pumunta sa kanyang direksyon at dinaluhan ng tulong. May saksak siya sa tagiliran, may mga pasa sa braso at sugat sa kamao't labi.

"Sir, ayos lang po ba kayo?"

Hindi ito sumagot.

Kierra, mukhang hindi naman siya okay. Ikaw kaya ang pagtulungan ng limang lalaki!

Nilabas ko ang aking panyo at ginamit iyon na pantakip sa kanyang saksak. I gave his wound a pressure para hindi umagos nang tuloy-tuloy ang kanyang dugo. Kukunin ko na sana ang aking phone nang maalalang naiwan ko ang lahat ng aking gamit sa restaurant. Ang tanging dala ko lamang ngayon ay ang wallet kong may lamang sanlibong piso at lisensya. Pagkakataon nga naman.

"Where's your phone, sir? Kailangan mong masugod sa ospital."

Tiningnan ko ito sa kanyang mukha. Bahagya akong napahinto nang makitang nakatitig ito sa akin. Hindi sa nag-a-assume ako pero he's really staring at me. His piercing dark brown eyes were pointed at me habang ang makakapal niyang kilay ay halos magkasalubong na. Ngayong nasa harap ko siya, kitang-kita ko na ang perpektong pagkakahulma ng kanyang ilong gayon din ng kanyang labi. I saw how he clenched his concrete jaw na nagpakurap sa akin ng ilang beses.

Hindi ito ang tamang panahon para purihin ang kanyang itsura.

The guy refused. "I don't like hospitals," mahina at medyo nahihirapan niyang sambit.

What the?!

"Sir, you need an immediate treatment!" medyo naiirita kong saad. Ano 'to? Papatayin niya ba ang sarili niya?

"Get my wallet and look for my calling card," utos niya na ginawa ko naman. "Let's go to that address."

"Pero―"

"I have my personal doctor there," he tried to speak kahit nasasaktan siya.

Wala akong nagawa nang tumayo siya. Matumba-tumba ito kaya naman inalalayan ko siya hanggang sa makarating kami sa main road. I was struggling the whole time dahil halos mawalan kami ng balanse habang naglalakad. He's too tall at hanggang balikat niya lamang ako. Maraming nakatingin sa amin pero wala man lang kahit isang tumulong sa sitwasyon niya. Ganito ba talaga ang mga tao rito?

I called for a cab. Mabuti na lang at may taxi rin sila rito. Maswerte kami at agad na may huminto sa 'ming harapan.

"Ingat, continue pressing your wound," pagpapaalala ko sa kanya nang tuluyang maipasok siya sa loob. Tumingin ako sa driver. "Kuya, diyan ninyo po dalhin 'yung lalaki."

Nag-alalang lumingon ang driver at pinagmasdan ang lagay ng kanyang pasahero. "Hindi ba dapat sa ospital ang punta natin?"

"Just follow the fucking address," naiinis na sambit ni Mr. All-Black habang nakayuko.

Ay? May attitude?

Isasara ko na sana ang pinto ng sasakyan ngunit mabilis niyang hinawakan ang aking palapulsuhan. Nagkunot ang aking noo.

I glanced at his hand before my eyes went to him. "Bakit?"

Hinintay ko siyang magsalita pero imbes na sagutin ako ay hinila niya ako papasok ng sasakyan. Malakas pa rin siya para sa isang katulad niyang nabugbog at nasaksak. Without removing his grip around my wrist, he moved closer to my direction. Napako ako sa aking kinauupuan dahil sa maliit na distansya sa pagitan namin.

May saksak ba talaga ang isang ito?

The taxicab started to run. At doon, nagproseso sa utak ko kung anong gulo ang napasok ko. Awtomatikong naglakbay ang mga mata ko sa aking wristwatch. It's already 3:55 in the afternoon. Mayroon na lamang akong limang minuto para makabalik sa Hansan Hospital.

Hawak niya pa rin ako habang ang isa niyang kamay ay nasa tagiliran. Nakapikit ito ngayon but I know he's conscious. Sa higpit ba naman ng pagkakahawak?

"Kuya, pwedeng pakibaba na lang po ako rito? May pupuntahan pa kasi ako," nag-aalala kong sambit sa driver. Hindi pa ako handang makulong at ma-stock dito sa Søren.

"Continue driving. I'll triple the payment."

I glared at him kahit hindi niya ako nakikita. "Ano bang ginagawa mo?! Hindi ako taga―"

"I need you."

"Pero hindi nga kasi ako―"

"Damn," daing niya habang nakakunot ang noo. It must have been hurt a lot. Namumutla na rin siya dahil dito.

I bit my lower lip. Bahala na nga. Nilapat ko ang aking kamay sa kamay niyang nasa tagiliran. I applied more pressure on it.

"Malayo pa po ba tayo?" tanong ko sa driver.

"Malapit na po."

Ilang sandali lamang ay tumigil ang sasakyan sa isang mataas na building. Tama ba kami ng napuntahan?

We went inside while my hand was still on his wound. So basically, it really looked like I was hugging him. I heard people exclaimed when they saw this man. Maybe because of his condition? Hindi masyadong halatang duguan siya dahil na rin sa kulay ng kanyang suot.

"Dito ka ba nakatira?" Tumingala ako sa kanya.

Hindi siya umimik. He's hiding his pain.

"Thirtieth floor," he muttered pero agad ko rin iyong narinig.

Pinindot ko ang 30th button sa elevator. I mentally raised my eyebrow when I saw that his room was on top of the building. Yes naman!

Binalot kami ng katahimikan. Pinagmasdan ko na lamang ang aking repleksyon habang iniisip ang magiging kalalagyan ko rito sa Søren. The elevator tinged na nagsasabing nakarating na kami sa palapag. And with that, wala sa sarili akong napabuga ng hangin. Mabagal ang naging paghakbang namin palabas at gayon na lamang ang panlalaki ng aking mata nang isang pinto lang ang makita roon.

Don't tell me...

"You owned the whole thirtieth floor?" mangha kong tanong.

"It's called penthouse, silly," he almost mumbled.

Inutusan niya akong kunin ang isang card sa wallet niya. I swiped it on his door lock.

"Anong passcode mo?"

"Five zeroes."

Bumukas ang pintuan at tumambad sa akin kung gaano siya ngayon kayaman. Malawak ang lugar, imagine, sinakop niya lang naman ang buong palapag. His theme is black-and-white that made the environment simple yet modernized.

"Saan ang kwarto mo?"

He told me the way. Tinulungan ko siyang maglakad papunta roon. Nang makarating ay dahan-dahan ko siyang pinahiga.

"Call this number."

Agad ko iyong tinawagan. After two rings ay sumagot ito.

["Where have you been, Coen?"] malamig na tanong ng nasa kabilang linya. He doesn't sound like a doctor, though.

"The owner of this phone just got stabbed. Nandito kami ngayon sa penthouse niya. He's lying on his bed at kailangan na niya nang agarang tulong. Hindi ako nagbibiro."

["I'm sorry but who are you?"]

"I'm Kierra Vergara. He insisted to go to the hospital kaya dito kami pumunta."

["Alright. I'll bring the doctor there. Hang on."]

"Okay."



After several minutes ay dumating na rin ang doktor na nagsuri sa lalaking ito. May kasama itong isang lalaking nakasuot ng tuxedo. Matikas ang kanyang pangangatawan at pawang seryoso sa buhay. Napansin niya 'atang nakatingin ako sa kanya kaya lumingon siya sa akin.

Agad akong nag-iwas ng tingin at kusang tumayo ang aking mga balahibo. Bakit ang creepy ng aura niya?

I helped the doctor to clean the guy's wound. Mabuti na lang at walang nadaling organs or something like that. It would become complicated if that happened dahil ayaw niyang magpa-ospital. Ang tigas din ng ulo ng lalaking ito eh.



"Iwan n'yo muna kami," Mr. All-Black suddenly said nang matapos ang doktor sa pagsasalita.

"Coen." The guy in tuxedo complained pero in the end ay sumunod din. Binalingan niya muna ako nang masamang tingin bago umalis. The tuxedo man's glare left me dumbfounded. Feeling ko ay mapapanaginipan ko ang pang-thriller movie niyang mukha.

The two of them, including the doctor, left the room at natira na lamang kaming dalawa rito sa loob.

Nakasandal siya ngayon sa headboard ng kanyang king-sized bed. He crossed his arms and thoroughly examined me from head to toe. Habang ako naman ay nakatayo sa kanyang harapan.

"What are you trying to say a while ago?" he asked, full of curiosity.

Tapos ngayon mo lang tatanungin kung kailan huli na ang lahat! I checked my watch, and it says it's already 4:15 PM. Probably, nakaalis na 'yung bus pabalik sa Nuere.

Kusang bumagsak ang aking balikat. Malungkot ko siyang tiningnan bago nagsalita.

"Hindi dapat ako narito dahil galing ako sa Nuere."

.

for those who are still confused with the settings,,,
-- Dasaev is the name of their nation and it was divided into 2 districts.
1. Søren - 1st district; more powerful than the 2nd.
2. Nuere - 2nd district; less powerful

.

sourgeon, 2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro