Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XXIII: Amelia


CHAPTER XXIII

AMELIA


Kasabay ng pagbagsak ng katawan ko sa konkretong daan ay ang lalong pagbaon ng kutsilyong nakasaksak sa dibdib ko. Wala akong ibang nararamdaman kundi sakit, napakatinding sakit.


"Cielo sorry, Cielo hindi ko gustong saktan ka pero kailangan kong gawin 'to... Hindi pwedeng magbalik si Astaroth, hindi pwede." Malabo man, naririnig ko si Teacher Emma na umiiyak.


Gusto kong huminga ngunit sa bawat pagsinghap ko'y walang ibang lumalabas sa bibig ko kundi dugo, nakasusulasok na dugo. Sa bawat tangka kong pagsinghap ay unti-unting naglalaro sa isipan ko ang iilang mga pangyayari, pangyayaring tila ba galing sa nakaraan. Unti-unti itong nagtatagpi...


Mala-kristal sa linaw na tubig, mula rito ay kitang-kita ko ang repleksyon ng sarili kong kamay na dumadampi rito. Malamig man, hindi ko mapigilang ngumiti sa preskong sensasyong dulot nito.


"Amelia, masaya ka ba?"


Naupo ako ng maayos at humarap kay Hektor na kasuluyang nagsasagwan habang kapwa kami nasa isang maliit na bangka.


Nginitian ko siya at itinapat sa ibabaw niya ang hawak kong payong na gawa sa manipis na klase ng tela at kahoy. Sa kabila ng lahat, napakasaya ko habang kasama siya rito sa lawa at nilalasap ang kagandahan ng paligid.


"Ngayong ikaw na ang kapiling, oo." Taas-noo kong sambit dahilan para mapangiti rin siya.


"Kung ganoon papayag ka nang ilayo kita sa lugar na ito?" Tanong niya dahilan para unti-unting mawala ang ngiti sa mukha ko at mapalitan ito ng panlulumo.


"Pero Hektor, nangako ako sa aking ama na mananatili sa tabi niya hangga't sa—"


"Amelia, alam mo ba kung ano ang narinig kong usap-usapan sa kabilang bayan?" Napatingin ako sa mga mata ni Hektor at wala akong ibang nakita kundi pag-aalala, matinding pag-aalala para sa akin.


"Hektor hindi ba't pinagsabihan ka na ni ama na huwag pupunta sa kabilang bayan?! Mabuti na lamang at hindi ka napaano!" Katwiran ko. Gaya niya'y hindi ko rin napigilang mag-alala lalo pa't kabilin-bilinan ng ama na huwag kaming pupunta sa kabilang bayan dahil hindi kami tanggap doon.


"Amelia gaano mo kasiguradong hindi ka ipapahamak ni Primo?" Biglang giit ni Hektor dahilan para sandali akong hindi makapagsalita.


"A-ama ko siya... Hektor, ama ko siya." Nautal ako, "hindi ba't inatasan ka pa nga niyang protektahan ako mula noong bata pa?"


Nararamdaman kong may gusto pang sabihin si Hektor ngunit nagdadalawang-isip siya. May mga salitang gustong kumawala mula sa bibig niya pero mas pinili niyang manahimik at bumuntong-hininga na lamang.


"Mahal na mahal kita, alam mo yun hindi ba?" Aniya at napasulyap sa malawak na tubig na pumapalibot sa amin.


"At mahal na mahal rin kita." Sabi ko na lamang at napahawak sa kamay niyang nakahawak parin sa kahoy na gamit niya bilang panagwan, "kung nag-aalala ka man sa maaring sabihin ni Ama oras na malaman niya ang tungkol sa ating dalawa, huwag. May tiwala si Ama sa iyo mula pagkabata at ipinagkatiwala niya nga ako sa'yo upang protektahan mo." Katwiran ko na lamang.


"Nag-aalala ako sa iyo..." Aniya at hinawakan pabalik ang kamay ko.


"Bakit naman?" Ngumiti ako ng bahagya.


"S-si Astaroth... Tunay bang mabuti siyang tao?" Nag-aalangan niyang sambit.


"Hektor naman, si Astaroth ang dahilan kung bakit sagana parati ang ani dito sa bayan. Ni wala ngang delubyo o kahit na anong masamang nangyayari dito sa bayan dahil sa kanya." Muli kong pangangatwiran.


"Pero hindi natin siya kilala, ni hindi pa nga natin siya nakikilala." Giit ni Hektor kaya nginitian ko na lamang siya.


"Kaya nga makikilala natin siya sa araw ng kaarawan ko." Giit ko naman kaya tumango na lamang ni Hektor at tumango-tango na animo'y nagpapatalo na sa akin.


***


"Amelia, kailangan mong maintindihan—" Hindi ko na pinakinggan pa si Ama at agad kong isinara ang pinto. Hindi ko naiintindihan at kailanma'y hindi ko maiintindihan kung bakit niya gugustuhing mangyari iyon sa araw ng kaarawan ko.


Napaupo na lamang ako sa dulo ng kwarto ko at hinayaan ang luha ko na umagos. Wala akong ibang nararamdaman kundi takot at lungkot. Takot kasi hindi ko na alam sino ang pagkakatiwalaan at lungkot kasi hindi ako makapaniwalang magagawa ito sa akin ng sarili kong ama. Mahirap mang paniwalaan ang mga sinasabi niya, alam ko namang hindi siya nagsisinungaling.


***


"Hindi ako sanay na hindi ka umiimik. Ano ba ang gumugulo sa iyong isipan?" Sambit ni Hektor habang hawak-kamay kaming naglalakad sa gitna ng gubat.


"'Huwag na nating pag-usapan pa." Nakangiti kong sambit at saka sumandal sa balikat niya.


"Kung ano man iyan, huwag kang mag-atubiling magbahagi sa akin." Giit niya. Sa kabila ng lahat ng mga natuklasan ko, masaya parin ako dahil sa kabila ng lahat alam kong may isang tao na lagi akong mamahalin at alam kong mapagkakatiwalaan ko at iyon ay si Hektor.


Nang unti-unti na naming natatanaw ang lawa kung saan kami laging namamasyal ay nagtaka kami nang mapansin namin ang iilang mga kalalakihan sa daungan. Tila ba may may inaabangan sila.


"Huwag na tayong tumuloy." Huminto si Hektor sa paglalakad at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.


Hindi na ako sumalungat pa dahil maging ako'y nakakaramdam narin ng kaba. Hindi ko namumukhaan ang ni isa man sa kanila at kung tutuusin, mukhang hindi sila nakatira dito sa bayan ng Fergullo dahil may bitbit silang mga tabako at alak, bagay na ipinagbabawal ni ama sa mga kababayan namin. At alam kong walang sinumang mangangahas na kumalaban sa batas ni Ama maliban lamang sa mga taga kabilang bayan.


Pasimple kaming naglakad palayo ni Hektor ngunit laking gulat namin nang bigla na lamang may humarang sa aming mga kalalakihan.


"Anong sadya niyo?" Taas-noong sambit ni Hektor at agad akong pinatayo sa likuran niya.


"Ang anak ni Primo Fergullo." Walang paligoy-ligoy na sambit ng isa sa kanila at ngumisi sa akin.


"Ayaw namin ng gulo." Hindi ko na napigilan pang maiyak dahil sa takot.


"Ayaw ninyo ng gulo?" Humalakhak ang isa kanila, "Eh kayo nga itong naghasik ng delubyo sa bayan namin! Mga kampon kayo ng Diablo!"


****


"Hektor... Hektor..." Hindi ko napigilang maiyak habang hawak ang kamay ni Hektor. Parang unti-unting namamatay ang puso ko habang nasasaksihan ko siyang hirap na hirap nang huminga dahil sa laslas sa leeg niya.


Pilit kong iniaabot ang kamay niya upang mahawakan ko ang nanginginig niyang mga kamay. Hindi magkamayaw ang luha ko sa pagbuhos at para na akong tinatakasan ng lakas hindi lang para gumalaw kung hindi para mabuhay.


"Mahal na mahal kita." Nabasa kong gumalaw ang labi ni Hektor at sa huling sandali ng buhay niya ay hinawakan niya pabalik ang kamay ko.


"Pagpasensyahan mo nalang ang tadhana Amelia... Malas mo ba naman kasi naging anak ka ni Primo Fergullo." Sabi ng isa sa mga lalaki habang hawak ang isang Sako.


"Pagbabayaran ninyo ang kalapastangang ito." Sambit ko sa pagitan ng bawat hikbi at hagulgol ko.


"Hindi Amelia, kayo ang kabayaran." Sabi ng lalaki at walang ano-ano'y bigla na lamang lumapit sa akin at ipinasok ang ulo ko sa sako. Pilit akong nagpumiglas ngunit sadyang wala na akong lakas. Namalayan ko na lamang ang sarili kong lumubog sa napakalamig na tubig.


Unti-unting pinapasok ng tubig ang sakong bumabalot sa ulo ko hanggang sa tuluyan akong hindi makahinga. Pinipilit kong suminghap, suminghap ako ng suminghap hanggang sa pumasok sa ilong ko ang malamig na tubig bagay na nagdulot sa akin ng labis na sakit. Pilit akong nagpumiglas, gusto kong umahon mula sa tubig ngunit hindi ko magawa dahil nakatali ang mga kamay at paa ko. At habang tumatagal ay nararamdaman ko ang lalo pang paglubog ng katawan ko dahil sa isang mabigat na bagay na tila ba nakatali sa paa ko.


Gusto kong huminga, wala akong ibang gustong gawin kundi huminga pero hindi ko magawa.


Napasinghap ako at muli kong natagpuan ang sarili kong nakadapa sa gitna ng daan. Humahangos ako, uhaw na uhaw akong makalanghap ng hangin. Hindi ko mapigilang mapangisi, napakasarap sa pakiramdam na makahinga ulit.


"Cielo sorry..." Naramdaman kong may humigit sa buhok ko at bahagyang iniangat ang ulo ko. Nakita ko ang isang patalim na tila ba tatama na sa leeg ko kaya naman agad akong napabalikwas at nagpumiglas.


Natagpuan ko ang sarili kong nakaupo sa kongkretong daan. Panay ang pag-singhap ko kahit pa hindi naman ako pagod. Patuloy ang pag-agos ng dugo pababa ng bibig ko at may nakikita akong kutsilyong nakatusok sa dibdib ko pero wala kaong nararamdamang sakit, ni katiting.


"H-hindi maari..." Nakita ko ang isang babaeng nakaupo sa tapat ko. Umiiyak siya at takot na takot.


Hindi maalis sa isipan ko ang nangyari kay Hektor, kung paano kami sinaktan at pinahirapan nang walang kalaban-laban kahit pa wala naman kaming ginawang kasalanan. Galit na galit ako, sa sobrang galit ay agad kong pinulot ang kutsilyong nabitawan ng babae.


Tila ba dahil sa takot niya ay ni hindi na niya nagawa pang makatakbo o magpumiglas nang sinaksak ko ito sa ulo niya. Nagtalsikan agad ang napakaraming dugo niya sa mukha at bibig ko pero hindi ko ito ininda.


Pinagmasdan ko ang nakahandusay niyang katawang nangingisay. Ang mukha niya, mukhang nakita ko na ito noon ngunit hindi ko na ito matandaan pa.


Hindi nagtagal ay tumigil sa pangingisay ang babae. Humakbang ako papalapit sa kanya ngunit bigla akong may naapakang tila ba nabasag—isang pares ng salamin... Pero hindi ko maintindihan... Ano ang salamin? Bakit alam ko ang salitang iyon kung hindi ko naman alam kung ano ang ibig sabihin nito?


Nagulat ako nang muling dumilat ang mga mata niya at makita kong kulay itim ito. Pawang kulay itim.


"Cielo takbo!"


Biglang nagbalik sa isipan ko ang pagmumukha ni Hektor kasama ang dalawa pang dalagitang hindi ko kilala, bitbit niya ang isang palakol. Sumisigaw siya at wala akong ibang nakikita sa mukha niya kundi matinding takot. Naguguluhan ako... Bakit kakaiba ang kasuotan ni Hektor at bakit niya ako tinatawag na Cielo?


Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko. Bigla akong tinamaan ng matinding kaba. Hindi ko maintindihan pero ginusto kong pulutin ang kutsilyo.... Kinuha ko ang kutsilyo at muli kong nilapitan ang babae.


Paulit-ulit at walang habas kong pinagtataga ang leeg ng babaeng may kulay itim na mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit ko ito ginagawa pero pakiramdam ko ay ito ang nararapat kong gawin.


Namalayan ko na lamang na tuluyan nang humiwalay ang ulo ng babae mula sa kanyang katawan. Nagkalat ang dugo sa paligid lalo na sa damit at balat ko. Nanginginig ang mga kamay ko at ayaw tumigil sa pagtibok ng puso ko ng napakabilis.


Napatayo ako at pinulot ang babae. Namalayan ko na lamang na may ngisi na pala ako sa labi ko.


"Cielo!"


Narinig ko ang boses ng isang babae mula sa likuran ko. Nakaramdam ako ng saya ng marinig ang boses niya kahit pa hindi pa umiiyak ang boses niya at ni hindi ko kilala kung sino ang nagmamay-ari sa boses na 'yon.


May naririnig akong mga yapak mula sa likuran ko kaya naman unti-unti ko silang nilingon.


Sa di malamang dahilan, para bang muling dinurog ang puso ko nang makita ko ang gulat at panlulumo sa pagmumukha ng babae. Binanggit niya ang pangalang Cielo habang lumuluha.


"Takbo!" Biglang sumigaw ang lalakeng kasama niya at sa isang iglap ay agad silang nagtakbuhan pero sa kabila nito ay lumingon sa akin ang babae sa huling pagkakataon; At nang magtama ang mga mata namin ay biglang pumasok sa isipan ko ang lahat.


"I grew up in a family that isn't ideal for everyone. Truth is... I wasn't really happy. I was always unhappy."


"Noong mga panahong nag-iisa ako at takot na takot, maswerte ako at may nakilala akong isang batang babaeng maarte pero mabait naman. That kid turned out to be my friend, the best friend I could ever have and I can't find the words to express how thankful I am for having someone like her by my side."


"Minsan nagkakapikunan tayo at nag-aaway. Minsan naiirita ako sa'yo dahil sa sobrang kaartehan mo. Minsan ang sarap mo ring bigwasan ng holy water, pero sa kabila ng lahat ng kabulastugan mo, mahal kita na mahal kita na para bang isang kapatid. Dana, hindi man tayo magkadugo, ikaw ang pamilya ko."


"Thank you for being a very good friend Dana. Thank you for always protecting me. Thank you for always staying by my side. Thank you for always being there. You gave me so many happy memories and I will never forget any of it... Not even a single one.... Promise ko sa'yo Dana, kahit anong mangyari magkaibigan ta'yo."


Napasinghap ako ng paulit-ulit at kasabay nito ang pagragasa ng luha mula sa mga mata ko. Muli, nakaramdam ako ng labis na bigat sa damdamin.


Napatingin ako sa hawak ko at otomatiko ko itong nabitawan nang mapagtanto ko kung ano ang hawak ko—ang pugot na ulo ni Teacher Emma na ako rin naman ang may kagagawan.


Sa sobrang bigat ng nararamdaman ko'y napaupo na lamang ako sa sahig at pinagmasdan ang mga kamay kong may bahid ng napakaraming dugo ngunit sa kabila nito ay napapansin ko parin ang itim na ugat sa balat ko.


"What the hell Cielo Snow." Napapikit ako at napatingala. Paulit-ulit akong huminga ng malalim hanggang sa maramdaman ko ang isang mabigat na bagay sa dibdib ko at nang bahagya akong mapayuko ay napangiwi na lamang ako nang makita ang kutsilyong nakasaksak parin sa dibdib ko.


"Oh shit...."


Napamura ako sa napagtanto... sa kung sino ako noon at kung ano na ako ngayon; Pero sa kabila nito ay alam ko ang totoo at wala akong balak na kalimutan ito. Ako man si Amelia Fergullo, ako parin si Cielo Snow.


Kahit na anong mangyari, ako parin si Cielo Snow.



END OF CHAPTER 23.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro