XXI: Nothing but a broken heart
CHAPTER THEME IS UP THERE :) HAPPY READING :)
NO TO SPOILERS
CHAPTER XXI
Nothing but a broken heart
CIELO
Bakit ba umabot ang lahat sa ganito?—Hindi ko maiwasang mapatanong ng paulit-ulit habang pilit na nagpapatuloy sa pagtakbo. Pagod na pagod na ako at hindi ko na matagalan ang sakit na nararamdaman sa buong katawan ko. Bukod sa lahat, pakiramdam ko'y bibigay na ang mga paa kong hinang-hina at labis ang pangangatog.
Past life, reincarnation o ano pang tawag diyan; akala ko noon kalokohan lang ito ng mga manunulat at mga taong malilikot ang imahinasyon, pero dahil sa nangyayari ngayon ay tila ba naging totoo para sa akin ang lahat.
Isang napakalaking palaisipan parin sa akin ang lahat. Marami akong hindi alam at gustong malaman, marami akong mga kasagutang hinahanap tungkol sa pagkatao ko pero siguro nga hindi ko na makukuha ang mga kasagutan dahil sa puntong ito'y huli na ang lahat.
Naramdaman ko ang tuluyang pagbagsak ng katawan ko sa kalsadang may bahid ng dugo. Napakasakit ng buo kong katawan pero sa kabila nito ay nakakaramdam ako ng ginhawa lalo pa't nakahiga na ako at nakatitig sa kalangitang madilim at ni-isang bituwin ay wala.
Napakatagal kong naghirap at naguluhan, pero sa kabila ng lahat masaya parin ako kasi may mga kaibigan akong pumrotekta sa akin hanggang sa huli; Si Raze, ang lalakeng minahal at pinrotektahan ako kahit pa alam niyang hindi ko naman kayang masuklian ang pagmamahal niya; si Dana na walang ibang ginawa kundi protektahan at ituring akong isang kapatid; At pati narin si Axel na kahit ngayon ko lang nakilala, naramdaman kong nabuo ang pagkatao ko dahil sa kanya.
"Hindi ka nila makukuha Cielo."
Nagulat ako ang bigla na lamang may kumaladkad sa akin dahilan para agad akong mapasinghap at magpumilit na gumapang palayo. Pilit akong kumawala sa pagkakahawak niya hanggang sa natagpuan ko ang sarili kong gumagapang hanggang sa makatayo.
Nagawa kong makahakbang ng iilan ngunit muli akong bumagsak sa sahig, hilong-hilo at wala nang lakas. Muli, naramdaman kong may kumaladkad sa akin sa pamamagitan ng marahas na paghawak sa mga balikat ko. Dahil wala ng lakas, hinayaan ko na lamang siyang kaladkarin ako patungo sa likod ng isang pader.
Paulit-ulit kong kinurapkurap ang mga mata ko. Paulit-ulit akong napapaubo hanggang sa maramdaman kong may tumakas mula sa bibig ko—dugo. Tuluyang bumitaw ang kumakadkad sa akin at narinig ko siyang suminghap ng suminghap na tila ba pagod na pagod dahil sa ginawa.
Bahagya akong dumapa at iniangat ang ulo ko nang sa gayon ay masilayan ko ang pagmumukha niya.
"T-teacher Emma." Hindi ako makapaniwala sa nakikita. Buhay siya... Si Teacher Emma, nakatayo sa harapan ko habang hawak ang isang kable. Humahangos man at lumuluha, matalim ang tingin niya sa akin na tila ba galit.
Oo naiintindihan ko na pumapatay silang mga skunks, pero hindi kabilang sa kanila si Teacher Emma. Duguan man siya at sugatan, malinaw parin sa akin na normal ang mga mata niya at walang kahit na anong marka sa leeg niya.
THIRD PERSON'S POV
Habang tinatakpan ang bibig ni Dana ay pikit-matang pinakiramdaman ni Shem ang paligid. Makalipas ang ilang sandali, nang mapagtantong wala na siyang yapak na naririnig ay unti-unti niyang ibinaba ang kamay.
"It's okay... It's okay.." Paulit-ulit na bulong ni Shem kay Dana nang mapansing labis ang panginginig at pagluha nito habang nagtatago silang dalawa sa ilalim ng mesa.
Idinampi ni Dana ang nakakuyom na kamao sa kanyang nakatikom na labi at pilit na pinigilan ang sariling humagulgol at humikbi ng malakas.
"T-tara na, umalis na tayo dito. Hindi na tayo ligtas dito." Muling bulong ni Shem at naunang lumabas mula sa ilalim ng mesa. Napansin niyang hindi gumagalaw si Dana kaya napaupo siya sa sahig at tumapat rito.
"Dana hindi lang ikaw ang takot." Bulong ni Shem at inabot ang kamay rito.
"I.. I can't do this anymore... we don't stand a chance...." Umiiyak na sambit ni Dana habang nauutal na isinasambit ang napagtanto.
Nanlulumo man, napabuntong-hininga na lamang si Shem at pinasadahan ng haplos ang kanyang noo.
"Shem mas marami sila at hindi tayo makakaalis... It's hopeless." Umiiyak na sambit ni Dana sa pagitan ng bawat paghikbi.
"Dana listen to me, lahat ng tao namamatay." Napabuntong-hininga si Shem at muling inabot ang kamay kay Dana, "Pagbali-baliktarin mo man ang mundo mamamatay tayo pero hindi ibig sabihin nito na susuko na agad tayo. Ano pang saysay ng pag-ire ng nanay mo kung susuko ka nalang ng ganun-ganun nalang? Pucha naman Dana, naghirap ang nanay mong iire ka sa mundong 'to tas mag-iinarte ka lang?! Lumabas ka na diyan nang makaalis na tayo dito." Bulalas pa ni Shem kaya kahit pinanghihinaan ng loob ay walang magawa si Dana kundi mapahawak sa kamay nito at lumabas mula sa pinagtataguan.
Hinila ni Shem si Dana palabas ngunit nang malapit na silang makadaan sa pintong gawa sa salamin ay biglang huminto si Shem at napabuntong-hininga na tila ba may naalala.
"Teka para saan pa ang pinunta natin dito kung wala naman tayong mapapakinabangan?" Bulalas ni Shem kaya pinunasan na lamang ni Dana ang luha sa kanyang pisngi at dali-daling naglakad patungo sa isang mahabang mesa na nasa dulo ng silid.
"May scalpel ba dito?" Tanong ni Shem habang nakatingin sa direksyon ni Dana.
"Maghahanap pa." Mahinang sambit ni Dana habang naghahanap ng mapapakinabangang kagamitan at kemikal.
"Dana may scalpel ba dito?" Tanong ulit ni Shem na hindi narinig ang sagot ng dalaga.
"Maghahanap nga ako." Sagot muli ni Dana sabay pulot ng dalawang alcohol lamp at bote ng pinulbos na aspirin. Habang dala ang mga ito ay dali-daling lumapit si Dana sa isang cabinet kung saan nakapatong ang iba't-ibang klaseng kemikal at medisina.
"Teka medicine kit ata 'yon." Sabi ni Shem sabay turo sa tuktok ng cabinet.
Napangiwi si Dana nang mapagtantong marami na nga siyang dala ngunit patuloy parin siyang inuutusan ni Shem. Babalewalain niya nalang sana ito nang may maamoy siyang masangsang, higit na mas masangsang sa naamoy nila sa tuwing nagiging malapit sa mga kalaban. Agad na nilingon ni Dana si Shem ngunit imbes na magsalita ay hindi siya nakaimik, bagkus, nabitawan niya ang lahat ng mga dala habang nakatingin sa direksyon ni Shem.
Gulat at takot, walang ibang rumehistro sa pagmumukha ni Dana kundi ang mga ito nang lumingon kay Shem.
Maging si Shem ay gulat na gulat rin sa pagkalaglag ng mga hawak ni Dana ngunit mas lalo siyang nagulat nang makita ang matinding takot sa mukha ni Dalaga habang tila ba nakatingin sa ibabaw ng balikat niya.
Napalunok si Shem nang tamaan ng matinding takot at kaba. Sa puntong ito'y may ideya na siya sa dahilan ng naging reaksyon ni Dana lalo pa't hindi rin ito ang unang pagkakataon na makita niyang ganito nalang ang gulat ni Dana.
"Pucha may skunk na naman sa likod ko diba pero utang na loob wag mong sabihing si Bo—" Mabilis man at malakas ang pananalita dahil sa matinding kaba, hindi na nagawang matapos pa ni Shem ang sinasabi nang walang ano-ano'y bigla siyang hinawakan ni Boris sa batok upang maingat at itinapon patungo sa mahabang mesang katabi lamang ni Dana.
Tila ba isang kasangkapang tumama ang sugatang katawan ni Shem sa dingding at bumagsak patungo sa mesa kung saan nakalagay ang mga aparato ng laboratoryo. Sa bigat at lakas ng pagtama ni Shem sa mesa ay agad na nawasak at nalaglag ang mga kagamitang natamaan.
Sa sobrang takot ay tila ba nanigas si Dana sa kinatatayuan; Lumuluha at nakaawang ang bibig dahil sa sobrang bilis ng nasaksihan.
Kapwa hindi makapaniwala sina Shem at Dana na ang nasa harapan ay si Boris na naman. Si Boris na higit na mas malaki sa kanila; Duguan, Naaagnas at tila ba mas determinado nang wakasan ang kanilang mga buhay.
"Ikaw ang magdadala sa amin kay Amelia!" Biglang umalingawngaw ang napakalakas at napakalalim na boses ni Boris na tila ba punong-puno ng galit dahilan para agad mapapitlag si Dana sa takot. Sa sobrang takot, walang nagawa si Dana kundi mapatili at mapapikit habang mabilis na naglakad si Boris patungo sa kanya.
"D-dana..." Napasinghap si Shem at kasabay nito ang pag-agos ng dugo mula sa ilong at labi niya. Takot at nanlulumo, Labis na nadismaya si Shem sa sarili habang pinapanood si Boris na naglalakad palapit kay Dana.
Napatingin si Shem sa kumikirot niyang braso at labis siyang namilipit sa sakit nang makitang sumaksak sa balat niya ang ilan sa mga bubog na galing sa mga gamit na nabasag.
Umalingawngaw ang napakalakas na palahaw ni Dana nang biglang pumulupot sa bewang niya ang inuod na braso ni Boris. Pilit mang nagpumiglas, tuluyan siya nitong kinarga at ipinatong ang katawan sa balikat.
"Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!" Umalingawngaw ang napakalakas na tili ni Dana habang pilit paring nagpupumiglas. Lalo pa siyang napapatili dahil sa mga uod at piraso ng laman ni Boris na dumidikit at napupunta sa kanya.
Dahil sa labis na pagpupumiglas ni Dana ay tumama ang siko niya sa anit nito. Walang nagawa si Dana kundi masuka nang maramdaman ang pagbaon ng kanyang siko sa naagnas nitong ulo.
"Dana!" Napaungol si Shem dahil sa labis na sakit ngunit sa kabila nito ay pinilit niyang gumapang sa ibabaw ng mesa hanggang sa mapansin niyang bumukas ang isa sa maliliit na tokador ng mesa, nakita niya mula dito ang isang kumikinang na scalpel.
Nang akmang dadaan na si Boris sa pintuang gawa sa salamin habang bitbit si Dana ay bigla na lamang sumugod at dumausdos sa kanya si Wacky na tila ba nagpupuyos sa matinding galit gawa ng mga nakaraang pangyayari.
Dahil sa hindi inaasahang pagsulpot ni Wacky ay pare-pareho silang nagsibagsakan sa sahig. Tumilapon si Dana at nauntog sa gilid ng isang aparador samantalang si Wacky naman ay agad na sinunggaban ng suntok ang mala-higanteng si Boris kung ikukumpara sa kanya.
"Dana!" Napasigaw si Shem sa duguan at hilong-hilong si Dana. Sa pagpupumilit na lapitan ang dalaga ay tuluyan siyang nalaglag sa mesa dahilan para mas lalong bumaon sa balat niya ang mga bubog sa braso at katawan.
Nakaramdam si Shem ng labis na sakit at nang bahagya niyang iniangat ang hita ay nakita niyang nakabaon na rito ang isang malaking piraso ng bubog.
Idinian ni Shem sa isang sigaw ang labis na sakit—isang napakalakas at nakabubulabog sa sigaw. Nangingnig man at hinang-hina dulot ng paghihirap, pinilit ni Shem na gumapang patungo sa isang upuang gawa sa metal.
Narinig ni Shem ang isang malakas na kalabog at laking gulat niya nang makitang binalibag narin si Wacky pader gaya ng ginawa sa kanya ni Boris.
Nang makitang nanginginig na at hindi na halos makatayo si Wacky ay muling napasigaw si Shem ng pagkalakas-lakas na tila ba umiipon ng lakas. Pilit na binaliwala ni Shem ang labis na sakit at pinilit ang sariling tumayo sa kabila ng labis na nararamdamang sakit sa kanyang paa.
"Shem..." Napaubo ang hilong-hilo paring si Dana na hindi man lang magawang tumayo, "Shem takbo.. tumakbo ka na" Paulit-ulit na sambit ni Dana.
Ibinaling ni Shem ang paningin sa makapal na salaming tila ba pumo-protekta sa buong laboratoryo. Pinasadahan niya ng tingin ang pinto at muling ibinalik ang tingin kay Dana.
"Hindi ako inire ng nanay ko para maging duwag." Umiling-iling si Shem at ngumiti ng pilit. Ibinaling niya ang paningin kay Boris na nagsisimulang maglakad patungo kay Dana.
"Wacky tumayo ka! Bilisan mo!" Sigaw pa ni Shem at ibinaling ang tingin kay Wacky na panay ang pagsinghap at paggapang upang makatayo.
Huminga ng malalim si Shem at hinawakan ng mahigpit ang nahanap na scalpel. Nanginginig man ang duguang mga kamay, pilit na nilalakasan ni Shem ang kalooban at mas hinihigpitan pa ang hawak sa scalpel.
"Wacky ilabas mo agad si Dana!" Muli, sumigaw si Shem sa abot ng makakaya at gamit ang natitirang lakas, iika-ika siyang nagtatakbo patungo sa direksyon ni Boris na ngayo'y napakalapit na kay Dana. Itinapon ni Shem ang kanyang sarili patungo sa likuran ni Boris at kumapit sa leeg nito.
"Wacky bilis!" Muling sigaw ni Shem at gamit ang kaliwang kamay na hawak ang scalpel ay buong lakas na pinagsasaksak si Boris sa dibdib, mukha at sa kahit na anong parteng matamaan ng nanginginig niyang kamay. Nagpupumiglas si Boris, pilit niyang iwinawakli si Shem ngunit sadyang kumapit ito ng matindi sa kanyang leeg at likuran. Hindi iniinda ni Shem ang matinding pandidiri, habang ang isang kamay ay sumasaksak kay boris, ang kabila naman ay pilit na kumakapit sa balikat ni Boris na natutuklap na ang balat at laman.
Tiniis ni Wacky ang labis na hilo at sakit nang makita ang determinasyon ni Shem na pansamantalang maagaw ang atensyon ni Boris. Dali-dali siyang gumapang patungo sa direksyon ng halos walang malay nang si Dana.
"Dana tara na!" Pagpupupumilit ni Wacky sabay kaladkad kay Dana na hindi halos maingat ang sariling katawan.
Nang makitang papalabas na sina Wacky at Dana sa laboratory ay tila ba sumiklab ang galit ni Boris. Gamit ang dalawang kamay ay hinawakan niya ang scalpel ni Shem, ni hindi nito ininda na halos mahati na sa dalawa ang palad dahil sa ginawa.
"Shit! Bilis! Takbo!" Sigaw ni Shem habang nanlalaki ang mga mata dahil sa ginawa ni Boris.
Naguguluhan man, dahil sa ubod ng lakas na sigaw ni Shem ay mas lalo pang binilisan ni Wacky ang pag-alalay kay Dana palabas ng silid. Dahil naman sa sigaw ni Shem ay napalingon si Dana sa direksyon niya.
"Shem... Shem..." Labis man ang panghihina, panay ang paglingon ni Dana sa kaibigan. Pilit niyang itinataas ang kamay sa direksyon ni Shem na tila baa yaw itong iwan.
"Dana takbo! Tak—" Umalingawngaw ang napakalakas na palahaw ni Shem nang mahawakan ni Boris ang kanyang braso at pinilipit ito ng walang kahirap-hirap. Dahil sa labis na sakit ay tuluyang bumitaw si Shem hanggang sa muli siyang malaglag sa sahig.
"Inutil!" Sigaw ni Boris at walang ano-ano'y marahas na hinigit ang ulo at paa ni Shem. Walang nagawa si Shem kundi mapasigaw na lamang nang muli siya nitong inihagis papunta sa direksyon ng isa pang mesa.
Rinig na rinig ni Shem ang pagtama niya sa mga bote at aparato, rinig niya ang pagkabasag at laglag ng mga ito, at ramdam din niya ang lalo pagtindi ng mga sugat at bali sa katawan. Nanginginig man at hindi na halos makakilos, pinilit ni Shem na ibaling ang kanyang paningin sa pintong gawa sa salamin, kitang-kita niya ang tuluyang pagdaan rito nina Wacky at Dana. Ibabalik na sana ni Shem ang paningin kay Boris nang may mapansin siyang isang kulay pulang bagay sa kanyang tabi. Nang mapagtanto niya kung ano ito ay muli niyang ibinalik ang paningin kay Boris.
'Shem whatever you do, do not push the red button!'
Nagpaulit-ulit ang mga salitang binitawan ni Dana sa isipan ni Shem nang makita nito si Boris na tila ba nagpupuyos na sa galit at nagsisimula nang maglakad upang masundan ang dalawa. Napatingin si Shem sa kanyang mga paang hindi na niya maigalaw pa.
Huminga ng malalim si Shem at ibinalik ang paningin kay Boris. Habang may ngisi sa kanyang labi, walang paligoy-ligoy at buong lakas na pinindot ni Shem ang kulay pulang buton na abot kamay lamang niya.
Sa isang iglap biglang umalingawngaw ang isang nakabibinging sirena at kasabay nito ang biglang pagsara ng pinto, dahilan para agad mahinto si Boris sa kinatatayuan.
"You're so fucking grounded young lady." Natatawang sambit ni Shem gamit ang natitirang lakas.
****
Tila ba napatnig ang tenga ni Dana nang marinig ang walang humpay na sirena ng laboratory. Nang mapalingon siya ay laking gulat niya nang makita ang pagsara ng pinto sa kanilang likuran.
"Hindi..." Napahagulgol si Dana at kahit pasuray-suray ay agad niyang iwinakli ang kamay ni Wacky at lumingon sa direksyon ng salamin.
"Shem!!!!" Tila ba dinurog ang puso ni Dana nang makita si Shem na nasa loob parin ng laboratoryo, duguan ang binata at hindi na halos gumagalaw habang nakapatong sa mesa, at ang masaklap ay hindi ito nag-iisa—kasama nitong nakulong sa loob ng laboratoryo si Boris.
Biglang nagtama ang paningin nina Boris at Dana. Kung ang mga mata ni Dana ay punong-puno ng takot, ang kay Boris naman ay matinding galit.
Walang ano-ano'y lumapit si Boris sa salamin at buong lakas itong sinuntok dahilan para agad na hinila ni Wacky si Dana palayo at akmang poprotektahan mula sa mga bubog ngunit laking gulat nang binata nang walang mangyari. Nilingon niyang muli si Boris at kitang-kita niya ang paulit-ulit nitong pagsuntok sa salamin. Yumayanig man, ni hindi man lang nabibiak ng bahagya ang salamin.
Gulat na napatingin si Wacky sa mga kamay ni Boris at labis siyang nandiri nang makitang lumalabas na ang buto sa kamao ni Boris dahil sa labis na pagsuntok sa salamin.
Biglang sumigaw si Boris ng pagkalakas-lakas dahil sa matinding galit. Galit dahil hindi siya makalabas, galit dahil hindi niya makuha ang pakay na si Dana. Ngunit kahit na anong gawin niyang pagsigaw ay walang ibang makakarinig nito maliban lamang kay Shem sa kadahilanang nakasara na ang pinto.
"No! No! Mang Boris 'wag!" Lalong napahagulgol si Dana nang biglang ibinaling ni Boris ang paningin sa direksyon ni Shem na mistulang nangingisay na habang nakaibabaw sa isang mesa.
"H-hindi! Putangina hindi!" Maging si Wacky ay napasigaw rin lalo na nang makita si Boris na naglalakad patungo sa direksyon ni Shem. Dali-daling nagtatakbo si Wacky patungo sa pinto at paulit-ulit itong kinalampag ngunit gaya ng kinahinatnan ng ginawa ni Boris, nanatiling nakasara ang pinto.
"'WAG! 'WAG!" Kapwa paulit-ulit na sumisigaw at nagmamakaawa sina Wacky at Dana habang kinakalampag ang salamin. Pilit nilang kinukuha ang atensyon ni Boris nang sa gayon ay hindi na nito malapitan si Shem ngunit tila ba determinado itong ibaling ang galit na nararamdaman sa ngayo'y walang kalaban-labang si Shem.
Dahil sa ginagawang pagkalampag nina Dana at Wacky ay punong-puno na ng bahid ng dugo ang salamin. Kapwa sila hindi tumitigil sa paghahanap ng paraan upang mailabas at matulungan si Shem.
"Parang-awa mo na! Sasama na ako sayo! 'Wag! 'Wag!" Halos hindi na makahinga si Dana dahil sa labis na kaba at panlulumo. Lalo siyang nagwala nang makitang bigla na lamang hinawakan ni Boris ang ulo ni Shem gamit ang dalawang kamay.
"Teka Wag! 'Wag! 'Wag mong gagawin yan!" Hindi mapakali si Wacky sa nakikita. Hindi man niya ganun kakilala si Shem ay ayaw niya paring makitang may mangyaring masama dito.
Lumingon si Boris sa direksyon nina Wacky at Dana habang may ngisi sa kanyang naaagnas na labi. Tila ba nanunuya pa ito habang unti-unting iniaangat ang lupaypay na katawan ni Shem sa pamamagitan lamang ng paghawak ng ulo nito.
Dahan-dahang naglakad si Boris patungo sa mismong tapat nina Dana at Wacky habang iniaangat ang katawan ni Shem.
"Shem! Oh my God! No! Please!" Humahagulgol na napaluhod si Dana dala ng labis na panlulumo lalo na nang makitang mayroon pang kamalayan si Shem. Punong-puno ng takot ang mga mata ni Shem, at dahil sa ulo niya nakahawak ang mga kamay ni Boris; punong-puno na ng dugo ang mukha ni Shem at nagmamarka na sa mukha niya ang mga kamay ni Boris.
"Diana..." Hindi niya man naririnig ang boses nito, nababasa naman ni Dana ang galaw ng duguan nitong labi.
Napasigaw si Wacky dahil sa labis na panlulumo. Pilit siyang naghahanap ng paraan upang makapasok o makuha man lamang ang atensyon ni Boris ngunit hindi niya magawa. Sa puntong ito'y nararamdaman na niyang may masamang mangyayari kaya umiiyak siyang napahawak sa balikat ni Dana at hinila ang dalaga palayo mula sa salamin.
"Hindi! Shem! Shem!" Pilit na nagpupumiglas si Dana mula sa pagkakahawak ni Wacky. Sa kabila ng lahat, nais parin ni Dana na magmakaawa para sa kaligtasan ni Shem.
Ngunit nang muling mapalingon si Dana sa direksyon ng salamin ay tila ba tumigil ang mundo niya—kitang-kita niya ang pangingisay ng mga paa ni Shem at pag-agos ng dugo pababa rito, unti-unti siyang nag-angat ng paningin, paangat ng paangat hanggang sa makita niya ang karumal-dumal na ginagawa ni Boris sa walang kalaban-labang si Shem.
Gamit ang dalawang malalaking kamay, hinigpitan nang hinigpitan ni Boris ang pagkakahawak sa ulo ni Shem hanggang sa umabot sa puntong pinipiga na niya ito.
Umalingawngaw ang napakalakas na palahaw ni Dana dahil sa nasasaksihan. Kahit si Wacky bumaliktad ang sikmura dahil sa nasaksihan at muling nasuka.
Kitang-kita nilang dalawa ang tuluyang pagkayupi ng ulo ni Shem at lalong pangingisay nito. Tumirik ang mga mata ni Shem hanggang sa tuluyang lumuwa ang mga mata nito't umagos ang napakaraming dugo pababa ng kanyang ulo. Piniga nang piniga ni Boris ang ulo ni Shem hanggang sa tuluyang lumabas ang bungo nito't dumanak ang piraso ng mga utak nito pababa ng sahig.
Nang makita ni Wacky na nakatulala na si Dana at nakikita parin ang lahat ay dali-dali niya itong niyakap ng mahigpit at pilit na pinatalikod.
Hindi nakuntento si Boris, kahit na wala nang buhay ang katawan ni Shem at nawasak na niya ang ulo nito ay buong lakas niyang ibinato ang katawan nito sa salamin, sa mismong direksyon nila Dana.
"Dana tara na!" Sapilitan na lamang na kinaladkad ni Wacky palayo ang naglulupasay na si Dana. At binalikan si Pip na pansamantala niyang pinatago sa isang maliit na silid.
****
"Dana, Dana malalampasan rin natin 'to... Malalampasan natin natin 'to." Paulit-ulit na sambit ni
Wacky habang inaalalayan sa paglalakad ang tila ba wala na sa sariling si Dana na walang ibang ginawa kundi umiyak ng umiyak sa bawat paghakbang.
"Kuya bukas na ang gate!" Bulalas ni Pip sabay turo sa gate na tila ba nawasak na.
Habang akbay at inaalalayan si Dana gamit ang kaliwang kamay ay hawak naman ni Wacky ang batang si Pip sa kanan. Hindi alam ni Wacky anong gagawin, hindi niya alam kung saan na sila pupunta o kung ano man ang gagawin nila, at mas lalong hindi niya alam paano sasabihin kay Dana ang nangyari kay Cielo. Labis man siyang apektado dahil sa mga pangyayari, mas pinili ni Wacky na magpakatatag lalo pa't alam niyang higit siyang mas kinakailangan ng mga kasamahan ngayon dahil sa mga nangyari.
Nang tuluyan silang makaalis mula sa gate ay agad na sumalubong sa kanila ang nakabibinging katahimikan sa gitna ng madilim na kalsada.
Lahat sila'y pare-parehong pagod at nanlulumo kaya wala silang ibang ginawa kundi maglakad na lamang sa gilid ng kalsada at umarte na parang walang kababalaghan at karahasang nangyayari sa buong lugar.
Nang lumiko sila sa isang kalye ay laking gulat ni Wacky nang mapagtantong may isang babaeng nakatayo sa dulo nito. Hihilahin na sana niya sina Dana at Pip papunta sa kabilang direksyon pero laking gulat niya nang bigla na lamang bumitaw si Dana mula sa kanya at nagtatakbo patungo sa direksyon ng babaeng nakatalikod mula sa kanila.
"Cielo!" Biglang bulalas ni Dana kaya naman dali-daling humabol sa kanya si Wacky at pinigilan siya sa pamamagitan ng pagpulot ng braso sa bewang nito.
"B-bitawan mo ako! Wacky ano ba?! Cielo!" Panay ang pagpupumiglas ng luhaang si Dana pero ayaw siyang bitawan ni Wacky.
Naguguluhang napatingin si Dana kay Wacky at lalo pa siyang nagtaka nang makitang umiiling si Wacky habang may luha sa kanyang mga mata.
Kapwa napalingon si Dana at Wacky sa direksyon ng babaeng nakasuot ng kulay itim. Ngayon ay unti-unti na itong gumagalaw kaya naman muling nagpumiglas si Dana at nagtatakbo papunta sa direksyon ng babae.
Nang iilang hakbang na lamang si Dana mula sa babae ay siya namang unti-unti nitong pagharap sa direksyon nila.
Muli, tila ba tumigil ang mundo ni Dana nang makita ang mukha ng babae.
"Cie... Cielo..."
Si Cielo; Duguan habang may kutsilyo pang nakatusok sa kanyang dibdib, nanginginig ito at tila ba hindi mapakali. Umaagos ang dugo mula sa bibig nito ngunit may mala-demonyong ngisi namang kapansin-pansin sa kanyang labi. Ang dating inosenteng mga mata ay ngayo'y kapwa kulay itim na. At higit sa lahat, hawak-hawak na niya ngayon ang pugot na ulo ng dating guro.
"Takbo!!" Giit ni Wacky at agad na sapilitang hinila palayo ang humahagulgol na si Dana.
END OF CHAPTER 21.
Author's Note: LALAKE si Boris. Ang sinabi ni Shem na "young lady" thingy ay isang insulto lamang kay Boris. Pun-filled insult kumbaga so dont take it literally haha.
So yup, there you have it folks... Kasing wasak na ng puso ko ngayon ang ulo ni Shem... kidding hahaha. But srsly, this is by far the most difficult death scene or perhaps chapter I've ever written. Hahaha. Hope you guys liked this chappieee
Ps, Yes guys buhay pa si Teacher Emma (Well sa beginning ng chap) kasi ng sinugod niya si Cielo sa previous chap, hinampas lang siya ni Shem kaya nawalan ng malay hihihi.
Again guys, thank you so much for reading!
VOTE AND COMMENT <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro