Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XXVI : Fear came true



(Chapter Theme above; Sorry – Sleeping with Sirens)

x NO SPOILERS ON SNS PLEASE, RESPECT PARA SA DI PA NAKAKABASA x


XXVI:

Fear came true

DANA


"I hate myself, this time I'm saying it literally." Bulalas ko habang pinagmamasdan siyang nakahiga na sa sahig matapos kong ipatikim sa kanya ang sipang natutunan ko mula kay Sonya.


"Not bad pathetic-me, not bad." Nakangisi niyang sambit habang hinahaplos ang dugong lumitaw sa gilid ng labi niya pero hindi gaya ng dugo ko, kulay itim ang sa kanya. Gusto ko pa sana siyang undayan ng sipa at tadyak pero napakabilis siyang makatayo.


"You know, we don't have to fight each other. We can work together, even live together! We can also be each other's best friend, ayaw mo nun, hindi ka na uli mag-iisa?" Kaswal niyang sambit sabay ngisi.


"I already have a bestfriend—"


"Don't you dare mention her fucking name!" Bigla na lamang umalingawngaw ang napakalakas niyang sigaw. Kung kanina ay nagagawa pa niyang ngumiti at ngumisi, ngayo'y punong-puno na ng galit ang kanyang mukha. Mula sa boses hanggang sa mga mata, wala akong ibang nababasa sa kanya kundi galit, napakatinding galit.


"W-wait you hate her?" Nakunot ang noo ko.


"That bitch left us alone when we needed her the most! We were at the brink of death pero asan siya?! She didn't even ask if we were still alive! She just disappeared and never even made a call or said goodbye! I hate her to death! You should hate her!" Punong-puno ng galit ang bawat pagbitaw niya ng salita. At sa bawat salita niya, labis akong nanlulumo kasi nabitawan ko mismo ang mga salitang 'to kay Cielo. I blamed her for everything and insisted the things I assumed.


"She was in coma for months and was committed to a mental institution! Ikaw ang—Tayo ang mali! Cielo loves us okay?! Cielo is still the Cielo we grew up with!" Giit ko na lamang kahit pa sobrang sakit na ng lalamunan ko't nagsisimula na namang tumakas ang luha mula sa mga mata ko.


"O tapos?! What's your point stupid bitch?! We were there when her psychotic grandpa kept on going after her! We protected her! We were kids but we fought for her! We were scared but we protected her! She left us alone and even broke Raze's heart! You saw how heartbroken he was right?!" She argued but tears started streaming down her face. Looking at her right now, reminds me of what I felt years ago. Before knowing the truth, I was her... I was definitely like this.


"Yang nangyayari sa'yo? That's Cielo's fault! This is all her fault! If we never met her, our lives would've been better! She's better off dead and I hope she dies and rots in hell for the rest of time!" Muli niyang pagwawala.


"W-whose fear are you?" May idea na ako pero sa kabila nito ay hindi ko parin mapigilang magtanong.


"Well I'm definitely not yours my dear." Aniya.


Parang muling nanghina ang mga paa ko hanggang sa tuluyan akong bumagsak ng paupo sa sahig. Hindi magkamayaw ang luha ko dahil sa napagtanto.


This girl standing right in front of me... This is one of the things that Cielo feared the most and the worst part, it happened, I made it happen. Cielo was scared that I would hate her for leaving and blame her for everything which I did—I blamed Cielo, said really hurtful words and actions that I could never take back.


"Cielo isn't worth it, she left us alone and didn't even bother to care for us! Itinapon niya ang lahat ng pinagsamahan natin! To her, we're just her childhood toys!" Giit niya.


"Y-you're just saying that because that's what you are, a manifestation of Cielo's fear! Yes we both had the same thoughts but I learned something! Real friendship isn't about connecting and talking all the time! It's about cherishing the memories and never forgetting despite of the distance fate brings! That's what happened to me and Cielo, despite of the distance we never forgot about each other! She still cared for me and despite of all the words I uttered, I never stopped thinking about her! You won't understand what I'm saying or why I'm saying this because you're not real! You're just—" Natigil ako sa pagsasalita nang bigla akong nakatanggap ng sipa sa sikmura mula sa kanya. Sa sobrang sakit ay napanganga na lamang ako't paulit-ulit na suminghap.


"I'm real Dana, I'm you." Aniya kaya nag-angat ako ng tingin at tinitigan siya sa mga mata. Namimilipit man dahil sa sakit, pinilit kong ngumisi.


"See, we're just the same flesh and blood. Ano na? Kakampihan mo ba talaga si Cielo gaya ni Shem? Lokong Shem yun eh, pinagtatanggol pa si Cielo. Kaya ikaw sabihin mo lang kung kay Cielo ka talaga kakampi para ikaw nalang ang uunahin ko." Aniya pa.


"I'm no longer just like you..." Pabulong kong sambit.


"Speak up, stupid." Giit niya sabay tapik ng pisngi ko.


"I said... Die!" Tili ko at agad siyang sinugod. Tumalon ako patungo sa kanya at agad siyang sinabunutan. Pinulupot ko ang dalawa kong mga paa sa kanya kaya naman nawalan siya ng balanse at kapwa kami bumagsak habang nakapatong parin ako sa kanya. Paulit-ulit ko siyang pinagsasampal sa abot ng makakaya ko. Gumaganti siya pero halatang hirap siyang gumalaw dahil sa sakit ng likod niya.


"You are the old me! I'm smarter and stronger now! I'm not as weak and stupid as you!" Tili ko at mas lalo pang nagpabigat habang paulit-ulit siyang sinusuntok sa dibdib at mukha. Habang tumatagal, lumalakas ang pagwasiwas ng kanyang kamay na tumatama na sakin at nagagawa na niyang mahampas ang ulo ko.


Sa isang iglap ay bigla niyang natamaan ang isa sa mga bubog na nakatusok parin sa braso ko. Sa sobrang sakit muli na naman akong napahiyaw, nakita ko ang pagkurba ng ngisi sa mukha niya. Parang umabot na sa sukdulan ang hinanakit ko nang makita ko siyang ngumisi, nakakapagod nang masaktan, nakakapagod nang mabugbog pero ang mas nakakainis ay yung sarili ko pa ang gumagawa nito.


"You like shards of glass huh?!" Napatili ako at sa sobrang galit ko ay ako na mismo ang humugot sa pinakamahabang bubog na natusok pa sa braso ko. Naramdaman ko ang pagbulwak ng dugo mula sa sugat ko pero wala na akong naramdamang sakit, para nang namanhid ang braso ko sa sobrang pamamaga. Naramdaman kong nahiwa na naman ang palad ko dahil rito pero imbes na bumitaw ay lalo ko lang itong hinawakan ng mahigpit.


"One-strike, full force"


Bigla kong naalala ang sinabi ni Axel kaya naman muli akong napatili upang makapag-ipon ng lakas at sa isang mabilis na galaw, buong lakas kong ibinagsak ang matulis na parte ng bubog sa mismong leeg niya. Dahil sa ginawa ko, agad nagtalsikan sa mukha ko ang mangitim-ngitim na niyang dugo.


"B-bakit?" Wala mang boses na lumalabas mula sa bibig niya, nababasa ko naman ang galaw ng labi niya.


"Because I'm no longer like you and I'm never going to be like you again." Hindi ko man mapigilan ang pagluha, muli kong hinugot ang bubog sa leeg niya dahilan para paulit-ulit siyang suminghap. Nakakapanlumong makita ang sarili ko sa ganitong sitwasyon kaya naman buong lakas at paulit-ulit ko na lamang pinagsasaksak ang leeg niya hanggang sa makita kong tumigil na sa paggalaw ang kanyang mga mata.


Isang nakakakilabot na langitngit ang narinig ko mula sa isang pinto kaya naman dali-dali akong napatayo at napatingin sa direksyon ng pinanggalingan nito.


"Churchill..." Napasinghap ako.


Parang nanghina ang mga kamay ko't tuluyan kong nabitawan ang matulis na bubog nang makitang nakabukas na ang pinto patungo sa hagdan.


"Churchil!" Muli kong naramdaman ang mabilis na kabog ng puso ko. Dali-dali akong nagtatakbo patungo sa pinto, sa sobrang taranta halos madulas pa ako dahil sa mga laman at dugong nanatili sa sapatos ko.


Sa pagpasok ko pa lamang rito ay agad na bumungad sa akin ang hagdan paitaas. Maraming bahid ng dugo sa baitang at alam kong sa amin ito nanggaling. Ibinaba ko ang tingin sa sahig at nakita ko ang mga bubog na mula sa emergency box na binasag ko. May mga bahid rin ng dugo sa sahig at alam kong sa akin ito nanggaling kaya naman sinundan ko ito hanggang sa muli ko siyang makita.


"Churchill andito na ako!" Hindi ko mapigilang mapangiti. Nakaupo parin siya sa lugar kung saan ko siya nakita ngunit parang nakatulog siya kasi nakayuko na ang ulo niya.


"Churchill andito si Shem, nasa taas pero for sure naghahanap na yun ng paraan para makapunta rito!" Pamamalita ko at sabik na lumapit sa kanya. Dali-dali akong naupo sa harapan niya sabay tapik ng balikat niya para naman magising siya. Para akong timang, oo nga't hindi pa kami ligtas pero masaya ako kasi atleat nadagdagan kami.


Paulit-ulit kong tinapik ang balikat niya pero hindi siya gumagalaw kaya naman napahawak ako sa magkabila niyang pisngi upang dahan-dahang maiangat ang mukha niya.


Nang tuluyan kong maingat at masilayan ang mukha niya, hindi ko na magawang makangiti pa at naramdaman ko nalang ang kusang pagbasak ng mga luha ko. Naninikip ang dibdib ko at hindi ako halos makahinga, wala akong magawa kundi mapanganga habang pilit na sumisinghap.


Nanginig nang labis ang mga kamay ko, paulit-ulit ko pang kinurap-kurap ang mga mata ko kasi umaasa ako na hindi 'to totoo, na nililinlang lang ako ng paningin ko.


"Churchill!!!" Napahiyaw ako ng ubod ng lakas habang pinagmamasdan ang mukha niyang ngayo'y wala nang mga mata. Butas na lamang ang nakikita ko mula sa mga ito at mula sa butas, umaagos ang napakaraming dugo pababa sa mukha niya.


"Hindi! Hindi mo ako iiwan! P-pareho pa nating sasapakin si Wacky sa pinaggagawa niya! U-uuwi ka pa sa inyo at makikipaglaro ka ulit sa mga kapatid mo diba?!" Sa sobrang panlulumo, pumipiyok na ang boses ko't nauuwi na sa hagulgol. Humagulgol ako nang humagulgol, hindi ko na magawang makapagsalita pa.


"Ch-churchill!" Agad ko siyang niyakap ng mahigpit pero lumupaypay lamang ang katawan niya. Paulit-ulit kong binubulong sa sarili ko na hindi 'to totoo, na oras na bumitaw ako kay Churchill ay makikita ko ulit ang mga mata niyang bilugan at maitim, na maririnig ko ulit ang mga hirit at pang-aasar niyang minsan nang sumubok sa kamao ko.


Bigla akong may naramdamang kakaiba, para bang may kung anong bumuhos patungo sa damit ko. Dahan-dahan akong bumitaw kay Churchill at ibinaba ang tingin sa dibdib niya.


"Hindi!!" Lalo pa akong napatili nang makita ko ang dibdib niyang ngayo'y wakwak na at wala nang laman. Paulit-ulit akong umiling-iling, gamit ang nanginginig kong mga kamay, muli kong tinapik ang mga pisngi niya. Hindi na magkamayaw sa pagbuhos ang luha ko at pakiramdam ko'y masisiraan na ako ng bait sa sobrang sakit.


My hands were trembling heavily as I once again grabbed him to an embrace. I can't stop crying, I can't stop screaming, I can't stop my heart from beating so fast. I screamed and screamed at the top of my lungs as I kept on holding his nape and back. I'm starting to lose my grip on him, his body is starting to slip and drop into the floor but I can't bear to let him go.


Churchill and I may not be the best of friends back when we were younger but he is among the people I can't picture my life without. I don't to lose him, Wacky can't lose him, His family and friends can't lose him!


Bigla kong narinig na sumara ang pinto mula sa likuran ko at nakarinig ako ng mabibigat na yapak papalapit sa kinauupuan ko. Imbes na lumingon, pumikit na lamang ako at mas hinigpitan ang yakap sa lupaypay nang katawan ni Churchill.


Mas lalo pang lumapit ang mga yapak hanggang sa maramdaman kong nakatayo na siya sa mismong tabi ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at napatingin sa direksyon niya.


"B-but I killed you..." Halos hangin na lamang ang lumalabas mula sa bibig ko.


Wala akong magawa kundi mapapikit na lamang ulit nang marahas niyang hinigit ang buhok ko't itinulak ako patungo sa direksyon ng pader.




END OF CHAPTER 26!

Author's Note: 

Sorry guys but this really needs to happen.

NO TO SPOILERS

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro