Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XXVII : The Plot Twist

NO SPOILERS ON SNS PLS

(Chapter theme above; In my veins - Andrew Belle)


 XXVII:

The Plot Twist

DANA


Nararamdaman kong may pumapatak na butil ng likido sa noo ko kaya naman pinilit kong dumilat. Mabigat ang talukap ng mga mata ko, para bang ano mang oras ay mawawalan na naman ako ng ulirat kaya naman paulit-ulit kong ginalaw ang ulo ko.


With all my might, I moved my head in swaying motion from side to side. It was then that memories flashed before my eyes; how I had to come face to face with the horrible person I used to be, how Churchill's lifeless body laid in my arms and how Dondy appeared all of a sudden.


Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Malabo man ang paningin, naaninag ko naman ang mga kalawang sa napakaruming dingding at ang nakabitin na bumbilya sa kisame na naglalabas ng mala kulay dilaw na ilaw. May naaamoy akong napakasangsang, kagaya ito ng naamoy ko nang daanan ko ang kalsadang puno ng mga bangkay, higit na mas nakakasulasok dahil humahalo rin sa hangin ang amoy ng mga alikabok, kalawang at parang mga kemikal.


Natagpuan ko ang sarili kong nakaupo sa isang nangangalawang nang silya, sinubukan kong gumalaw ngunit nakatali ang dalawa kong kamay ko sa hawakan na nasa bawat gilid nito. Mahaba ang mga paa ng silya at mula sa kinauupuan ko'y kitang-kita ko an gang mga bahid ng dugo sa sahig.


I clenched my lips together and took a deep breath as I tried to pull my arms off the bloodied rope.


Napasinghap ako sa sobrang sakit ng braso kong natusok ng mga bubog. Konting galaw lang nito, namimilipit na ako sakit kaya ang kabilang braso na lamang ang galaw ko.


Habang nagpupumiglas ako sa pagkakatali, nililibot ko ang paningin ko. Nakita ko ang sistema ng mga tubo sa kisame, ang tatlong lumang kamang gawa sa metal na nasa tabi ko at ang pintong bahagyang nakabukas. Mahaba ang silid, hindi ko makita ang nasa dulo dahil sa kulay putting kurtinang nasa gilid ng pangatlong kama mula sa kinauupuan ko. Ang mga kama, para itong kagaya ng mga nasa ospital na may mga bakal sa bawat gilid bilang harang ngunit wala itong kahit na anong kutson, kumot o unan. Parang napakaluma na ng buong silid, mula sa mga gamit hanggang sa bawat detalye ng pader.


"Diana, don't be weak." Bulong ko na lamang sa sarili ko habang pilit na iginagalaw ang kamay ko. Habang ginagawa ko ito ay biglang sumagi sa akin ang mukha ng mga kaibigan ko, ang takot sa mukha ni Mira nang tumagos ang kamay ni Dondy sa puso niya; ang pagmamakaawa ni Wena sa dentista; ang sakit na rumehistro sa mga mata ni Axel nang makita ang bangkay ng kapatid niya; ang pag-angat ko sa mukha ni Churchill na wala nang mga mata; ang pagsaksak ni Wacky sa sarili niya para lang mailigtas ang sarili niya; at ang pamamalaam ni Cielo habang nakatayo sa gilid ng tulay.


Napatili ako sa sobrang sama ng loob at mas lalo pang binilisan ang galaw. Sa sobrang sama ng loob, ang buong katawan ko na ang ginagalaw ko. Sa sobrang sama ng loob, nagwawala na ako. Naninikip ang puso, nanggigigil ako sa bawat galaw ko. Nararamdaman kong gumagalaw na mismo ang buong upuan kaya lalo pa akong nanggigil sa paggalaw hanggang sa bigla na lamang mawalan ng balanse ang upuan at bumagsak ito kasama ako sa sahig.


Umiyak ako ng umiyak habang bagsak sa sahig. Naramdaman ko mismo ang lalong pagbaon ng mga bubog sa balat ko nang tumama ako sa sahig pero hindi na ako nakaramdam ng sakit, para sakin wala nang mas titindi pa sa sakit na nararamdaman ko ngayong napakarami nang nawala sakin.


I just hope that wherever Shem and Raze are.... They're safe... that they can somehow save Cielo and find a way out of this messed up world. Cielo will have the life that fate deprived her; Shem will have his life back and he will feel no fear anymore; And Raze... Raze will continue being the good son, the good brother and the really good friend that he is. Raze will—


"Raze!!!" Hindi ko napigilang mapasigaw nang maagaw ang atensyon ko ng isang salamin sa dulo ng silid. Oo nga't malabo ang salamin pero naaninag ko ang repleksyon ng mukha ni Raze. Nasa likod siya ng kurtinang puti kaya hindi ko siya makita kanina pero dahil sa salamin nagagawa ko na. Hindi ko man makita si Raze ng maayos, alam kong siya itong nakikita ko sa repleksyon. When you've known someone all your life, kahit paa lang niya makikilala mo na. Na kahit sa malayo pa lang, kayang-kaya mong ipusta ang lahat ng meron ka na siya iyon.


"Raze!" My throat hurts like hell but I tried to scream my heart out. My voice keeps faltering but I won't stop screaming his name.


I kept on screaming his name until I began to hear heavy footsteps coming from the door behind me, it was as if he was dragging something. Just by hearing his footsteps, I felt the pain and fear so intense that tears began to stream down my face once again.


"D-dana!" Lalo pa akong napaiyak nang marinig ko ang hinang-hinang boses ni Shem mula sa likuran ko. Gusto kong lumingon, gusto ko siyang makita ngunit hindi ako makagalaw dahil nakatali pa ako sa upuan habang bagsak sa sahig.


Muli kong narinig ang mabibigat na mga yapak ni Dondy at ilang sandali pa'y dumaan siya mismo sa uluhan ko, habang kaladkad si Shem.


"Dana!" Luhaan man at duguan, pilit na nagpupumiglas si Shem at ang mga kamay niya, pilit akong inaabot. Napasigaw ako sa sobrang panlulumo, muli akong nagpumiglas, gustong-gusto kong abutin at hawakan ang kamay ni Shem ngunit hindi ko magaawang maiagalaw ang isa man sa mga kamay ko kaya umiyak na lamang ako ng umiyak.


Walang kalaban-laban si Shem nang marahas siyang pinulot ni Dondy mula sa sahig at parang isang kasangkapang ibinalibag sa kama. Habang namimilipit si Shem sa sakit, nakita kong pinulot ni Dondy ang isang piraso ng barbed wire sa sahig.


"Shem takbo! Shem!" Tumili ako sa abot ng makakaya ngunit hindi halos makagalaw si Shem na hinang-hinang-hina na. Kapwa kami wala nang nagawa pa nang bigla na lamang itinali ni Dondy ang kamay ni Shem sa gilid ng kamang gawa sa bakal gamit ang barbed wire.


Parang nanlambot ang buo kong sistema nang marinig ang palahaw ni Shem kaya napapikit na lamang ako ng maigi habag sumasabay sa kanyang bawat palahaw.


Natatakot ako sa mga mangyayari, natatakot ako sa mga maaring gawin ni Dondy sa amin. Wala kaming pagkakataon para tumakbo, ni hindi na kami halos makagalaw. Nasa isa kaming sitwasyon na wala kaming kontrol at ang mga kapalaran namin ay nakalalay na sa isang napakasamang nilalang.


"'Wag! Dondy tangina mong gago ka andito ako! Bumalik ka dito!" Nagulat ako nang sa isang iglap ay bigla na lamang nagwala si Shem. Gaya ko namamaos man ang boses niya'y hindi parin ito pumipigil sa kanya sa pagsigaw. Sigaw siya ng sigaw at kasabay nito, muli kong narinig ang mga yapak ni Dondy na papalapit sakin.


Nang mag-angat ako ng tingin ay kitang-kita ko mismo ang mukha ni Dondy. Kung nakakatakot ang mukha niya noon, higit na itong mas nakakatakot ngayon. May malaki nang hiwa sa ibabaw ng ulo niya't halos mahati na ito pero nagagawa parin niyang gumalaw gaya ng dati. Andami niyang saksak, andami niyang taga, at ang laslas sa mukha niya'y lalo pang naglakihan pero baliwala ito sa kanya.


"P-Please, please don't." Masama si Dondy alam ko yun. He was written to instill fear because after all that's just how villains are... but I can't let go of the hope that I have... That 778 is real.


Napapikit na lamang ako nang marahas niyang hinila ang lubid na nakatali sa kamay ko. Nang gawin niya ito ay sinubukan ko agad na tumayo. Gusto kong damputin ang silya, gusto kong ihampas ito ng paulit-ulit sa kanya, gusto kong manlaban pero kahit umupo hindi ko na magawa dahil wala na akong lakas.


Nang ang pangalawa kong kamay ang pinakawalan niya, nagpumiglas na agad ako. Gusto kong gumapang palayo at magtatakbo, kasi alam kong sa paraang 'yon ay lulubayan niya sina Shem at Raze. Andaming diskarteng naglaro sa isipan ko pero sa huli, sinakal akong muli ni Dondy at binitbit patungo sa kama.


"Nooo!" Impit akong napasigaw nang nakahiga na ako sa kamang katabi sa kinaroroonan ni Shem. Wala akong kalaban-laban dahil napakahigpit ng pagkakahawak sakin ni Dondy, gusto kong magpumiglas at magsisipa pero wala na akong lakas. Sa puntong 'to alam kong kahit magpumiglas man ako't mabitawan ni Dondy, sa huli ay maabutan niya ako dahil wala na ako sa kapasidad pang gumalaw ng normal.


"Shem..." Napahagulgol ako nang magtama ang tingin namin ni Shem. Lalo pa akong napahagulgol nang makita kong dumudugo na ang mga kamay niyang nakatali sa bawat gilid ng kama gamit ang barbed wire.


"L-look at me... Dana just look at me." Umiiyak niyang sambit, "It's going to hurt but its all going to be okay." Tumango-tango siya na para bang gusto niyang maniwala ako sa kanya, nakikita ko sa mga mata niyang ito ang kailangan kong gawin.S


Bigla kong naramdaman ang paghawak ni Dondy sa pulso ko. Sa sobrang lakas niya'y ni kaunting galaw ay hindi ko na nagawa pa lalo na nang marahas niyang idinikit ang kamay ko sa malamig na bakal at pinulot ang isang may kahabaang barbed wire.


Kahit wala pang ginagawa si Dondy, agad na akong nagsisigaw at nagsisipa lalo. Kahit wala pang nangyayari, nararamdman ko na ang mga barbed wire na dumidikit sa sakin at bumubutas sa balat ko.


"Dana! Dana!" Paulit-ulit na sigaw ni Shem kaya napatingin na lamang ako sa kanya. Habang tinititigan ko ang mga mata ni Shem, lalo pa akong napapaiyak.


Nangyari ang inaasahan ko. Agad kong naramdaman ang sabay-sabay na pagtusok sa balat ko. Akala ko hanggang doon lang pero pinulupot ito ni Dondy at labis na hinigpitan, sa sobrang sakit pakiramdam ko'y paulit-ulit na pinipilipit ni Dondy ang pulso ko. Hindi ko mapigilan ang paggalaw ng mga kamay ko at dahil dito'y lalo pang bumabaon ang talim at tumitindi ang sakit.


Hinang-hina ako nang matapos si Dondy sa pagtatali sa dalawa kong kamay at mga paa. Nakakapanlumo kasi wala parin kaming kalaban-laban. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko, napatingin ako sa kamay ko at napapikit na lamang akong muli nang makita ko ang mga kamay kong punong-puno na ng dugo at ni hindi na mahitsura pa dahil sa higpit ng barbed wire na nakapulupot rito.


Biglang naglakad si Dondy palabas pero sa kabila nito'y matindi parin ang takot at kaba ko. We're all tied up, beaten up and unstable—how can we ever fight a creature like Dondy.


"I-I should've killed him better.. I should've chopped his head off... I should—"


"Dana that was the plot twist in Faceless Dondy." Biglang sambit ni Shem kaya ibinaling ko ang tingin sa kanya.


"A-ano?" Bigla akong kinabahan sa sinabi niya lalo na nang maalala ko ang naging reaksyon niya kanina sa elevator nang sabihin ko sa kanyang napatay ko si Dondy.


"Dana, minsan nang na-kwento sakin ng pinsan ko ang tungkol sa kwentong 'to... Napatay ng bida si Dondy, pinugutan niya ito ng ulo pero pagdating sa epilogue..." Umiling-iling siya kahit hinang-hina na, "Imortal siya, yun ang twist. Wala siyang mata pero sa bawat matang nakakain niya ay nakakakita siya, at sa bawat pagkain niya ng dila, lamang-loob at puso, lalo siyang lumalakas."


"Hindi ko sinasabi sa inyo kasi ayoko kayong matakot... akala ko makakahanap agad tayo ng paraan para makaalis." Nanlulumo pang sambit ni Shem.


"Oh crap..." Hindi ko alam pero natawa na lamang ako. Alam ko na kasing wala na... Lecheng buhay nga naman at talagang Imortal pa ang kalaban namin.


Biglang bumalik si Dondy dala ang isang rolyo ng barbed wire dahilan para muli kaming magkatinginan ni Shem sa sobrang kaba.


"No... Raze! Raze!" Muli akong nagsisigaw nang makita kong maglakad si Dondy patungo sa direksyon ng kinaroroonan ni Raze. Akala ko wala nang mas ititindi pa ang takot ko pero meron pa pala.


"Andiyan si Raze?" Gulat na sambit ni Shem hanggang sa kahit siya'y nagsisigaw narin.


Sa isang iglap ay bigla kong narinig ang isang pamilyar na tunog. Para bang mga maliit na gulong na dumadampi sa sahig kasabay ng mumunting kalansing ng metal. Sa isang iglap nakita namin si Dondy na may hinihila—isang mesa.


Sa bawat paghakbang ni Dondy at paggalaw ng mesa ay unti-unti kong nakita ang buhok ni Raze at hanggang sa kabuuan ng kanyang mukha. Ngunit hanggang doon na lamang ang nakita ko.


THIRD PERSON'S POV


Parang huminto ang oras para kay Shem at Dana nang makita nila ang pugot na ulo ni Raze na nakapatong sa isang mesang hinihila ni Dondy palabas silid.


Sa isang iglap, bigla na lamang bumaha ang napakaraming alaala sa isipan ni Dana kasabay ng pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata.


"Dude! I told you, no birthday gifts! Presence is enough!" Bulalas ni Dana nang iabot sa kanya ni Raze ang isang kulay asul na kahon.


Biglang inagaw ni Raze ang kahon mula sa kamay ni Dana, "Edi sige 'wag nala—"


"Hoy! Ibinigay mo na sakin! Wala nang bawian!" Agaw naman pabalik ni Dana sa kahon dahilan para matawa na lamang si Raze. Sabik na sabik na binuksan ni Dana ang kahon at laking gulat niya nang makita niya sa loob ang isang Plato at pares ng mga kubyertos kung saan nakaukit ang kanyang pangalan. Hindi mapigilan ni Dana na mapangiti ng labis.


"Naiinggit ka kasi may mga pangalan ang mga plato at kubyertos namin diba? O 'yan, hindi ka na maa-out of place sa tuwing makikikain ka doon." Natatawang sambit ni Raze.


"Ramonsito you rampaging hito! For the record once a month lang kaya!" Giit ni Dana sabay yakap sa kahon.


"Once a month ka lang hindi nakikikain sa amin!" Pang-iinis pa lalo ni Raze kaya sinamaan na lamang siya ng tingin ni Dana.


"Yung adoption papers ipapadala na ni Papa sa bahay niyo at sabi ni Papa oras na opisyal ka nang anak nila, ipapangalan daw sa'yo Ramonsita." Biro pa ni Raze sabay gulo ng buhok ni Dana, "Hi Ramonsita!" Dagdag pa nito habang tumatawa.


Inis na inis man habang sinasamaan ng tingin si Raze, unti-unting napangiti si Dana nang makita ang saya at ngiti sa mukha ni Raze.


Unti-unting naglaho sa isipan ni Dana ang imahen ng nakangiting si Raze at napalitan ito ng imahen ng kasalukuyan—ang pugot na ulo ni Raze at ang katotohanang wala na ito at kailanma'y hindi na niya ulit ito makakasama pa.


"Raze!!!" Umalingawngaw ang naglalakasang mga palahaw nina Shem at Dana. Kapwa lumuluha ang mga ito at nagwawala dahil sa nakikita.


Nagpumiglas nang nagpumiglas si Dana kahit pa nararamdaman na niya ang matinding sakit na dulot ng lalong pagkapunit ng balat at lalong paglalim ng mga sugat niya. Wala siyang ibang sinisigaw kundi ang pangalan ng kababatang itinuring narin niyang kapatid.


Muli, dala ang mesa kung saan nakapatong ang pugot na ulo ni Raze. Lumabas si Dondy sa silid dahilan para maiwan ang luhaang sina Dana at Shem.


****


"We have to do something..." Mahina at walang kaemo-emosyong sambit ni Dana habang nakatitig sa kisame.


"We can't do anything..." Mahinang tugon ni Shem na gaya niya'y wala naring kaemo-emosyon habang nakatitig sa kisame. Putlang-putla, hinang-hina at gaya rin ni Dana ay hindi na halos makakilos.


"I'm sorry for being mean and bitchy to you back then..." Sambit ng tila ba wala na sa sariling si Dana.


"Sorry kung binugbog kita." Sabi pa ni Shem kahit pa unti-unti nang nagsisimulang sumara ang kanyang mata dahil sa sobrang pagod at sakit na dinaranas.


Bahagyang hinilig ni Dana ang kanyang ulo upang tingnan si Shem, "Please don't—"


Hindi na natuloy pa ni Dana ang kanyang sasabihin nang bigla na lamang bumalik si Dondy sa silid na kinaroroonan nila at bigla na lamang naglakad papalapit kay Dana dahilan para agad na mapadilat muli si Shem at sumubok gumalaw.


"778..." Bulalas ni Dana nang mapagtantong sa kanya na lalapit si Dondy. Wala siyang magawa kundi mapapikit na lamang ng mariin.


"S-stay away from her!" Bulalas naman agad ni Shem na halos mapabangon na sa kabila ng mga barbed wire na nakakabit sa mga kamay at paa nila.


Impit na napaiyak si Dana nang maramdaman niya ang daliri ni Dondy na dumapo sa kanyang noo. Dahan-dahang bumaba ang daliri nito patungo sa kanyang ilong, labi, leeg, hanggang sa tumigil ito sa kanyang dibdib na animo'y pinapakiramdaman ang napakalakas na tibok ng puso ng dalagang takot na takot.


"Dondy! Hayop ka! Layuan mo siya! Dondy kahit na anong gawin mo wala ka paring mukha! Halimaw ka parin!" Pagwawala ni Shem. Kung ano-ano na ang isinisigaw niya upang maalis ang atensyon nito sa kaibigang si Dana.


Napalunok si Dana at paulit-ulit na humikbi. Tila ba napansin ni Dondy ang umagos na luha mula sa mga mata ni Dana kaya naman napahawak siya magkabilang pisngi ni Dana at unti-unting ipinatong ang dalawang naaagnas na hintuturo sa mga mata nitong nakasara.



END OF CHAPTER 27!

Note: Just to clear things out to anyone who could still be wondering, The title refers to the "Faceless Dondy" plot twist and Churchill never knew about Dondy's immortality. 

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro