XXIV : To love and protect
XXIV:
To love and protect
DANA
I can't stop crying, no matter what I do just can't stop. I'm so fed up with everything, my body hurts like hell, we're lost and clueless on how to get home, the people I grew up with disappeared and died right in front of me... the worst part is we don't even know who we're up against or will our list of enemies keep adding up.
Wacky.. or whoever was that dumbass piece of pathetic shit possessing him still hasn't appeared when in fact he was the one terrorizing us and following our every move before we got sucked in this world, and that fucking faceless dimwit mole rat Dondy is still on the loose! I'm just so tired of all this! When will this ever stop?!
"Kasalanan ko 'to..." Paninisi parin ni Churchill sa sarili niya kaya nasapo ko na lamang muli ang noo ko dahil sa sobrang inis.
"Churchill will you just stop it?! Sa ginagawa mong yan mas bobo ka pa sa mga bobong sila na nga ang nanakit sila pa ang galit! Mas bobo ka pa sa mga adik na sinasabing cool ang paninigarilyo! Mas bobo ka pa sa mga bobong politikong gumagamit ng campaign jingle pero hindi nagbabayad ng royalty! Mas bobo ka pa sa kesa sa bobong pagmumukha ni Dondy at Skunk Boris na pinagsama! Alam kong hindi ka bobo kaya umayos ka at tigil-tigilan mo ang paninisi sa sarili mo!"
And just like that, I snapped. In a fit of distraught and excruciating pain, I let my feelings manifest into distasteful words that I'm never proud of uttering. This isn't the first time I let my emotions get the best of me.
I got sucked into the wormhole again, to the wormhole of every human's weakness—emotions.
Just thinking about the words I just uttered made feel a whole lot worse, I also remembered the hurtful words I thrown towards Cielo when she got back after three years...
So many thoughts began to cloud up my mind, para bang mga bad memory na bumabalik-balik. Pakiramdam ko masisiraan na ako ng bait dahil para na akong walang kontrol sa sarili kong isip. May mga imaheng bigla na lamang bumaha sa isipan ko pero hindi ko ito matagpi-tagpi. What the hell is happening on my brain?! Ngayon pa ba umeepekto yung pagkakabagok ko ng paulit-ulit? Shit what the hell is wrong with my head! May naririnig rin akong boses, hindi ako sigurado pero parang boses ni Wacky pero hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya.
Para akong nahihilo dahil sa mga naglalaro sa isipan ko kaya naman mas minabuti kong lumabas na lamang upang mahiga sa kama pero sa pag-apak ko pa lamang palabas ng banyo ay bigla kong nakita ang pintong naiwang nakabukas.
"Wena?!" Agad akong napasigaw nang makita kong wala na si Wena sa silid. Dali-daling lumabas si Churchill mula sa banyo at nang mapagtantong umalis si Wena ay agad siyang kumaripas ng takbo palabas dala ang nag-iisa nalang naming flashlight. Hindi man ako halos makagalaw dahil sa sakit ng ulo, napatakbo na lamang ako upang sundan si Church at hanapin si Wena.
Habang tumatakbo kami sa gitna ng kawalan ay lalong lumalakas ang boses ni Wacky sa isipan ko. May sinasabi siya pero hindi mabuo sa isipan ko ang mga salitang sinasabi niya. Napakalabo ng boses niya pero alam kong siya itong naririnig ko. Kung isa man 'to sa mga pakulo ni Astaroth para pahirapan ako, isa siyang malaking tanga kasi ngayong sigurado na akong boses nga ni Wacky itong naririnig ko sa isipan ko, para bang gumagaan ang pakiramdam ko. Strange as it is, hearing Wacky's voice again gives me hope that he's okay. That by any chance, he could also be here along with Cielo. I know this is only wishful thinking but hope is the only thing I have right now.
Natigil kami ni Church sa pagtakbo. Kapwa kami nanlumo nang makita ang isang flashlight sa sahig. Dali-dali kong pinulot ang flashlight at muli na lamang nagtatakbo.
***
Isa-isa naming pinagbubuksan ni Church ang bawat silid na madaanan namin. Habang tumatagal lalong tumitindi ang pag-alala namin, paulit-ulit naming sinisigaw ang pangalan ni Wena, paulit-ulit kaming nakikiramdam sa paligid ngunit wala kaming ibang naririnig kundi nakakabinging katahimikan.
Takbo kami ng takbo. Nasuyod na namin ang buong pasilyo kaya hinanap namin ang pintong patungo sa hagdan. Labis kaming nataranta ni Church, ni hindi na namin nagagawang magpalitan ng salita. Nang mahanap namin ang pinto ay dali-dali namin itong pinasok ngunit nang pababa na sana kami ay bigla na lamang kaming may nabangga, umalingawngaw ang sigawan namin lalo na nang malaglag kami sa hagdan.
May narinig akong kumalansing, para bang isang malaking bagay na gawa sa bakal ang tumama sa sahig.
Iilang baitang lang ang nalaglagan namin pero sapat ito para magkagulo kami, nabitawan namin ang mga flashlight at gumulong ito palayo kaya naman muli kaming binalot ng matinding kadiliman habang namimilipit sa labis na sakit.
"Please don't be Dondy! Please don't be Dondy!" Narinig kong paulit-ulit na bulalas ni Churchill, "Dana asan ka?!"
"Dana?! Churchill?!" Bigla kong narinig ang isang pamilyar na boses hindi kalayuan sa pinagbagsakan ko. Wala man akong makita dahil sa sobrang dilim, sumagi agad sa isipan ko si Axel.
"Axel?!" Bulalas ko sabay libot ng paningin ko. Naaninag ko ang liwanag ng mga flashlight sa hagdanan, pakiramdam ko ako ang pinakamalapit rito kaya naman kahit nangangapa sa dilim, pilit kong hinanap ang railings at ginamit ito bilang alalay sa pagbaba ng hagdanan.
"K-kayo lang ba?! Asan ang iba?! Nakita niyo ba ang kapatid ko o kahit sina Gino?" Dahil sa narinig ko mula kay Axel ay parang nanghina ang mga paa ko. Sa kabila nito ay pinilit ko nalang na kunin ang mga flashlight na nalaglag.
"K-kasama namin si Wena kani-kanina lang pero bigla siyang nawala." Si Churchill na mismo ang nagsabi kay Axel. Sa puntong 'yon ay nagawa ko nang makatayo at makita sina Axel at Churchill na nakatayo na sa hagdan. Axel had blood all over his clothes and his wounds are just as bad as ours but the pain and despair in his face as he learned he was so close to finding his sister, heartbreaking.
"W-we have to find her!" Aligagang bulalas ni Axel at dali-daling kinuha ang isa sa dalawang flashlight na hawak ko, "May takot ba kayo sa ospital?! Sino ang alam niyong may takot sa ospital?!" Natatarantang sambit ni Axel kaya agad kaming nagkatinginan ni Churchill.
"It's uncomfortable but I'm not afraid of it, sa pagkakaalam ko hindi naman rin takot sina Shem at Raze. I don't know about the others!" I felt so useless and it was downright disappointing.
"Hindi rin ako!" Bulalas ni Churchill, "T-teka si Cielo, diba napasok siya sa mental? Paano kung—"
"N-no..." Agad akong napailing-iling. Sa isang iglap bigla akong may naalala sa nakaraan tungkol kay Cielo, "Shit! Cielo was afraid of the dentist at school! May dentist kaya dito?!"
How could I be so stupid?! How could I forget one of Cielo's fears?! I should've remembered... I should've thought this through! Nawala sa isipan kong may iba pa pala siyang kinatatakutan maliban sa lolo niya!
****
Hanap kami ng hanap sa opisina ng dentista. Parang nawala ang lahat ng sakit na iniinda namin at wala kaming ibang inisip kundi ang mahanap siya. Sinuyod namin ang bawat palapag at nagpaikot-ikot sa mala palaisipang pasilyo. Wala sa amin ang nagpapahinga, walang humihinto. Pagkatapos ng tila ba walang hanggan, nahanap namin ang pinto patungo sa opisina ng dentista.
"Wena! Wena! Wena andito na si Kuya!" Aligagang kinalampag ni Axel ang pinto. Naka-lock ito kaya Buong lakas na sumisigaw si Axel sabay hataw ng pinto gamit ang kanyang palakol.
Nang magkaroon ng maliit na butas ang pinto, hindi alintana ni Axel ang matutulis na kahoy, ipinasok niya rito ang kanyang kamay upang mabuksan ang doorknob, ni hindi niya alintana ang pagtusok ng mga matutulis na kahoy sa pulso niya.
Parang bumagal ang oras nang mabuksan ni Axel ang pinto at tila ba tuluyang gumuho ang natitira naming pag-asa nang humakbang kami papasok at madatnan ang isang imaheng kailanma'y hinding-hindi namin makakalimutan.
Napatakip ako sa bibig ko at hindi ko na napigilan pang humagulgol. Naramdaman kong napahawak si Churchill sa braso ko at maging siya'y narinig ko ring umiyak.
Napatingin ako kay Axel na katabi ko lamang. Walang kaemo-emosyon sa mukha niya pero sa kabila nito ay patuloy at tila ba walang tigil ang pagpatak ng luha mula sa mga mata niya. Ang paningin niya, nakasentro lamang ito sa upuan kung saan naroroon si Wena—naliligo sa sariling dugo at nakatuklap na ang anit. Napakaraming dugo sa sahig at napakaraming piraso ng ngipin at laman. Dilat na dilat ang mga mata ni Wena ngunit hindi na siya gumagalaw, deretso lamang ang kanyang pag-upo pero nakatabingi na ang ulo niya... Nakatabingi kasi may malaking hiwa sa mismong leeg niya at maliit na lamang na parte ng kanyang balat at laman ang nagkakabit sa kanyang ulo at leeg.
Gusto kong magsalita, gusto kong aluin si Axel. Gusto kong may sabihin para gumaan ang pakiramdam niya pero wala eh, this is his sister. I don't know who Axel is, who Wena is... pero sa loob ng maikling na panahon na nakasama namin si Axel at Wena, alam ko kung gaano nila kamahal at pinapahalagahan ang isa't-isa. Break-ups? That's not heartbreaking. Losing someone close to your heart and knowing you'll never see or talk to that person ever again, that is the real heartbreak.
Nakita kong hinubad ni Axel ang jacket na suot niya. Nanginginig ang kanyang mga kamay at para bang wala na siyang buhay-buhay, nagsimula siyang maglakad.
"Axel don't." Humahagulgol man, napahawak ako ng mahigpit sa braso niya. Malayo lang kami mula kay Wena pero para nang pinupunit ang puso namin dahil sa dinanas niya. Kung lalapit si Axel, lalo lang niyang makikita ang masaklap na kinahantungan ni Wena at lalo lang siyang masasaktan.
Napako si Axel sa kinatatayuan niya at narinig ko siyang umiyak ng umiyak hanggang sa tuluyan siyang maupo sa sahig at napatitig sa direksyon ng mukha ni Wena. Tinatakpan ni Axel ang bibig niya gamit ang nakakuyom niyang kamao, idinaan niya sa pag-iyak ang labis na panlulumo at pighati.
Parang pinagpipira-piraso ang puso ko. Wala akong ibang magawa kundi umiyak, lahat kami ito nalang yata ang kayang gawin sa pagkakataong 'to. Mahirap tanggaping wala na si Wena pero mas mahirap tanggaping Pinatay si Wena nang walang kalaban-laban, itinali siya sa isang upuan at labis na pinahirapan. Ang masaklap ay hindi namin siya na-protektahan.
Parang wala sa sariling tumayo si Axel. Hindi ko na siya nagawang pigilan pa nang tuluyan siyang lumapit sa bangkay ni Wena at kinalas ito mula sa pagkakatali. Napalingon ako sa direksyon ni Churchill, hindi man kami nagpapalitan ng salita, para kaming nagkaintindihan at kahit lumuluha man gaya ni Axel, lumapit kami sa kaawa-awang magkapatid at tumulong.
"W-wena sorry... mahal na mahal ka ni kuya." Narinig kong paulit-ulit na sambit ni Axel kaya naman maya't-maya na lamang akong napapatingala sa kisame nang mapigilan ang luha ko.
Dahan-dahan kami sa paggalaw. Nagkalat ang napakaraming dugo sa sahig at ang masaklap ay nakita ko pa ang putol na dila ni Wena sa sahig. Ngayong nakikita namin ng malapitan ang kinahinatnan ni Wena, mas lalo pa kaming nanlulumo... Whoever did this to her made her suffer so much. May naamoy akong parang lamang nasusunog at nang makita ko ang loob ng bibig niya ay naging malinaw sa akin ang lahat. Binuhusan ng asido ang loob ng bibig niya, may kung ano-ano siyang sugat sa mukha at tuluyan nang humiwalay ang kanyang panga mula sa kanyang bungo.
Tulong-tulong naming inihiga si Wena sa sahig. Sa kabila ng dinanas ni Wena, ayaw ihiwalay ni Axel ang paningin sa kanya. Hinaplos ni Axel ang pisngi ng kapatid niya at hinalikan ito sa noo.
Kahit only child lang ako, naiintindihan ko ang sakit na nararamdaman ni Axel. When Cielo disappeared... I can't even find words to define how it felt because 'painful' is such an understatement of how I felt.
"You shouldn't remember her this way." Giit ko kay Axel at ako na mismo ang nagtakip sa mukha ni Wena gamit ang jacket, "in the end we'll only have memories and it shouldn't be the bad ones."
"Nang pinanganak siya, nangako ako sa sarili ko at sa mga magulang ko na ako ang poprotekta at aalalay lagi sa kanya. Na kahit sirain ko man ang bawat araw niya, sa huli ako parin yung taong poprotekta sa kanya." Umiiyak na sambit ni Axel habang nakatingin sa kawalan at hawak ang kamay ni Wena, "Putanginang impyernong 'to."
***
Lahat kami walang kabuhay-buhay habang naglalakad sa pasilyo. We don't even know where we're going, we don't even know what we're going to do. At alam kong hindi lang ako ang lumuluha pa hanggang ngayon. I know Axel and Churchill are still crying just like me, I know Axel's heart is still in pieces.
"Dito lang ako." Biglang bulalas ni Axel na agad naming ipinagtaka. Itinaas ni Axel ang matalim na bahagi ng kanyang palakol at ipinatong ito sa kanyang palad habang matama itong pinagmamasdan.
"Ano?" Tanong agad ni Churchill.
"Hahanapin ko muna ang Dentista. Maghanap kayo ng ligtas na—" Sa isang iglap ay biglang natigil si Axel sa pagsasalita at animo'y nakiramdam agad sa paligid. Agad na akong nakaramdam ng kaba at napahawak na lamang sa braso ni Churchill.
In a snap we heard the very familiar giggling and honking of horns and the worst part? Papalapit ito ng papalapit at para bang makakasalubong na namin.
"Not again." Napangiwi na lamang ako.
"Tumakbo na kayo." Biglang bulalas ni Axel kaya naman agad kaming napalingon sa kanya.
"We've had this talk before Axel, no one is sac—"
"Andito lang si Cielo at kailangang may makahanap sa kanya. Ikaw lang ang makakagawa nito kaya oras na makita mo siya, sabihin mong mahal na mahal ko siya." Biglang bulalas ni Axel kaya sa isang iglap ay para akong naubusan ng mga salita, "Ako na ang bahala dito! Umalis na kayo! Hanapin niyo sila!"
For the first time someone else said it... that Cielo is here somewhere and we could find her.
"Axel hindi to gugustuhin ng—" Hindi ko na pinatapos pa si Churchill sa sinasabi niya.
"Ikaw mismo ang magsasabi sa kanya kasi gaganti ka lang at hindi mamamatay. Subukan mong mamatay Axel at babalik ako sa pambubugaw kay Cielo patungo kay Raze." Pagbabanta ko at agad na hinila si Churchill sa kabilang direksyon ng pasilyo, malayo mula sa naririnig naming ingay ng mga payaso.
***
Takbo kami nang takbo ni Churchill dala lamang ang nag-iisang flashlight na humahawi sa tila ba walang hanggang kadilimang bumabalot sa amin. Hindi ko na alam saan kami pupunta pero ang nasa isip ko lang ay ang mahanap sina Shem, Raze, Cielo at mabalikan si Axel.
Nakakalito ang bawat pasilyo, paliko-liko at walang kasiguraduhan ang daang tinatahak namin.
"Hayun!" Bilglang bulalas ni Churchill at agad na nagtungo sa pintong patungo sa hagdan.
Mabibigat ang bawat hininga at maingat sa bawat hakbang, hawak-kamay kami ni Churchill habang mabilis na bumababa sa hagdanan. Wala akong ibang naririnig kundi ang mga paghangos naming humahalo sa nakakakilabot na katahimikan sa paligid.
Nang umabot kami sa dulo ng hagdan ay muling bumungad sa amin ang isang pinto. Dahil ako ang mas nauna, ako na mismo ang nagbukas ng pinto ngunit sa di inaasahan biglang bumungad sa akin ang isang malaking pigura sa harapan ko. Sa gulat, unti-unti akong itinaas ang tingin patungo sa mukha niya. Para akong nanigas sa sobrang takot at hindi na nakapagsalita pa nang mapagtanto kung sino ito.
"Dana!" Narinig ko ang sigaw ni Churchill at namalayan ko na lamang ang sarili kong nakaangat na ang mga paa mula sa sahig at hirap na hirap nang huminga. Suminghap ako ng suminghap, kitang-kita ko mismo ang kahindik-hindik na hitsura ni Dondy sa harapan ko habang sinasakal niya ako. Wala akong ibang nakikita kundi ang mga laslas niya sa mukha na nagsisilbing pamalit sa kanyang mga mata, ilong at bibig.
Nagsisimula nang mamulikat ang mga paa ko habang pilit ko itong winawasiwas. Hindi na ako halos makagalaw na para bang nararamdaman na ng katawan ko ang kakapusan ng hangin.
Napahiyaw ako ng ubod ng lakas kahit pa nakakulong ang leeg ko sa napakalaki at napakalakas na kamay ni Dondy. Labis na sakit ang naramdaman ko sa gilid ng sikmura ko, buong buhay ko ito na siguro ang pinakamatinding sakit na naranasan ko sa kabila ng dami nang naranasan kong paghihirap.
I felt it, every single bit of pain. I felt something pierce through my skin and into my flesh, I heard the gush of blood slowly flowing out of my body. Slowly and painfully, I felt four sharp things stab through my flesh, all at once... And then I heard it... I heard him laugh as if he's enjoying seeing me in pain.
Kahit wala akong ibang makita maliban sa mukha ni Dondy, alam ko mismo sa sarili ko na sinaksak ako ni Dondy gamit ang sarili niyang mga kamay na para bang gustong dukutin ang laman ko't kainin ito sa mismong harapan ko. Ang masaklap, dahan-dahan niya itong ginagawa na para bang gusto niya talaga akong saktan at pahirapan, na para bang ipinagmamayabang niyang isa lang akong mahinang nilalang at siya ang mas makapangyarihan sa lahat.... He was the predator and I was his prey. That he's on top of the food chain out to make a meal out of our own flesh.
"Bitawan mo siya!!!"
Narinig ko ang napakalakas na sigaw ni Churchill at naramdaman ko na lamang ang pagkalaglag ko sa sahig. Hilong-hilo ako at halos wala akong makita, napakasakit ng leeg ko lalo na nang sikmura ko. Pero ang sakit sa sikmura ko, mas tumindi pa. Para bang napakabigat ng nararamdaman ko kaya sa abot ng makakaya ko'y paulit-ulit kong kinurap-kurap ang mga mata ko at labis akong natakot nang makita si Churchill na pilit sinasakyan ang likuran ni Dondy at pinagsusuntok ang tuktok ng ulo nito. Gaya ko, nasa sahig rin si Dondy at nakaupo, gusto niyang gumanti kay Churchill pero para bang nahihirapan sa galaw.
May nararamdaman akong gumagalaw sa sikmura ko at lalo pa akong napatili nang makita kong nakabaon pa pala sa sikmura ko ang mga daliri ni Dondy. Labis akong nataranta, Paulit-ulit akong tumili at nagpumiglas ngunit dahil sa ginawa ko ay lalo lamang tumindi ang sakit na nararamdaman ko.
Dahil kay Churchill hindi nagawa ni Dondy na maipasok ang buo niyang kamay at makuha ang lamang-loob kaya ngayon si Churchill naman ang pilit niyang ginagantihan.
Bigla kong naalala ang kutsilyo ni Raze na nasa bulsa pa ng jacket ko kaya idinaan ko na lamang sa hiyaw ang sobrang sakit at kinuha ang kutsilyo. Nahihirapan ako sa pag-asinta dahil nagpapambuno pa sila ni Churchill na nakadagan parin sa likuran niya at pilit siyang sinasakal mula sa likuran. Mas lalo akong nahihirapan kasi sa mga pagkakataong gumagalaw man si Dondy ay lalo pang bumabaon ang kamay niya sa sikmura ko't nararamdaman ko ang matatalim niyang kuko na lalo pang lumalaslas na laman ko.
"Dana takbo na! Takbo na!" Paulit-ulit na sigaw ni Churchill at nagulat na lamang ako nang tuluyang naabot ni Churchill ang dalawang laslas sa mukha ni Dondy bilang mata. Nagsigawan kaming tatlo, kami ni Churchill dahil sa takot at pandidiri, si Dondy naman dahil sa sakit. Diring-diri man, buong lakas na ipinasok ni Churchill ang mga daliri niya sa mga laslas at at marahas itong hinila sa magkabilang direksyon na para bang gusto niyang punitin ang buong pagmumukha ni Dondy mula sa mga laslas.
Napatingin ako sa kamay ni Dondy na hanggang ngayo'y nasa sikmura ko parin.
We've all suffered...
We've all had to deal with our own losses...
My friends... they made sacrifices even if their life was at stake.
If suffering through excruciating pain is what it takes to save my friends and get them back, I'd be glad to become a slave of pain.
"Fuck you Dondy! This is for my friends!" Nagsisimula na mang mamaos ang boses ko, idinaan ko na lamang sa napakalakas na tili ang sobrang sakit. Sa pagkakataong ito ay sinugod ko si Dondy ng saksak sa kinaroroonan ng butas para sa kanyang ilong.
Ramdam ko ang bawat kuko ni Dondy na pumunit na namang muli sa laman ko dahil sa labis kong paggalaw pero hindi ko na ito pinansin.
"T-teka ingat! Ingat! Baka masaksak mo ang kamay ko!" Tarantang bulalas ni Churchill pero hinugot ko lamang ang kutsilyo at buong lakas itong isinaksak leeg. Paulit-ulit ko siyang pinagsasaksak kahit pa nagtatalsikan na sa mukha ko ang napakasangsang niyang dugo at naaagnas nang laman.
Bigla kong narinig ang pag-ungol ni Dondy ngunit hindi ko ito ininda. Sinaksak ko lang siya ng sinaksak samantalang si Churchill naman ay panay lang sa paggalawsa kanyang mga kamay upang mas lalong mapunit ang mukha ni Dondy.
Isang napakalakas at malalim na sigaw ang umalingawngaw na animo'y nanggagagaling pa sa kailaliman ng lupa. Gamit ang isang kamay kitang-kita ko ang pagtulak ni Dondy kay Churchill ng napakalakas dahilan para agad na tumilapon si Churchill sa hagdanan.
"Churchill!" Napahiyaw ako at nang maibalik ko ang paningin sa mukha ni Dondy na ngayo'y punong-puno na ng laslas at punit ay bigla kong naramdaman ang paghugot niya ng mga daliri mula sa sikmura ko. Nanlaki ang mga mata ko, sa sobrang sakit at gulat ay napasinghap na lamang ako lalo na nang maramdaman ang pagbulwak ng dugo mula sa sikmura ko.
Narinig ko ang ungol ni Dondy na animo'y naglalagablab na sa galit. Muli niyang ikinulong ang leeg ko sa napakalaki niyang kamay at tumayo kaya kahit ang lupaypay kong katawan ay napatayo rin.
Naramdaman ko na lamang ang sarili kong tumama sa dingding at bumagsak sa malamig na sahig. Sa sobrang daming beses na nila akong pinagtatapon sa dingding, hilo nalang ang nararamdaman ko, at wala nang titindi pa sa sakit na namamayani sa sikmura ko.
"D-dana takbo na! Takbo!!!" Narinig kong muli ang boses ni Churchill kaya pinilit kong gumalaw. Paulit-ulit kong kinurap-kurap ang mga mata ko upang mahanap ang liwanag at wala na akong ibang nagawa sa nakita kundi mapatili—Nakuha ni Dondy ang kutsilyong ipinansaksak ko sa kanya at naglalakad na siya papalapit kay Churchill.
Hindi magkamayaw ang luha ko sa pagbuhos. Nanlalambot ang mga paa ko't nahihirapan akong gumalaw pero pinilit kong humawak sa pader nang makatayo. Natatakot akong mapatingin sa direksyon ni Churchill, natatakot akong makitang huli na ang lahat.
Bigla akong may nahawakang isang matigas na bagay sa dingding kaya ginamit ko itong pundasyon upang makatayo. Hinang-hina ako kaya halos mapayakap ako dito hanggang sa bigla kong maramdaman ang malamig na salaming dumampi sa balat ko. Ibinaling ko ang atensyon sa kung anong nasa likod ng salamin at para akong nabuhayan ng loob nang maaninag ko kung ano ito—isang fire extinguisher at katabi nito ay isang palakol.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at buong lakas kong ibinangga ang sarili kong siko sa salamin. Paulit-ulit ko itong siniko hanggang sa tuluyang mabasag ang salamin at magtalsikan ang mga bubog nito. Dali-dali kong kinuha ang palakol at nagtatakbo patungo sa direksyon nina Churchill ngunit sa pagharap ko pa lamang sa direksyon nila ay nakita kong hawak na ni Dondy ang paa ng nakabulagtang si Churchill at walang paligoy-ligoy itong pinilipit at binali mula sa tuhod.
Kasabay ng pag-alingawngaw ng nakabibinging palahaw ni Churchill, agad akong napatili at sinugod si Dondy. Sa sobrang galit ko ay agad kong hinampas sa ulo niya ang pinakamatalim na bahagi ng palakol. Narinig ko ang mismong paghiwa ng palakol sa anit ni Dondy pero hindi ito sapat para sa akin, gamit ang natitira kong lakas ay kinaladkad ko siya palayo kay Churchill gamit ang palakol dahilan para bumagsak siya sa sahig habang nakakabit parin ang palakol sa likod ng kanyang ulo.
Parang pinupunit ang puso ko habang naririnig ang palahaw ng kababata ko kaya naman napahagulgol na lamang ako at inapakan ang likod ni Dondy, buong lakas ko itong hinugot mula sa ulo niya. Muli akong napatili nang mahawakan muli ang buong palakol at paulit-ulit na pinagtataga ang kanyang likod.
"This is for Mira, Gino and Churchill!" Napahagulgol ako at muling tinaga ang likod ng kanyang ulo. Kahit na nakakaganti na ako, napakasakit parin. Kahit na nararamdaman ko na ang dugo niyang tumatalsik at dumadanak, hindi parin ito sapat para mapunan ang napakatinding dinaramdam ko. Hampas lang ako ng hampas sa abot ng makakaya. Hirap na hirap na akong huminga pero hindi ako humihinto. Hangga't sa may lakas ako, wala akong ibang gustong gawin kundi iganti ang mga kaibigan ko.
"D-dana tama na..." Bigla kong narinig ang hinang-hina nang boses ni Churchill. Madilim man, hagip parin si Churchill ng liwanag ng nalaglag niyang flashlight. Nakita ko siya, hinang-hina habang nakabagsak sa sahig at nakasandal na sa pader.
"Churchill..." Napaiyak na lamang ako at sa huling pagkakataon ay tinaga si Dondy sa kanyang ulo.
"B-botcha na yan.. Tama na." Hinang-hina man, nagagawa parin ni Churchill na tumawa ng bahagya kaya kinuha ko na lamang ang palakol at lumapit sa kanya. Para akong nawalan ulit ng lakas nang makita ang kalunos-lunos na sitwasyon ni Churchill, ni hindi ko na nagawang mabitbit ang palakol at kinaladkad na lamang ito.
Gusto ko mang itago ang panlulumo ko, hindi ko na mapigilan pang lalong mapahagulgol ngayong kitang-kita ko na ang kalagayan ang paa niya... Dondy twisted Churchill's leg and bended it to the other direction. Maliban sa sobrang sakit, alam kong hindi narin kakayanin ni Churchill na maglakad pa.
Napaupo na lamang ako sa tabi ni Churchill sabay hawak sa tagiliran kong dumudugo parin. Kapwa kami nakatingin sa kawalan habang nakasandal sa pader, alam kong sobra na ang paghihirap niya kaya ayokong umiyak sa mismong harapan niya pero kahit na anong gawin kong pagkagat sa labi ko't pagpigil ng hikbi ko, hindi ko parin mapigilang humagulgol.
"Y-your stomach just got fingered by Faceless Dondy." Maya't-maya mang napapasinghap at napapaungol dahil sa labis na sakit, nagawa parin niyang magbiro.
"For a moment there, you lost your chill Churchill." Biro ko na lamang pabalik pero muli akong napangiwi at namilipit dahil sa labis na kirot na nararamdaman ko sa buong katawan ko. May naramdaman akong kakaiba sa siko ko at nang tingnan ko ito ay nakita kong may mga bubog palang bumaon sa jacket patungo sa balat ko at napakarami ng dugo sa jacket ko. Hinayaan ko na lamang ang bubog at hindi na ito pinansin pa. I don't want to die here but I wont have a choice if its already my time.
"S-sorry sa nasabi ko kanina... Hindi ka bobo Churchill." Sabi ko na lamang at napasandal sa balikat niya habang hawak ko parin ang duguan kong sikmura.
"Kung nandito lang si Wacky malamang nasapak na ako nun, may gusto 'yon sa'yo eh." Kahit hinang-hina, nagawa parin niyang biro sabay sandal ng ulo niya sa ibabaw ng ulo ko.
Kapwa kami hinang-hina ni Churchill at alam kong gaya ko ay lumuluha rin siya. Nanatili lang kaming nakaupo, hindi gumagalaw habang nakasandal sa isa't-isa. Kapwa kami hirap na hirap na dahil sa mga tinamo naming sugat at bali sa bali sa katawan.
Wala na akong ibang nararamdaman kundi matinding sakit at labis na panghihina. Ito na ba 'yon? Mamamatay na ba ako.
"Y-you just killed..." Natigil si Churchill sa pagsasalita at narinig ko siyang napahikbi dahil sa labis na sakit, "You just killed our greatest enemy. Galing mo Diana." Bati pa niya sakin.
"Mind is the greatest enemy." Pagtatama ko na lamang. Naghintay ako ng biro mula kay Churchill pero imbes na magsalita ay dahan-dahan niyang itinaas ang nanginginig at hinang-hina na niyang kamay na para bang gusto niyang hawakan ko ito.
"Walang malisya 'to. Kahit binibiro ko kayo noon ni Cielo ng kamanyakan moves ko, mga utol ko kayo." Aniya kaya natawa na lamang ako at hinawakan ang kamay niya kaso dahil sa ginawa kong pagtawa lalo lamang sumakit ang sikmura ko't naramdaman ko ang pagtakas ng dugo mula sugat na tinamo ko.
Dahil kapwa kami hinang-hina at halos hindi na makagalaw, nanatili kaming nakaupo sa tabi ng isa't-isa, nakasandal sa pader at magkahawak-kamay. Ilang sandali pa ay napansin ko ang unti-unting pagluwag ng hawak ni Churchill sa kamay ko, sa sobrang panghihina niya, hindi na niya makontrol ang sarili niyang kamay kaya muli, hindi ko na napigilang maiyak.
"M-my jejemonish friend..." Napalunok ako upang mapigilan ang nagbabadya kong paghikbi kaso halata na talaga sa boses ko ang pag-iyak ko, "I have a paradox for you... The word unlockable could either mean 'able to be unlocked' and 'not able to be locked'."
Narinig kong bahagyang tumawa si Churchill, "Nice... pero depende parin yan sa context."
"Oo na." Biro ko na lamang.
Hindi nagtagal ay parang bumibigat lalo ang mga mata ko. Parang unti-unti nang bumibigay ang katawan ko... It's like I'm slipping away from my own mind and consciousness. Is this how it feels like to die?
"Dana malalagpasan rin natin 'to."
Yung boses na 'yon....
Muli kong ibinalik ang tingin sa kamay na hawak ko at nagtaka ako kasi wala nang bahid ng dugo ang kamay na hawak ko. At di gaya kanina, mahigpit na ulit ang hawak niya sa kamay ko. Sa pagkakaalala ko, kapwa duguan ang mga kamay namin ni Churchill ah?
Napatingin ako sa gilid ko. Lumuluha man, hindi ko na napigilan pang mapangiti nang makita ko si Wacky sa tabi ko. Masaya akong makita siya ulit pero labis parin akong nasasaktan sa hindi malamang dahilan.
"Wacky..." Sambit ko na lamang.
"'Wag ka ngang umiyak." Nakangiti niyang sambit at pinunasan ang luha sa pisngi ko gamit ang kamay niya.
Saglit akong napapikit ngunit nang maidilat ko ang mga mata ko ay nagulat ako nang makitang si Churchill na ulit ang katabi ko. Paulit-ulit kong kinurap-kurap ang mga mata ko ngunit si Churchill parin ang nakikita ko.
Sa di malamang dahilan, napatingin ako sa kamay ko at napasinghap ako sa gulat nang makitang nanlalabo ito... Nanlalabo na para bang unti-unting naglalaho.
"Churchill!"
END OF CHAPTER 24!
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro